Unit 12: Day 1
Lucas 18–21
Pambungad
Sa pagpunta ni Jesucristo sa Jerusalem sa huling pagkakataon, itinuro Niya ang Kanyang ebanghelyo at nagsagawa ng mga himala sa mga tao. Matagumpay Siyang nakapasok sa Jerusalem sakay ng isang asno, muling nilinis ang templo, at nagturo sa mga tao roon.
Lucas 18–21
Nagturo ang Tagapagligtas habang papunta Siya sa Jerusalem
Nalaman mo na ang tungkol sa maraming kaganapan na nakatala sa Lucas 18–21 mula sa iyong pag-aaral ng Mateo at Marcos.
Sa pagpunta ni Jesucristo sa Jerusalem sa huling pagkakataon, nagturo Siya ng ilang talinghaga at nagpagaling ng maraming tao. Inanyayahan Niya ang isang mayamang batang pinuno na ibigay ang lahat ng kanyang pag-aari sa mga maralita at sumunod sa Kanya. Pinagaling Niya ang isang lalaking bulag. Sa kabila ng pangungutya, sinaluhan Niya sa pagkain ang isa sa mga punong maniningil ng buwis sa Jerico. (Tingnan din sa Mateo 19–20; Marcos 10.)
Dumating si Jesus sa Jerusalem at, sa gitna ng mga hiyaw ng papuri, sumakay Siya sa isang batang asno sa pagpasok Niya sa lungsod. Muli Niyang pinaalis ang mga mamamalit ng salapi sa templo, nagturo sa mga tao roon, at sumagot sa mga tanong ng mga punong saserdote at mga eskriba. Pinuri Niya ang isang balo na naghulog ng dalawang lepta sa kabang-yaman ng templo. Itinuro rin Niya sa Kanyang mga disipulo ang tungkol sa Kanyang Ikalawang Pagparito.
Karamihan sa mga tala na pag-aaralan mo sa lesson na ito ay makikita lamang sa Ebanghelyo Ayon kay Lucas. Upang makapaghanda sa pag-aaral ng Lucas 18–21, sagutin ang mga sumusunod na tanong at isulat ito sa patlang:
Anong mga kilos ang nagpapakita na gusto talaga ng isang tao na mapalapit sa Panginoon? Anong pag-uugali ang nagpapakita na talagang gusto niyang mapatawad o hinahangad niya ang tulong ng Panginoon?
Basahin ang bawat talata ng banal na kasulatan sa kalakip na chart, at pag-isipan ang mga sagot sa mga tanong. Maaari mong markahan ang nalaman mo.
Talinghaga o Tala |
Mga Kahulugan ng Salita |
Pangunahing Tauhan |
Mga Doktrina o mga Alituntunin |
---|---|---|---|
Manganglupaypay: panghinaan ng loob o mapagod Iganti: itama o makakuha ng katarungan |
Balong Babae | ||
Inaaaring-ganap: tinatanggap o nililinis |
Maniningil ng buwis | ||
Lalaking bulag | |||
Maraming tao: puno ng tao May daya: mali o di-matwid na paraan |
Zaqueo | ||
Mga Tanong na Pag-iisipan
|
-
Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa iyong scripture study journal:
-
Anong mga pagkakatulad ang napansin mo sa mga ikinilos ng bawat pangunahing tauhan?
-
Anong mga pagkakapareho ang napansin mo na natanggap ng bawat pangunahing tauhan dahil sa kanyang mga ginawa?
-
Ang isang alituntunin na itinuro sa mga talang ito ay na kung tapat at masigasig tayo sa pagsampalataya sa Panginoon, matatamo natin ang Kanyang awa.
Basahin ang sumusunod na pahayag ni Elder David A. Bednar ng Korum ng Labindalawang Apostol, na inaalam kung ano ang nakikita sa isang taong nananampalataya sa Panginoon: “Ang tunay na pananampalataya ay nakatuon sa Panginoong Jesucristo at laging nauuwi sa mabuting pagkilos” (“Humingi nang may Pananampalataya,” Ensign o Liahona, Mayo 2008, 95).
Maaari mong isulat ang pahayag na ito sa margin ng iyong mga banal na kasulatan.
-
Sa iyong scripture study journal, maglista ng ilang paraan na maipapakita mo ang iyong pananampalataya kay Jesucristo sa panahong ito. Anong mga pagpapala ang matatanggap natin kapag nanampalataya tayo araw-araw kay Jesucristo?
Basahin ang sumusunod na pahayag ni Elder Bednar, na inaalam ang ibig sabihin ng madama ang awa ng Panginoon:
“Sa personal na pag-aaral, pagmamasid, pagninilay, at panalangin, naniniwala ako na lalo kong naunawaan na ang magiliw na awa ng Panginoon ay ang siyang lubhang personal at indibiduwal na mga pagpapala, kalakasan, proteksyon, katiyakan, patnubay, mapagmahal na kabaitan, kasiyahan, suporta, at mga espirituwal na kaloob na natatanggap natin mula at dahil kay at sa pamamagitan ng Panginoong Jesucristo. Tunay na iniaangkop ng Panginoon ang ‘kanyang mga awa alinsunod sa mga kalagayan ng mga anak ng tao’ (D at T 46:15).
“… Hayaang imungkahi ko na ang isang paraan ng paglapit sa atin ng Tagapagligtas ay sa pamamagitan ng Kanyang sagana at magiliw na awa. Halimbawa, sa pagharap sa mga hamon at pagsubok sa buhay, ang kaloob na pananampalataya at angkop na diwa ng pagtitiwala sa sarili na higit kaysa ating kakayahan ay dalawang halimbawa ng magiliw na awa ng Panginoon. Ang pagsisisi at kapatawaran ng mga kasalanan at kapayapaan ng budhi ay mga halimbawa ng magiliw na awa ng Panginoon. At ang kasigasigan at katatagan na dahilan ng ating patuloy na pagsulong nang may kagalakan sa kabila ng mga pisikal na limitasyon at espirituwal na kahirapan ay mga halimbawa ng magiliw na awa ng Panginoon” (“Ang Magiliw na Awa ng Panginoon,” Ensign o Liahona, Mayo 2005, 99–100).
-
Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa iyong scripture study journal:
-
Paano ka o ang isang taong kakilala mo nananampalataya kay Jesucristo? Anong awa ang naranasan mo o ng isang taong kilala mo bilang resulta nito?
-
Isipin kung papaano mo hahangarin ang tulong o awa ng Panginoon sa iyong buhay. Ano ang gagawin mo para maipakita ang iyong pananampalataya sa Panginoon upang ikaw ay kaawaan Niya?
-
-
Isulat ang sumusunod sa ibaba ng mga assignment sa araw na ito sa iyong scripture study journal:
Napag-aralan ko na ang Lucas 18–21 at natapos ang lesson na ito noong (petsa).
Mga karagdagang tanong, kaisipan, at ideya na gusto kong ibahagi sa aking titser: