Library
Unit 2, Day 4: Mateo 5


Unit 2: Day 4

Mateo 5

Pambungad

Ang Mateo 5–7 ay nagtatala ng sermon na ibinigay ng Tagapagligtas sa simula ng Kanyang ministeryo. Nakilala ito bilang ang Sermon sa Bundok. Ang lesson na ito ay tumatalakay sa Mateo 5, na naglalaman ng mga alituntuning itinuro ng Tagapagligtas na nagdudulot ng kaligayahan. Iniutos din Niya sa Kanyang mga disipulo na magpakita ng mabuting halimbawa at ituro ang mas mataas na batas.

Mateo 5:1–12

Sinimulan ng Tagapagligtas ang Sermon sa Bundok sa pamamagitan ng pagtuturo ng Beatitudes o Mga Lubos na Pagpapala

Ang Sermon sa Bundok

Itinuro ni Jesus ang Sermon sa Bundok

Ano ang isasagot mo sa mga sumusunod na tanong: Masaya ka ba? Bakit oo o bakit hindi?

Tandaan ang sinabi ni Pangulong Dieter F. Uchtdorf ng Unang Panguluhan tungkol sa kaligayahan:

Pangulong Dieter F. Uchtdorf

“Madalas na napapaniwala tayo na may isang bagay na hindi natin kayang kamtin pero magpapasaya sa atin: mas mabuting sitwasyon ng pamilya, mas maunlad na kabuhayan, o katapusan ng mahirap na pagsubok.

“… May mga bagay na panlabas na hindi talaga mahalaga o nagpapasaya sa atin.

“Talagang mahalaga tayo. Tayo ang nagpapasiya ng ikasasaya natin” (“Mga Panghihinayang at Pagpapasiya,” Ensign o Liahona, Nob. 2012, 23).

Sa pag-aaral mo ng Mateo 5, alamin ang mga alituntuning makatutulong sa iyo na maunawaan kung ano ang talagang nagdudulot ng kaligayahan.

Basahin mong mabuti ang Mateo 5:3–11, na hinahanap ang mga salitang inuulit sa simula ng bawat talata. (Maaari mong markahan ang salitang mapapalad na makikita sa Mateo 5:3.)

Dahil isinalin ang salitang blessed (mapapalad) mula sa salitang Latin na beatus, na ang ibig sabihin ay maging masuwerte o masaya, ang mga talatang ito ay karaniwang tinatawag na Beatitudes o Mga Lubos na Pagpapala.

Sa Kanyang pagdalaw sa mga Nephita, nagbigay si Jesucristo ng sermon na katulad ng Sermon sa Bundok na nasa Mateo 5. Bilang paunang salita sa Kanyang sermon sa mga Nephita, ipinaliwanag ng Tagapagligtas na ang paraan para makalapit sa Kanya ay sa pamamagitan ng binyag at pagtanggap ng Espiritu Santo (tingnan sa 3 Nephi 12:1–2). Ang Beatitudes na matatagpuan sa Mateo 5:1–12 at 3 Nephi 12:1–12 ay nagsasabi ng paraan na makalalapit tayo sa Kanya.

Basahin ang 3 Nephi 12:3–6, na inaalam kung paano mas naipapaunawa ng mensahe ng Panginoon sa mga talatang iyon ang mga talata sa Mateo 5:3–6.

  1. journal iconPumili ng isa sa mga Beautitudes sa Mateo 5:3–12. Sa iyong scripture study journal, sumulat ng maikling mensahe tungkol sa beatitude na iyan. (Maaari ka ring magdagdag ng ilang kaalaman mula sa 3 Nephi 12.) Isama ang sumusunod na impormasyon bilang bahagi ng mensahe mo:

    1. Alamin ang pagpapalang ipinangako sa atin sa pamumuhay sa beatitude na iyan.

    2. Magmungkahi ng mga partikular na paraan na maipamumuhay natin ang beatitude na ito.

    3. Ipaliwanag kung paano magpapasaya sa atin ang pamumuhay ayon sa beatitude na ito. Maaari ka ring magbahagi ng karanasan na naglalarawan kung paano ka pinasaya ng beautitude na iyan.

Maaaring mapansin mo na bawat isa sa mga Beatitude ay nagtuturo ng mga katangian ni Jesucristo. Sa pagsasabuhay ng mga turong ito, maaari tayong maging higit na katulad Niya. Natutuhan natin mula sa Mateo 5 na kapag nagkaroon tayo ng mga katangian ni Cristo, mas magiging masaya tayo.

Pumili ng isang katangian mula sa isa sa mga Beatitude, at gumawa ng goal o mithiin na makatutulong sa iyo na magkaroon ng katangiang iyon.

Mateo 5:13–16

Iniutos ni Jesucristo sa Kanyang mga disipulo na magpakita ng mabuting halimbawa

Isipin ang isang kakilala mo, maaaring isang kapamilya o kaibigan, na mapagpapala kung mas lalapit sa Ama sa Langit. Sa patuloy na pag-aaral mo ng Mateo 5, alamin ang mga alituntunin na gagabay sa iyo habang sinisikap mong tulungan ang taong ito.

asin at lalagyan ng asin

Ilista ang lahat ng pinaggagamitan ng asin na maiisip mo:

Magdagdag sa iyong listahan matapos mong basahin ang sinabi ni Elder Carlos E. Asay ng Pitumpu tungkol sa asin:

Elder Carlos E. Asay

“[Ang asin] ay mahalaga sa kalusugan; ang mga selula ng katawan ay kailangang may asin upang mabuhay at makapagtrabaho. Ito ay may antiseptiko o pamatay ng mikrobyo. Ito ay pampreserba. Ito ay sangkap sa maraming pagkain at produkto. At tinatayang mahigit labing apat na libo ang mapaggagamitan ng asin. …

“… [Ang asin] na may lasa … ay malinis, puro, walang halo, at maraming mapaggagamitan. Sa ganitong kundisyon, magagamit ang asin na pampreserba, pampalasa, pampagaling, at iba pa” (“Salt of the Earth: Savor of Men and Saviors of Men,” Ensign, Mayo 1980, 42).

Basahin ang Mateo 5:13, at alamin kung kanino itinulad ng Tagapagligtas ang asin.

Isipin kung paano naipakita ng mga disipulo ni Jesucristo ang mga katangian ng magandang klase ng asin.

Ayon sa talata 13, ano ang mangyayari sa asin kapag tumabang ito?

Ang salitang pampaalat ay hindi lang tumutukoy sa lasa ng asin kundi sa kakaibang mga katangian din nito na nagpapagaling at nagpepreserba.

Ano sa palagay mo ang nagpapatabang sa asin?

Tumatabang ang asin kapag nahahaluan ito ng ibang elemento (gaya ng mikrobyo) at nakokontamina.

Kung kinakatawan ng asin ang mga disipulo ni Jesucristo, ano ang kinakatawan ng mikrobyo o ibang bagay na nagpapakontamina rito?

Mula sa mga turo ng Tagapagligtas, natutuhan natin na ang maimpluwensiyahan ng mga kasalanan ng mundo ang maaaring humadlang sa atin na mapagpala ang iba. Maaari mong isulat ang alituntuning ito sa margin ng iyong mga banal na kasulatan sa tabi ng Mateo 5:13.

Elder Carlos E. Asay

Nagbigay rin si Elder Asay ng payo na makatutulong sa atin na maiwasan ang impluwensya ng kasamaan sa mundo: “Ibibigay ko ang mga simpleng tagubiling ito … upang mapanatili ang kabutihan ng isang tao: Kung hindi ito malinis, huwag itong isipin; kung hindi ito totoo, huwag itong sabihin; kung hindi ito mabuti, huwag itong gawin” (“Salt of the Earth,” 42–43).

Isipin ang magagawa mo ngayon upang maiwasan ang impluwensyang kasamaan sa mundo. Tandaan na sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristo at pagsisisi, ikaw ay padadalisayin o lilinisin mula sa anumang kasalanang nagawa mo.

Basahin ang Mateo 5:14–16, at pansinin kung paano inihambing ng Tagapagligtas ang Kanyang mga disipulo sa isang kandila. (Ang Mateo 5:14–16 ay isang scripture mastery passage. Maaari mo itong markahan sa paraang madali mo itong mahahanap.)

scripture mastery icon
Scripture Mastery—Mateo 5:14–16

kandila
  1. journal iconSa iyong scripture study journal, magdrowing ng kandila at sagutin ang mga sumusunod na tanong:

    1. Ano ang ibig sabihin ng paliwanagin ang iyong ilaw?

    2. Sa palagay mo, bakit mahalagang sundin ang mga utos ng Panginoon sa Mateo 5:14–16 na magpakita ng mabuting halimbawa?

Ayon sa mga talatang ito, natututuhan natin na ang ating mabuting halimbawa ay makahihikayat sa iba na mas lumapit sa Ama sa Langit. Maaari mong isulat ang alituntuning ito sa iyong mga banal na kasulatan.

  1. journal iconSagutin ang sumusunod na tanong sa iyong scripture study journal: Kailan nagpakita sa iyo ng mabuting halimbawa ang isang tao na nakatulong sa iyo na mapalapit sa Ama sa Langit?

Pag-isipang mabuti kung ano ang magagawa mo para mas maging mabuting halimbawa sa iyong pamilya at mga kaibigan.

Mateo 5:17–48

Itinuro rin ni Jesucristo sa Kanyang mga disipulo kung paano maging perpektong tulad ng Ama sa Langit

Nakatala sa Mateo 5:17–20 na itinuro ng Tagapagligtas na hindi siya naparito para sirain, o alisin, ang alinman sa mga walang hanggang katotohanan sa batas ni Moises. Sa halip, Siya ay pumarito upang ipanumbalik ang kabuuan ng ebanghelyo na nawala dahil sa kasamaan at apostasiya, itama ang mga maling turo, at tuparin ang mga ipinropesiya ng mga propeta sa Lumang Tipan.

Sa Mateo 5:21–48, binanggit ng Tagapagligtas ang iba’t ibang batas at kaugalian na ginawa o idinagdag ng mga Judio sa ilalim ng batas ni Moises. Sa pagpapaliwanag Niya ng tunay na kahulugan ng mga batas, nagturo Siya ng mas mataas na pamantayan ng pamumuhay. Ang mga miyembro ng kaharian ng Diyos ay dapat ipamuhay ang mas mataas na batas na ito. Para matulungan kang tukuyin kung ano ang itinuro ni Jesucristo sa Kanyang mga disipulo tungkol sa mas mataas na batas na ito, kumpletuhin ang sumusunod na aktibidad na pagtutugma:

Ang ipinamumuhay lamang ay ang titik ng batas

Ang dapat na pamumuhay ng mga disipulo ni Jesucristo

  • “Huwag kang papatay” (tingnan sa Mateo 5:21–26).

  • “Huwag kang mangangalunya” (tingnan sa Mateo 5:27–30).

  • Hangga’t ikaw ay may “kasulatan” ng paghihiwalay, katanggap-tanggap na hiwalayan mo ang iyong asawa (tingnan sa Mateo 5:31–32).

  • Tutuparin mo lamang ang mga sumpang ginawa sa ngalan ng Panginoon (tingnan sa Mateo 5:33–37).

  • “Mata sa mata, at ngipin sa ngipin” (tingnan sa Mateo 5:38–42).

  • Ang iibigin o mamahalin mo lang ay ang iyong kapwa (tingnan sa Mateo 5:43–47).

  1. Hindi kayo dapat manumpa; sapat na ang inyong salita.

  2. Mahalin ang inyong mga kaaway.

  3. Huwag makipaghiwalay maliban lamang kung may nangyaring pakikiapid.

  4. Huwag magalit.

  5. Iharap ang kabilang pisngi.

  6. Huwag magkasala ng pangangalunya sa inyong puso sa pag-iisip ng mahahalay na bagay.

  1. journal iconRebyuhin ang mga katotohanang natutuhan mo sa lesson na ito. Sa hiwalay na mga linya sa iyong scripture study journal, isulat ang mga salitang Simulan, Ihinto, at Ipagpatuloy. Suriin ang iyong buhay, at pumili ng isang bagay na masisimulan mong gawin, isang bagay na ihihinto, at isang bagay na ipagpapatuloy mong gawin para maipamuhay ang natutuhan mo sa lesson na ito. Katabi ng angkop na salita sa iyong scripture study journal, isulat kung ano ang pinili mong simulan at kung ano ang pinili mong ipagpatuloy. Maglagay ng check sa tabi ng salitang Ihinto upang ipakita na may pinili kang bagay na hindi mo na gagawin.

  2. journal iconIsulat ang sumusunod sa ibaba ng mga assignment sa araw na ito sa iyong scripture study journal:

    Napag-aralan ko na ang Mateo 5 at natapos ang lesson na ito noong (petsa).

    Mga karagdagang tanong, kaisipan, at ideya na gusto kong ibahagi sa aking titser: