Seminary
Unit 5: Day 3, 2 Nephi 2


Unit 5: Day 3

2 Nephi 2

Pambungad

Sa 2 Nephi 2, itinuro ni Lehi sa anak niyang si Jacob kung bakit inilagay ng Ama sa Langit ang Kanyang mga anak sa mundong puno ng paghihirap, kalungkutan, kasalanan, at may kamatayan. Para maunawaan ni Jacob ang layunin ng buhay na ito, ipinaliwanag niya ang mga pangunahing doktrina ng plano ng pagtubos—pati na ang kalayaang pumili, ang Pagkahulog ni Adan, at ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo. Ang pag-aaral ng mga katotohanang itinuro sa 2 Nephi 2 ay lalong makatutulong sa iyo na pahalagahan kung paano nadaig ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo ang mga epekto ng Pagkahulog at gawing posible para sa bawat isa sa atin na gumawa ng mga pagpipiling hahantong sa buhay na walang hanggan.

Nilisan nina Adan at Eva ang Halamanan ng Eden

2 Nephi 2:1–25

Itinuro ni Lehi ang tungkol sa Pagkahulog ni Adan at ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo

Pag-isipan ang ilan sa mga hamon o pagsubok na naranasan mo kamakailan. Nagtataka ka ba kung bakit nangyayari ang mga ganitong hamon o pagsubok sa buhay? Sa iyong pagbabasa ng 2 Nephi 2:1, maaari mong markahan ang mga salita o mga parirala na ginamit ni Lehi para ilarawan ang mga naranasan ni Jacob noong bata pa lang ito. Pagkatapos ay basahin mo ang 2 Nephi 2:2, at markahan ang ipinangako ni Lehi kay Jacob na mangyayari dahil sa naranasang hirap nito. Ang isang kahulugan ng salitang ilaan ay ialay o pabanalin. Parang ipinapangako ni Lehi kay Jacob na ilalaan ng Panginoon ang mga pagsubok para sa kanyang kapakinabangan.

Itinuro ni Lehi kay Jacob kung bakit kailangang mangyari ang Pagkahulog ni Adan at ang pangangailangan natin sa Pagbabayad-sala ni Jesucristo sa plano ng Ama sa Langit. Gusto niyang malaman ni Jacob na dahil sa Pagkahulog at Pagbabayad-sala malaya tayong makakapili nang sa gayon ay umunlad tayo at magkaroon ng buhay na walang hanggan. Basahin ang 2 Nephi 2:15–18, at sagutin nang maikli ang mga sumusunod na tanong:

  • Ano ang ibinigay ng Diyos kina Adan at Eva sa Halamanan ng Eden na nagtulot ka kanila na gamitin ang kalayaan nilang pumili? (Tingnan sa 2 Nephi 2:15–16.)

  • Ano ang hangarin at ginawa ni Satanas sa Halamanan ng Eden? (Tingnan sa 2 Nephi 2:17–18.) Sa anong paraan mo nakikita na ganyan pa rin ang hangarin ni Satanas ngayon?

  1. journal iconIdrowing ang chart sa ibaba sa iyong scripture journal. Basahing mabuti ang 2 Nephi 2:19–25, at tukuyin kung ano sana ang mga kahihinatnan kung hindi kinain nina Adan at Eva ang ipinagbabawal na bunga at nahulog [lumabag], at gayundin ang mga kinahinatnan ng Pagkahulog.

Kung hindi nahulog sina Adan at Eva (2 Nephi 2:22–23)

Dahil nahulog sina Adan at Eva (2 Nephi 2:19–20, 25)

Matapos makumpleto ang chart, isipin kung bakit mahalagang bahagi ng plano ng kaligayahan ng Ama sa Langit ang Pagkahulog nina Adan at Eva.

  1. journal iconKunwari ay sinabi sa iyo ng kaibigan mo na nagkamali sina Adan at Eva dahil kinain nila ang ipinagbabawal na bunga. Gamit ang natutuhan mo sa 2 Nephi 2:19–25, sumulat ng isang talata sa iyong scripture journal na nagpapaliwanag kung bakit mahalaga ang Pagkahulog sa plano ng Ama sa Langit para sa ating kaligtasan.

Bagama’t ang Pagkahulog nina Adan at Eva ay nagbigay sa atin ng pagkakataong umunlad, may iba pa itong mga naging epekto. Bago ang Pagkahulog, kasama nina Adan at Eva ang Diyos sa Halamanan ng Eden; pagkatapos kumain ng ipinagbabawal na bunga, kinailangan nilang lisanin ang Kanyang presensya.

Basahin ang 2 Nephi 2:5, at tukuyin ang parirala na nagpapahiwatig ng pagkawalay nina Adan at Eva mula sa Diyos matapos ang Pagkahulog. Ang “panlupang batas” ay tumutukoy sa mga pisikal na batas na resulta ng Pagkahulog. Samakatwid, ang “maihiwalay” ayon sa “panlupang batas” ay tumutukoy sa kalagayan sa mundo na namana natin bilang mga inapo nina Adan at Eva. Dahil sa mga batas na ito, pisikal tayong naihiwalay mula sa presensya ng Diyos at daranas ng kalungkutan, pasakit, paghihirap, at pisikal na kamatayan. Ang “maihiwalay” ayon sa “batas na espirituwal” ay tumutukoy sa pagkahiwalay mula sa presensya ng Diyos dahil sa ating mga kasalanan.

Pag-isipang mabuti kung paano mo personal na naranasan ang mga epekto ng Pagkahulog sa pamamagitan ng mga sumusunod na tanong:

  • Anong mga paghihirap, pasakit, at lungkot ang naranasan mo na sa buhay na ito?

  • Sinong kakilala mo ang namatay na? Paano ka naapektuhan ng pagkamatay ng taong ito?

  • Kailan mo nadama na espirituwal kang naihiwalay sa Diyos?

Sa iyong pagbabasa ng 2 Nephi 2:6–10, maaari mong markahan ang mahahalagang salita o parirala na nagpapakita na sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala, tinubos tayo ni Jesucristo mula sa mga epekto ng Pagkahulog at handang tubusin tayo mula sa ating mga kasalanan. Sa 2 Nephi 2:9–10, ang ibig sabihin ng salitang mamagitan ay gumawa ng isang bagay alang-alang sa iba.

scripture mastery icon
Scripture Mastery—2 Nephi 2:25

Noong itinuturo ni Lehi kay Jacob ang Pagkahulog ni Adan at ang pagsalungat na nararanasan natin sa buhay sa mundo, binigyang-diin niya ang magagandang resulta ng Pagkahulog para sa lahat ng tao.

  1. journal iconSagutin ang mga sumusunod na tanong sa iyong scripture study journal:

    1. Sa natutuhan mo tungkol sa Pagkahulog, paano ito nagbibigay ng galak sa mga tao?

    2. Kailan ka nakadama ng galak dahil sa magagandang epekto ng Pagkahulog?

2 Nephi 2:11–18, 26–30

Itinuro ni Lehi ang kalayaan at karapatan nating pumili at ang mga resulta ng ating mga pinili

Isipin ang isang mahalagang pagpiling kinailangan mong gawin kamakailan at ang maaaring epekto nito sa habang buhay. Itinuro ni Lehi sa kanyang mga tao ang lubos na kahalagahan ng kalayaang pumili sa plano ng kaligtasan ng Ama sa Langit. Para matulungan kang maunawaan na malaya nating mapipili ang kalayaan at buhay na walang hanggan o pagkabihag at kamatayan (tingnan sa 2 Nephi 2:27), kumpletuhin ang aktibidad sa ibaba.

  1. journal iconIsulat ang bawat isa sa mga pahayag na kinuha mula sa Para sa Lakas ng mga Kabataan ([buklet, 2011], 2–3) sa iyong scripture journal. Pagkatapos, habang binabasa mo ang bawat talata sa 2 Nephi 2:11–18, 26–29, tumigil sandali at isulat ang numero ng talata na iyan kasunod ng pahayag o mga pahayag na sa palagay mo ay angkop dito. Bawat isa sa numero ng mga talata ay dapat isulat kasunod ng isa sa mga pahayag. Ang isang pahayag ay maaaring angkop sa mahigit sa isang talata, at ang isang talata ay maaaring maiugnay sa mahigit isang pahayag. Bilang halimbawa, isinulat na ang isang talata para sa unang pahayag—ang isang katotohanan na itinuro ni Lehi sa 2 Nephi 2:16 ay nabigyan tayo ng kakayahang kumilos para sa ating sarili.

    1. “Binigyan kayo ng Ama sa Langit ng karapatang pumili, ang kakayahang piliin ang tama sa halip na mali at kumilos para sa inyong sarili.” 2 Nephi 2:16

    2. “Habang narito sa lupa, sinusubukan kayo upang makita kung gagamitin ninyo ang inyong karapatang pumili para ipakita ang pagmamahal ninyo sa Diyos sa pamamagitan ng pagsunod sa Kanyang mga kautusan.”

    3. “Bagama’t malaya kayong piliin ang gusto ninyong gawin, wala kayong layang piliin ang mga resulta nito.”

    4. “Ang ilang makasalanang … pagpili [ay inaantala ang] inyong pag-unlad at humahantong ito sa pagdurusa at kalungkutan.”

    5. “Ang mga tamang pagpili ay humahantong sa kaligayahan at buhay na walang hanggan.”

Basahin ang 2 Nephi 2:26–27. Ano ang malaya mong piliin? Basahin ang 2 Nephi 2:28, at markahan kung ano pa ang ibinigay sa iyo ng Diyos para tulungan kang “piliin ang buhay na walang hanggan.” Pag-isipang mabuti ang mga pinili mo sa iyong buhay na nagpapakita na pinili mo ang buhay na walang hanggan.

scripture mastery icon
Scripture Mastery—2 Nephi 2:27

Isaulo ang 2 Nephi 2:27, na isang scripture mastery verse. Basahin ito nang ilang beses, at pagkatapos ay isara ang iyong banal na kasulatan at gamitin ang unang letra ng bawat salita sa talatang ito na nakasulat sa ibaba at bigkasin ito sa sarili mo o sa isang kapamilya. Paulit-ulit na gawin ito hanggang sa maisaulo mo.

A a t a m a s l; a l n b a i s k n k s t. A s a m m n k a b n w h, s p n d T n l n t, o p a p a k, a s p a k n d; s h n n a l n t a m k k n k s.

  1. journal iconGamit lamang ang unang letra ng bawat salita sa 2 Nephi 2:27 na nasa itaas, isulat ang scripture mastery passage na ito sa iyong scripture journal. Huwag tingnan ang talata!

  2. journal iconIsulat ang sumusunod sa ibaba ng mga assignment sa araw na ito sa iyong scripture journal:

    Napag-aralan ko na ang 2 Nephi 2 at natapos ang lesson na ito noong (petsa).

    Mga karagdagang tanong, kaisipan, at ideya na gusto kong ibahagi sa aking titser: