Seminary
Unit 6: Day 3, 2 Nephi 9


Unit 6: Day 3

2 Nephi 9

Pambungad

Ang pangalawang bahagi ng sermon ni Jacob na nagsimula sa 2 Nephi 6–8, ay nagpatuloy sa 2 Nephi 9. Sa 2 Nephi 6–8 pinag-aralan mo ang mga turo ni Jacob tungkol sa awa ng Tagapagligtas at sa Kanyang kapangyarihang iligtas ang nawalay at nakalat na sambahayan ni Israel. Pag-aaralan mo sa kabanata 9 ang patotoo ni Jacob sa kapangyarihan ng Pagbabayad-sala ng Tagapagligtas na iligtas tayo mula sa mga epekto ng Pagkahulog, kabilang na ang pisikal at espirituwal na kamatayan gayundin ang mga bunga ng ating mga kasalanan. Itinuro ni Pangulong Joseph Fielding Smith na ang 2 Nephi 9 ay “isa mga nakaaantig na mensaheng naibigay tungkol sa pagbabayad-sala. … Dapat itong basahing mabuti ng bawat taong naghahangad ng kaligtasan” (Answers to Gospel Questions, comp. Joseph Fielding Smith Jr., 5 tomo [1957–66], 4:57).

2 Nephi 9:1–9

Itinuro ni Jacob na dahil sa Pagkahulog, daranas ng pisikal at espirituwal na kamatayan ang lahat ng tao

Ano ang naiisip mo kapag iniisip mo ang salitang halimaw?

Ang salitang halimaw ay karaniwang tumutukoy sa isang bagay na nakakatakot at nakakapinsala nang malaki. Bagama’t maraming tao na ang naiisip lamang na mga halimaw ay ang mga kathang-isip na nilalang, isipin kung may anumang bagay na talagang kaya kang saktan at dahil doon ay totoong ikakatakot mo. Ginamit ni Jacob ang imahe ng halimaw upang isagisag ang isang nakakatakot na kalagayan na dinaranas nating lahat sa mortalidad. Basahin ang 2 Nephi 9:10, at tukuyin ang dalawang uri ng halimaw na inilarawan ni Jacob. Pagkatapos ay punan ang chart sa ibaba.

Kakila-kilabot na Halimaw

K

I

“k ng k

“k ng e

Mahalagang maunawaan na nang ituro ni Jacob ang “kamatayan ng espiritu” hindi niya ibig sabihin na literal na mamamatay ang ating espiritu, kundi sa halip tayo ay espirituwal na nahiwalay mula sa presensya ng Diyos (tingnan sa 2 Nephi 9:6). Ang pagkahiwalay na ito ay kadalasang tinutukoy sa mga banal na kasulatan bilang espirituwal na kamatayan. Maaari mong isulat ang parirala na nahiwalay mula sa presensya ng Diyos sa margin ng iyong banal na kasulatan katabi ng “kamatayan … ng espiritu” sa 2 Nephi 9:10.

Basahin ang 2 Nephi 9:6, at pansinin na nagsimula si Jacob sa pagsasalita tungkol sa kamatayan ng katawan at nagtapos sa pagtalakay ng pagkahiwalay mula sa presensya ng Diyos. Basahing mabuti ang scripture verse na ito. Anong pangyayari ang nagdulot ng kamatayan ng katawan at kamatayan ng espiritu sa sangkatauhan?

Basahin ang 2 Nephi 9:7–9, at tukuyin kung ano ang itinuro ni Jacob na mangyayari sa ating mga katawan at espiritu kung walang Pagbabayad-sala at mananatili ang pisikal at espirituwal na kamatayan magpakailanman. Bago ka magbasa, makatutulong sa iyo kapag alam mo ang kahulugan ng mga salitang ginamit ni Jacob sa talata 7: Ang pariralang “ ang unang kahatulang sumapit sa tao” (2 Nephi 9:7) ay tumutukoy sa mga bunga ng Pagkahulog nina Adan at Eva. Ang salitang kabulukan ay tumutukoy sa mortal na katawan dahil ito ay hindi perpekto at mamamatay kalaunan. Ang salitang walang kabulukan ay tumutukoy sa katawang nabuhay na mag-uli, na mabubuhay magpakailanman.

  1. journal iconSa iyong scripture study journal, magsulat ng ilang pariralang natukoy mo sa 2 Nephi 9:7–9 na inilalarawan ang mangyayari sa ating mga katawan at espiritu kung walang Pagbabayad-sala.

Nanalangin si Jesus sa Getsemani

Basahin ang sumusunod na pahayag ni Elder D. Todd Christofferson ng Korum ng Labindalawang Apostol para maunawaang mabuti ang mangyayari sa atin kung wala ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo: “Kung permanente na tayong mahihiwalay sa Diyos at mananatiling patay ang ating katawan, wala nang halaga kung malaya man tayong pumili nang tama. Oo, malaya tayong pumili, ngunit para saan pa? Anuman ang gawin natin wala namang maiiba sa resulta nito sa huli: kamatayan na walang pag-asang mabubuhay na muli at walang inaasahang langit na kalalagyan. Mabuti man tayo o masama, sa bandang huli lahat tayo ay magiging ‘mga anghel ng diyablo’” (“Moral Agency,” Ensign, Hunyo 2009, 50).

  1. journal iconSumulat ng pangungusap sa iyong scripture study journal at ipaliwanag sa sarili mong mga salita ang sa palagay mo ay gustong sabihin ni Elder Christofferson tungkol sa ating nahulog na kalagayan. Magdagdag ng maikling paliwanag ng sa palagay mo ay dahilan kung bakit ikinumpara ni Jacob ang pisikal na kamatayan at pagkahiwalay sa Diyos bilang “kakila-kilabot na halimaw.”

2 Nephi 9:10–27

Itinuro ni Jacob kung paano tayo ililigtas ng pagdurusa ng Tagapagligtas mula sa mga epekto ng pagkahulog at ng mga kasalanan

Hindi hahayaan ng Diyos na danasin natin ang lahat ng epekto ng “yaong halimaw, na kamatayan at impiyerno.” Basahin ang 2 Nephi 9:10, at markahan ang inihanda ng Diyos para sa atin.

Basahin ang sumusunod na analohiya ni Pangulong Joseph Fielding Smith na naglalarawan na kailangan natin ng Tagapagligtas:

“Isang lalaking naglalakad sa daan ang nahulog sa hukay na napakalalim at napakadilim kung kaya’t hindi siya makaakyat at makawala. Paano niya ililigtas ang sarili sa kanyang gipit na kalagayan? Wala siyang magagawa, dahil walang paraan para makaahon mula sa hukay. Humingi siya ng saklolo, at narinig ng isang mabait na lalaki ang kanyang pagibik, at nagmadaling tulungan siya at nagbaba ng hagdan, at nagawan nito ng paraan para makaakyat siyang muli sa ibabaw.

“Sa kalagayang ito mismo inilagay ni Adan ang kanyang sarili at ang kanyang angkan, nang kainin niya ang ipinagbabawal na bunga. Dahil magkakasama silang lahat sa hukay, walang makaahon sa ibabaw para tulungan ang iba. Ang hukay ay pagkawala sa presensya ng Panginoon at temporal na kamatayan, ang pagkaagnas ng katawan. At dahil lahat ay mamamatay, walang makapaglalaan ng paraan para makaligtas.

“Sa kanyang walang-hanggang awa, dininig ng Ama ang pagsamo ng kanyang mga anak at isinugo ang kanyang Bugtong na Anak, na hindi saklaw ng kamatayan ni ng kasalanan, upang maglaan ng paraan para makaligtas. Ginawa niya ito sa pamamagitan ng kanyang walang-hanggang pagbabayad-sala at walang-hanggang ebanghelyo” (Doctrines of Salvation, ed. Bruce R. McConkie, 3 tomo [1954–56], 1:126–27).

Karamihan sa mensahe ni Jacob sa kabanata 9 ay nagtutuon sa paraan ng pagligtas sa atin ng Panginoon mula sa kamatayan ng katawan at kamatayan ng espiritu, at tinitiyak nito sa atin na tayo ay maliligtas.

  1. journal iconBasahin ang 2 Nephi 9:5, 19–21, at sagutin ang mga sumusunod na tanong sa iyong scripture study journal:

    1. Ayon sa 2 Nephi 9:5, 21, ano ang dinanas ng Tagapagligtas para mailigtas tayo sa kamatayan at impiyerno?

    2. Ayon sa 2 Nephi 9:21, para kanino ang tiniis na pagdurusa ng Tagapagligtas?

Isipin kung gaano karaming tao ang “kabilang sa mag-anak ni Adan” (2 Nephi 9:21). Kabilang dito ang mga nabuhay noon, nabubuhay ngayon, at mabubuhay pa lamang sa mundo—pati ikaw. Maaari mong isulat ang iyong pangalan sa tabi ng 2 Nephi 9:21 para maalala ang ginawang sakripisyo ng Tagapagligtas para sa iyo.

Ang Pagpapako sa Krus

Itinuro ni Jacob na tutulungan tayo ng pagdurusa ng Tagapagligtas na makatakas mula sa kakila-kilabot na halimaw—ang kamatayan ng katawan at pagkahiwalay mula sa presensya ng Diyos magpakailanman. Basahin ang 2 Nephi 9:22, at tukuyin ang pariralang naglalahad na madadaig natin ang kamatayan ng katawan at ang pariralang nagpapakita na makakasama nating muli ang Diyos. Isulat ang natukoy mo sa mga pangungusap sa iba:

Dahil sa Pagkahulog, mamamatay ang ating katawan, ngunit dahil sa pagdurusa ni Cristo, ang ating katawan ay .

Dahil sa Pagkahulog, mawawalay tayo mula sa Diyos, ngunit dahil sa pagdurusa ni Cristo, ang lahat ay muling tatayo .

Mula sa mga itinuro ni Jacob natutuhan natin ang doktrinang ito: Ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo ay nagliligtas sa lahat ng tao mula sa kamatayan ng katawan at kamatayan ng espiritu na idinulot ng Pagkahulog.

Bukod pa sa mensaheng ito ng pag-asa, itinuro ni Jacob na ang pagdurusa ng Tagapagligtas ay magliligtas din sa atin mula sa kamatayan ng espiritu na dulot ng ating sariling mga kasalanan. Basahin ang 2 Nephi 9:27, at alamin kung paano inilarawan ni Jacob ang kalagayan ng mga lumabag o nagkasala. Basahin ang 2 Nephi 9:15–16, at markahan ang paghihirap o pagdurusa ng kaluluwa na idudulot sa atin ng ating mga kasalanan kung hindi tayo magsisisi.

Bukod sa pagdurusang ito, pansinin ang pariralang “sila ay matutungo” sa 2 Nephi 9:16. Dahil sa Pagbabayad-sala, ang lahat ng tao ay babalik sa presensya ng Diyos para hatulan. Gayunman, kung hindi tayo nakapagsisi sa ating mga kasalanan, muli tayong mahihiwalay sa Diyos. Bagama’t ang kaligtasan mula sa epekto ng Pagkahulog ay ibinigay sa lahat ng tao, ang kaligtasan mula sa bunga ng ating mga kasalanan ay depende sa ating mga hinahangad at ginagawa. Basahin ang 2 Nephi 9:21, 23–24. Dahil sa Pagbabayad-sala, ano ang magagawa natin para maligtas mula sa mga walang hanggang ibinunga ng ating mga kasalanan?

Matapos basahin ang mga salita ni Jacob, kumpletuhin ang sumusunod na alituntunin: Sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo, madaraig natin ang mga bunga ng ating mga kasalanan kung tayo ay.

Mag-ukol ng oras na pag-isipan ang magagawa mo para lubos na madama ang nakalilinis na kapangyarihan ng Pagbabayad-sala ng Tagapagligtas. May mga bagay ba na nais ng Panginoon na pagsisihan mo? Pag-isipan kung paano mo pagsisisihan ang mga bagay na ito. Paano mo mas didinggin ang Kanyang tinig?

  1. journal iconSumulat ng maikling talata sa iyong scripture study journal na nagpapahayag ng nadarama mo sa nagbabayad-salang sakripisyong ginawa ng Tagapagligtas para sa iyo.

  2. journal iconIsulat ang sumusunod sa ibaba ng mga assignment sa araw na ito sa iyong scripture study journal:

    Napag-aralan ko na ang 2 Nephi 9 at natapos ang lesson na ito noong (petsa).

    Mga karagdagang tanong, kaisipan, at ideya na gusto kong ibahagi sa aking titser: