Unit 15: Day 2
Juan 12
Pambungad
Si Maria ng Betania, na kapatid nina Marta at Lazaro, ay pinahiran ng unguento ang mga paa ni Jesus bilang simbolo ng Kanyang nalalapit na kamatayan at libing. Kinabukasan, matagumpay na pumasok si Jesus sa Jerusalem at ibinadya ang Kanyang kamatayan. Sa kabila ng Kanyang mga himala, hindi naniwala ang ilang tao na Siya ang Tagapagligtas, ang ipinangakong Mesiyas. Itinuro Niya ang mga ibubunga ng paniniwala at hindi paniniwala sa Kanya.
Juan 12:1–19
Pinahiran ni Maria ng unguento ang mga paa ni Jesus, at matagumpay na pumasok si Jesus sa Jerusalem
-
Sa iyong scripture study journal, magdrowing ng isang larawan o magsulat tungkol sa isa sa mga himala ng Tagapagligtas na nakatala sa Bagong Tipan. Pag-isipang mabuti kung paano makakaimpluwensya sa paniniwala mo sa Tagapagligtas ang pagsaksi sa himalang iyan.
Sa pag-aaral mo ng Juan 12, alamin ang iba’t ibang reaksyon ng mga tao sa mga himala ng Tagapagligtas, gayundin ang mga katotohanan na makatutulong sa atin na maunawaan ang mga reaksyon nila.
Nabasa natin sa Juan 12:1–9 na anim na araw bago ang Paskua, naghapunan si Jesus kasama ang ilang mga kaibigan sa Betania, isang munting bayan sa labas ng Jerusalem. Si Maria, na kapatid nina Marta at Lazaro, ay pinahiran ang mga paa ni Jesus ng mamahaling unguento. Tinutulan ni Judas Iscariote ang paggamit ng mamahaling unguentong ito, na sinasabing ang perang pinambili rito ay ibinigay na lang sana sa mahihirap (tingnan sa Juan 12:4–5). Gayunman, ang kanyang tunay na hangarin ay “hindi sapagka’t ipinagmalasakit niya ang mga dukha; kundi sapagka’t siya’y magnanakaw, at yamang nasa kaniya ang supot” (Juan 12:6). Tinutukoy ng “nasa kaniya ang supot” ang tungkulin ni Judas bilang tagaingat-yaman para sa mga naglalakbay na kasama ng Tagapagligtas.
Narinig ng maraming tao na nasa Betania si Jesus at nagsiparoon sila upang makita Siya at si Lazaro, na ibinangon ni Jesus mula sa kamatayan. Tandaan na dahil binuhay muli ni Jesus si Lazaro, nagsimula nang magplano ang mga pinunong Judio kung paano nila papatayin si Jesus.
Basahin ang Juan 12:10–11, na inaalam ang gustong gawin ng mga punong saserdote kay Lazaro.
Bakit gustong patayin ng mga punong saserdote si Lazaro?
Gustong patayin ng mga punong saserdote si Lazaro upang mawala ang katibayan ng himala ng Tagapagligtas. Paano mo mailalarawan ang iba’t ibang reaksyon ng mga taong nakasaksi o nakarinig tungkol sa pagpapabangon ni Jesus kay Lazaro mula sa kamatayan?
Nalaman natin sa Juan 12:12–16 na pagkatapos ng araw na pinahiran ni Maria ng unguento ang mga paa ni Jesus, matagumpay Siyang nakapasok sa Jerusalem. Basahin ang Juan 12:17–19, na inaalam ang ginawa ng mga taong nakarinig tungkol sa pagpabangon ni Jesus kay Lazaro mula sa kamatayan noong matagumpay na pagpasok ng Tagapagligtas sa Jerusalem.
Pansinin sa talata 19 ang tugon ng mga Fariseo sa nangyayari. Nadama nilang hindi nagtagumpay ang pagpipilit nilang mahadlangan ang mga tao sa pagsunod kay Jesus. Sa palagay mo, bakit may ilang tao na nakarinig ng tungkol sa mga himala ni Jesus ang naniwala at sumunod sa Kanya samantalang ang iba naman ay piniling hindi maniwala?
Juan 12:20–36
Ibinadya ni Jesus ang Kanyang kamatayan
Nalaman natin sa Juan 12:20–22 na “ilang Griego” (Juan 12:20), na mga nagbalik-loob o na-convert sa Judaismo ang nagpunta sa Jerusalem upang ipagdiwang ang Paskua at hiniling na makita si Jesus. Nang nalaman ni Jesus ang kanilang kahilingan, nagturo Siya tungkol sa Kanyang nalalapit na pagdurusa, kamatayan, at Pagkabuhay na Mag-uli.
Basahin ang Juan 12:23–24, na inaalam ang itinuro ni Jesus tungkol sa Kanyang kamatayan. Maaari mong markahan ang nalaman mo.
Ang pagbanggit ng Tagapagligtas sa “butil ng trigo” na kailangang “mahulog sa lupa at mamatay” (Juan 12:24) upang magbunga nang marami ay metapora sa Kanyang tagumpay sa kamatayan at kasalanan. Ang Kanyang Pagbabayad-sala ay magtutulot sa mga tao na mabuhay muli, at magbibigay ito ng buhay na walang hanggan sa lahat ng may pananampalataya sa Kanya, magsisisi, at susunod sa mga utos Niya. Nabasa natin sa Juan 12:25–26 na hinikayat ng Panginoon ang lahat ng tao na kalimutan ang sarili sa paglilingkod sa Kanya.
Nalaman natin sa Juan 12:27–31 na nang nadama Niya ang bigat ng Kanyang nalalapit na pagdurusa, nagpasiya si Jesus na isakatuparan ang Kanyang layunin. Ipinagdasal Niya na luwalhatiin ang pangalan ng Ama, at nakarinig ang mga nakikinig ng isang tinig na nagpatotoo na luluwalhatiiin ito. Ipinakita sa pahayag ng Ama ang Kanyang buong tiwala sa Kanyang Anak na ganap na magagawa nito ang Pagbabayad-sala.
Basahin ang Juan 12:32–33, na inaalam ang paraan ng kamatayan na sinabi ng Tagapagligtas na daranasin Niya at ang epekto nito sa sangkatauhan.
Matapos marinig ang mga turo ni Jesus, nagtanong ang mga tao kung sino ang “Anak ng tao” na “[ita]taas” (Juan 12:34). Nalaman natin sa Juan 12:35–36 na tumugon si Jesus sa pamamagitan ng pagtawag sa Kanyang Sarili bilang “ang ilaw.” Hinikayat ni Jesus ang mga tao na magsilakad sa ilaw habang kasama nila Siya.
Juan 12:37–50
Itinuro ni Jesus ang mga ibubunga ng paniniwala at hindi paniniwala sa Kanya
Naaalala mo pa bang nabasa mo sa Juan 12:9–11 kung ano ang reaksyon ng mga tao sa mga himala ng Tagapagligtas? Basahin ang Juan 12:37, na inaalam ang reaksyon ng isa pang grupo ng mga tao sa mga himala ni Jesus.
Ipinakita ng magkakaibang reaksyong ito sa mga himalang ginawa ni Jesus na hindi sapat ang mga himala upang maniwala tayo kay Jesucristo.
Bagama’t hindi sapat ang mga himala upang maniwala tayo kay Jesucristo, isipin kung paano nito maiimpluwensyahan ang ating pananampalataya sa Kanya.
Natutuhan natin sa Juan 12:38–41 na natupad ang mga propesiyang ginawa ni propetang Isaias (tingnan sa Isaias 6:9–10; 53:1–3) sa pamamagitan ng mga taong piniling hindi maniwala kay Jesus. Sa kabila ng mga dakilang ginawa ng Tagapagligtas, pinili ng ilang tao na manatiling bulag at matigas ang mga puso sa Kanya.
Nagpatotoo si Elder Gerrit W. Gong ng Pitumpu sa mga pagpapala na dumarating kapag pinili nating maniwala at sumunod kay Jesucristo:
“Nasasaatin kung maniniwala tayo [tingnan sa Mosias 4:9]. …
“Kapag pinili nating maniwala, mauunawaan at makikita natin ang mga bagay sa ibang paraan. Kapag nakauunawa at namumuhay tayo sa gayong paraan, magiging masaya at maligaya tayo na tanging ang ebanghelyo lamang ang makapagbibigay” (“Choose Goodness and Joy,” New Era, Ago. 2011, 44).
-
Isipin ang sinabi ni Elder Gong na “nasasaatin kung maniniwala tayo.” Sa iyong scripture study journal, isulat ang ibig sabihin ng pahayag na ito para sa iyo.
Basahin ang Juan 12:42–43, na inaalam kung bakit hindi hayagang inamin ng ilang mga pinunong Judio ang kanilang paniniwala kay Jesus.
Gamit ang iyong sariling mga salita, ipaliwanag ang sa palagay mo ay ibig sabihin ng iniibig “ng higit ang kaluwalhatian sa mga tao kay sa kaluwalhatian sa Dios” (Juan 12:43):
Natutuhan natin mula sa mga talatang ito na ang unahin ang iba kaysa bigyang-kaluguran ang Diyos ay makahahadlang sa atin na hayagang maipahayag ang ating paniniwala kay Jesucristo at sa Kanyang ebanghelyo. Maaari mong isulat ang katotohanang ito sa mga banal na kasulatan mo.
-
Sagutin ang isa o higit pang mga tanong sa iyong scripture study journal:
-
Sa ating panahon, ano ang ilang halimbawa ng kung paano nakapipigil sa mga tao ang pag-alala sa iisipin ng iba sa hayagan nilang pagsasabi ng kanilang paniniwala kay Cristo at sa Kanyang ebanghelyo?
-
Ano ang ilang paraan na maipapakita natin na mas nag-aalala tayo sa magpapasaya sa Diyos kaysa sa magpapasaya sa mga taong nakapalibot sa atin?
-
Anong magagandang bunga ang darating dahil ipinakita natin na naniniwala tayo kay Jesucristo at sa Kanyang ebanghelyo?
-
Isipin ang isang karanasan na naroon ka sa isang napakadilim na lugar. Isipin ang nadama mo. Nadama mo bang nasa panganib ka? Paano makatutulong sa iyo ang pagkakaroon ng ilaw sa sitwasyong iyon?
Kapag tayo ay nasa madilim na lugar, paano ito natutulad sa pananatili sa espirituwal na kadiliman?
Anong mga panganib ang maaaring magmula sa pamumuhay sa espirituwal na kadiliman?
Basahin ang Juan 12:44–46, na inaalam kung paano pinagpapala ang mga taong naniniwala kay Jesucristo.
Isang alituntuning matutuhan natin mula sa talata 46 ay kung naniniwala tayo kay Jesucristo, hindi tayo kailangang mamuhay sa espirituwal na kadiliman.
Isipin kung paano naging ilaw o liwanag si Jesucristo at kung paano makakapagpaalis ng espirituwal na kadiliman sa buhay ng isang tao ang paniniwala sa Kanya.
-
Piliin ang isa sa mga sumusunod na paksa, at pagkatapos ay sagutin ang dalawang tanong sa iyong scripture study journal: ang layunin ng ating pisikal na mga katawan, entertainment at media, pagkakaroon ng kapayapaan at kaligayahan, pagpapakasal at pamilya, buhay matapos ang kamatayan. Kung may iba ka pang makakasama, maaari mong talakayin ang mga tanong na ito sa taong iyon at isulat ang napag-usapan ninyo.
-
Ano ang maaaring paniwalaan ng mga taong nasa espirituwal na kadiliman tungkol sa paksang ito?
-
Anong liwanag, direksyon, at paglilinaw ang ibinibigay ni Jesucristo at ng Kanyang ebanghelyo tungkol sa paksang ito?
-
Isipin kung paano makatutulong ang alituntuning itinuro sa Juan 12:46 na maintindihan kung bakit iba dapat ang pagkakaunawa natin sa ilang paksa at isyu kaysa sa ibang mga tao. Tandaan na maaari rin nating makita ang iba pang mga paksa at isyu na katulad sa mga taong may ibang relihiyon. Mayroong mga taong walang kaloob na Espiritu Santo na matibay pa ring naniniwala kay Jesucristo at ginagabayan ng liwanag ni Cristo (tingnan sa Moroni 7:16–19; D at T 88:7, 11) at ng Kanyang mga turo.
Tulad ng nakatala sa Juan 12:47–50, ipinaliwanag ni Jesus na hahatulan ang mga hindi naniniwala at nagtakwil sa Kanya gamit ang mga salitang sinabi Niya, na mga salitang iniutos ng Ama sa Langit na sabihin Niya.
-
Isulat ang sumusunod sa ibaba ng mga assignment sa araw na ito sa iyong scripture study journal:
Napag-aralan ko na ang Juan 12 at natapos ang lesson na ito noong (petsa).
Mga karagdagang tanong, kaisipan, at ideya na gusto kong ibahagi sa aking titser: