Seminary
Unit 18: Day 4, Alma 32


Unit 18: Day 4

Alma 32

Pambungad

Matapos masaksihan ang maling pagsamba ng mga Zoramita, si Alma at ang kanyang mga kasama ay nangaral ng salita ng Diyos sa kanila. Nagsimula silang magtagumpay sa mga maralita na itinaboy sa mga sinagoga ng mga Zoramita. Gamit ang analohiya ng pagtatanim at pag-aalaga ng binhi, itinuro sa kanila ni Alma ang dapat nilang gawin upang matanggap at maalagaan ang pananampalataya sa salita ng Diyos. Sila (at tayo) ay inanyayahan ni Alma na subukan ang salita at alagaan ang kanilang pananampalataya at patotoo araw-araw.

Alma 32:1–16

Tinuruan ni Alma ang mga Zoramita na naging mapagpakumbaba dahil sa kanilang kahirapan

  1. journal iconKunwari ay itinanong sa iyo ng kaibigan mo kung paano malalaman ng isang tao kung totoo ang Simbahan. Sa iyong scripture study journal, isulat ang iyong sagot kung paano magkaroon ng patotoo. Pagkatapos ay isulat ang Paano makatatanggap ng patotoo at mapapalakas ito sa susunod na linya ng iyong journal. Sa iyong pag-aaral ng Alma 32, ilista sa ilalim ng heading na ito ang mga ideya na nalaman mo tungkol sa kung paano tumanggap at magpalakas ng patoo. Patuloy mong daragdagan ang listahang ito hanggang matapos ang lesson; kaya, makabubuting mag-iwan ng ilang ekstrang espasyo sa pagitan ng unang scripture study journal assignment na ito at ng assignment 2.

Sa nakaraang lesson (Alma 31), nabasa mo ang tungkol sa maling pagsamba ng mga Zoramita, isang grupo ng mga Nephita na tumalikod sa katotohanan, na nasaksihan ni Alma at ng kanyang mga kasama. Pagkatapos manalangin ni Alma nang may pananampalataya, siya at ang kanyang mga kapatid ay nagsimulang mangaral ng ebanghelyo sa mga taong ito. Basahin ang Alma 32:1–3, at alamin kung aling grupo ng mga Zoramita ang nagpakita ng interes sa mensahe ng mga misyonero.

Basahin ang Alma 32:4–6, at tukuyin kung paano naging pagpapala ang mga epekto ng kanilang kahirapan.

Ang isang alituntunin na makikita sa mga talatang ito ay: Ang pagpapakumbaba ay naghahanda sa atin upang matanggap ang salita ng Diyos. Isulat ang maging mapagpakumbaba sa iyong scripture study journal sa ilalim ng heading na “Paano makatatanggap ng patotoo at mapapalakas ito.”

  1. journal iconSa iyong scripture study journal, isulat ang iyong palagay kung bakit mahalaga ang pagpapakumbaba sa pagtanggap at pagpapalakas ng patotoo.

Basahin ang Alma 32:13–16, at alamin ang iba’t ibang paraan na nagiging mapagpakumbaba ang mga tao. Batay sa itinuro ni Alma, pipiliin mo bang maging mapagpakumbaba o mapilitang magpakumbaba? Bakit?

Isipin kung ano sa palagay mo ang ibig sabihin ng nagpakumbaba ng iyong sarili “dahil sa salita” (Alma 32:14). Paano mo matataglay ang ganitong pagpapakumbaba sa pagdalo sa mga aktibidad ng Simbahan, seminary, o sa family home evening?

Piliing magpakumbaba sa pamamagitan ng pagkilos ayon sa anumang pahiwatig na matanggap mo hinggil sa pagpapakumbaba ng iyong sarili.

Alma 32:17–43

Itinuro ni Alma sa mga Zoramita kung paano palakasin ang kanilang pananampalataya

Habang nagtuturo sa mga Zoramita, tinukoy ni Alma ang isang maling ideya ng maraming tao tungkol sa pagtatamo ng patotoo. Basahin ang Alma 32:17–18, at tukuyin ang maling ideyang ito.

Isipin sandali kung paano makahahadlang ang paghingi ng palatandaan para sa pagkakaroon ng pananampalataya at patotoo. (Maaari mong isulat ang D at T 63:9–11 sa margin ng iyong banal na kasulatan sa tabi ng Alma 32:17–18 at basahin ito para sa dagdag na kaalaman.)

Basahin ang Alma 32:21, isang scripture mastery passage, at alamin ang paliwanag ni Alma kung ano ang pananampalataya at ano ang hindi. (Maaari mo itong markahan sa paraang madali mo itong mahahanap sa hinaharap.)

Basahin ang Alma 32:22. Isiping mabuti kung ano ang magagawa mo para mapalakas pa ang iyong pananampalataya at personal na patotoo.

Idagdag ang tandaan na maawain ang Diyos at piliing maniwala sa listahan ng “Paano makatatanggap ng patotoo at mapapalakas ito” sa iyong scripture study journal.

Itinuro ni Alma sa mga Zoramita kung paano sila magsisimulang maniwala sa salita ng Diyos sa pamamagitan sa pagsubok sa salita. Isipin ang ilang eksperimento na ginawa ninyo sa science class o sa iba pang klase at ang mga hakbang na sinunod ninyo. Pansinin na kailangang magtrabaho ang mga nagsasaliksik sa pagsasagawa ng mga eksperimento. Gayon din, ang pagtanggap o pagpapalakas ng patotoo ay nangangailangan ng pagkilos mo. Basahin ang Alma 32:27, at alamin ang pagsubok na sinabi ni Alma na dapat gawin ng mga Zoramita.

Maaaring makatulong na malaman na ang ibig sabihin ng kaisipan ay kapangyarihan o kakayahan na ipinagkaloob sa atin para makita at maunawaan ang mundong ginagalawan natin. Kabilang sa mga ito ang ating pandinig, paningin, at pandamdam; makatwirang pag-iisip; at alaala.

Idagdag ang subukan (gawin) ang salita sa listahan ng “Paano tumanggap at magpalakas ng patoo” sa iyong scripture study journal.

Sa iyong pagbabasa ng Alma 32:28, maaari mong markahan sa iyong banal na kasulatan ang mga talatang tulad ng “magsisimulang lumaki,” “palakihin ang aking kaluluwa,” “liwanagin ang aking pang-unawa,” at “masarap para sa akin.” Itinuro ni Elder Bruce R. McConkie ng Korum ng Labindalawang Apostol kung paano lumalaki ang ating pananampalataya:

Elder Bruce R. McConkie

“Lumalaki ang ating pananampalataya; nang paunti-unti mula sa mas mababang antas patungo sa mas mataas na antas. Lumalago tayo nang biyaya sa biyaya hanggang sa maging ganap ang ating pananampalataya, sa abot ng makakaya ng lahat ng matwid na mortal na tao, at sa gayon nasa kalagayan tayo na sumulong patungo sa kawalang-hanggan sa walang hanggang pag-unlad. …

“Gawin nang mas maaga ang dapat gawin at kapag nagawa na ninyo ang unang hakbang sa pagkakaroon ng pananampalataya, magbibigay ito ng katiyakan sa iyong kaluluwa na ikaw ay makasusulong at magagawa ang susunod na hakbang, at paunti-paunti ang iyong kapangyarihan o impluwensya ay lalakas” (Lord, Increase Our Faith, Brigham Young University Speeches of the Year [Okt. 31, 1967], 9, 11).

  1. journal iconMatapos basahin ang Alma 32:28, kumpletuhin ang isa o higit pa sa mga sumusunod na assignment sa iyong scripture study journal:

    1. Ano ang dapat nating gawin o hindi dapat gawin kapag ginawa natin ang pagsubok na ito sa salita? (Isang listahan ng ilang posibleng sagot ang nasa katapusan ng lesson na ito.)

    2. Ano sa iyong palagay ang ibig sabihin ng “magbigay-puwang, na ang [salita ng Diyos] ay maitanim sa inyong mga puso”?

    3. Kailan mo nadama na ang salita ng Diyos ay nagpalaki ng iyong kaluluwa at nagpaliwanag sa iyong pang-unawa? Ilarawan kung ano ang pakiramdam na iyon gamit ang iyong sariling salita.

binhi sa lupa

Basahin ang Alma 32:29–34, at markahan ang mga salita at mga pariralang naglalarawan kung ano ang matututuhan ng isang tao tungkol sa salita ng Diyos kapag ginawa niya ang pagsubok sa salita. Ang ibig sabihin ng salitang alagaan ay pakainin, panatilihin, o pangalagaan.

Isipin sandali kung paano natutulad ang paraan ng pag-aalaga para lumaki ang puno sa ginagawa mo para lumago ang iyong patotoo. Isipin din kung bakit hindi pa rin ganap ang pananampalataya at patotoo ng isang tao matapos magawa ang pagsubok sa salita ng Diyos. Sa iyong palagay, ano pa ang kailangang gawin para magkaroon ng matibay na patotoo sa ebanghelyo?

Basahin ang Alma 32:35–40, at alamin ang sinabi ni Alma na kailangan nating gawin para matapos ang pagsubok sa salita. Pag-isipang mabuti kung ano ang dapat mong gawin para lumaki ang puno, o ang iyong patotoo. Ano ang mangyayari kapag hindi mo nagawa ang mga ito?

Tree Small

Isara ang iyong banal na kasulatan, at subukan kung ilan ang masasagot mo sa mga sumusunod na tanong:

  • Ano ang dapat nating gawin para lumaki ang ating pananampalataya sa salita ng Diyos at maging tulad ito ng isang punong namumunga?

  • Ano sa palagay mo ang sinasagisag ng bunga?

  • Ano ang mangyayari kapag pinabayaan natin ang puno o hindi ito inalagaan?

  • Sa iyong palagay, bakit ganito ang mangyayari kapag pinabayaan natin o hindi inalaagaan ang patotoo?

Kung kailangan, buksan ang iyong banal na kasulatan at rebyuhin ang Alma 32:35–40 para matulungan ka na masagot ang mga tanong. Idagdag ang alagaan nang buong pagsisikap sa iyong listahan ng “Paano makatatanggap ng patotoo at mapapalakas ito” sa iyong scripture study journal.

Ibuod sa isang pangungusap ang natutuhan mo mula sa Alma 32 tungkol sa mga kinakailangan para matanggap o mapalakas ang patotoo, at isulat ang alituntuning ito sa iyong banal na kasulatan sa tabi ng Alma 32:37–43.

Maaaring ganito ang maisulat mo: Kung buong pagsisikap nating aalagaan ang ating pananampalataya sa salita ng Diyos sa ating puso, lalago ang ating pananampalataya at patotoo kay Jesucristo at sa Kanyang ebanghelyo.

Basahin ang Alma 32:41–43, at alamin kung paano inilarawan ni Alma ang bunga na magmumula sa mga taong tapat na inaalagaan ang kanilang mga patotoo. Binanggit sa Alma 32:42 ang pagsisikap at pagtitiyaga. Sa iyong palagay, bakit kailangan ang pagsisikap at pagtitiyaga para sa puno—o sa iyong patotoo—para lumaki ito?

Large Small
  1. journal iconSagutin ang isa o lahat ng tanong sa iyong scripture study journal:

    1. Ano ang nakita mong ibinunga sa iyong buhay ng pagsunod sa pagsubok sa salita na itinuro ni Alma sa Alma 32?

    2. Paano mo maipamumuhay ang pagsubok sa salita na itinuro ni Alma sa Alma 32?

scripture mastery icon
Scripture Mastery—Alma 32:21

  1. journal iconBasahin muli ang Alma 32:21. Sikaping isaulo ang talatang ito, at pagkatapos ay bigkasin ito nang walang kopya sa isang kaibigan o kapamilya. Sumulat ng ilang pangungusap sa iyong scripture study journal na ipinapaliwanag ang itinuturo ng talatang ito sa iyo tungkol sa pananampalataya.

Mga posibleng sagot para sa assignment 3a: (a) magbigay-puwang sa salita (o binhi) upang maitanim ito sa inyong puso, (b) huwag itapon ang binhi dahil sa inyong kawalang-paniniwala, at (c) makita ang pagtubo ng binhi.

  1. journal iconIsulat ang sumusunod sa ibaba ng mga assignment sa araw na ito sa iyong scripture study journal:

    Napag-aralan ko na ang Alma 32 at natapos ang lesson na ito noong (petsa).

    Mga karagdagang tanong, kaisipan, at ideya na gusto kong ibahagi sa aking titser: