Seminary
Unit 27: Day 3, 3 Nephi 27


Unit 27: Day 3

3 Nephi 27

Pambungad

Sa mga unang araw ng kanilang paglilingkod, pagkatapos ng pangalawang araw ng pagpapakita ng nabuhay na muling Tagapagligtas, ang labindalawang Nephitang disipulo ay sama-samang nagtipon sa taimtim na panalangin at pag-aayuno. Muling nagpakita sa kanila si Jesucristo at sinagot ang kanilang tanong tungkol sa pangalang itatawag sa Simbahan. Itinuro sa kanila ng Tagapagligtas na ang Pagbabayad-sala ang pinakamahalagang bahagi ng Kanyang ebanghelyo at sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala tayo ay makatatayo nang walang bahid-dungis sa harapan Niya kapag tayo ay nagsisi, nabinyagan, at nagtiis hanggang wakas. Bukod pa rito, iniutos Niya sa Kanyang mga disipulo na maging tulad Niya.

3 Nephi 27:1–12

Itinuro ng Panginoon sa labindalawang disipulo na dapat taglayin ng Kanyang Simbahan ang Kanyang pangalan

Kunwari ay gusto mong magtayo ng isang bagong samahan o sports team. Magpasiya kung anong uri ng samahan o team ang gusto mong itayo, at pagkatapos ay pumili ng pangalan para sa iyong organisasyon. Isulat ang pangalan at ang uri ng organisasyon na pinili mo:

Isipin ang ilang organisasyong kilala mo at ano ang ipinahihiwatig ng mga pangalan nito sa kanilang layunin at sa mga taong kasapi rito.

Patuloy na nagturo at nagbinyag ng mga tao ang labindalawang disipulong Nephita. Sa isang pagkakataon nagsama-sama sila sa pag-aayuno at pagdarasal nang muli silang bisitahin ng Tagapagligtas (tingnan sa 3 Nephi 27:1–2). Basahin ang 3 Nephi 27:3–7, at alamin ang itinanong ng mga disipulo at ang isinagot ng Tagapagligtas. Maaari mong markahan ang mga dahilang ibinigay ni Jesucristo kung bakit tinawag ang Simbahan sa Kanyang pangalan.

Basahing mabuti ang 3 Nephi 27:8–10, at markahan ang itinuro ng Tagapagligtas na mga palatandaan ng Kanyang totoong Simbahan. Tapusin ang sumusunod na parirala sa iyong manwal para maipakita ang ilang mahahalagang katangian ng totoong Simbahan:

Ang totoong Simbahan ni Jesucristo ay .

logotype ng Simbahan

Isipin kung bakit mahalaga na hindi lamang taglay ng totoong Simbahan ni Jesucristo ang Kanyang pangalan kundi dapat din itong nakatayo sa Kanyang ebanghelyo (tingnan sa 3 Nephi 27:8–10). Ipinangako ng Tagapagligtas sa mga Nephita na kung ang Simbahan ay nakatayo sa Kanyang ebanghelyo, saka pa lamang ipapakita ng Ama sa Langit ang Kanyang sariling mga gawain dito (tingnan sa 3 Nephi 27:10). Pag-isipang mabuti kung paano mo personal na nakita na ipinakita ng Ama sa Langit ang Kanyang mga gawain sa Simbahan.

  1. journal iconSa iyong scripture study journal, isulat ang: Mahalaga sa akin na miyembro ako ng totoong Simbahan ni Jesucristo dahil … Pagkatapos ay magsulat ng maikling talata na naisip mong idugtong sa pariralang ito. Isama ang lahat ng dahilang maiisip mo mula sa natutuhan mo sa pag-aaral mo ng 3 Nephi 27:1–12.

3 Nephi 27:13–22

Ipinaliwanag ni Jesucristo ang Kanyang ebanghelyo at itinuro ang dapat nating gawin para makatayo nang walang kasalanan sa harapan Niya

Isipin ang isang pagkakataon na nahuli kang gumagawa ng isang bagay na alam mong mali. Alalahanin ang nadama mo nang malaman ng iba ang ginawa mo. Pag-isipan ang mga sumusunod na tanong: Ano ang madarama mo kapag nakatayo ka na sa harapan ng Panginoon para hatulan kung may mga kasalanan ka pang hindi napagsisihan? Ano ang madarama mo kapag nakatayo ka na sa harapan ng Panginoon para hatulan kung wala nang paraan para mapagsisihan ang anumang kasalanang nagawa mo sa buhay na ito?

Matapos ituro sa mga Nephita na dapat itayo ang Kanyang Simbahan sa Kanyang ebanghelyo, patuloy na itinuro ng Tagapagligtas ang ibig sabihin ng Kanyang ebanghelyo. Ang ibig sabihin ng salitang ebanghelyo ay “mabuting balita” o “masayang balita.” Sa pamamagitan ng ebanghelyo may mabuti pa ring balita para sa ating lahat kung magkakasala tayo.

  1. journal iconBasahin ang 3 Nephi 27:13–16, 19, at alamin ang mga bagay sa ebanghelyo na mabuting balita para sa ating lahat. Ang saligan ng ebanghelyo ni Jesucristo ay Kanyang ginawa ang kalooban ng Kanyang Ama sa pagsasakatuparan ng Pagbabayad-sala. Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa iyong scripture study journal:

    1. Nagpatotoo ang Tagapagligtas sa Kanyang mga disipulo na pumarito Siya sa daigdig upang gawin ang kalooban ng Kanyang Ama. Ayon sa 3 Nephi 27:14, ano ang kalooban ng Ama sa Langit para sa Kanyang Banal na Anak?

    2. Dahil isinakatuparan ng Tagapagligtas ang kalooban ng Kanyang Ama, ano ang makakamtan ng buong sangkatauhan? (tingnan lalo na sa 3 Nephi 27:19).

  2. journal iconPara matulungan ka na mapahalagahan ang kadakilaan ng mabuting balitang ito, basahin ang isa o higit pa sa mga sumusunod na scripture passage at sumulat ng maikling paliwanag sa iyong scripture study journal kung bakit ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo ay napakabuting balita: 2 Nephi 9:8–10; Alma 34:14–16; Helaman 14:15–18.

Pinatotohanan ni Elder Jeffrey R. Holland ng Korum ng Labindalawang Apostol kung bakit mabuting balita ang ebanghelyo sa lahat ng tao: “Ang ‘mabuting balita’ ay matatakasan ang kamatayan at impiyerno, madaraig ang mga pagkakamali at kasalanan, may pag-asa, may tulong, may kalutasan sa hindi malutas, at magagapi ang kaaway. Ang mabuting balita ay lahat ng libingan ay mawawalan ng laman balang-araw, na lahat ng kaluluwa ay magiging dalisay muli, na lahat ng anak ng Diyos ay muling makababalik sa Ama na nagbigay sa kanila ng buhay” (“Missionary Work and the Atonement,” Ensign, Mar. 2001, 8, 10).

Si Jesucristo sa Getsemani

May narinig ka na ba na nagsabing kailangan nating “ipamuhay ang ebanghelyo”? Kapag may nag-aanyaya sa atin na “ipamuhay ang ebanghelyo,” karaniwang hinihikayat nila tayong ipamuhay ang mga alituntunin at tumanggap ng mga ordenansa na nag-aanyaya ng kapangyarihan ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo sa ating buhay upang tayo ay maligtas. Basahing mabuti ang 3 Nephi 27:20–21 at alamin ang dapat nating gawin para matanggap ang lahat ng pagpapala ng Pagbabayad-sala at makapaghanda para sa paghuhukom.

  1. journal iconIsulat ang Kung tayo ay , makatatayo tayo nang walang bahid-dungis sa harapan ni Jesucristo sa iyong scripture study journal. Kumpletuhin ang pariralang ito sa pagsulat ng isang alituntunin ng ebanghelyo mula sa 3 Nephi 27:20–21 na dapat nating sundin upang makatayong walang bahid-dungis sa harapan ng Panginoon. (Maaari kang makatukoy ng ilang alituntunin para sa bahaging “kung” sa inilahad na alituntuning ito.) Pagkatapos ay sagutin ang sumusunod na tanong sa iyong scripture study journal: Ano ang magagawa ko sa aking buhay ngayon para “maipamuhay ang ebanghelyo” nang lubos nang sa gayon ay maranasan ko ang kapangyarihan ng Pagbabayad-sala at makatayong walang bahid-dungis sa harapan ng Diyos sa huling araw?

Pag-isipang mabuti kung ano kaya ang mangyayari sa araw na iyon na tatayo ka sa harapan ni Jesucristo at alam mong nalinis ka sa pamamagitan ng Kanyang Pagbabayad-sala dahil sinunod mo ang mga alituntunin, kautusan, at ordenansa ng Kanyang ebanghelyo.

3 Nephi 27:23–33

Iniutos ni Jesucristo sa Kanyang mga disipulo na maging tulad Niya

Banal na Manunubos

Tulad ng nakatala sa pagtatapos ng 3 Nephi 27, tinagubilinan ni Jesucristo ang Kanyang labindalawang disipulo at itinuro sa kanila ang tungkol sa kanilang tungkulin bilang mga pinuno at hukom ng kanilang mga tao. Basahin ang 3 Nephi 27:27, at alamin ang kautusang ibinigay Niya sa mga disipulo para matulungan sila na matwid na magampanan ang kanilang mga tungkulin. Pag-isipan sandali ang tungkol sa mga sumusunod na tanong:

  • Bakit mahalaga sa mga humahatol sa iba na maging tulad ng Tagapagligtas?

  • Ayon sa 3 Nephi 27:21, ano ang inutos ng Tagapagligtas sa mga disipulo?

  • Ano ang pagkakaugnay ng paggawa ng mga ginagawa ng Tagapagligtas at pagiging tulad Niya?

Muling basahin ang 3 Nephi 27:21, 27, at markahan sa iyong banal na kasulatan ang mga salita at mga parirala na nagpapakita na inaasahan ng Panginoon na tutularan ng Kanyang mga disipulo ang Kanyang mga ginagawa at magiging tulad Niya.

  1. journal iconSagutin ang mga sumusunod na tanong sa iyong scripture study journal para matulungan ka na maipamuhay ang mga itinuro ng Tagapagligtas upang maging higit na katulad Niya:

    1. Ano ang mga pagkakataon ko kahapon para matularan ko ang Tagapagligtas?

    2. Paano ako magiging higit na katulad ng Tagapagligtas ngayon?

    3. Anong mga gawa ng Tagapagligtas ang magagawa ko bukas sa paaralan o sa bahay?

Pangulong Ezra Taft Benson

Itinuro ni Pangulong Ezra Taft Benson na ang mga nagsisikap na maging tulad ni Jesucristo ay magtatamo ng tunay na kadakilaan: “Pinakadakila at pinakamapalad at pinakamasaya ang taong ang buhay ay halos natutulad kay Cristo. Walang kinalaman dito ang kayamanan, kapangyarihan, o katanyagang natamo sa mundo. Ang tanging tunay na sukatan ng kadakilaan, kabanalan, at kagalakan ay kung gaano kalapit nating matutularan ang pamumuhay ng Panginoong Jesucristo. Siya ang tamang daan, lubos na katotohanan, at saganang buhay” (“Jesus Christ—Gifts and Expectations,” Ensign, Dis. 1988, 2).

  1. journal iconIsulat ang sumusunod sa ibaba ng mga assignment sa araw na ito sa iyong scripture study journal:

    Napag-aralan ko na ang 3 Nephi 27 at natapos ang lesson na ito noong (petsa).

    Mga karagdagang tanong, kaisipan, at ideya na gusto kong ibahagi sa aking titser: