Pambungad sa Omni
Bakit Kailangang Pag-aralan ang Aklat na Ito?
Sa pamamagitan ng iyong pag-aaral ng aklat ni Omni, malalaman mo na pinrotektahan ng Panginoon ang mabubuting Nephita at ginabayan sila patungong lupain ng Zarahemla (tingnan sa Omni 1:7, 12–13). Binanggit din sa aklat ni Omni ang iba pang mga pangkat—ang mga Mulekita (o mga tao ni Zarahemla) at ang mga Jaredita, na ginabayan ng Panginoon patungo sa lupang pangako.
Sino ang Sumulat ng Aklat na Ito?
Ang Aklat ni Omni ay isinulat ng limang lalaki: Sina Omni, Ameron, Chemis, Abinadom, at Amaleki. Si Omni ay anak ni Jarom at apo sa talampakan nina Lehi at Saria. Inilarawan ni Omni ang sarili bilang “isang masamang tao” na “hindi … sinunod … ang mga kautusan ng Panginoon” (Omni 1:2). Bawat isa kina Ameron (anak na lalaki ni Omni) Chemis (kapatid ni Ameron) at Abinadom (anak na lalaki ni Chemis) ay nagdagdag ng maiikling tala. Ang anak ni Abinadom na si Amaleki ang sumulat ng pinakamalaking bahagi sa aklat ni Omni at ang huling taong sumulat sa maliliit na lamina ni Nephi. Ipinagkatiwala niya ang mga lamina kay Haring Benjamin.
Kailan at Saan Ito Isinulat?
Ang aklat ni Omni ay isinulat ng iba’t ibang may-akda sa pagitan ng 361 B.C. at 130 B.C. Isinulat ito ng unang apat na may-akda sa lupain ng Nephi. Ginawa ni Amaleki ang kanyang talaan sa lupain ng Zarahemla.