Seminary
Unit 13: Day 2, Mosias 19–20


Unit 13: Day 2

Mosias 19–20

Pambungad

Matapos makatakas si Alma at ang kanyang mga tao mula sa hukbo ni Haring Noe, ang mga taong nanatiling kasama ni Noe ay dumanas ng mga bagay na ipinropesiya ni Abinadi na mangyayari. Ipinaalala sa atin ng ulat tungkol sa mga Nephita sa mga lupain ng Lehi-Nephi na kapag hindi natin tinatanggap ang payo ng mga tagapaglingkod ng Panginoon, dadanas tayo ng napakahirap na kalagayan. Kabaligtaran nito, kapag sinusunod natin ang mga propeta, makadarama tayo ng kapayapaan at kaligtasan kahit sa gitna ng mga pagsubok. Habang pinag-aaralan mo ang lesson na ito, isipin kung paano ka makatatanggap ng kapayapaan at kaligtasan na nagmumula sa pakikinig sa payo ng mga propeta ng Panginoon sa panahong ito.

Mosias 19–20

Ang mga Nephita sa lupain ng Lehi-Nephi ay naranasan ang katuparan ng mga propesiya ni Abinadi

Basahin ang sumusunod na karanasang ibinahagi ni Elder David R. Stone, na dating miyembro ng Pitumpu, at isipin ang kahalagahan ng mga espirituwal na babala na natatanggap natin sa pamamagitan ng mga propeta:

“Isang Linggo ng umaga … isang magandang araw ang sumalubong sa aming paggising sa Santo Domingo sa Dominican Republic. Masikat ang araw sa Caribbean, at maaliwalas ang langit. Marahan ang ihip ng hangin, halos hindi nito mapagalaw ang mga dahon sa puno; payapa at tahimik ang araw na iyon. Ngunit sa laot ng karagatan, na hindi na halos maabot ng tanaw, papalapit ang nakamamatay na mangwawasak na walang patawad at ayaw papigil. Ang Hurricane Center, na responsibilidad na tuntunin at tantyahin ang dadaanan ng Hurricane Georges, ay palaging nagbibigay ng pinakabagong impormasyon na makikita sa internet. Sa tahimik at payapang umagang iyon, nakita ko sa pamamagitan ng satelayt, ang tinatayang dadaanan ng bagyo, na tila palasong nakaturo sa sentro ng Santo Domingo.

“Sa loob ng 48 oras, sinalanta ng nangangalit na bagyo ang pulo, at iniwang salanta, kalunus-lunos, at wala nang buhay ang maraming tao. …

“Bagama’t malaki ang pinsala, at pagkawasak at kamatayan ang iniiwan ng pisikal na bagyong ito, higit na kalagim-lagim ang idinudulot sa buhay ng mga tao ng mga espirituwal na bagyo. Ang nagngangalit na pwersang ito ay kadalasang higit pang nakakapinsala kaysa sa pisikal na bagyo, dahil winawasak nito ang ating mga kaluluwa at pinagkakaitan tayo ng pananaw at pangako na pangwalang-hanggan. …

“Inilalagay natin ang ating sarili sa dadaanan ng mga espirituwal na bagyong ito kapag nagpapadala tayo sa galit, nagpapasasa sa alak, at pang-aabuso; kahalayan at imoralidad; kawalan ng delikadesa at pornograpiya; droga, kapalaluan, kasakiman, karahasan, pagkainggit, at kasinungalingan—at napakarami pang iba. …

Quorum of Twelve Apostles

“Subalit mayroon din tayong mga espirituwal na bantay laban sa bagyo, mga taong tinawag na magbantay at magbigay ng babala, at tinutulungan tayong umiwas sa espirituwal na kapinsalaan, pagkawasak, at maging kamatayan. Ang ating mga bantay sa tore ay kilala natin bilang mga apostol at propeta. Sila ang ating mga espirituwal na mata sa kalangitan, at alam nila, sa pamamagitan ng inspirasyon at kaalaman at dalisay na talino, ang maaaring daanan ng mga bagyong ito. Patuloy nila tayong binibigyan ng babala laban sa mga kalunus-lunos na bunga ng sadya at walang habas na paglabag sa mga utos ng Panginoon. Ang sadyang pagbabalewala ng kanilang babala ay humahantong sa paghihirap, lungkot, at kapinsalaan. Ang pagsunod sa mga ito ay pagsunod sa mga piniling tagapaglingkod ng Panginoon patungo sa espirituwal na pastulan ng kapayapaan at kasaganaan” (“Spiritual Hurricanes,” Ensign, Nob. 1999, 31–32).

Pag-isipan sandali ang mga panganib na narinig ninyo na sinabi ng mga propeta at apostol na iwasan natin. Paano tayo mapoprotektahan ng kanilang mga salita mula sa mga “espirituwal na bagyo”?

Ipinadala ng Diyos si Abinadi para balaan ang mga tao ng Lehi-Nephi tungkol sa pagkawasak na darating kung hindi sila magsisisi.

  1. journal iconKopyahin ang sumusunod na chart sa iyong scripture study journal, at mag-iwan ng sapat na espasyo na mapagsusulatan sa ilalim ng bawat scripture reference:

    Propesiya tungkol sa mga tao ni Haring Noe (Mosias 12:1–2)

    Katuparan (Mosias 19:10, 14–15; 20:20–21; 21:3–4, 8, 10–13)

    Propesiya tungkol kay Haring Noe (Mosias 12:3)

    Katuparan (Mosias 19:18–20)

    A.

    B.

    Rebyuhin ang mga propesiya ni Abinadi sa mga Nephita sa lupain ng Lehi-Nephi sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga scripture reference sa kaliwang column ng chart. Sa ilalim ng angkop na mga scripture reference, isulat ang mga sinabi ni Abinadi na magiging bunga kung hindi magsisisi si Haring Noe at ang kanyang mga tao. Sa ilalim ng kaliwang column (A), isulat kung ano ang mararamdaman mo at gagawin kung narinig mo ang mga babala ni Abinadi.

Bago mo simulang punan ang kanang column ng chart, kumpletuhin ang aktibidad sa ibaba sa manwal. Makatutulong sa iyo ang aktibidad na ito na maging pamilyar sa mga pangyayari sa Mosias 19–20 at malaman ang katuparan ng mga propesiya ni Abinadi na nakatala sa mga kabanatang ito.

Sa iyong pag-aaral ng Mosias 19–20, lagyan ng numero ang sumusunod na 11 pangyayari ayon sa pagkakasunud-sunod nito sa mga banal na kasulatan. Ang mga chapter summary sa simula ng bawat kabanata ay magbibigay sa iyo ng mga makatutulong na clue na gagabay sa iyo.

  • Hinangad ni Gedeon na patayin si Haring Noe.

  • Ang mga kababaihan at mga bata ay nagmakaawa sa mga Lamanita na huwag silang patayin.

  • Si Haring Noe ay sinunog hanggang sa mamatay.

  • Pumunta ang hukbo ng mga Lamanita sa mga hangganan ng Semlon.

  • Dinukot ng mga saserdote ni Haring Noe ang 24 na anak na babae ng mga Lamanita.

  • Nagmakaawa ang hari ng Lamanita sa kanyang hukbo na huwag patayin ang mga tao ni Limhi.

  • Ilan sa mga tao ni Noe ang tumakas mula sa mga Lamanita, at iniwan ang kanilang mga kababaihan at mga anak.

  • Iniutos ni Limhi sa kanyang mga tao na huwag patayin ang hari ng mga Lamanita.

  • Nagkaroon ng kapayapaan sa pagitan ng mga Nephita at mga Lamanita nang dalawang taon.

  • Ipinangako ni Limhi na magbabayad ang kanyang mga tao ng kalahati ng kanilang mga ari-arian sa mga Lamanita.

  • Napaatras ng mga Nephita ang mga Lamanita sa pagsalakay nito at binihag ang hari ng mga Lamanita.

(Ang mga sagot sa aktibidad na ito ay nasa katapusan ng lesson.)

  1. journal iconPagkatapos mong mapagsunud-sunod ang 11 pahayag, balikan ang chart sa iyong scripture study journal. Basahing mabuti ang mga banal na kasulatan sa kanang column para sa mga detalye tungkol sa katuparan ng mga propesiya ni Abinadi. Isulat ang mga detalyeng ito sa iyong chart sa kanang column. Sa ilalim ng kanang column (B), ipaliwanag ang natutuhan mo tungkol sa mga ibinubunga ng hindi pagsunod sa mga babala ng mga propeta.

Basahin ang Mosias 20:21, at markahan ang pahayag ni Gedeon na nagpapakita na naunawaan niya na ang di-pagtanggap sa mga sinasabi ng mga tagapaglingkod ng Panginoon ay nagdudulot ng pagdurusa at kalungkutan.

Basahin ang Doktrina at mga Tipan 133:63, 70–72 upang makita kung paano naaangkop ang alituntuning ito sa mga tao sa mga huling araw na hindi makikinig sa Panginoon o sa Kanyang mga tagapaglingkod. Maaari mo ring isulat ang scripture reference na ito sa iyong banal na kasulatan bilang cross-reference para sa Mosias 20:21. Tingnan ang pinakahuling mga mensahe sa pangkalahatang kumperensya sa mga magasin na Ensign o Liahona (mga isyu ng Mayo at Nobyembre) o sa LDS.org para makita ang mga salita ng propeta tungkol sa mga bagay na ito.

Pag-isipan ang tanong na ito: Ano ang narinig mong itinuro ng propeta kamakailan na tutulong sa mga indibiduwal, pamilya, at bansa para hindi makaranas ng pagdurusa at kalungkutan?

Para makita ang isang halimbawa ng kalungkutan at pagdurusa na maaaring magmula sa pagbalewala sa mga propeta ng Panginoon, alamin ang sinabi ni Elder Dallin H. Oaks ng Korum ng Labindalawang Apostol na mangyayari sa mga nanonood at gumagamit ng pornograpiya:

Elder Dallin H. Oaks

“Pinapatay ng pornograpiya ang kakayahan ng isang tao na masiyahan sa normal na damdaming dulot ng paglalambingan, at espirituwal na pakikipag-ugnayan sa opposite sex. Sinisira nito ang kagandahang-asal na pumipigil sa tao laban sa di-angkop, di-normal, o ilegal na kilos o ugali. Dahil manhid na ang konsiyensya, naaakay ang mga tagatangkilik ng pornograpiya na gayahin ang nakita nila, nang hindi na iniisip pa ang magiging epekto nito sa kanilang buhay o sa buhay ng iba.

“Nakakaadik din ang pornograpiya. Sinisira nito ang kakayahang magdesisyon at “naaadik” ang mga gumagamit nito, at lalo silang naghahanap ng higit pa” (“Pornograpiya ” Ensign o Liahona, Mayo 2005, 89).

Isipin ang ilang halimbawa ng kalungkutan at pagdurusa na nagmumula sa pagbabalewala sa payo ng mga propeta sa mga bagay na tulad ng pagsusugal, pornograpiya, Word of Wisdom, pandaraya, tattoo, pagpapabutas ng katawan, mahalay na pananamit, o pagdedeyt bago sumapit sa edad na 16.

  1. journal iconSagutin ang sumusunod na tanong sa iyong scripture study journal: Paano makatutulong sa mga indibiduwal at pamilya ang pagsunod sa payo ng mga tagapaglingkod ng Panginoon tungkol sa mga paksang gaya ng pagpapalakas ng pamilya, pagpapamuhay sa batas ng kalinisang-puri, o pagsunod sa Word of Wisdom para maiwasan ang ilan sa mga pagdurusa at kalungkutang nararanasan nila?

Pinatotohanan ni Elder Robert D. Hales ng Korum ng Labindalawang Apostol na magkakaroon tayo ng kapayapaan at makababalik sa kinaroroonan ng Diyos sa pagsunod sa mga propeta:

“Pinatototohanan ko na ang mga propeta ngayon sa panahong ito ay may mga katangian ng mga propeta noon at ng iba pang mga propeta ng dispensasyong ito. …

“… Ang ating espirituwal na kaligtasan ay nakasalalay sa pakikinig sa malinaw na tinig ng ating buhay na propeta. Kung tayo ay makikinig sa kanyang tinig at susundin ang kanyang payo, makapamumuhay tayo ayon sa nais ni Cristo at makapagtitiis hanggang wakas upang balang-araw, kasama ang ating pamilya, ay makababalik tayo sa kinaroroonan ng ating Ama sa Langit at ng ating Tagapagligtas na si Jesucristo” (“Hear the Prophet’s Voice and Obey,” Ensign, Mayo 1995, 17).

  1. journal iconIsulat sa iyong scripture study journal kung ano ang gusto mong maging epekto ng pag-aaral mo ng Mosias 19–20 sa paraan ng pakikinig mo sa payo ng mga propeta ng Panginoon. Umisip ng karanasan tungkol sa kung paano mo natanggap ang kapayapaan at espirituwal na kaligtasan sa pagsunod sa payo ng mga tagapalingkod ng Panginoon at isulat ito sa iyong scripture study journal.

  1. journal iconIsulat ang sumusunod sa ibaba ng mga assignment sa araw na ito sa iyong scripture study journal:

    Napag-aralan ko na ang Mosias 19–20 at natapos ang lesson na ito noong (petsa).

    Mga karagdagang tanong, kaisipan, at ideya na gusto kong ibahagi sa aking titser:

Mga sagot sa dapat na pagkakasunud-sunod: 1, 4, 5, 2, 8, 11, 3, 10, 7, 6, 9.