Seminary
Unit 5: Day 4, 2 Nephi 3


Unit 5: Day 4

2 Nephi 3

Pambungad

Sa 2 Nephi 3, nagbigay ng payo at basbas si Lehi sa kanyang bunsong anak na si Jose. Sa paggawa nito, muling isinalaysay ni Lehi ang propesiya ni Jose ng Egipto tungol sa tungkuling gagampanan ng piling tagakita na si Joseph Smith Jr. sa paglabas ng Aklat ni Mormon. Sa lesson na ito magkakaroon ka ng pagkakataong mas mapahalagahan si Propetang Joseph Smith at mas lalakas ang iyong patotoo sa banal na tungkulin niya sa Panunumbalik ng ebanghelyo.

2 Nephi 3:1–25

Isinalaysay ni Lehi ang propesiya ni Jose ng Egipto tungkol kay Propetang Joseph Smith

Itinuloy ni Lehi ang huling payo niya sa kanyang pamilya sa pagtuturo sa kanyang anak na si Jose tungkol sa tatlo pang lalaki na Jose rin ang pangalan. Gumuhit ng linya mula sa scripture reference sa 2 Nephi 3 papunta sa Jose o sa mga Jose na napag-aralan mo sa talatang iyon.

Joseph Stick Figures

Ang lesson na ito ay magtutuon sa propesiya ni Jose ng Egipto tungkol kay Propetang Joseph Smith—na ibinigay mahigit 3,000 taon bago isinilang si Joseph Smith!

  1. journal iconSa iyong scripture journal, simulan mo ang paglilista ng mga pangyayari at turo na naiisip mo tungkol kay Propetang Joseph Smith at sa kanyang tungkuling ginampanan sa Panunumbalik ng ebanghelyo. Magdaragdag ka sa listahan ng impormasyon na malalaman mo sa lesson na ito, kaya maglaan ka ng espayo na mapagsusulatan mo.

Basahin ang 2 Nephi 3:6–8, at tukuyin ang mga salita at pariralang ginamit ni Jose ng Egipto para ilarawan si Propetang Joseph Smith at ang gawain na isasakatuparan niya. Idagdag ang mga salita at pariralang ito na sa palagay mo ay mahalagang isama sa listahan mo tungkol sa Propeta sa iyong scripture journal. Sa mga talatang ito nagpatotoo si Jose ng Egipto na ibabangon ng Panginoon si Propetang Joseph Smith para sa Pagpapanumbalik ng ebanghelyo. Habang patuloy mong pinag-aaralan ang 2 Nephi 3, alamin ang mga karagdagang katotohanan tungkol kay Propetang Joseph Smith na magpapalakas ng iyong patotoo tungkol sa kanyang banal na misyon at idagdag ang mga ito sa iyong listahan.

Upang tulungan kang mas maunawaan ang propesiya ni Jose ng Egipto, pansinin kung gaano kadalas binanggit ang salitang tagakita sa 2 Nephi 3:6–7, 11, at 14. Maaari mong ilagay sa margin mo sa tabi ng isa sa mga talatang ito na ang tagakita ay isang tao na may kakayahang malaman ang mga bagay sa nakaraan, sa kasalukuyan, at sa hinaharap (tingnan sa Mosias 8:13–17).

Si Jose ng Egipto na nagsusulat ng pangitain

Sa 2 Nephi 3:7, sinabi ni Jose ng Egipto na sinabi sa kanya ng Panginoon na si Joseph Smith ay may “gawaing gagampanan … na magiging malaki ang kahalagahan” sa kanyang mga inapo. Basahin ang 2 Nephi 3:11–15, 19–21 at alamin ang gawain na “malaki ang kahalagahan” na isasagawa ng Panginoon sa pamamagitan ni Propetang Joseph Smith. Ang mga study aid na makukuha mo (mga buod ng kabanata o chapter summary, footnote, Gabay sa mga Banal na Kasulatan, at iba pa) ay makatutulong sa iyo na maunawaan ang maraming detalye na tinukoy ni Jose ng Egipto. Kapag nakahanap ka ng bagong impormasyon tungkol sa tungkuling gagampanan ni propetang Joseph Smith, idagdag ito sa listahan mo sa iyong scripture journal.

Kapag nabanggit sa mga banal na kasulatan ang “bunga ng [balakang ng isang tao],” tinutukoy nito ang mga inapo ng taong iyon. Ipinropesiya ni Jose ng Egipto na si Propetang Joseph Smith, na isa sa kanyang mga inapo, ang maglalabas ng Aklat ni Mormon sa mga huling araw.

Sa 2 Nephi 3:12, ang pariralang “ang bunga ng balakang [mga inapo ni Jose ng Egipto] ay susulat” ay tumutukoy sa isinulat na banal na talaan—ang Aklat ni Mormon—na ginawa ng mga inapo ni Jose (tingnan sa 2 Nephi 3:4). Ipinropesiya na ang Aklat ni Mormon at ang Biblia na banal na talaan na isinulat ng “bunga ng balakang ni Juda” ay “magsasama.” Hanapin sa 2 Nephi 3:12 ang mga parirala na naglalarawan ng magiging epekto sa mundo kapag nagkasama ang Aklat ni Mormon at ang Biblia.

Ipinropesiya rin ni Jose ng Egipto na mahalaga ang tungkuling gagampanan ni Propetang Joseph Smith sa plano ng Ama sa Langit na “[dalhin ang] aking mga tao sa kaligtasan” (2 Nephi 3:15).

  1. journal iconSagutin ang mga sumusunod na tanong sa iyong scripture journal upang patuloy mo pang mapahalagahan ang tungkuling ginampanan ni Joseph Smith sa plano ng kaligtasan ng Ama sa Langit:

    1. Ano ang ilan sa mga halimbawa ng mga tipan, awtoridad, o mga ordenansa na naipanumbalik sa pamamagitan ni Propetang Joseph Smith na makapagliligtas sa mga tao?

    2. Ano ang mga nagawang kaibhan ng mga pagpapalang ito sa iyong buhay?

Humanap ng mga salita o parirala na naglalarawan kay Propetang Joseph Smith sa 2 Nephi 3:24, at idagdag ang mga ito sa listahan sa iyong scripture journal. Habang binabasa mo ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Gordon B. Hinckley, idagdag sa iyong listahan ang kahit anong karagdagang turo ni Propetang Joseph Smith na nagpapatunay na siya ay “kasangkapan sa kamay ng Diyos”:

“Babanggit ako ng ilan sa maraming doktrina at gawaing nagpapatangi sa atin sa ibang simbahan, at lahat ng ito ay nagmula sa paghahayag sa batang [Propetang si Joseph.Smith]. …

“Una sa lahat, siyempre, ang pagpapakita mismo ng Diyos at ng Pinakamamahal Niyang Anak, ang muling nabuhay na Panginoong Jesucristo. …

“Ang kaalamang ito tungkol sa Diyos, na itinago sa daigdig nang maraming siglo, ang una at dakilang bagay na inihayag ng Diyos sa Kanyang piniling tagapaglingkod. …

“Ang Aklat ni Mormon ay lumabas sa pamamagitan ng kaloob at kapangyarihan ng Diyos. …

Brother Joseph

“Ang isa [pang Naiambag ni Propetang Joseph Smith] ay ang ipinanumbalik na priesthood. …

“Isa pang dakila at natatanging paghahayag na ibinigay sa Propeta ay ang plano para sa walang-hanggang buhay ng pamilya. …

“Ang kawalang-malay ng mga batang paslit ay isa pang paghahayag na ibinigay ng Diyos sa pamamagitan ni Propetang Joseph. …

“… Ang dakilang doktrina ng kaligtasan para sa mga patay ay kakaiba sa Simbahang ito. …

“Ang likas na kawalang-hanggan ng tao ay inihayag. …

“… May dapat pa akong banggitin. Ito ang alituntunin ng makabagong paghahayag. …

“… Sa loob ng maikling 38 at kalahating taon ng kanyang buhay, dumating sa pamamagitan [ni Propetang Joseph Smith] ang walang katumbas na pagbuhos ng kaalaman, mga kaloob, at doktrina” (“Mga Dakilang Bagay na Inihayag ng Diyos,” Liahona, Mayo 2005, 80–83).

Matapos ang pagpaslang kay Propetang Joseph Smith, isinulat ni Pangulong John Taylor ang naging Doktrina at mga Tipan 135. Basahin ang Doktrina at mga Tipan 135:3, at pag-isipan ang natutuhan mo sa lesson na ito tungkol sa tungkuling ginampanan ni Joseph Smith sa plano ng Ama sa Langit para sa Panunumbalik ng ebanghelyo.

  1. journal iconSagutin ang isa sa mga sumusunod na tanong sa iyong scripture journal:

    1. Ano ang natutuhan o nadama mo ngayon habang pinag-aaralan mo ang 2 Nephi 3 na nagpalakas sa iyong patotoo tungkol kay Propetang Joseph Smith?

    2. Ano ang ginawa, itinuro, o ipinanumbalik ni Joseph Smith na sa palagay mo ay may “malaking kahalagahan” (2 Nephi 3:7) sa iyo?

Mapanalanging maghanap ng mga paraan na maibahagi mo ang iyong patotoo tungkol kay Propetang Joseph Smith sa iyong mga kaibigan at pamilya para matulungan sila na malaman ang maraming mahahalagang bagay na naibalik sa pamamagitan niya.

  1. journal iconIsulat ang sumusunod sa ibaba ng mga assignment sa araw na ito sa iyong scripture journal:

    Napag-aralan ko na ang 2 Nephi 3 at natapos ang lesson na ito noong (petsa).

    Mga karagdagang tanong, kaisipan, at ideya na gusto kong ibahagi sa aking titser: