Pambungad sa Scripture Mastery
Ang Seminaries and Institutes of Religion ay pumili ng 25 scripture mastery passage para sa bawat apat na kurso ng pag-aaral sa seminary. Ang 100 scripture passage na ito ay nagbibigay ng mahalagang pundasyon sa banal na kasulatan para sa pag-unawa at pagbabahagi ng ebanghelyo at para sa pagpapalakas ng pananampalataya.
Hinihikayat ka na maging mahusay sa mga scripture passage na ito. Kabilang sa mastery ng mga scripture passage ang mga sumusunod:
-
Paghanap sa mga scripture verse sa pamamagitan ng pag-alam sa mga kaugnay na scripture reference
-
Pag-unawa sa konteksto at nilalaman ng mga talata sa mga banal na kasulatan
-
Pagsasabuhay ng mga doktrina at mga alituntunin ng ebanghelyo na itinuro sa mga talata ng mga banal na kasulatan
-
Pagsasaulo sa mga talata ng mga banal na kasulatan
Pag-aaralan mo sa gabay sa pag-aaral na ito ang bawat isa sa 25 scripture mastery passage na makikita sa pag-aaral ng Bagong Tipan. Kailangan ng pagsisikap mo upang maging mahusay sa mga talata sa mga banal na kasulatan. Makatutulong sa iyo ang regular at paulit-ulit na pag-aaral ng scripture mastery upang maunawaan at manatiling nasa isipan ang mga katotohanan na magagamit mo sa hinaharap. Maaari kang magpasiya na mag-ukol ng ilang minuto bawat araw sa pagrerebyu ng mga scripture mastery passage. Maghanap ng mga pagkakataon na magamit ang mga ito kapag ipinaliliwanag mo ang mga pangunahing doktrina ng ebanghelyo sa iba.