Unit 23: Day 4
Helaman 15–16
Pambungad
Nang magsalita si Samuel, ang Lamanita, sa mga Nephita sa ibabaw ng pader sa Zarahemla, nagpropesiya siya na maliban kung sila ay magsisisi, ay “lubusan … silang lilipulin” ng Diyos (Helaman 15:17). Ipinahayag niya na ang mga Lamanita ay naging higit na mabubuti kaysa sa mga Nephita at pahahabain ng Panginoon ang mga araw ng mga Lamanita. May mga Nephitang naniwala sa mga itinuro ni Samuel at nabinyagan ni Nephi. Ang iba, na hindi naniwala kay Samuel, ay tinangka siyang patayin. Siya ay pinrotektahan ng kapangyarihan ng Diyos, at bumalik siya sa sarili niyang lupain.
Helaman 15
Binalaan ni Samuel ang mga Nephita at ipinaliwanag kung bakit binigyan ng pangako ang mga Lamanita
Ang mga sumusunod ay halimbawa lamang at hindi totoong nangyari sa dalawang binatilyo:
Ang isang binatilyo ay pinalaki ng mga magulang na hindi miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw at hindi binigyang-diin ang mga turo ni Jesucristo. Pinayagan nila ang kanilang tinedyer na anak na uminom ng alak, isang bagay na nakasanayan niyang gawin hanggang siya ay mag-kolehiyo. Kalaunan ay nakilala niya ang mga missionary ng Simbahan. Pagkatapos maturuan nang ilang beses ng mga missionary, nangako siyang hindi na iinom ng alak. Makalipas ang ilang araw kasama niya ang kanyang mga kaibigan. Inalok nila siya na uminom ng alak.
Ang isa namang binatilyo ay lumaki sa pamilyang Banal sa mga Huling Araw. Regular na nagdaraos ang kanyang mga magulang ng family home evening at regular na pinag-aaralan ng kanilang pamilya ang mga banal ng kasulatan. Nakagawian niya ang araw-araw na pag-aaral ng mga banal na kasulatan at pagdarasal. Dumalo siya sa Primary, naglingkod sa mga korum ng Aaronic Priesthood, at nagtapos ng seminary. Alam niya at naunawaan ang ebanghelyo ni Jesucristo at ang mga kautusan ng Diyos. Nang pumasok siya sa kolehiyo nagkaroon siya ng mga bagong kaibigan. Isang gabi inalok siya ng ilang kaibigan na uminom ng alak.
Isipin ang kung gaanong espirituwal na lakas ang inaasahan mula sa bawat isa sa dalawang binatilyong ito sa kanilang sitwasyon at kung paano ito maikukumpara sa mga Lamanita at mga Nephita na napag-aralan mo sa Helaman 15.
-
Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa iyong scripture study journal:
-
Ayon sa Helaman 15:3 17, ano ang espirituwal na kalagayan ng mga Nephita?
-
Ayon sa Helaman 15:4–8, ano ang espirituwal na kalagayan ng mga Lamanita?
-
Bagama’t mahaba ang kasaysayan ng kasamaan ng mga Lamanita “dahil sa kasamaan ng kaugalian ng kanilang mga ama,” nang malaman nila ang katotohanan, sila ay nagsisi at naging “matibay at matatag sa pananampalataya” (Helaman 15:4, 8). Ang mga Nephita, kung ikukumpara, ay puno ng kapalaluan at hindi tinanggap ang mga katotohanan ng ebanghelyo.
Basahing mabuti ang Helaman 15:7–8, at punan ang patlang sa sumusunod na pahayag: Ang kaalaman sa katotohanan at paniniwala sa mga banal na kasulatan ay humahantong sa at , na nagdadala ng ; kaya, kasing dami ng gagawa nito ay .
Nang malaman ng mga Lamanita ang katotohanan sa pamamagitan ng pag-aaral at paniniwala sa mga banal na kasulatan, nagkaroon sila ng pananampalataya kay Jesucristo at nahikayat na magsisi. Nakaranas sila ng malaking pagbabago ng puso at naging matatag at di-natitinag sa pananampalataya.
-
Sagutin ang isa o lahat ng sumusunod na tanong sa iyong scripture study journal:
-
Kailan nakatulong sa iyo ang pag-aaral ng mga banal na kasulatan na magawa ang mga kinakailangang pagbabago sa iyong buhay?
-
Sa iyong palagay, paano nakatutulong sa isang tao ang palagiang pag-aaral ng mga banal na kasulatan para magkaroon siya ng pagbabago sa puso?
-
Ang mga itinuro ni Samuel ay makatutulong sa atin na maunawaan ang kahalagahan ng pananatiling tapat sa kaalaman at pananampalataya na natamo natin. Basahin ang Helaman 15:14–17, at hanapin ang mga parirala na nagpapakita ng sumusunod na alituntunin: Kung ang mga tao ay naging mapag-alinlangan o walang paniniwala matapos matanggap ang kabuuan ng ebanghelyo, sila ay tatanggap ng mas malaking kaparusahan. Maaari mong isulat ang katotohanang ito sa iyong banal na kasulatan sa tabi ng mga talatang ito. Maaari mo ring isulat ang D at T 82:3 bilang cross-reference sa margin ng iyong banal na kasulatan.
Paano mo magagamit ang alituntuning ito sa iyong buhay? May pagkakataon ba na gumawa ka ng isang bagay na alam mong salungat sa alam mong totoo at tama? Ano ang kailangan mong gawin para mapalakas ang iyong pananampalataya sa Tagapagligtas, magsisi, at maging matatag at hindi natitinag sa mga katotohanan ng ebanghelyo?
Helaman 16
Ang mga naniwala kay Samuel ay bininyagan; ang iba ay pinatigas ang kanilang puso
Pag-isipan kung paano ka karaniwang tumutugon sa mga salita ng mga buhay na propeta at apostol. Ang mga Nephita ay binigyan ng pagkakataong tanggapin ang mga salita ng Lamanitang propeta na si Samuel. Gamitin ang natutuhan mo sa Helaman 16:1–7 para mapunan ang sumusunod na chart at matukoy ang mga taong naniwala at ang tugon at ginawa ng mga Nephita.
Naniwala ba ang grupong ito ng mga Nephita? |
Paano tumugon ang mga taong ito sa sinabi ng propetang si Samuel? | ||
---|---|---|---|
Oo |
Hindi | ||
-
Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa iyong scripture study journal:
-
Sa iyong palagay, bakit may mga kabataang nagagalit at hindi tinatanggap ang mga ipinayo ng mga propeta ngayon?
-
Kailan mo nakita na pinili ng isang tao na sundin ang payo ng propeta kahit hindi ito tinanggap ng iba?
-
Kailan mo piniling sundin ang payo ng propeta kahit hindi ito tinanggap ng mga tao sa paligid mo?
-
Ano ang matututuhan mo tungkol sa mga salita ng mga propeta sa Helaman 16:13–14?
-
Pag-isipang mabuti ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Ezra Taft Benson hinggil sa kung paano tumugon ang mga tao sa mundo sa mga propeta sa panahong ito: “Ang propeta ay hindi kailangang maging popular sa mundo o sa mga makamundo. Kapag naghahayag ng katotohanan ang isang propeta, nahahati ang mga tao. Ang matatapat ang puso ay dinidinig ang kanyang mga salita ngunit ang masasama ay binabalewala o kinakalaban siya. Kapag binabanggit ng propeta ang mga kasalanan ng mundo, gusto ng mga makamundo na sarhan ang bibig ng propeta, o kaya’y magkunwaring walang propeta, sa halip na pagsisihan ang kanilang mga kasalanan. Ang popularidad ay hindi kailanman batayan ng katotohanan. Marami nang propetang pinaslang o itinaboy. Habang papalapit ang ikalawang pagparito ng Panginoon, asahan ninyong ganyan ang mangyayari habang tumitindi ang kasamaan ng mga tao sa mundo, lalo nilang babalewalain ang propeta” (The Teachings of Ezra Taft Benson [1988], 133).
Basahin ang Helaman 16:16–21 para malaman kung paano binigyang-katwiran ng mga di-naniniwala ang hindi nila pagtanggap sa katuparan ng mga propesiya at mga palatandaan mula sa langit. Maaari mong markahan sa iyong banal na kasulatan kung alin sa mga pangangatwiran o argumentong ito na laban sa mga propeta ang sa palagay mong pinakakaraniwan sa ating panahon.
Basahin ang Helaman 16:23, at isulat sa iyong banal na kasulatan o scripture study journal ang nangyari sa mga hindi tumanggap sa mga saksi ng Panginoon. Ang iyong isinulat ay maaaring katulad ng sumusunod na alituntunin: Kapag hindi natin tinanggap ang mga saksi ng Panginoon, pinahihintulutan natin si Satanas na mahawakan ang ating puso.
Basahin ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Henry B. Eyring ng Unang Panguluhan, at markahan ang anuman sa mga sinabi niya na nagpapatunay sa iyong natutuhan mula sa Helaman 16: “Kapag hindi natin tinanggap ang payo na nagmula sa Diyos, hindi natin pinipiling maging malaya sa mga impluwensya sa labas. Ibang impluwensya ang pinipili natin. Hindi natin tinatanggap ang proteksyon ng mapagmahal, pinakamakapangyarihan, pinakamarunong sa lahat at perpektong Ama sa Langit, na ang buong layunin, tulad ng sa Kanyang Pinakamamahal na Anak, ay mapagkalooban tayo ng buhay na walang hanggan, maibigay ang lahat ng mayroon Siya, at madala tayong lahat kasama ang ating mga pamilya sa Kanyang piling. Sa hindi pagtanggap sa Kanyang payo, pinipili natin ang impluwensya ng ibang kapangyarihan o ni Satanas, na ang layunin ay gawin tayong kaaba-aba at ang motibo ay pagkapoot. Tayo ay may kalayaan na kaloob ng Diyos. Sa halip na karapatang piliin na maging malaya sa impluwensya, ibinigay ng Diyos ang karapatang kumilos ayon sa mga kapangyarihang iyon na pinili natin” (“Finding Safety in Counsel,” Ensign, Mayo 1997, 25).
Ano ang sinabi ni Pangulong Eyring na mangyayari kapag hindi natin tinanggap ang impluwensya ng Diyos sa ating buhay? Bakit mahalagang maunawaan na kapag hindi natin tinanggap ang impluwensya ng Diyos, mapapasailalim tayo sa impluwensya ni Satanas?
Isipin kung sa anumang paraan ay pinatigas mo ang iyong puso laban sa mga ipinayo ng mga propeta at apostol. Makatutulong na pag-aralang muli ang polyetong Para sa Lakas ng mga Kabataan habang pinag-iisipan mo ang mga itinuro nila at kung paano mo tatanggapin ang kanilang payo. Magpasiya kung ano ang gagawin mo ngayon upang maging matatag at hindi natitinag sa pamumuhay ng ebanghelyo at pagsunod sa payo ng mga propeta ng Panginoon.
-
Isulat ang sumusunod sa ibaba ng mga assignment sa araw na ito sa iyong scripture study journal:
Napag-aralan ko na ang Helaman 15–16 at natapos ang lesson na ito noong (petsa).
Mga karagdagang tanong, kaisipan, at ideya na gusto kong ibahagi sa aking titser: