Seminary
Unit 25: Day 1, 3 Nephi 11:18–3 Nephi 12


Unit 25: Day 1

3 Nephi 11:18–12:48

Pambungad

Matapos isa-isang mahipo ng mga tao na nasa templo sa lupain ng Masagana ang mga marka ng mga sugat sa tagiliran, mga kamay, at paa ni Jesucristo, pinagkalooban ng Tagapagligtas si Nephi at ang iba pa ng kapangyarihang magbinyag. Sinabihan ng Tagapagligtas ang mga tao na iwasan ang pagtatalu-talo at nangakong mamanahin ng mga taong namumuhay sa ebanghelyo ang kaharian ng Diyos. Itinuro rin Niya sa kanila kung paano matatanggap ang mga pagpapala ng Kanyang ebanghelyo at iniutos sa kanila na impluwensyahan ang iba sa kabutihan. Ipinahayag ng Tagapagligtas na natupad na Niya ang batas ni Moises, at ibinigay Niya sa mga tao ang isang mas mataas na batas na maghahanda sa kanila na maging katulad Niya at ng ating Ama sa Langit.

3 Nephi 11:18–30

Pinagkalooban ni Jesucristo si Nephi at ang iba pa ng kapangyarihang magbinyag at kinundena ang pagtatalu-talo

Naalala mo ba ang naisip at nadama mo noong naghahanda ka para sa iyong binyag, o nakita ang isang kaibigan o kapamilya na naghahandang mabinyagan? Maraming tao ang nagtatanong ng “Sino ang maaaring magbibinyag sa akin?” at “Paano isinasagawa ang ordenansa ng binyag?” Isipin kung paano mo sasagutin ang mga tanong na ito.

Habang pinag-aaralan mo ang 3 Nephi 11:1–17, nalaman mo ang tungkol sa pagpapakita ni Jesucristo sa “mga tao ni Nephi, sa paligid ng templo na nasa lupaing Masagana” (3 Nephi 11:1). Nahipo ng mga taong ito ang mga marka ng Kanyang mga sugat at naging saksi mismo sa Kanyang Pagkabuhay na Mag-uli at pagiging Diyos. Pagkatapos ng karanasang ito, itinuro sa kanila ng Tagapagligtas ang tungkol sa binyag, pati na kung sino ang maaaring magbinyag at paano dapat isasagawa ang binyag.

Basahin ang 3 Nephi 11:18–22, 24–25, at isulat ang sagot sa tanong na “Sino ang maaaring magbinyag sa akin?”

Tulad ng nakatala sa 3 Nephi 11, mula sa sinabi at ginawa ng Tagapagligtas, natutuhan natin: Ang binyag ay dapat isagawa ng isang taong maytaglay ng tamang awtoridad. Nilinaw sa paghahayag sa panahong ito na ang binyag ay maisasagawa lamang ng isang taong may hawak ng katungkulang priest sa Aaronic Priesthood (tingnan sa D at T 20:46) o mayhawak ng Melchizedek Priesthood (tingnan sa D atT 20:38–39; 107:10–11). Bukod pa rito, kailangan niyang kumilos sa ilalim ng pamamahala ng isang priesthood leader na mayhawak ng mga susi ng priesthood na kinakailangan para mabigyang awtorisasyon ang ordenansa (tulad ng bishop, branch president, mission president, o General Authority).

Basahin ang 3 Nephi 11:23–27, at isulat ang sagot sa tanong na “Paano isinasagawa ang ordenansa ng binyag?”

Binyag
  1. journal iconSa iyong scripture study journal, isulat ang iyong palagay kung bakit kinakailangang isagawa ang binyag sa paraang inihayag ng Panginoon. Ano ang mangyayari kung ang mga salita sa ordenansa ng binyag ay hindi nabigkas nang tama o kung ang taong binibinyagan ay hindi lubusang nailubog sa tubig?

  2. journal iconSagutin ang isa o mahigit pa sa mga sumususunod na grupo ng mga tanong sa iyong scripture study journal:

    1. Ano ang naalala mo tungkol sa dahilan kung bakit ka bininyagan at tungkol sa baptismal service? Sino ang nagbinyag sa iyo? Ilang taon ka noon? Ano ang nadama mo noong binyagan ka? Ano ang ibig sabihin sa iyo ng mabinyagan ng isang taong mayhawak ng tamang awtoridad at sa paraang inihayag ng Panginoon?

    2. May nasaksihan ka bang nabinyagan kamakailan? Ano ang nadama mo?

    3. Kung hawak mo ang katungkulang priest sa Aaronic Priesthood, ano ang pakiramdam mo na alam mong may awtoridad kang magbinyag? Kung nagkaroon ka ng pagkakataong mabinyagan ang isang tao, ano ang nadama at natutuhan mo sa karanasang iyon?

Tulad ng nakatala sa 3 Nephi 11:28–30, ipinayo ng Panginoon sa mga tao na huwag magtalu-talo o makipagtalo sa isa’t isa tungkol sa binyag o iba pang mga paksa ng doktrina. Itinuro Niya na ang pagtatalo ay sa diyablo at dapat iwaksi.

3 Nephi 11:31–41

Ipinahayag ni Jesucristo ang Kanyang doktrina

Isipin ang isang bagay na ginawa mo ngayon (isang aksyon) na maganda ang resulta. Isulat ang ginawa at ang resulta sa angkop na mga bahagi ng sumusunod na diagram. Pagkatapos ay isipin ang isang bagay na ginawa mo ngayon na hindi maganda ang resulta.

arrow

Ang kaugnayan ng aksyon at resulta ay tinatawag kung minsan na batas ng pag-ani. Inilarawan ito ng paghahayag sa panahong ito nang ganito: “Sapagkat kung anuman ang inyong itinanim, iyon din ang inyong aanihin; samakatwid, kung kayo ay nagtanim ng kabutihan kayo rin ay aani ng kabutihan bilang inyong gantimpala” (D at T 6:33).

Basahin ang 3 Nephi 11:31, at tukuyin ang sinabi ni Jesucristo na ipahahayag Niya sa mga tao.

  1. journal iconTulad ng nakatala sa 3 Nephi 11:32–39, ipinahayag ni Jesucristo ang Kanyang doktrina, “ang doktrinang ibinigay ng Ama sa [Kanya]” (3 Nephi 11:32). Kopyahin ang sumusunod na chart sa iyong scripture study journal. Basahin ang bawat scripture reference, at alamin ang mga aksyon at mga resulta na itinuro ni Jesucristo na may kaugnayan sa Kanyang doktrina. Isulat ang nalaman mo sa chart sa iyong scripture study journal.

    Mga Aksyon

    Mga Resulta

    3 Nephi 11:32–34

    3 Nephi 11:35–36

    3 Nephi 11:37–38

    3 Nephi 11:39–40

Ayon sa iyong chart, ano ang mahahalagang aksyon na itinuro ni Jesucristo na dapat gawin ng lahat ng anak ng Ama sa Langit upang makapasok sa kaharian ng langit?

Maaaring napansin mo na nakasaad sa 3 Nephi 11:32 na ang Espiritu Santo ay nagpapatotoo sa Ama sa Langit at kay Jesucristo. Isipin ang pinakahuling pangyayari na nagpatotoo sa iyo ang Espiritu Santo tungkol sa realidad at pagmamahal ng Ama sa Langit at ni Jesucristo.

3 Nephi 12:1–16

Itinuro ni Jesucristo sa mga tao ang tungkol sa mga pagpapalang matatanggap natin kapag ipinamuhay natin ang Kanyang ebanghelyo

Nagturo si Jesus sa Kanlurang Bahagi ng Mundo

Kumpletuhin ang sumusunod na quiz sa ibaba at bilugan kung tama o mali ang sagot:

  • Nais ng Ama sa Langit na maging perpekto tayo.

  • Kailangan nating maging perpekto sa buhay na ito para makapasok sa kahariang selestiyal.

  • Maaari tayong maging perpekto.

Para malaman kung tama ang iyong sagot, basahin muna ang 3 Nephi 12:48. (Ito ay isang scripture mastery passage. Maaari mo itong markahan sa paraang madali mo itong mahahanap.)

Elder Russell M. Nelson

Paano naging posible na maging perpekto tayo? Ganito ang sinabi ni Elder Russell M. Nelson ng Korum ng Labindalawang Apostol tungkol sa utos na maging perpekto: “Hindi tayo dapat masiraan ng loob kung ang taimtim nating mga pagsisikap ay tila nakakapagod [mahirap] at walang katapusan. Ang pagiging perpekto ay hindi darating nang lubusan. Darating lamang ito nang lubusan pagkaraan ng Pagkabuhay na Mag-uli at sa pamamagitan lamang ng Panginoon. Nakalaan ito sa lahat ng nagmamahal sa kanya at sumusunod sa kanyang mga kautusan” (“Perfection Pending,” Ensign, Nob. 1995, 88).

Pag-isipan ang sumusunod na tanong: Ano sa palagay mo ang ibig sabihin ng mangyayari “lamang [ang pagiging perpekto] sa pamamagitan ng Panginoon”?

Tingnan muli ang sinagutan mong quiz na tama o mali, at palitan ang alinman sa iyong mga sagot batay sa natutuhan mo mula sa 3 Nephi 12:48 at sa pahayag ni Elder Nelson.

Ang mga turo ni Jesucristo sa 3 Nephi 12–14 ay tinatawag kung minsan na “sermon sa templo” dahil natutulad ang mga ito sa kilalang Sermon sa Bundok ng Tagapagligtas (tingnan sa Mateo 5–7) at madalas na nagpapalalim ng ating pag-unawa rito. Itinuro ni Pangulong Harold B. Lee, “Sa Sermon sa Bundok, tila inihayag ng Panginoon ang tungkol sa sarili Niyang pagkatao, na perpekto, o maaaring ituring na ‘isang talambuhay, bawat pantig nito ay isinulat niya sa pamamagitan ng mga gawa,’ at sa paggawa nito ay nabigyan tayo ng plano para sa sarili nating buhay” (Decisions for Successful Living [1973], 56). Sa pag-aaral mo ng 3 Nephi 12–14, alamin ang mga paraan na nais ng Tagapagligtas na pagsikapan mo tungo sa pagiging perpekto.

Tulad ng Sermon sa Bundok, sinimulan ng Tagapagligtas ang kanyang sermon sa mga Nephita sa ilang beatitudes—pagpapahayag ng pagiging pinagpala at maligaya ng matatapat (tingnan sa 3 Nephi 12:1–12). Kapag binasa mo ang mga ito, alamin ang mga katangiang sinabi ng Tagapagligtas na dapat nating taglayin at ang mga pagpapalang ipinangako Niya bilang resulta ng paggawa nito. Sa iyong pagbabasa, maaari mong markahan ang mga katangiang ito at ang mga ipinangakong pagpapala. Makatutulong na malaman na ang ibig sabihin ng aba sa espiritu (3 Nephi 12:3) ay mapagpakumbaba at umaasa sa Panginoon, ang nahahapis (3 Nephi 12:4) ay tumutukoy sa kalungkutan para sa ating mga kasalanan na humahantong sa pagsisisi, at ang maging maamo (3 Nephi 12:5) ay maaaring mangahulugang maging mapagpakumbaba at mabait, maging masunurin sa kalooban ng Diyos, o maging mapagtiis sa mga pasakit nang walang sama ng loob.

  1. journal iconTukuyin ang isang katangian sa nabasa mo na pinagsisikapan o pagsisikapan mong magkaroon ka. Isulat sa iyong scripture study journal ang mga pagpapalang natanggap mo o inaasahan mong matatangap kapag nagkaroon ka ng katangiang iyon.

Mula sa maraming katotohanan sa 3 Nephi 12:1–12, natutuhan natin na kung mamumuhay tayo ayon sa mga turo ni Jesucristo, tayo ay pagpapalain at magiging handa sa pagpasok sa kaharian ng langit. Kapag ginawa natin ito, tayo rin ay magiging isang halimbawa o ilaw ng sanlibutan (tingnan sa 3 Nephi 12:14–16).

3 Nephi 12:17–48

Itinuro ni Jesucristo sa mga tao ang mas mataas na batas na tutulong sa kanila na maging katulad Niya at ng Ama sa Langit

Itinuro ni Jesucristo sa mga Nephita kung paano lalapit sa Kanya sa pamamagitan ng pagsisisi at pagsunod sa Kanyang mga kautusan (tingnan sa 3 Nephi 12:19–20). Sa natitirang bahagi ng 3 Nephi 12, binanggit Niya ang mga bahagi ng batas ni Moises at pagkatapos ay itinuro ang mas mataas na batas. Ipinakilala niya ang mga bahagi ng batas ni Moises sa mga pariralang tulad ng “sinabi nila noong unang panahon” o “isinulat/nasusulat.” Pagkatapos ay ipinakilala Niya ang bago at mas mataas na batas, na gusto Niyang ipamuhay natin ngayon, gamit ang mga pariralang “sinasabi ko sa inyo …”

  1. journal iconBasahin ang mga sumusunod na scripture passage, at isulat sa iyong scripture study journal kung anong mga pag-uugali ang sinabi ng Tagapagligtas na hahantong sa pagiging perpekto:

    1. 3 Nephi 12:21–22. Makabubuting maunawaan na ang salitang raca ay isang salitang nakapipinsala na nagpapahayag ng panglalait, hayagang pagkasuklam, o pagkapoot.

    2. 3 Nephi 12:23–24. Gamitin ang footnote 24a na makatutulong sa iyo na malaman kung ano ang ibig sabihin ng makipagkasundo sa isang tao.

    3. 3 Nephi 12:25. Makatutulong na maunawaan na ang “makipagkasundo kayo agad sa inyong kaaway” ay tumutukoy sa pakikipag-ayos agad sa ibang tao at huwag itong hayaang lumala at maging mas malaking problema. Noong naglilingkod si Elder David E. Sorensen, bilang miyembro ng Seventy, itinuro niya na “Higit na naaangkop sa ating mga pamilya ang [alituntuning] ito” (“Ang Kapatawaran ay Papalitan ang Kapaitan ng Pagmamahal,” Ensign o Liahona, Mayo 2003, 11).

    4. 3 Nephi 12:27–30. Makatutulong na maunawaan na ang pagnanasa ay tumutukoy sa hindi tama, masama, at sakim na hangarin.

    5. 3 Nephi 12:38–42.

    6. 3 Nephi 12:43–45.

Ang isang alituntunin na matututuhan natin sa mga talatang ito sa 3 Nephi 12 ay: Kapag lumapit tayo kay Cristo at sinunod ang Kanyang mga kautusan, tayo ay magiging higit na katulad Niya at ng ating Ama sa Langit, na mga perpekto.

Pangulong James E. Faust

Bagama’t hindi tayo magiging perpekto sa buhay na ito, ipinaliwanag ni Pangulong James E. Faust ng Unang Panguluhan na dapat nating sikaping sumulong tungo sa pagiging perpekto ngayon upang matamo natin ito sa kabilang buhay: “Ang pagiging perpekto ay isang walang hanggang mithiin. Bagama’t hindi tayo magiging perpekto sa mortalidad, ang pagsikapang makamtan ito ay isang kautusan, na sa huli, sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala, ay makakamtan natin” (“This Is Our Day,” Ensign, Mayo 1999, 19).

scripture mastery icon
Scripture Mastery—3 Nephi 12:48

  1. journal iconSubukan kung maisasaulo mo ang 3 Nephi 12:48 nang walang mali. Isulat ang scripture passage sa iyong scripture study journal kapag naisaulo mo na ito.

Tandaan, hindi inaasahan ng Panginoon na maging perpekto tayo sa lahat ng bagay sa mortal nating buhay, ngunit kapag nagsumigasig tayo nang husto na sundin Siya at tanggapin ang mga pagpapala ng Pagbabayad-sala, sa huli ay maging perpekto tayo.

  1. journal iconIsulat ang sumusunod sa ibaba ng mga assignment sa araw na ito sa iyong scripture study journal:

    Napag-aralan ko na ang 3 Nephi 11:18–12:48 at natapos ang lesson na ito noong (petsa).

    Mga karagdagang tanong, kaisipan, at ideya na gusto kong ibahagi sa aking titser: