Seminary
Unit 17: Day 2, Alma 19–20


Unit 17: Day 2

Alma 19–20

Pambungad

Tulad ng nakatala sa Alma 19–20, nakaranas si Haring Lamoni ng malaking pagbabago sa puso, na humantong sa pagbabalik-loob ng marami sa kanyang mga tao. Naglakbay sina Ammon at Haring Lamoni sa lupain ng Midoni upang palayain ang mga nakabilanggong kapatid ni Ammon. Sa kanilang paglalakbay, nakasalubong nila ang ama ni Lamoni, na siyang hari ng lahat ng mga Lamanita. Ang matapang na patotoo ni Ammon at mapagmahal na pagtatanggol kay Lamoni ang naging dahilan ng paglambot ng puso ng ama ni Haring Lamoni at pagpayag na palayain ang mga kapatid ni Ammon. Dahil sa patotoo at halimbawa ni Ammon, maraming tao ang nakadama sa impluwensya ng Espiritu Santo at naturuan ng ebanghelyo at nagbalik-loob.

Alma 19

Nagsisi at nabinyagan si Haring Lamoni at ang marami sa kanyang mga tao

Isipin ang epekto sa paggalaw ng tubig (rippling effect) kapag naghulog ka ng isang bato rito.

Paano maihahalintulad ang ikinikilos ng isang tao sa bato na inihulog sa tubig?

Isulat ang Ammon sa gitna (sa loob ng oval) ng sumusunod na diagram.

ripples diagram

Basahin ang Alma 19:1, 6 upang malaman kung sino ang unang naimpluwensyahan ng patotoo ni Ammon, at isulat ang pangalan sa unang bilog ng diagram. Pumili ng isang parirala mula sa mga talatang ito na sa palagay mo ay pinakamainam na naglalarawan ng nangyari kay Lamoni. Isulat ang pariralang iyan at ang naiisip mong kahulugan nito:

Basahing mabuti ang Alma 19:7–10 para malaman mo kung sino ang kasunod na naimpluwensyahan ng patotoo ni Ammon, at isulat ito sa pangalawang bilog ng diagram. Ayon sa Alma 19:10, ano ang kahanga-hanga sa pananampalataya ng asawa ni Lamoni?

Ayon sa nakatala sa Alma 19:11–13, paano naimpluwensyahan ang asawa ni Lamoni ng patotoo ng kanyang asawa?

  1. journal iconBasahin ang Alma 19:13–14, at sagutin ang mga sumusunod na tanong sa iyong scripture study journal: Sa iyong palagay, ano ang ibig sabihin ng “nadaig ng Espiritu,” o “nadaig sa kagalakan”? Kailan mo nadama ang napakalakas na impluwensya ng Espiritu Santo sa iyong buhay?

Basahin ang Alma 19:15, at alamin kung sino ang kasunod na naimpluwensyahan ng patotoo ni Ammon, at isulat ito sa pangatlong bilog ng diagram.

Basahin ang Alma 19:16–17 at alamin kung sino ang kasunod na naimpluwensyahan, at isulat ito sa pang-apat na bilog ng diagram.

Isipin kung paano naimpluwensyahan ang lahat ng tagapagsilbi ng hari sa mga nangyari kay Ammon, kay Lamoni, at sa asawa ni Lamoni. Sa Alma 19:15–17, markahan ang anumang salita at parirala na nagpapakita na bumaling sa Diyos ang mga tagapagsilbi ni Lamoni.

  1. journal iconSagutin ang sumusunod na tanong sa iyong scripture study journal: Paano nakatulong ang mga espirituwal na karanasan ni Lamoni at ng kanyang sambahayan sa pasiya ni Abis na ibahagi ang kanyang patotoo sa iba makaraan ang maraming taon na “kailanman ay hindi ito naipaalam” (Alma 19:17)?

Basahin ang Alma 19:18–22 para malaman kung ano ang naisip ng mga taong nagtipon sa tahanan ng hari tungkol sa nakita nila. Isipin kunwari na ikaw si Abis. Ano ang susunod na gagawin mo pagkatapos mong makita na nagtatalu-talo ang mga tao? Para malaman kung ano ang ginawa ni Abis, basahin ang Alma 19:23–29.

Basahin ang Alma 19:30–36, at isipin ang epekto ng patotoo ni Ammon sa iba pa. Punan ang panlimang bilog sa diagram ng “maraming iba pang mga Lamanita.”

  1. journal iconIsipin ang lahat ng taong naimpluwensyahan ng patotoo ni Ammon, at pagkatapos ay kumpletuhin ang pariralang ito sa iyong scripture study journal: Sa pagbabahagi ng aking patotoo at pagpapakita ng mabuting halimbawa, maaari kong …

Sa pamamagitan ng kanyang patotoo at halimbawa, natulungan ni Ammon si Lamoni at ang iba pa na bumaling sa Panginoon. Isipin ang mga taong nagkaroon ng mahalagang espirituwal na bahagi sa iyong buhay. Umisip ng isang tao na ang mabuting halimbawa at patotoo ay nakaimpluwensya sa iyo. May maiisip ka pa bang ginawa ng taong ito na nakaimpluwensya rin nang mabuti sa ibang tao?

  1. journal iconPag-isipan kung paano mo maipamumuhay ang iyong natutuhan mula sa halimbawa ni Ammon sa pagsagot sa mga sumusunod na tanong sa iyong scripture study journal:

    1. Paano mapagpapala ang iyong pamilya at mga kaibigan kung susundin mo ang halimbawa ni Ammon ng matwid na pamumuhay, paglilingkod sa iba, at pagbabahagi ng iyong patotoo?

    2. Paano makakaimpluwensya ang iyong halimbawa at patotoo nang higit pa sa nakikita mong nangyayari sa kasalukuyan sa iyong pamilya, mga kaibigan, at kakilala?

Alma 20

Ang ama ni Haring Lamoni ay nakaranas ng malaking pagbabago ng puso at nagnais na matutuhan ang tungkol sa ebanghelyo

Basahin ang sumusunod na tatlong sitwasyon, at isiping mabuti kung paano ka tutugon sa mga ito:

  • Sa isang paligsahan sa isport, isang referee o umpire ang nagsabing nagkamali ka at tila di-makatwiran ang pagtrato sa iyo.

  • Pinaratangan ka ng titser mo sa harapan ng mga kaklase mo na nangopya ka sa test pero hindi mo naman ginawa ito.

  • Inakala ng mga magulang mo na ikaw ang may kagagawan ng isang pagkakamali pero sa katunayan ay ginawa ito ng kapatid mo.

Ayon sa nakatala sa Alma 20, sina Ammon at Lamoni ay nasa isang sitwasyon kung saan maaari silang tumugon nang may galit. Isipin kunwari na nasa sitwasyon ka ni Ammon o Lamoni habang pinag-aaralan mo ang kabanatang ito.

Basahin ang Alma 20:1–7 upang makita kung ano ang nangyari nang gustong ipakilala ni Lamoni si Ammon sa kanyang ama, na siyang hari ng lahat ng mga Lamanita. Pagkatapos ay basahin ang bawat isa sa mga sumusunod na grupo ng mga talata at pag-isipang mabuti ang iyong mga sagot sa mga kalakip na tanong.

Alma 20:8–13

Kung ikaw ang nasa katayuan ni Ammon at pinaratangan ka ng isang tao na nagsisinungaling at nagnanakaw, ano ang madarama mo?

Alma 20:14–16

Ano ang hinangaan mo sa isinagot ni Lamoni sa kanyang ama?

Alma 20:17–25

Paano tinugon ni Ammon ang galit ng ama ni Lamoni? Paano ipinakita ni Ammon na mahal niya si Lamoni?

Basahin ang Alma 20:26–27 upang makita ang mga ibinunga ng itinugon ni Ammon. Ano ang ninais na matutuhan ng ama ni Lamoni matapos makita ang pagmamahal ni Ammon?

Ano ang matututuhan natin sa itinugon ni Ammon sa galit ng ama ni Lamoni?

Isulat ang sumusunod na katotohanan sa iyong banal na kasulatan sa tabi ng Alma 20:26–27 o sa iyong scripture study journal: Kapag kumilos tayo nang may pagmamahal, mapapalambot nito ang puso ng ibang tao at nanaisin nilang malaman ang katotohanan. Isipin ang mga pagkakataon sa iyong tahanan, sa mga kaibigan, o sa paaralan na makatutugon ka nang may pagmamahal sa galit ng ibang tao.

  1. journal iconMagsulat ng isang mithiin sa iyong scripture study journal na naglalarawan kung paano ka tutugon nang mas may pagmamahal sa galit ng isang tao, tulad ng ginawa ni Ammon sa hari ng mga Lamanita.

  2. journal iconIsulat ang sumusunod sa ibaba ng mga assignment sa araw na ito sa iyong scripture study journal:

    Napag-aralan ko na ang Alma 19–20 at natapos ang lesson na ito noong (petsa).

    Mga karagdagang tanong, kaisipan, at ideya na gusto kong ibahagi sa aking titser: