Unit 25: Day 4
3 Nephi 15–16
Pambungad
Sa patuloy na pagtuturo ng Tagapagligtas sa mga tao sa templo na nasa lupaing Masagana, ipinahayag Niya na ang Batas ni Moises ay natupad sa Kanya at na Siya ang ilaw at ang batas na dapat tingnan ng mga tao. Pagkatapos ay ipinaliwanag ng Tagapagligtas sa labindalawang disipulong Nephita na ang mga tao sa mga lupain ng Amerika ay ilan sa “ibang mga tupa” na binanggit Niya sa mga tao sa Jerusalem (tingnan sa Juan 10:14–16). Ipinangako rin Niya na ang mga magsisisi at babalik sa Kanya ay ibibilang sa Kanyang mga pinagtipanang tao.
3 Nephi 15:1–10
Ipinahayag ng Tagapagligtas na Kanyang tinupad ang batas ni Moises
Naisip mo ba kung bakit iniuutos sa atin ng Panginoon na sundin ang mga batas at kautusan, tulad ng pagbabayad ng ikapu, paggalang sa araw ng Sabbath, o paggalang sa ating mga magulang? Sa patuloy na pagtuturo ni Jesucristo sa mga Nephita, itinuro Niya sa kanila ang pangunahing layunin ng Kanyang mga batas at kautusan. Alamin ang layuning ito sa iyong pag-aaral ng 3 Nephi 15.
Nang matapos magsalita ang Tagapagligtas sa mga tao, nahiwatigan Niya na ilan sa kanila ay may tanong. Basahin ang 3 Nephi 15:1–2, at isulat kung ano ang ikinamangha at inisip ng mga tao:
Para maunawaan kung bakit nanggilalas at namangha ang mga Nephita sa pahayag ng Tagapagligtas na ang “mga lumang bagay” ng batas ni Moises ay lumipas na at “lahat ng bagay ay naging bago,” makabubuting maunawaan na sa loob ng maraming siglo namuhay ang mga Nephita sa ilalim ng batas ni Moises. Ang kanilang mga batas, ritwal, at orgnisasyon ng simbahan ay batay sa batas ni Moises, na batas na ibinigay noon ng premortal na si Jesucristo upang maihanda ang mga tao para sa Kanyang pagdating at maituro sila sa Kanyang nagbabayad-salang sakripisyo. Ngayon nakatayo ang Banal na Tagapagbigay ng Batas sa kanilang harapan na ipinahahayag sa kanila na naisagawa na ang Pagbabayad-sala (tingnan sa 3 Nephi 11:10–14) at sa Kanya natupad ang batas ni Moises (tingnan sa 3 Nephi 9:16–20; 12:46–47). Ang Kanyang pahayag na ang mga lumang bagay ng batas ni Moises ay “lumipas na” at ang mga bagong bagay ang papalit sa batas ay biglang nagpabago sa paraan ng pagsamba nila sa Diyos.
Sinagot ng Tagapagligtas ang kanilang tanong sa pagbibigay-diin sa pinakamahalagang doktrina. Basahin ang 3 Nephi 15:3–5, 9, at markahan ang mga parirala sa sagot ng Tagapagligtas na tumitiyak sa mga Nephita na ang pinagmulan ng batas ay hindi nabago.
-
Sagutin ang sumusunod na tanong sa iyong scripture study journal: Sa iyong palagay, ano ang itinuturo ni Jesus sa mga Nephita nang sabihin Niya, “ako ang batas”? (3 Nephi 15:9).
Mula sa mga turo ng Tagapagligtas sa mga talatang ito, malalaman natin na si Jesucristo ang pokus ng lahat ng batas at kautusan ng ebanghelyo. Pag-isipang mabuti kung bakit ang katotohanang ito ay naging mahalaga sa mga Nephita nang malaman nila na ang lumang batas ni Moises ay napalitan ng mas mataas na batas at naranasan ang pagbabago sa paraan ng kanilang pagsamba.
Basahin ang 3 Nephi 15:9–10, at markahan ang nais ng Panginoon na gawin natin dahil sa ibinunga ng doktrinang ito. Gamitin ang natutuhan mo sa mga talatang ito para makumpleto ang sumusunod na alituntunin: Kung tayo ay kay Jesucristo sa pamamagitan ng pagsunod , bibigyan Niya tayo ng .
-
Isiping muli ang mga kautusang tulad ng pagbabayad ng ikapu, paggalang sa araw ng Sabbath, at paggalang sa ating mga magulang, at sagutin ang mga sumusunod na tanong sa iyong scripture study journal:
-
Paano maaaring sinusunod ng isang tao ang mga kautusan pero hindi umaasa kay Cristo?
-
Paano nababago ang ating pagsunod sa mga kautusan kung umaasa tayo kay Jesucristo at hindi sa pagsunod lamang sa mga tuntunin?
-
Ang isang paraan na maaaring magpabago sa pagsunod natin sa mga kautusan kung nakaasa tayo kay Cristo ay ang layunin natin sa pagsunod. Mapapalitan ito ng pagmamahal sa Panginoon sa halip na pagtupad lamang sa mga kautusan.
Basahin ang sumusunod na pahayag ni Elder Marvin J. Ashton ng Korum ng Labindalawang Apostol: “Malaking kapanatagan sa espirituwal at pagpapala ang malaman na, kung aasa tayo sa ating Tagapagligtas na si Jesucristo at magtitiis hanggang wakas, ang buhay na walang hanggan at kadakilaan ay mapapasaatin. … Ang Diyos ay mas nagiging madaling lapitan kapag umasa tayo sa kanya. Ang pag-asa sa Diyos ay nagtuturo sa atin na maglingkod at mamuhay nang may kalayaan [nang hindi pinipilit na gawin ang isang bagay]” (“There Are Many Gifts,” Ensign, Nob 1987, 21).
-
Pumili ng isang kautusan na pinag-iisipan mo kung bakit kailangan mong sundin, at isipin kung paanong ang pagsunod sa kautusang iyan ay maglalapit sa iyo kay Jesucristo. Maaari kang magtakda ng isang mithiin na maging mas masunurin sa kautusang pinili mo at magsulat ng ilang ideya kung paano maisasakatuparan ito. Isulat ang mga ideya mo sa iyong scripture study journal.
3 Nephi 15:11–16:5
Nagsalita si Jesucristo sa Kanyang mga disipulo tungkol sa iba pa Niyang mga tupa
Nadama mo na ba na nakalimutan ka o nag-iisa ka at inisip kung kilala ka ng Ama sa Langit? Bagama’t maaaring makadama tayo na nag-iisa tayo o mas pinahahalagahan ang iba kaysa atin, pinagmamalasakitan ng Diyos ang Kanyang mga tao at inihahayag ang Kanyang sarili sa kanila. Alamin ang katibayan ng katotohanang ito sa iyong pag-aaral ng natitirang bahagi ng 3 Nephi 15 at ng simula ng 3 Nephi 16.
Tulad ng nakatala sa Bagong Tipan at sa Aklat ni Mormon, si Jesucristo ay nagministeryo sa mga tao sa Old World at sa Amerika. Basahin ang 3 Nephi 15:11–17 at alamin ang sinabi ng Panginoon sa mga tao sa Jerusalem tungkol sa Kanyang mga tao sa Amerika.
Ang “ibang mga tupa” ay tumutukoy sa iba pang mga tagasunod ng Pastol na si Jesucristo. Ang kawan ay isang kulungan ng mga tupa, ngunit ang salitang kawan na ginamit sa pagkakataong ito ay nangangahulugang isang grupo ng mga tao na may iisang paniniwala kay Jesucristo. Ayon sa 3 Nephi 15:17, paano sinabi ng Panginoon na ipapakita Niya ang Kanyang sarili sa Kanyang iba pang mga tupa?
Ipinaliwanag ni Jesus kung bakit iniutos sa Kanya ng Ama sa Langit na huwag nang magsalita pa tungkol sa Kanyang iba pang mga tupa sa mga tao sa Jerusalem. Basahing mabuti ang 3 Nephi 15:18–20, at markahan ang paliwanag ng Tagapagligtas. Dahil nalaman natin na hindi na ipinaalam pa ng Ama sa mga Judio ang tungkol sa mga Nephita dahil sa kasamaan ng mga Judio, matututuhan natin ang isang mahalagang alituntunin hinggil sa paraan kung paano tayo makatatanggap ng kaalaman at katotohanan mula sa Panginoon. Ayon sa mga talatang ito, paano mo kukumpletuhin ang sumusunod na alituntunin? Binibigyan tayo ng Diyos ng kaalaman at katotohanan ayon sa ating .
Sinabi ng Panginoon sa mga Nephita na bahagi sila ng iba pang mga tupa na binanggit Niya sa Jerusalem. Inakala ng mga Judio na ang tinutukoy Niya ay ang mga Gentil (hindi mga Israelita). Hindi nila naunawaan na hindi “makaririnig” ang mga Gentil ng tinig ng Tagapagligtas (tingnan sa 3 Nephi 15:21–23).
Basahin ang 3 Nephi 15:24, at alamin kung paano tiniyak ng Panginoon na may malasakit Siya sa mga Nephita.
Basahin ang 3 Nephi 16:1–3, at alamin kung sino pa ang makaririnig sa tinig ng Tagapagligtas. Wala tayong tala sa banal na kasulatan tungkol sa iba pang mga tao na binisita ng Tagapagligtas, ngunit malinaw na binisita Niya ang iba pang mga grupo ng mga tao at dinala sa Kanyang “kawan.”
Paano ipinakita ni Jesucristo ang Kanyang pagmamahal at pagmamalasakit sa mga taong hindi nakarinig ng Kanyang tinig? Basahin ang 3 Nephi 15:22–23 at 3 Nephi 16:4, at alamin ang sinabi ng Panginoon kung paano Niya ipapakita ang Kanyang sarili sa mga Gentil.
Mula sa natutuhan mo na sa iyong pag-aaral ng 3 Nephi 15 at 16, anong katibayan ang nakita mo na minamahal at pinagmamalasakitan ng Diyos ang Kanyang mga tao at ipinakita ang Kanyang sarili sa kanila?
Basahin ang 3 Nephi 16:5, at alamin ang mangyayari sa mga huling araw kapag nalaman ng mga Gentil ang tungkol kay Jesucristo at sa Kanyang ebanghelyo.
Ipinangako ni Jesus na pagpapalain Niya ang lahat ng Kanyang mga anak—ang sambahayan ni Israel at ang mga Gentil—sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng Kanyang mga salita na isinulat ng mga Nephita. Ang mga isinulat ng mga Nephita ay tutulong sa pagpapabalik-loob ng mga Gentil, na tutulong naman sa pagtitipon ng sambahayan ni Israel sa mga huling araw 3 Nephi 16:4–5).
-
Sa iyong scripture study journal, sagutin ang sumusunod na tanong: Anong katibayan mula sa sarili mong buhay ang nagpapakita na minamahal at pinagmamalasakitan tayong lahat ni Jesucristo?
3 Nephi 16:6–20
Si Jesucristo ay naghayag ng mga pagpapala at mga babala sa mga Gentil na mabubuhay sa mga huling araw
Ginusto mo na bang maging miyembro ng isang grupo, club, o team? Mag-isip ng isang halimbawa. Ano ang kailangan para maging miyembro ng grupong iyon? Ang pinakamagandang grupo na masasalihan mo ay ang Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, ang mga pinagtipanang tao ng Panginoon.
Basahin ang 3 Nephi 16:6–7, at alamin ang mangyayari dahil sa paniniwala ng mga Gentil at kawalang-paniniwala ng sambahayan ni Israel sa mga huling araw. Makatutulong na maunawaan na may mga Gentil din na hindi maniniwala sa mga huling araw na ikakalat at pagmamalupitan ang mga miyembro ng sambahayan ni Israel (tingnan sa 3 Nephi 16:8–9). Aalisin ng Panginoon ang Kanyang ebangheyo sa masasama at ihahayag ito sa mabubuti, kapwa sa mga Israelita at mga Gentil, sa mga huling araw (tingnan sa 3 Nephi 16:10–12).
Basahin ang 3 Nephi 16:13, at alamin kung ano ang kinakailangan upang maging isa sa mga pinagtipanang tao ng Panginoon. Gamit ang natutuhan mo sa 3 Nephi 16:13, kumpletuhin ang sumusunod na alituntunin: Kung tayo ay , tayo ay ibibilang sa Kanyang mga tao.
-
Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa iyong scripture study journal:
-
Paano mo nalaman na bahagi ka ng mga pinagtipanang tao ng Panginoon?
-
Paano napagpala ang iyong buhay dahil nabibilang ka sa Kanyang mga tao?
-
-
Isulat ang sumusunod sa ibaba ng mga assignment sa araw na ito sa iyong scripture study journal:
Napag-aralan ko na ang 3 Nephi 15–16 at natapos ang lesson na ito noong (petsa).
Mga karagdagang tanong, kaisipan, at ideya na gusto kong ibahagi sa aking titser: