Seminary
Unit 30: Day 4, Eter 12


Unit 30: Day 4

Eter 12

Pambungad

Matapos isalaysay ang maraming taon ng kasaysayan ng mga Jaredita, sinimulang iulat ni Moroni ang paglilingkod ni propetang Eter. Sandaling huminto si Moroni sa kanyang pagsasalaysay ng kasaysayan at itinala ang ilan sa mga pagpapalang dumarating sa mga nananampalataya kay Jesucristo. Inihayag niya rin ang kanyang alalahanin. Nag-alala siya na hindi tatangapin ng mga magbabasa ng Aklat ni Mormon sa mga huling araw ang Aklat ni Mormon dahil sa kahinaan niya at ng ibang mga manunulat sa pagsulat. Ipinangako ng Panginoon kay Moroni na palalakasin Niya ang mga kahinaan ng lahat ng mga taong nagpakumbaba sa harapan Niya at nananampalataya.

Eter 12:1–4

Nangaral si Eter ng pagsisisi sa mga Jaredita

bangka sa dalampasigan na nakakabit sa angkla

Bakit mahalagang may angkla ang bangka? Anong panganib o problema ang posibleng mangyari sa bangka kung wala itong angkla? Lagyang ng label ang bangka sa larawan ng Ang Buhay Ko. Isipin ang mga sumusunod na tanong:

  • Kung maihahalintulad sa bangka ang buhay mo, saan naman maitutulad ang mga alon?

  • Kung ihahambing natin ang mga alon sa paghihirap at kasamaan, saan maitutulad ang buhay ng isang tao kung wala siyang angkla? (Tingnan sa Mormon 5:18.)

  • Ano ang ibinigay sa iyo ng Panginoon para tulungan kang matibay na nakakapit tulad ng angkla?

Sa pag-aaral mo ng Eter 12, alamin ang dapat mong gawin para maging tulad ng bangka na may angkla—matatag at matibay sa kabila ng mga alon at problemang dumarating. Nagsimula ang Eter 12 sa pagpapakilala ni Moroni sa propetang si Eter, na nabuhay sa panahong itinataboy ng mga tao ang mga propeta at nabubuhay sa kasamaan. Basahin ang Eter 12:1–3, at hanapin ang anumang bagay na nakaantig sa iyo tungkol sa mga ginawa ni Eter sa mahihirap na kalagayang ito.

Habang naglilibot upang payuhan ang mga tao na magsisi, itinuro ni Eter kung ano ang maaasahan ng isang taong naniniwala sa Diyos kahit napapalibutan ito ng kahirapan at kasamaan. Basahin ang Eter 12:4, at markahan kung ano ang pag-asang iyan. (Sa iyong pagbabasa, makatutulong na malaman na ang ibig sabihin ng magkaroon ng “isang lugar sa kanang kamay ng Diyos” ay makabalik sa kinaroroonan ng Diyos at tumanggap ng buhay na walang hanggan.)

  1. journal iconSagutin ang mga sumusunod na tanong sa iyong scripture study journal:

    1. Sa iyong palagay, ano ang pagkakaiba ng umasa “nang may katiyakan” sa umasa lang na sana ay mangyari ang isang bagay?

    2. Paano tayo nahihikayat ng pananampalataya kay Jesucristo na umasa “nang may katiyakan” na magkakaroon tayo ng lugar sa kanang kamay ng Diyos?

    3. Anong mga parirala sa Eter 12:4 ang naglalarawan sa mga ginagawa ng isang taong umaasa at nananampalataya kay Jesucristo?

Sa larawan ng bangka sa simula ng lesson na ito, lagyan ng label ang angkla ng mga salitang pananampalataya at pag-asa.

Itinuro sa Eter 12:4 ang alituntunin na kapag tayo ay umaasa at nananampalataya kay Jesucristo, tatanggap tayo ng lakas na maging matatag at mananagana sa mabubuting gawa.

Isipin ang mga pagkakataon na maaaring mahirap para sa iyo na maging matatag (di-natitinag) at managana sa mabubuting gawa. Para matulungan ka sa mga sitwasyong ito sa buong buhay mo, alamin ang mga paraan na madaragdagan mo ang pananampataya mo sa Panginoong Jesucristo sa patuloy na pag-aaral mo ng Eter 12.

Eter 12:5–22

Inilahad ni Moroni ang mga himala at mga kagila-gilalas na gawa dahil sa pananampalataya

  1. journal iconSa iyong scripture study journal, tapusin ang sumusunod na pangungusap gamit ang anumang katotohanan ng ebanghelyo na gusto mong malaman kung totoo: Gusto kong magkaroon ng espirituwal na patunay ng …

Iniisip ng ilang tao na dapat muna nilang makita ang katibayan ng katotohanan at patunayan ito sa kanila bago nila ito ipamuhay. Binanggit ni Moroni ang pag-uugaling iyan sa Eter 12:5–6. Basahin ang mga talatang ito at markahan ang mga bahagi ng kanyang payo na pinakamahalaga sa iyo. (Ang Eter 12:6 ay isang scripture mastery passage.)

Ayon sa Eter 12:6, ano ang dapat na mayroon tayo bago makatanggap ng patunay mula sa Panginoon? Ano ang naiisip mo sa pariralang “pagsubok sa inyong pananampalataya”?

Elder Richard G. Scott

Inaakala ng ilang tao na ang kahulugan ng “pagsubok sa inyong pananampalataya” ay laging tumutukoy sa paghihirap. Ibinigay ni Elder Richard G. Scott ng Korum ng Labindalawang Apostol ang kaalamang ito tungkol sa kahulugan ng “pagsubok sa inyong pananampalataya”: “Mabisa ninyong magagamit ang pananampalataya sa pagsunod sa alituntuning itinuro ni Moroni: ‘… wala kayong matatanggap na patunay hangga’t hindi natatapos ang pagsubok sa inyong pananampalataya’ [Eter 12:6; idinagdag ang italics]. Sa gayon, sa tuwing susubukin ninyo ang inyong pananampalataya, ibig sabihin, kumikilos nang marapat sa isang impresyon, tatanggapin ninyo ang nagpapatibay na patunay ng Espiritu. [Ito ang magpapalakas sa inyong pananampalataya.] Ito ang magpapalakas sa pananampalataya kung paulit-ulit itong gagawin” (“Ang Nagtataguyod na Kapangyarihan ng Pananampalataya sa Oras ng Kawalang Katiyakan,” Ensign o Liahona, Mayo 2003, 76).

Basahin ang mga sumusunod na scripture passage, at hanapin ang mga pagpapalang dumarating matapos manampalataya ang mga tao:

Makatutulong na pansinin ang paggamit ng salitang matapos sa Eter 12:7, 12, 17, 18, at 31.

  1. journal iconBatay sa napag-aralan mo sa Eter 12, isulat sa iyong scripture study journal, sa sarili mong mga salita, kung ano sa palagay mo ang itinuro ni Moroni tungkol sa pagtanggap ng mga espirituwal na patunay mula sa Panginoon.

Isa sa mga alituntuning itinuro ni Moroni ay: Kung gusto natin ng patunay, dapat muna tayong manampalataya kay Jesucristo.

  1. journal iconBasahin ang mga sumusunod na sitwasyon, at isulat sa iyong scripture study journal kung paano maipapakita ng isang tao sa dalawa o mahigit pa sa mga sitwasyong iyon ang pananampalataya sa Panginoon:

    1. Gusto ng isang dalagita na makatanggap ng patunay na totoo ang Aklat ni Mormon.

    2. Isang binatilyo ang gustung-gustong tulungan ang kanyang mga mahal sa buhay na matanggap ang ebanghelyo.

    3. Isang dalagita ang humiling sa Panginoon na basbasan ang kanyang ama na maysakit.

  2. journal iconIsulat sa iyong scripture study journal ang isang pagkakataon na nakatanggap ka o ang isang kakilala mo ng patunay o himala matapos magpakita ng pananampalataya.

Isiping muli ang alituntunin o doktrina na gusto mong makatanggap ng espirituwal na patunay (tingnan sa assignment 2 sa lesson na ito). Ano ang maaari mong gawin para maipakita ang iyong pananampalataya bago makatanggap ng patunay?

scripture mastery icon
Scripture Mastery—Eter 12:6

  1. journal iconPara matulungan kang maisaulo ang Eter 12:6, basahin ito nang ilang beses, at isulat nang walang kopya ang natatandaan mo sa talata sa iyong scripture study journal. Pagkatapos niyan, ikumpara ang isinulat mo sa aktuwal na talata. Pag-aralang muli ang talata, at isulat ito sa pangalawang pagkakataon sa iyong scripture study journal.

Eter 12:23–41

Ipinahayag ni Moroni ang pag-aalala niya sa magiging reaksyon ng mga Gentil sa Aklat ni Mormon

Tulad ng nakatala sa Eter 12:23–41, nag-alala si Moroni na hindi tatanggapin sa huling araw ang Aklat ni Mormon dahil sa kahinaan niya at ng iba pang mga manunulat sa pagsulat. Sa iyong pagbabasa ng tugon ng Panginoon sa pag-aalala ni Moroni sa Eter 12:26–27, alamin kung paano sinabi ng Panginoon na maaaring maging malakas ang mahihinang bagay. (Ang Eter 12:27 ay isang scripture mastery passage.)

Ang mga banal na kasulatan ay naglalahad kung minsan ng alituntunin ng ebanghelyo na gamit ang mga salitang kung at sa gayon. Ang salitang kung ay naglalarawan ng dapat nating gawin, at ang sa gayon ay nagpapaliwanag ng mangyayari bilang resulta ng mga ginawa natin. Basahin ang Eter 12:27, at tukuyin ang alituntunin na naglalahad ng kung–sa gayon, at isulat ito sa ibaba.

Kung tayo ay , sa gayon ang Panginoon ay .

Tatalakayin ninyo ng titser mo ang mga talatang ito nang mas detalyado sa lesson sa linggong ito. Pag-aaralan at mas malalaman mo rin ang pagtalakay ni Moroni sa pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig sa kapwa-tao na matatagpuan sa Eter 12:28–41.

scripture mastery icon
Scripture Mastery—Eter 12:27

Para matulungan kang tandaan ang mga ideya sa Eter 12:27, kopyahin ang sumusunod sa isang papel: Kung … lalapit … ipakikita … kahinaan. … nagbibigay … kahinaan … magpakumbaba; … biyaya … lahat ng taong magpapakumbaba … kung magpapakumbaba … pananampalataya … mahihinang … malalakas.

Basahing muli ang Eter 12:27, at pansinin ang mga salitang ito. Bigkasing muli ang talata nang walang kopya hanggang makakaya mo, na ang tinitingnan lang ay ang mga salita sa papel mo. Ilagay ang papel na ito kung saan mo ito makikita mamaya o bukas (halimbawa, sa bulsa mo o sa iyong banal na kasulatan). Rebyuhin ang Eter 12:27 tuwing makikita mo ang papel hanggang sa maisaulo mo ang talata.

  1. journal iconIsulat ang sumusunod sa ibaba ng mga assignment sa araw na ito sa iyong scripture study journal:

    Napag-aralan ko na ang Eter 12 at natapos ang lesson na ito noong (petsa).

    Mga karagdagang tanong, kaisipan, at ideya na gusto kong ibahagi sa aking titser: