Unit 14: Day 1
Mosias 26
Pambungad
Nakatala sa Mosias 26 na naimpluwensyahan ng ilang mga hindi naniniwalang Nephita ng bagong salinlahi ang mga miyembro ng Simbahan ng kanilang mga mahihibong salita o mga pagpuri na naging dahilan para magkasala ang mga ito. Ipinagdasal ni Alma kung paano hahatulan ang mga miyembrong ito ayon sa kalooban ng Diyos. Inihayag ng Panginoon kay Alma kung paano pananagutin sa kanilang mga kasalanan ang mga miyembro ng Simbahan. Nagbigay din ng mga kundisyon ang Panginoon para sa pagsisisi. Nalaman ni Alma na handang patawarin ng Diyos ang mga tunay na magsisisi.
Mosias 26:1–6
Marami sa bagong salinlahi ang hindi naniwala, at sila ay gumawa ng kasalanan
Sandaling pag-isipan ang sumusunod na tanong: Sa palagay mo, bakit may mga kabataan na walang patotoo o walang malakas na patotoo, kahit napakinggan na nila ang mga propeta at naturuan na ng kanilang mga magulang?
Ang Mosias 26 ay nagbigay ng ideya sa tanong na ito. Pag-aralan ang mga talata at sagutin ang mga tanong sa sumusunod na chart (isulat ang mga sagot mo sa manwal):
Ano ang tatlong bagay na hindi pinaniniwalaan ng marami sa bagong salinlahi? | |
Paano nakakaapekto sa atin ang kawalan ng paniniwala kapag nagbabasa tayo ng mga banal na kasulatan o nakikinig sa mga propeta? | |
Ano ang ilan sa mga pangunahing dahilan ng hindi pananampalataya ng mga taong ito sa Tagapagligtas at hindi pagsapi sa Simbahan? | |
Sumulat ng isang alituntuning natutuhan mo sa pag-aaral ng mga talatang ito: |
Ang pariralang “kaugalian ng kanilang mga ama” Mosias 26:1 ay tumutukoy sa mga katotohanan ng ebanghelyo na ipinasa ng mga sinundang salinlahi; ang parirala ay maaari ring tumukoy sa mga maling ideya (para sa halimbawa, tingnan sa Alma 9:16). Isa sa mga alituntuning itinuro sa Mosias 26:1–4 ay: Ang hangaring maniwala at sariling pagsisikap ay kailangan upang magkaroon ng patotoo.
Basahin ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Henry B. Eyring ng Unang Panguluhan, at salungguhitan ang mga kailangang gawin para magkaroon ng patotoo at mapanatili ito:
“Ang patotoo ay kailangang pangalagaan ng panalangin ng pananampalataya, ng pagkagutom sa salita ng Diyos na nasa banal na kasulatan, at pagsunod sa katotohanang ating natanggap. Mapanganib ang pagpapabaya sa panalangin. Nanganganib ang ating patotoo sa kaswal na pag-aaral at pagbabasa ng mga banal na kasulatan. Mahahalagang sangkap ito sa ating patotoo. …
“Ang pagpapakabusog sa salita ng Diyos, taos-pusong panalangin, at pagsunod sa mga utos ng Panginoon ay kailangang magawa lahat at patuloy [na magawa] upang ang inyong patotoo ay lumago at umunlad” (“Isang Buhay na Patotoo,” Ensign o Liahona, Mayo 2011, 127).
Pansinin na sa panahon ni Alma, hindi ginawa ng mga kabilang sa bagong salinlahi ang mga bagay na binanggit ni Pangulong Eyring.
-
Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa iyong scripture study journal:
-
Sa iyong karanasan, bakit kailangang naniniwala ka habang nagdarasal, nagbabasa ng mga banal na kasulatan, at nagsisikap na masunod ang mga kautusan?
-
Ilarawan ang isang karanasan noon na dahil sa tapat na panalangin, pagbabasa ng banal na kasulatan, o pagsunod sa mga kautusan ay napalakas ang iyong patotoo.
-
Isipin sandali kung nakakita ka na ng mga tao na walang patotoo sa ebanghelyo na iniimpluwensyahan ang mga miyembro ng Simbahan. Basahin ang Mosias 26:5–6, at alamin kung paano naimpluwensyahan ng mga hindi naniniwala ang mga nasa Simbahan.
Sa iyong patuloy na pag-aaral, maaaring makatulong na malaman mo ang kahulugan ng pahayag na ito mula sa Mosias 26:6: “Yaong mga nakagawa ng kasalanan, na nasa simbahan, ay nararapat paalalahanan [bigyan ng babala at iwasto] ng simbahan.” Ibig sabihin kailangang hatulan ang mga suwail na miyembro ng Simbahan alinsunod sa kanilang mga kasalanan at bigyan ng pagkakataon na makapagsisi.
Mosias 26:7–39
Itinanong ni Alma kung paano hahatulan ang mga nagkakasala
Para makapaghanda sa iyong pag-aaral ng natitirang bahagi ng Mosias 26, isipin na kunwari ay bishop ka ng isang ward na may mga miyembro na nakagawa ng mabibigat na kasalanan. Bilang bishop, inatasan ka ng Panginoon na panagutin ang mga miyembrong ito at tulungan silang magsisi. Isipin kung paano mo itatrato ang mga miyembrong ito at paano mo pinakamainam na matutulungan sila.
Ang ganitong sitwasyon ay mahirap kay Alma. Tulad ng mga awtorisadong priesthood leader ngayon, responsibilidad niya na tulungan ang mga miyembro ng Simbahan na nakagawa ng mabibigat na kasalanan na magsisi, makatanggap ng kapatawaran, at maging aktibo at magkaroong muli ng marangal na katayuan sa Simbahan. Basahin ang Mosias 26:7–14, at alamin kung paano hinarap ni Alma ang sitwasyong ito at ano ang ginawa niya para makatanggap ng sagot mula sa Panginoon.
-
Isulat sa iyong scripture study journal kung bakit mahalaga sa atin na malaman na humihingi at nakatatanggap ng patnubay ng Panginoon ang ating mga priesthood leader sa mga sandaling tinutulungan nila ang mga nagkasala.
Alalahanin na si Alma ay dating saserdote ng masamang si Haring Noe bago siya nagbalik-loob. Basahin ang Mosias 26:15–18, at tukuyin kung ano ang ginawa ni Alma at ng kanyang mga tao para magbalik-loob sa Panginoon at anong mga pagpapala ang ibinigay sa kanila ng Panginoon.
-
Basahin ang Mosias 26:29–30. Pagkatapos ay sagutin ang isa o lahat ng mga sumusunod:
-
Ipaliwanag kung bakit sa palagay mo ang sumusunod na alituntunin ay mahalagang maunawaan ng lahat, kabilang na ang sinuman na maaaring nakagawa mabigat na kasalanan: Patatawarin Ng Panginoon ang mga nagsisisi nang taos sa puso.
-
Isulat ang iyong patotoo tungkol sa sumusunod na alituntunin: Patatawarin ng Panginoon ang mga nagsisisi nang taos sa puso.
-
Matapos ipagdasal ni Alma na gabayan siya kung paano tutulungan ang mga miyembro ng Simbahan na nakagawa ng mabibigat na kasalanan, sinabi sa kanya ng Panginoon ang mga dapat gawin. Kailangan niyang bigyan ng pagkakataon ang mga miyembro na magsisi, ngunit kung hindi sila magsisisi, sila ay hindi ibibilang sa mga tao ng Panginoon. Ang mga tagubiling ito ay nagbigay ng mahahalagang kaalaman tungkol sa alituntunin ng pagsisisi. Basahin ang Mosias 26:21–31, at alamin ang mga dapat malaman sa pagsisisi.
-
Para mas mapag-isipan mo pa ang alituntuning ito, sagutin ang dalawa o mahigit pa sa mga sumusunod na assignment sa iyong scripture study journal:
-
Paano mo ibubuuod ang mga sinabi ng Tagapagligtas sa Mosias 26:23? Sa iyong palagay, bakit mahalaga sa atin na malaman na ang Tagapagligtas mismo ang nagbayad para sa ating kasalanan?
-
Anong mga parirala sa Mosias 26:21–31 ang nagpapakita ng kumpiyansa at tiwala ng Tagapagligtas kay Alma bilang priesthood leader? Ano ang maitutulong ng mga preisthood leader sa mga nahihirapan dahil sa kasalanan o tukso?
-
Sa palagay mo, ano ang ibig sabihin ng “magsisisi nang taos sa kanyang puso”? (Mosias 26:29).
-
Sa palagay mo, bakit mahalaga na patawarin ang iba para mapatawad din tayo ng Panginoon? (Tingnan sa Mosias 26:31).
-
Sa sarili mong mga salita, isulat ang alituntuning natutuhan mo sa Mosias 26:21–31:
Kahit maaaring iba ang natukoy mong alituntunin, o gumamit ka ng ibang mga salita, ang sumusunod ay ilang halimbawa ng alituntuning itinuro sa Mosias 26:21–31:
-
Ang mga bishop at branch president ay kumakatawan sa Panginoon sa pagtulong sa atin na magsisi at magtamo ng kapatawaran.
-
Ang pagtatapat ng ating mga kasalanan ay humahantong sa kapatawaran. (Lahat ng kasalanan ay kailangang ipagtapat sa Diyos, at ang mabibigat na kasalanan ay dapat ipagtapat sa priesthood leader na makatutulong sa proseso ng pagsisisi.)
-
Dapat nating patawarin ang iba para mapatawad din tayo ng Panginoon.
-
Para matulungan kang mapag-aralang mabuti ang mga alituntuning ito, basahin ang mga sumusunod na case study. Pumili ng isang case study at isulat sa iyong scripture study journal kung paano makatutulong sa mga tao sa sitwasyong inilarawan sa ibaba ang mga talata at alituntuning pinag-aralan mo ngayon:
-
Isang dalagita ang nakagawa ng mabigat na kasalanan, pero natatakot siyang sabihin ito sa kanyang bishop.
-
Isang binatilyo ang gustong magsisi, pero hindi niya alam kung paano.
-
Isang dalagita ang inulit ang kasalanang nagawa niya noon, at nag-aalala siya na hindi na siya patatawarin ng Panginoon.
-
Isang binatilyo ang nagpasiyang magsisi, pero ayaw niyang patawarin ang isang taong may kasalanan sa kanya.
-
-
Pumili ng isa sa mga alituntunin na tinukoy sa lesson na ito at isiping mabuti kung paano mo ito maiaangkop sa sariling pagsisikap na ginagawa mo para makapagsisi. Isulat sa iyong scripture study journal kung paano mo iaangkop ang alituntuning ito.
Basahin ang Mosias 26:37–39 para malaman ang nangyari nang ipatupad ni Alma ang payo ng Panginoon. Itinuro ng karanasan ni Alma at ng kanyang mga tao na kapag nagsisi tayo at namuhay nang mabuti, magkakaroon din tayo ng kapayapaan at pag-unlad.
-
Isulat ang sumusunod sa ibaba ng mga assignment sa araw na ito sa iyong scripture study journal:
Napag-aralan ko na ang Mosias 26 at natapos ang lesson na ito noong (petsa).
Mga karagdagang tanong, kaisipan, at ideya na gusto kong ibahagi sa aking titser: