Unit 20: Day 4
Mga Taga Roma 4–7
Pambungad
Ipinaliwanag ni Pablo kung paano inaring-ganap o binigyang-katwiran si Abraham sa pamamagitan ng biyaya. Pagkatapos ay inilarawan niya ang mga pagpapalang nagmumula sa mga taong binigyang-katwiran at itinuro na ang binyag ay sumasagisag sa pagiging patay sa pagkakasala at buhay kay Cristo.
Mga Taga Roma 4–5
Ipinaliwanag ni Pablo kung paano inaring-ganap o binigyang-katwiran si Abraham sa pamamagitan ng biyaya
Isipin na kunwari ay halos mamatay ka na sa uhaw sa isang disyerto at may isang bote ng tubig sa ibabaw ng kalapit na burol. Alin sa mga sumusunod ang magliligtas sa iyo?
-
Ang paniniwala mo na maliligtas ka ng tubig na iyon.
-
Ang pagpipilit mo na kunin ang tubig na iyon at inumin ito.
-
Ang tubig.
Makatutulong sa atin ang sitwasyong ito na maunawaan ang mga turo ni Pablo sa Mga Taga Roma 4–7 tungkol sa kung paano nauugnay ang pananampalataya, mga gawa, at biyaya sa doktrina ng pag-aaring ganap o pagbibigay-katwiran.
Nalaman natin sa Mga Taga Roma 1–3 na ang ibig sabihin ng ariing-ganap ay mapatawad sa mga kaparusahan sa mga kasalanan at maging matwid sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo (tingnan sa D at T 76:69).
Ang ilan sa mga Banal na Judio sa Roma ay masyadong umasa sa sariling mga gawa at sa batas ni Moises para ariing-ganap o mabigyang-katwiran sila. Sa panahon ngayon, paano maaaring magkaroon ng gayunding maling pagkaunawa ang ilang tao tungkol sa pagbibigay-katwiran?
Alin sa tatlong opsiyon sa sitwasyon ang maaaaring maglarawan ng ideya na maaari tayong maligtas ng sarili nating mga gawa? ____
Sinubukan ni Pablo na itama ang maling pagkaunawang ito nang ipaalala niya sa sa mga Judio ang sinaunang patriyarka na si Abraham, na itinuturing ng maraming Judio na ginawang ganap.
Nilinaw sa Joseph Smith Translation, Romans 4:2–5 kung bakit si Abraham ay inaring-ganap at itinuring na matwid: “Sapagka’t kung si Abraham ay inaring-ganap sa pamamagitan ng batas ng gawa, ay mayroon sana siyang ipagmamapuri sa kaniyang sarili; datapuwa’t hindi galing sa Diyos. Sapagka’t ano ang sinasabi ng kasulatan? At sumampalataya si Abraham sa Diyos, at sa kaniya’y ibinilang na katuwiran. Ngayon sa kaniya na inaring-ganap sa pamamagitan ng batas ng gawa, ay ibinibilang ang ganti, hindi biyaya, kundi utang. Datapuwa’t sa kaniya na hindi ninanais na maaaring-ganap ayon sa batas ng gawa, nguni’t sumasampalataya sa kaniya na hindi umaaring ganap sa masama, ang kaniyang pananampalataya ay ibibilang na katuwiran.”
Saan hindi nabigyang-katwiran si Abraham?
Alalahanin na itinuro ni Apostol Pablo na “ang lahat ay nangagkasala nga, at hindi nangakaabot sa kaluwalhatian ng Dios” (Mga Taga Roma 3:23). Kahit sundin man natin nang lubos sa kalaunan ang mga kautusan, hadlang pa rin ang ating mga nagawang kasalanan at paglabag noon upang tayo ay ariing ganap ng batas ng mga gawa. Sa madaling salita, upang ariing-ganap o mabigyang-katwiran ng batas ng mga gawa, kailangang hindi na tayo magkasala kahit kailan o sumuway nang hindi sinasadya sa alinman sa mga batas ng Diyos.
Natutuhan natin sa Mga Taga Roma 4:6–15 na ang angkan at pagsunod sa batas ni Moises ay walang kapangyarihang luminis ng kasalanan.
Basahin ang Pagsasalin ni Joseph Smith sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan na inaalam ang mas kumpletong paliwanag kung paano tayo aariing-ganap o mabibigyang-katwiran.
Ang isang doktrinang matututuhan natin mula sa mga turo ni Pablo sa Mga Taga Roma 4:16 ay nainaaring-ganap o binibigyang-katwiran tayo sa pamamagitan ng pananampalataya at mga gawa dahil sa biyaya. (Maaari mong isulat ang doktrinang ito sa iyong mga banal na kasulatan sa tabi ng Mga Taga Roma 4:16.)
Tandaan na ang biyaya ay tumutukoy sa mga pagpapala, awa, tulong, at lakas na matatanggap natin dahil sa Pagbabayad-sala ni Jesucristo. Balikan ang binanggit na sitwasyon sa simula ng lesson. Alin sa tatlong opsiyon ang maaaring maglarawan ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo at sa biyaya ng Diyos? ____
Aling opsiyon ang maaaring maglarawan ng ating pananampalataya sa Kanya? ____
Kung ikaw ang nasa sitwasyong iyan, maililigtas ka ba ng iyong paniniwala at mga gawa kung wala namang tubig sa ibabaw ng burol? Paano natutulad ang tubig sa sitwasyong ito sa Pagbabayad-sala ni Jesucristo at sa biyaya ng Diyos?
Itinuro ni Pangulong Dieter F. Uchtdorf ng Unang Panguluhan:
“Ang kaligtasan ay hindi natatamo sa pagsunod; natatamo ito sa pamamagitan ng dugo ng Anak ng Diyos [tingnan sa Mga Gawa 20:28]. …
“Ang biyaya ay isang kaloob ng Diyos, at ang hangarin nating sundin ang bawat utos ng Diyos ay pag-unat ng ating kamay upang tanggapin ang sagradong kaloob na ito mula sa ating Ama sa Langit” (“Ang Kaloob na Biyaya,” Ensign o Liahona, Mayo 2015, 109–10).
Pansinin na bagama’t ang sitwasyon tungkol sa pangangailangan ng tubig sa disyerto ay nagpapaunawa sa atin kung paano nakatutulong ang pananampalataya, gawa, at biyaya para ariing ganap o bigyang-katwiran tayo, hindi nito inilalarawan ang lahat ng paraan na makatatanggap tayo ng biyaya ng Tagapagligtas. Si Jesucristo ay hindi lamang nagbibigay ng tubig na nakapagliligtas ng buhay na sumasagisag sa biyaya ng Diyos, na nagbibigay-katwiran sa atin at lumilinis sa atin mula sa kasalanan; nagbibigay rin Siya sa atin ng pananampalataya at lakas na kailangan natin para makuha ang tubig, o matamo ang biyaya ng Diyos. Maaari tayong pagpalain ng biyayang ito bago sumampalataya, habang sumasampalataya, at pagkatapos nating manampalataya kay Jesucristo at gumawa ng mabuti.
Itinuro ni Elder David A. Bednar ng Korum ng Labindalawang Apostol: “Ang kapangyarihan ng Pagbabayad-sala ay ginagawang posible ang pagsisisi at sinusugpo ang kawalang-pag-asang dulot ng kasalanan; pinalalakas din tayo nito [upang] makita, magawa, at maging mahusay sa mga paraang hinding-hindi natin makikita o maisasagawa gamit ang ating limitadong kakayahan bilang mortal” (“Anupa’t Nabawasan ang Kanilang Pagkatakot,” Ensign o Liahona, Mayo 2015, 47)
Paano nakatutulong sa atin ang Pagbabayad-sala at ang biyaya ng Diyos sa pagsampalataya kay Jesucristo at paggawa ng mabuti?
Kabilang sa ilang gawain na dapat nating gawin para ipakita ang ating pananampalataya kay Cristo at mabigyang-katwiran sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos ang pagsisisi sa ating mga kasalanan, pagsunod sa mga kautusan, at pagtanggap ng nakapagliligtas na ordenansa ng ebanghelyo (tingnan sa Moroni 10:32–33).
-
Isipin na dalawa sa mga kaibigan mo ang nagtatalo kung paano tayo maaaring “maligtas.” Sinasabi ng isang kaibigan mo na ang kailangan lang nating gawin upang maligtas ay ipahayag ang paniniwala natin kay Jesucristo. Iginigiit naman ng isa pang kaibigan mo na ang pagsunod natin sa mga utos ang tanging makapagliligtas sa atin. Sa iyong scripture study journal, isulat kung paano mo ipapaliwanag ang pagkakaugnay ng pananampalataya, gawa, at biyaya sa iyong mga kaibigan.
Tulad ng nakatala sa Mga Taga Roma 5, itinuro ni Pablo ang kapayapaan na darating sa mga nagtatamo ng biyaya ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristo (tingnan sa mga talata 1–2). Ipinaliwanag pa niya na ang biyayang matatanggap natin dahil sa Pagbabayad-sala ni Jesucristo ay higit na sapat para madaig ang mga epekto ng Pagkahulog.
Mga Taga Roma 6–7
Itinuro ni Pablo kung paano tayo magiging malaya sa kasalanan at tatanggap ng buhay na walang hanggan.
Isipin na kunwari ay nagpaplano ang kaibigan mo na magmisyon pero may mga ginagawa siya na salungat sa mga pamantayan ng Panginoon. Nang sabihin mong nag-aalala ka sa pag-uugali ng iyong kaibigan, sinabi niyang, “Hindi naman problema iyan. Dahil sa Pagbabayad-sala, makakapagsisi naman ako palagi bago ako magmisyon.”
Isipin kung ano ang magiging reaksyon mo sa sinabing ito ng iyong kaibigan. Sa pag-aaral mo ng Mga Taga Roma 6, alamin kung bakit nakikita sa kanyang pag-uugali na mali ang pagkaunawa niya sa doktrina ng biyaya.
Basahin ang Mga Taga Roma 6:1–6, 11–12, na inaalam kung paano maitatama ng mga turo ni Pablo ang pag-iisip ng kaibigan mo.
Sa sarili mong mga salita, ipaliwanag kung paano makatutulong sa kaibigan mo ang itinuro ni Pablo sa mga talatang ito:
Ano sa palagay mo ang ibig sabihin ng maging “patay na sa pagkakasala” (Mga Taga Roma 6:2) at “nangalibing na kalakip niya sa pamamagitan ng bautismo sa kamatayan” (Mga Taga Roma 6:4)?
Ang isang katotohanan na matututuhan natin mula sa mga talatang ito ay na maaaring maging simbolo ang pagbibinyag sa pamamagitan ng paglulubog ng ating pagiging patay sa kasalanan at ng panibagong espirituwal na buhay.
Kabilang sa bagong espirituwal na buhay na sisimulan natin kapag nabinyagan tayo ang pagtanggap ng kapatawaran ng ating mga kasalanan at pangakong susundin ang mga utos ng Diyos. Ang mga lumalabag sa kanilang mga tipan sa binyag na may intensyong magkasala at magsisi pagkatapos ay kumukutya sa Pagbabayad-sala ng Tagapagligtas at inilalagay ang kanilang sarili sa espirituwal na panganib.
Sino ang nagpapasuweldo sa isang empleyado? Bakit hindi sinusuwelduhan ng isang employer ang empleyado ng iba?
Basahin ang Mga Taga Roma 6:13, at kilalanin ang dalawang “employers,” o panginoon, na maaaring sundin at paglingkuran ng isang tao. Ang ibig sabihin sa talatang ito ng salitang ihandog ay ialay o ibigay ang sarili sa, at ang mga sangkap ay tumutukoy sa mga bahagi ng katawan at isipan.
Basahin ang Mga Taga Roma 6:14–23, na inaalam ang mga “kabayaran” (Mga Taga Roma 6:23), o mga resulta, ng kasalanan at ng kaloob ng Diyos. Ilista sa kasunod na chart ang mga makikita mo.
Mga kabayaran ng kasalanan |
Mga kaloob ng Diyos |
---|---|
Ang kamatayan bilang isang kabayaran ng kasalanan ay tumutukoy sa “paghiwalay sa Diyos at sa Kanyang mga pamamatnubay” at nangangahulugang “kamatayan sa mga bagay na nauukol sa kabutihan” (Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Kamatayan, Espirituwal na,” scriptures.lds.org).
Natutuhan natin mula sa Mga Taga Roma 6:16 na kung ihahandog natin ang ating sarili sa kasalanan, magiging mga alipin tayo ng kasalanan.) Maaari mong isulat ang alituntuning ito sa tabi ng Mga Taga Roma 6:16 sa iyong mga banal na kasulatan.
-
Sagutin ang sumusunod na tanong sa iyong scripture journal: Paano nagdudulot ng pagkaalipin sa kasalanan ang paghahandog (o pagpapaubaya) ng ating sarili sa kasalanan?
Isipin ang mga pagkakataong nawalan ng kalayaan ang isang tao dahil hinayaan niyang magkasala siya.
Tingnan ang listahan na isinulat mo sa ilalim ng “Mga kaloob ng Diyos” sa naunang chart. Anu-anong mga pakinabang ang makukuha natin sa paglilingkod sa kabutihan kaysa sa kasalanan?
-
Isulat ang sumusunod na alituntunin sa iyong scripture study journal: Kung ihahandog natin ang ating sarili sa Diyos, magiging malaya tayo mula sa kasalanan at matatanggap natin ang kaloob na buhay na walang hanggan. Pagkatapos ay sagutin ang mga sumusunod na tanong:
-
Sa paanong mga paraan natin inihahandog o ipinauubaya ang ating sarili sa Diyos?
-
Sa paanong mga paraan mo naranasan ang kalayaan mula sa kasalanan dahil ipinaubaya mo ang iyong sarili sa Diyos?
-
-
Sa iyong scripture study journal, sumulat ng mithiin o goal tungkol sa mga gagawin mo upang mas maipaubaya mo ang iyong sarili sa Diyos nang sa gayon ay mabiyayaan Niya ang buhay mo.
Tulad ng nakatala sa Mga Taga Roma 7, ginamit ni Pablo ang metapora ng kasal para ituro na ang mga miyembro ng Simbahan ay napalaya mula sa batas ni Moises at nakaanib na kay Cristo. Isinulat din niya ang pagtatalo sa pagitan ng “laman” (Mga Taga Roma 7:18), o pisikal na mga naisin, at “ang pagkataong loob” (Mga Taga Roma 7:22), o espirituwalidad.
Ang Pagsasalin ni Joseph Smith ng mga Taga Roma 7:24–25 ay nagbibigay ng dagdag na kaalaman sa malakas na patotoo ni Pablo na mapaglalabanan ang laman:
“At kung hindi ko malulupig ang kasalanan na nasa akin, kundi sa laman paglilingkuran ang batas ng kasalanan; O abang tao ako! sino ang magliligtas sa akin mula sa katawan ng kamatayang ito?
“Nagpapasalamat ako sa Diyos sa pamamagitan ni Jesucristo, na ating Panginoon, kaya nga sa aking isipan ako na rin ang maglilingkod sa batas ng Diyos” (Pagsasalin ni Joseph Smith, Mga Taga Roma 7:26–27 [sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan]).
-
Isulat ang sumusunod sa ibaba ng mga assignment sa araw na ito sa iyong scripture study journal:
Napag-aralan ko na ang Mga Taga Roma 4–7 at natapos ang lesson na ito noong (petsa).
Mga karagdagang tanong, kaisipan, at ideya na gusto kong ibahagi sa aking titser: