Library
Unit 25, Day 2: Mga Taga Efeso 4–6


Unit 25: Day 2

Mga Taga Efeso 4–6

Pambungad

Sa kanyang sulat sa mga Banal sa Efeso, itinuro ni Apostol Pablo na itinatag ng Panginoon ang Kanyang Simbahan at tumawag ng mga lider na makatutulong sa ikasasakdal o pagiging perpekto ng mga Banal at pagkaisahin sila. Hinikayat din niya ang mga miyembro ng Simbahan na iwan ang kanilang dating buhay at magsimula ng panibagong buhay bilang mga tagasunod ni Cristo. Pagkatapos ay itinuro ni Pablo sa mga Banal kung paano patatagin ang kanilang ugnayan sa pamilya at hinikayat silang “mangagbihis ng buong kagayakan ng Dios” (Mga Taga Efeso 6:11) para mapaglabanan ang mga tukso ni Satanas.

Mga Taga Efeso 4:1–16

Itinuro ni Pablo ang kahalagahan ng Simbahan ni Jesucristo

Isipin ang sumusunod na dalawang sitwasyon:

  • Sa paaralan, sinabi ng titser mo sa klase na ipahayag ninyo ang inyong mga opinyon tungkol sa isang kontrobersyal na paksa. Habang ibinabahagi ng mga estudyante ang kanilang mga opinyon, napansin mo na karamihan sa kanila ay sinusuportahan ang paniniwalang iba sa turo ng Simbahan.

  • Pinag-iisipan ng mga mambabatas sa inyong bansa na gawing legal ang gawaing itinuro ng mga lider ng Simbahan na maling gawin.

Bakit maaaring maging mahirap para sa isang miyembro ng Simbahan ang ganitong mga sitwasyon?

Sa pag-aaral mo ng Mga Taga Efeso 4:1–16, alamin ang isang katotohanan tungkol sa kung paano mo malalaman kung ano ang tama at mali sa mundong pabagu-bago ng mga pinahahalagahan at mga paniniwala.

Basahin ang Mga Taga Efeso 4:1–6, na inaalam kung ano ang itinuro ni Apostol Pablo tungkol sa Simbahan at sa doktrina nito.

Ano sa iyong palagay ang ibig sabihin ni Pablo nang ituro niya na may “isang Panginoon, isang pananampalataya, [at] isang bautismo” (Mga Taga Efeso 4:5)?

Noong panahon ni Pablo, tulad sa panahon natin ngayon, may iisang totoong Simbahan ni Jesucristo sa buong mundo (tingnan sa D at T 1:30).

Tulad ng nakatala sa Mga Taga Efeso 4:7–10, itinuro ni Pablo na sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo, lahat tayo ay binigyan ng pagkakataong matanggap ang kaloob na biyaya ng Diyos (ang Kanyang kapangyarihan na iligtas tayo). Itinuro rin niya na si Cristo ay nagbigay ng iba pang mga kaloob sa mga tao.

Basahin ang Mga Taga Efeso 4:11, na inaalam ang mga katungkulan na ibinigay, o itinatag, sa Kanyang Simbahan. (Ang Mga Taga Efeso 4:11–14 ay isang scripture mastery passage. Maaari mo itong markahan o lagyan ng tanda sa paraang matutulungan ka na madali mo itong mahanap.)

Ang mga titulo ng mga katungkulan ng priesthood sa Simbahan ni Jesucristo sa panahong ito ay maaaring hindi katulad ng mga titulong ginamit sa panahon ni Pablo, at maaaring hindi lahat ng tungkulin na nasa Simbahan sa panahong ito ay nasa sinaunang Simbahan ni Jesucristo. Tulad ng itinuro ni Propetang Joseph Smith na “ang evangelista ay isang Patriarch” (Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Joseph Smith [2007], 163). Gayundin, ang pastor ay isang pastol, o isang tao na namumuno sa isang kawan—isang akmang deskripsyon para sa mga bishop, branch president, stake president at mga district president sa panahong ito. Maaari mong isulat sa iyong mga banal na kasulatan ang katumbas ng mga titulong ito sa panahon ngayon.

  1. journal iconIsulat ang sumusunod na di-kumpletong katotohanan sa iyong scripture study journal: Ang Panginoon ay tumawag ng mga apostol, propeta, at iba pang mga lider ng Simbahan na makatutulong … (Durugtungan mo ang pahayag na ito.)

Basahin ang Mga Taga Efeso 4:12–13, na inaalam kung ano ang itinuro ni Pablo kung bakit nagbigay ang Panginoon ng mga apostol, mga propeta, at iba pang mga lider sa Simbahan.

Pansinin na ang Panginoon ay nagbigay ng mga apostol, mga propeta, at iba pang mga lider ng Simbahan sa mga miyembro ng Kanyang Simbahan na makatutulong sa ikasasakdal o pagiging perpekto ng mga Banal. Idagdag ang mga katagang ito sa di-kumpletong katotohanan na isinulat mo sa iyong scripture study journal. Isulat din sa iyong scripture study journal ang ilang paraan na makatutulong ang mga apostol, mga propeta, at iba pang mga lider ng Simbahan sa ating ikasasakdal o pagiging perpekto.

Basahin ang Mga Taga Efeso 4:14, na inaalam ang isa pang dahilan kung bakit binigyan ng Panginoon ng mga apostol, mga propeta, at iba pang mga lider ang Kanyang Simbahan.

Nalaman natin mula sa talatang ito na ibinigay din ng Panginoon sa mga Banal ang mga lider na ito upang protektahan sila mula sa maling doktrina. Idagdag ang katotohanang ito sa pahayag na isinulat mo sa iyong scripture study journal.

Nalaman natin mula sa Mga Taga Efeso 4:11–14 ang sumusunod na katotohanan: Ang Panginoon ay tumawag ng mga apostol, mga propeta, at iba pang mga lider ng Simbahan na makatutulong sa ikasasakdal o pagiging perpekto ng mga Banal at maprotektahan sila mula sa mga maling doktrina.

barko sa gitna ng bagyo

Isipin kung ano ang maaaring mangyari sa isang barko sa dagat na hinahampas ng malakas na bagyo.

  1. journal iconBasahin muli ang dalawang sitwasyon na nasa simula ng lesson na ito. Pagkatapos ay sagutin ang mga sumusunod na tanong sa iyong scripture study journal:

    1. Paano maihahalintulad ang isang barko na hinahampas ng malalakas na alon at hangin sa isang taong “napapahapay dito’t doon” (Mga Taga Efeso 4:14) ng mga pabagu-bagong hangin ng mga maling turo at opinyon ng tao?

    2. Paano natutulungan ng mga turo ng mga apostol, mga propeta, at iba pang mga lider ng Simbahan ang mga tagasunod ng Diyos na makapaglakbay sa nagngangalit na karagatan at makabalik nang ligtas sa Ama sa Langit?

  2. journal iconSa iyong scripture study journal, isulat kung paano nakatulong ang isang apostol, propeta, patriarch, bishop, o titser sa pag-unlad o paglakas ng iyong espirituwalidad o sa pagprotekta sa iyo mula sa maling doktrina at mga panlilinlang. Kung ang taong pinili mo ay isang lokal na lider, isiping sumulat ng liham ng pasasalamat sa taong ito na nagsasaad kung paano siya nakatulong sa iyo.

Basahin ang Mga Taga Efeso 4:15–16, na inaalam ang paraan kung paano dapat ituro sa atin ng mga lider ang mga katotohanan ng ebanghelyo.

scripture mastery icon
Scripture Mastery—Mga Taga Efeso 4:11–14

  1. journal iconPara matulungan ka sa pagpraktis na maipaliwanag ang doktrinang itinuro sa Mga Taga Efeso 4:11–14, ituro sa isang kapamilya o kaibigan kung bakit itinatag ng Panginoon ang Kanyang Simbahan at tumawag ng mga lider na maglilingkod dito. Tiyaking gamitin ang mga turo ni Pablo sa Mga Taga Efeso 4:11–14 bilang bahagi ng iyong pagtuturo. Kapag natapos na ang pagtuturo mo, hilingin sa taong tinuruan mo na pirmahan ang iyong scripture study journal.

Mga Taga Efeso 4:17–32

Hinikayat ni Pablo ang mga Banal na iwaksi ang kasamaan at magbago sa pamamagitan ni Jesucristo

Karamihan sa mga tao na pinatungkulan ng sulat ni Pablo sa Efeso ay maaaring bagong miyembro ng Simbahan. Sa pag-aaral mo ng Mga Taga Efeso 4:17–32, alamin kung ano ang itinuro ni Pablo na kailangang gawin ng mga miyembrong ito ng Simbahan bilang mga disipulo ni Jesucristo.

Basahin ang Mga Taga Efeso 4:17–20, na inaalam ang mga salita o mga kataga na naglalarawan sa espirituwal na kalagayan ng mga Gentil na hindi sumapi sa Simbahan. Pansinin kung ano ang sinabing dahilan ni Pablo kung bakit nasa ganitong espirituwal na kalagayan ang mga Gentil.

Basahin ang Mga Taga Efeso 4:21–24, na inaalam kung ano ang nakatulong sa mga miyembro ng Simbahan na maging kakaiba mula sa iba pang mga tao. Maaari mong markahan ang nalaman mo sa iyong mga banal na kasulatan o isulat ito.

Ayon kay Pablo, ano ang dapat “iwan” (Mga Taga Efeso 4:22) ng isang tao na naturuan ng katotohanan?

Tayo ay “[nangagbibihis] ng bagong pagkatao” (Mga Taga Efeso 4:24) kapag masigasig nating ipinamumuhay ang ebanghelyo ni Jesucristo sa pamamagitan ng pagkakaroon ng pananampalataya kay Cristo, pagsisisi sa mga kasalanan, pagtanggap ng mga nakapagliligtas na ordenansa, at pagsunod sa mga kautusan. Mula sa mga turo ni Pablo, matutukoy natin ang sumusunod na katotohanan: Iniiwan ng mga disipulo ni Jesucristo ang kanilang dati at makasalanang pamumuhay, at ginagawa nila ang mabuti at binabago ang kanilang buhay.

Basahin ang Mga Taga Efeso 4:25–32, na inaalam ang mga bagay na kinakailangang “iwan” (talata 22) o “mangaalis” (talata 31) sa mga disipulo ni Cristo at ang mga bagay na kinakailangang “[i]bihis” (talata 24) o taglayin ng mga disipulo ni Cristo. Maaari mong markahan o isulat sa iyong mga banal na kasulatan ang nalaman mo. Pansinin na sa Pagsasalin ni Joseph Smith, nagsisimula ang Mga Taga Efeso 4:26 sa “Magagalit ba kayo, at hindi magkakasala?” (sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan, scriptures.lds.org.).

  1. journal iconSa iyong scripture study journal, magdrowing o maglarawan ng isang sitwasyon na nagpapakita ng posibleng ginagawa ng isang tao na kinakailangan nang alisin o iwaksi ang kanyang masamang ugali na isa sa mga binanggit ni Pablo. Magdrowing o maglarawan din ng isang sitwasyon na nagpapakita kung ano ang gagawin ng tao ring iyon kung nakalapit na siya kay Cristo at naging bagong nilalang o nagbagong-buhay. Maaari mong gamitin ang iyong sariling karanasan o mga karanasan ng ibang tao sa pagkumpleto mo ng assignment na ito.

Tandaan na ang pag-iwan sa dati nating pag-uugali at lubos na pagsunod kay Jesucristo ay isang gawaing patuloy na ginagawa at hindi nang minsanan lang.

Mga Taga Efeso 5–6

Pinayuhan ni Pablo ang mga Banal hinggil sa kanilang pakikipag-ugnayan at pakikitungo sa isa’t isa at na “mangagbihis ng buong kagayakan ng Dios”

Mababasa natin sa Mga Taga Efeso 5 na itinuro ni Pablo sa mga miyembro ng Simbahan na dapat nilang tularan ang paraan ng pakikipag-ugnayan ng Tagapagligtas sa Simbahan bilang gabay sa kanilang pakikipag-ugnayan at pakikitungo sa kanilang pamilya at sa ibang tao. Ang ibig sabihin ng mga katagang “pasakop kayo sa isa’t isa” sa Mga Taga Efeso 5:21 ay unahin ang iba kaysa sa ating sarili, at ang mga katagang “takot [sa Diyos]” ay tumutukoy sa ating pagmamahal at paggalang sa Diyos.

Basahin ang Mga Taga Efeso 6:1–4, na inaalam ang ipinayo ni Pablo sa mga anak tungkol sa pakikipag-ugnayan at pagtrato nila sa kanilang mga magulang.

Isiping mabuti kung paano mapapatibay ang ugnayan ninyo ng iyong pamilya sa pagsunod sa payo na ito.

Matapos hikayatin ang mga miyembro ng Simbahan na “mangagbihis ng bagong pagkatao” (Mga Taga Efeso 4:24) upang maging matwid at banal, pinayuhan sila ni Pablo na mangagbihis sila ng iba pang mga bagay na poprotekta sa kanila.

Basahin ang Mga Taga Efeso 6:11–13, na inaalam ang itinuro ni Pablo na kinakailangang isuot ng mga Banal.

Anong mga dahilan ang ibinigay ni Pablo kung bakit kailangan nating “mangagbihis ng buong kagayakan ng Dios” (Mga Taga Efeso 6:11)? Maaari mong markahan o isulat ang mga dahilang ito sa iyong mga banal na kasulatan.

Basahin ang Mga Taga Efeso 6:14–17, na inaalam ang iba’t ibang bahagi ng espirituwal na kagayakan o baluti na sinabi ni Pablo na bumubuo sa buong kagayakan ng Diyos.

Paano makatutulong sa atin ang pagsusuot ng mga bahaging ito ng kagayakan o baluti na makaiwas sa kasalanan? Ano ang maaari mong gawin para maisuot ang buong kagayakan o baluti ng Diyos sa bawat araw?

  1. journal iconIsulat ang sumusunod sa ibaba ng mga assignment sa araw na ito sa iyong scripture study journal:

    Napag-aralan ko na ang Mga Taga Efeso 4–6 at natapos ang lesson na ito noong (petsa).

    Mga karagdagang tanong, kaisipan, at ideya na gusto kong ibahagi sa aking titser: