Library
Unit 22, Day 3: I Mga Taga Corinto 11


Unit 22: Day 3

I Mga Taga Corinto 11

Pambungad

Nilutas ni Apostol Pablo ang pagtatalo ng mga Banal sa Corinto tungkol sa mga kaugalian sa relihiyon. Binigyang-diin niya na ang kalalakihan at kababaihan ay may walang hanggan at banal na tungkulin at mahalaga sila sa isa’t isa sa plano ng Panginoon. Itinuro rin niya sa mga miyembro ng Simbahan ang tamang paghahanda ng sakramento.

I Mga Taga Corinto 11:1–16

Nilutas ni Pablo ang pagtatalo tungkol sa mga kaugalian sa relihiyon

mag-asawang naglalakad papuntang Oquirrh Mountain Utah Temple

Basahin ang mga sumusunod na pahayag na naglalarawan ng pananaw ng ilang tao tungkol sa kasal:

  • “Napakahalaga sa akin na magtagumpay sa trabaho. Ayokong mahati ang atensyon ko sa trabaho at pamilya.”

  • “Ayoko ng pangmatagalang relasyon. Nag-aaala ako na baka makagawa ako ng desisyon na pagsisisihan ko sa bandang huli.”

  • “Matatali ako kapag nag-asawa ako. Hindi ko na magagawa ang gusto ko.”

  • “Alam ko na ang pag-aasawa ang isa sa mga pinakamahalagang desisyon na gagawin ko sa buhay, at pinaghahandaan ko ito.”

  1. journal iconSa iyong scripture study journal, isulat kung ano ang nararamdaman mo tungkol sa pag-aasawa.

Marami pa tayong mababasa sa I Mga Taga Corinto 11 tungkol sa mga isinagot ni Apostol Pablo sa mga problema ng mga miyembro ng Simbahan sa Corinto. Basahin ang I Mga Taga Corinto 11:13, na inaalam ang itinuro ni Pablo tungkol sa mga responsibilidad ng asawang lalaki.

Ang ibig sabihin ng mga katagang “ang pangulo ng babae ay ang lalake” ay ang lalaki ang may sagradong tungkulin na mamuno sa tahanan. Ang ibig sabihin ng mamuno ay matwid na pamunuan at gabayan ang iba sa mga bagay na espirituwal at temporal.

Tingnan sa talata 3 kung sino ang nangungulo at gumagabay sa lalaki habang pinamumunuan niya ang kanyang pamilya. Bakit mahalaga sa isang asawa at ama na ituring si Cristo na kanyang lider at gabay?

Kapag nauunawaan natin kung paano pinamumunuan ng ating Ama sa Langit ang Kanyang kaharian, makikita natin na Siya ay Diyos ng kaayusan at hindi ng kaguluhan (tingnan sa D at T 132:8).

Tulad ng nakatala sa I Mga Taga Corinto 11:4–16, sinagot ni Pablo ang mga tanong ng mga Mga Banal sa Corinto tungkol sa mga kaugalian ng kalalakihan at kababaihan kapag nananalangin at nagsasalita sila sa kanilang pagsamba. Kabilang sa mga kaugaliang ito ang pagsusuot ng belo ng mga babae.

Kung minsan ay inaakala ng mga mambabasa ng Bagong Tipan na itinuturo ni Pablo na mas mahalaga ang ginagampanang tungkulin ng lalaki kaysa sa babae. Nilinaw ni Elder M. Russell Ballard ng Korum ng Labindalawang Apostol ang di-tamang pagkaunawang ito:

Elder M. Russell Ballard

“Ang kalalakihan at kababaihan ay magkapantay sa paningin ng Diyos at sa paningin ng Simbahan, ngunit ang magkapantay ay hindi nangangahulugang magkapareho. Ang mga responsibilidad at banal na mga kaloob ng kalalakihan at kababaihan ay magkaiba ng katangian ngunit magkatumbas ang halaga o impluwensya. Sa doktrina ng ating Simbahan pantay ang kababaihan sa kalalakihan ngunit hindi sila katulad ng kalalakihan. Hindi itinuturing ng Diyos na mas mabuti o mas mahalaga ang isang kasarian kaysa sa isa. …

“Ang kalalakihan at kababaihan ay may iba’t ibang kaloob, lakas, at pananaw at mga inklinasyon. Iyan ang isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit kailangan natin ang isa’t isa” (“Kalalakihan at Kababaihan sa Gawain ng Panginoon,” Liahona, Abr. 2014, 4).

Basahin ang I Mga Taga Corinto 11:11, na inaalam ang itinuro ni Pablo tungkol sa pagsasama ng mag-asawa. Ang mga katagang “sa Panginoon” ay tumutukoy sa plano ng Panginoon na tulungan tayong maging katulad Niya at magtamo ng buhay na walang hanggan.

Natutuhan natin sa I Mga Taga Corinto 11:11 ang sumusunod na katotohanan: Sa plano ng Panginoon, ang kalalakihan at kababaihan ay hindi magtatamo ng buhay na walang hanggan kung wala ang bawat isa (tingnan din sa D at T 131:1–4).

Ang kasal sa pagitan ng isang lalaki at isang babae ay bahagi ng plano ng Diyos. Pag-isipan ang mga sumusunod na tanong: Paano naisusulong ng pagiging mabuting ama o ina ang plano ng Diyos? Paano tayo higit na naihahanda nito na maging katulad ng Ama sa Langit?

gunting
isang talim ng gunting

Isipin kung paano ginagamit ang gunting. Anong mangyayari kung subukan mong gupitin ang papel o tela gamit ang gunting na isa lang ang talim? Paano maitutulad ang isang gunting sa mag-asawang nagsisikap na magtamo ng buhay na walang hanggan?

Elder David A. Bednar

Basahin ang sumusunod na pahayag ni Elder David A. Bednar ng Korum ng Labindalawang Apostol, na inaalam kung paano nilayong magtulungan ang mag-asawa sa pagtamo ng buhay na walang hanggan: “Sa banal na plano, ang mga lalaki’t babae ay nilayong umunlad na magkasama tungo sa kaganapan at puspos na kaluwalhatian. Dahil sa magkaiba nilang mga pag-uugali at kakayahan, hatid ng mga lalaki’t babae sa pagsasama nila ang mga natatanging pananaw at karanasan. Magkaiba ngunit magkapantay ang ambag ng lalaki at babae tungo sa pagkakaisa na hindi makakamit sa ibang paraan. Ginagawang lubos at ganap ng lalaki ang babae at ginagawang lubos at ganap ng babae ang lalaki, habang natututo mula sa isa’t isa at pinalalakas at pinagpapala nila ang isa’t isa” (“Mahalaga ang Kasal sa Kanyang Walang Hanggang Plano,” Liahona, Hunyo 2006, 83–84).

  1. journal iconSa iyong scripture study journal, sumulat ng ilang katangian at responsibilidad ng kalalakihan at kababaihan na nakatutulong at nagpapalakas sa bawat isa sa pamilya.

Sa “Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo,” ipinahayag ng Unang Panguluhan at ng Korum ng Labindalawang Apostol: “Sa plano ng Diyos, ang mga ama ang mangungulo sa kanilang mga mag-anak sa pagmamahal at kabutihan at ang may tungkuling maglaan para sa mga pangangailangan sa buhay at kaligtasan ng kanilang mga mag-anak. Ang mga ina ang may pangunahing tungkulin na mag-aruga sa kanilang mga anak. Sa mga banal na tungkuling ito, ang mga ama at ina ay may pananagutang magtulungan bilang magkasama na may pantay na pananagutan. Ang pagkakaroon ng kapansanan, ang kamatayan, o iba pang kalagayan ay maaaring magpabago sa mga takdang tungkulin ng bawat isa sa pagkalinga sa mag-anak” (Ensign, Nob. 2010, 129).

  1. journal iconIsipin ang iba’t ibang pananaw sa pag-aasawa na inilarawan sa mga pahayag na nabasa mo sa simula ng lesson. Pagkatapos ay sagutin ang sumusunod na tanong sa iyong scripture study journal: Matapos pag-aralan ang I Mga Taga Corinto 11:1–16, ano ang sasabihin mo sa taong hindi nauunawaan ang kahalagahan ng pag-aasawa sa plano ng Diyos?

I Mga Taga Corinto 11:17–34

Itinuro ni Pablo sa mga Banal sa Corinto na pahalagahan ang sakramento ng Panginoon

Ano ang maiisip mo kapag binasa mo ang mga sumusunod na parirala?

  • “Tunay na espirituwal na karanasan.”

  • “Nagpapanibago ng kaluluwa.”

  • “Ang pinakamahalagang bahagi sa araw ng Sabbath.”

Pagnilayan ang pagtanggap mo ng sakramento kamakailan, at isipin kung nailalarawan ba o hindi ng mga pariralang ito ang naranasan mo.

Sa pag-aaral mo ng I Mga Taga Corinto 11:17–34, alamin ang mga katotohanang makatutulong sa iyo na magkaroon ng mas espirituwal at makabuluhang karanasan sa pagtanggap ng sakramento.

Noong kapanahunan ni Pablo, ang mga miyembro ng Simbahan ay may pagtitipong maitutulad sa Huling Hapunan. Madalas silang nagtitipon para kumain nang sama-sama bago tumanggap ng sakramento. Kinondena ni Apostol Pablo ang mga pagtitipong ito dahil ginawa na lang karaniwang salu-salo ito ng mga Banal sa halip na panatilihin ang kasagraduhang dapat na kaakibat ng pagtanggap ng sakramento. Nilinaw sa Joseph Smith Translation ang ipinahayag ni Pablo tungkol sa layunin ng kanilang pagtitipon: “Kung kayo nga ay nangagkakatipon, hindi ba’t ito ay upang magsikain ng hapunan ng Panginoon?” (Joseph Smith Translation, 1 Corinthians 11:20 ).

Kahit layunin ng pagtitipon na ito na pag-ibayuhin ang kapatiran at pagkakaisa, madalas na nauuwi ito sa pagtatalo. Tulad ng nakatala sa I Mga Taga Corinto 11:17-22, kinondena ni Pablo ang pagtatalo ng mga Banal sa Corinto sa oras ng mga salu-salong ito.

Basahin ang I Mga Taga Corinto 11:23–26, na inaalam ang hinikayat ni Pablo na dapat alalahanin ng mga miyembro ng Simbahan tungkol sa sakramento.

Huling Hapunan

Basahin ang I Mga Taga Corinto 11:27–30, na inaalam ang babalang ibinigay ni Pablo sa mga Banal sa Corinto tungkol sa sakramento.

Natutuhan natin mula sa mga talatang ito na ang mga tumatanggap ng sakramento nang hindi karapat-dapat ay nagdudulot ng kapahamakan at kaparusahan sa kanilang sarili.

Ang katotohanang ito ay pinagtitibay sa Aklat ni Mormon, kung saan binalaan ni Jesucristo na ang mga yaong tumatanggap ng sakramento nang hindi karapat-dapat, ay kumakain at umiinom ng kapahamakan sa kanilang kaluluwa (tingnan sa 3 Nephi 18:29). Bukod pa riyan, sinabi ng Tagapagligtas sa mga lider ng priesthood na hindi nila dapat pahintulutang tumanggap ng sakramento ang mga hindi karapat-dapat (tingnan sa 3 Nephi 18:29). Kung may alinlangan ka sa pagiging karapat-dapat mo sa pagtanggap ng sakramento, kausapin ang iyong bishop o branch president.

Sa I Mga Taga Corinto 11:29, ang salitang Griyego na isinalin bilang “hatol [kapahamakan]” ay maaari ding “kaparusahan.” Ang ibig sabihin ng kaparusahan ay “mahatulang may-sala sa Diyos” (Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Kaparusahan, Parurusahan,” scriptures.lds.org). Ang kapahamakan ay tumutukoy sa “pagtigil ng pag-unlad ng isang tao at pagkakait ng pagkakataong mamuhay sa kinaroroonan ng Diyos at sa Kanyang kaluwalhatian. Ang kapahamakan ay umiiral sa iba’t ibang antas. Lahat ng hindi makatatamo ng kaganapan ng kadakilaang selestiyal ay mapipigilan ng ilang antas sa kanilang pag-unlad at mga pribilehiyo, at mapapahamak sila sa gayong paraan” (Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Kapahamakan,” scriptures.lds.org).

Tandaan na “hindi ninyo kailangang maging perpekto para makibahagi ng [sakramento], ngunit dapat kayong magpakumbaba at magsisi sa inyong puso” (Tapat sa Pananampalataya: Isang Sanggunian sa Ebanghelyo [2004], 210). Kung tatanggap tayo ng sakramento nang walang nadaramang pagsisisi sa puso at walang hangad na sundin ang Tagapagligtas, tumatanggap tayo ng saramento nang hindi karapat-dapat.

Pag-isipan kung bakit nagdudulot ng kapahamakan sa ating kaluluwa ang pagtanggap ng sakramento nang hindi karapat-dapat.

Basahing muli ang I Mga Taga Corinto 11:28, na inaalam ang ipinayo ni Pablo na gawin ng mga miyembro ng Simbahan habang tumatanggap ng sakramento. Maaari mong markahan ang nalaman mo.

Mula sa talatang ito, natutuhan natin na dapat nating suriin ang ating mga buhay kapag tumatanggap tayo ng sakramento.

Sa palagay mo, sa anong mga paraan natin dapat suriin ang ating buhay?

Sinusuri natin ang ating buhay hindi lamang para malaman kung karapat-dapat ba tayo o hindi na tumanggap ng sakramento ngunit para isipin din kung paano natin sinisikap na sundin ang ating mga tipan sa Diyos at kung paano natin hahangaring magsisi at magpakabuti.

Basahin ang mga sumusunod na pahayag, at isipin ang mga paraan na masusuri mo ang buhay mo habang tumatanggap ka ng sakramento.

Pangulong Howard W. Hunter

Narito ang sinabi ni Pangulong Howard W. Hunter tungkol sa naranasan niya habang tumatanggap siya ng sakramento: “Itinanong ko ito sa aking sarili: ‘Inuuna ko ba ang Diyos sa lahat ng iba pang bagay at sinusunod ang lahat ng Kanyang utos?’ Pagkatapos ay nagmuni-muni ako at nagpapasiya. Ang makipagtipan sa Panginoon na laging susundin ang kanyang mga kautusan ay mabigat na obligasyon, at mabigat din ang pagpapanibago ng tipang iyon sa pakikibahagi ng sakramento. Ang mga taimtim na sandali ng pagninilay habang ipinapasa ang sakramento ay may malaking kahalagahan. Ito ang mga sandali ng pagsusuri sa sarili, pagsisiyasat sa sarili, pagkilala sa sarili—isang panahon ng pagninilay at pagpapasiya” (“Thoughts On the Sacrament,” Ensign, Mayo 1977, 25).

Tad R. Callister

Noong miyembro pa siya ng Pitumpu, itinuro ni Tad R. Callister, Sunday School general president, na ang sakramento ay isang panahon ng pagmumuni-muni at pagsusuri sa sarili: “Ang sakramento ay … sandali ng malalim na pagsisiyasat at pagsusuri sa sarili. … Ang sakramento ay hindi lamang sandali ng pag-alaala sa Tagapagligtas, kundi ito ay paghahambing din ng ating buhay sa buhay ng ating Dakilang Halimbawa [si Jesucristo]. Ito ang sandali na itinitigil natin ang lahat ng pandaraya sa sarili; ito ang sandali ng lubos na dakilang katotohanan. Lahat ng dahilan, lahat ng pagkukunwari ay inaalis, upang tulutan ang ating espiritu, sa likas na katangian nito, na makipag-ugnayan sa Espiritu ng ating Ama. Sa sandaling ito ay nagiging tagahatol natin ang ating sarili, pinagninilay kung ano ang uri ng ating pamumuhay at kung ano ang nararapat nating maging pamumuhay” (The Infinite Atonement [2000], 291).

Isang paraan para maipamuhay ang alituntuning ito ng pagsusuri sa ating buhay habang tumatanggap tayo ng sakramento ay ang mag-isip ng mga tanong na mapag-iisipan mo habang naghahanda ka sa pagtanggap ng sakramento. Halimbawa, maaaring ito ang itanong mo, “Paano ako magiging mas mabuting disipulo ni Jesucristo?” “Gaano ko natutularan ang buhay ng Tagapagligtas? Sa anong mga paraan ko ito hindi natutularan?” “Anong kahinaan ang humahadlang sa aking espirituwal na pag-unlad?” “Ano ang magagawa ko sa linggong ito para maging mas mabuti?”

  1. journal iconSa iyong scripture study journal, sumulat ng mga karagdagang maitatanong mo sa iyong sarili bago magsakramento o habang nagsasakramento.

  2. journal iconSumulat sa iyong scripture study journal ng plano tungkol sa mga gagawin mo para mas maging handa sa susunod na pagkakataong tatanggap ka ng sakramento.

Habang sinusuri mo ang iyong buhay bago magsakramento at habang nagsasakramento, matutulungan ka ng Panginoon na malaman kung paano mo mas matutupad ang iyong mga tipan at paano ka magiging karapat-dapat na tumanggap ng mga pagpapalang nais Niyang ibigay sa iyo. Mangakong sundin ang anumang pahiwatig na matatanggap mo.

Mababasa natin sa I Mga Taga Corinto 11:33–34 ang karagdagang tagubilin ni Pablo sa mga Banal sa Corinto hinggil sa kinakain nila kapag nagtitipon sila para tumanggap ng sakramento. Sinabi niya sa mga Banal na pagmalasakitan ang isa’t isa at iwasan ang pagtatalo.

  1. journal iconIsulat ang sumusunod sa ibaba ng mga assignment sa araw na ito sa iyong scripture study journal:

    Napag-aralan ko na ang I Mga Taga Corinto 11 at natapos ang lesson na ito noong (petsa).

    Mga karagdagang tanong, kaisipan, at ideya na gusto kong ibahagi sa aking titser: