Unit 30: Day 2
I Ni Juan
Pambungad
Inanyayahan ni Apostol Juan ang mga miyembro ng Simbahan na hangarin ang pakikisama sa Ama at sa Kanyang Anak na si Jesucristo. Binigyang-diin niya na kailangang sundin ang mga utos ng Diyos upang maipakita ang pagmamahal natin sa Kanya. Ipinaalala rin ni Juan sa mga miyembro ng Simbahan na mahalin ang kanilang kapwa.
I Ni Juan
Ipinaliwanag ni Juan ang kahalagahan ng pagsunod sa mga kautusan at pagmamahal sa isa’t isa
-
Sa iyong scripture study journal, isulat ang salitang apostasiya at ang ibig sabihin nito. Kung kailangan mo ng tulong, gamitin ang Gabay sa mga Banal na Kasulatan, o ang Mga Pangunahing Doktrina sa simula ng gabay sa pag-aaral na ito.
Isinulat ni Apostol Juan ang liham na ito sa panahong nagbabanta ang apostasiya sa Simbahan. Nagbabala siya sa mga Banal tungkol sa mga anticristo (tingnan sa I Ni Juan 2:18–26; 4:3). Ang isang anticristo ay ang “sinuman o anumang bagay na nanghuhuwad sa totoong ebanghelyo ng plano ng kaligtasan at hayagan o lihim na sumasalungat kay Cristo” at sa awtoridad at mga turo ng Kanyang mga piniling tagapaglingkod (Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Anticristo,” scriptures.lds.org). Itinuro ng ilang anticristo noong panahon ni Juan na si Jesucristo ay hindi nagkaroon ng pisikal na katawan habang narito sa lupa ngunit nagpakita lamang na parang may pisikal na katawan.
Basahin ang I Ni Juan 1:1–4, at alamin kung ano ang pinatotohanan ni Juan upang pabulaanan ang maling turong ito. Ipaliwanag na ang mga katagang “Salita ng buhay” sa (talata 1) ay tumutukoy kay Jesucristo.
Pansinin sa mga talata 3–4 na gusto ni Juan na magkaroon ang mga Banal ng pakikisama sa mga lider ng Simbahan, na may pakikisama sa Ama sa Langit at kay Jesucristo. Nais din niyang makadama sila ng lubos na kagalakan. Ang isang alituntunin na matututuhan natin mula sa mga talatang ito ay na kung tatanggapin at susundin natin ang mga turo ng mga propeta at mga apostol, magkakaroon tayo ng pakikisama sa Ama at sa Anak..
Ang ibig sabihin ng may pakikisama ay magkaroon ng pakikitungong may pagtitiwala, pagkakaibigan, pakikipag-ugnayan, at pagkakaisa. Isipin ang mga kalalakihang naglilingkod sa Unang Panguluhan at sa Korum ng Labindalawang Apostol. Paano nakatutulong ang pagsunod sa mga turo ng mga propeta at mga apostol sa pagtatamo natin ng pakikisama sa ating Ama sa Langit at sa kanyang Anak na si Jesucristo?
Basahin ang I Ni Juan 1:5–6, at alamin kung ano ang makahahadlang sa atin na magkaroon ng pakikisama o pakikipag-ugnayan sa ating Ama sa Langit.
Ang isa sa pinakamahahalagang tema ng sulat ni Juan ay nakatala sa I Ni Juan 1:5—Si Jesucristo ang Ilaw ng Sanlibutan (tingnan sa Juan 1:4–9; 8:12; 9:1–5). Isipin ang isang pagkakataon na naglakad ka sa isang madlim na lugar. Ginamit ni Juan ang salitang kadiliman upang tukuyin ang espirituwal na kadiliman.
Ano sa palagay mo ang ibig sabihin ng lumakad sa espirituwal na kadiliman?
Pag-aralan ang 1 Ni Juan 1:7–2:6, at alamin ang mga katotohanang itinuro ni Juan na makatutulong sa atin kung paano lumakad sa liwanag ng ebanghelyo. Ipaliwanag na ang ibig sabihin ng salitang pangpalubag-loob sa I Ni Juan 2:2 ay isang nagbabayad-salang sakripisyo na tumutugon sa katarungan ng Diyos.
-
Sa iyong scripture study journal, maglista ng ilang katotohanan na natukoy mo sa I Ni Juan 1:7–2:6. Pagkatapos ay isipin kung paano mo sasagutin ang mga sumusunod na tanong:
-
Sa iyong palagay, bakit nagiging ganap, o lubos, ang pagmamahal natin sa Diyos kapag sinusunod natin ang Kanyang mga kautusan?
-
Kailan ka nakaranas ng matinding pagmamahal sa Diyos habang sinisikap mong sundin ang Kanyang mga kautusan?
-
Basahin ang mga sumusunod na paglalarawan, at alamin ang partikular na kautusan na nahihirapan sundin ng dalawang kabataang ito:
-
Isang binatilyo ang nagbabasa ng mga banal na kasulatan araw-araw at tapat na ginagawa ang marami niyang tungkulin sa priesthood, pero madalas siyang masungit sa nakababata niyang kapatid.
-
Isang dalagita ang regular na dumadalo sa mga miting ng Simbahan at nakamit ang kanyang Young Womanhood Recognition. Gayunman, madalas siyang mag-post sa social media ng mga di-magagandang komento tungkol sa ilan sa kanyang mga kaklase at mga guro.
Anong kautusan ang nahihirapan sundin ng dalawang kabataang ito na Banal sa mga Huling Araw? (Pag-aralang muli ang scripture mastery passage sa Mateo 22:36–39 para makatulong sa pagsagot sa tanong na ito.)
Pag-isipan ang mga sitwasyon kung saan nahihirapan kang magpakita ng pagmamahal sa iba.
-
Basahin ang I Ni Juan 2:9–11; 4:7–11, 19–21, at alamin ang itinuro ni Juan tungkol sa pag-ibig o pagmamahal. Maaari mong markahan o isulat ang turong makahulugan sa iyo. Pagkatapos ay sagutin ang mga sumusunod na tanong sa iyong scripture study journal:
-
Alin sa mga turo ni Juan tungkol sa pag-ibig o pagmamahal ang makahulugan sa iyo? Bakit?
-
Isang alituntunin na matutukoy natin mula sa mga talatang ito ay kapag mahal natin ang Diyos, mamahalin natin ang ating kapwa. Sa iyong palagay, bakit maipapakita natin ang ating pagmamahal sa ating kapwa kapag talagang mahal natin ang Diyos?
-
Pansinin na binanggit ni Juan ang tungkol sa pagkapoot sa ating kapwa sa I Ni Juan 4:20. Maraming paraan para hindi natin maipakita ang ating pagmamahal o kabaitan sa ating kapwa maliban pa sa pagkapoot sa kanila. Sa iyong palagay, ano pa ang ilang paraang iyon?
Basahin ang I Ni Juan 3:17–18, at alamin kung paano natin dapat ipakita ang ating pagmamahal sa ating kapwa.
Sa iyong palagay, bakit mahalagang ipakita natin ang ating pagmamahal sa ating mga gawa at hindi lamang sa ating mga salita?
Sino ang kilala mo na mabuting halimbawa ng pagpapakita ng pagmamahal sa iba?
-
Isipin ang isang tao sa buhay mo na mapagpapakitaan mo ng higit pang pagmamahal. Sa iyong scripture study journal, isulat ang pangalan ng taong iyon at ang isang bagay na magagawa mo upang ipakita ang iyong pagmamahal o kabaitan sa taong iyon. Hindi mo kailangang ipakita ang iyong pagmamahal sa magarbong paraan. Ang munti at simpleng pagpapakita ng pag-ibig sa kapwa-tao at kabaitan ang kadalasang pinakamakahulugan.
Kapag ipinakikita natin ang ating pagmamahal sa ating mga kilos, tinutularan natin ang halimbawa ni Jesucristo, o namumuhay tayo tulad ni Jesus (tingnan sa I Ni Juan 2:6; 3:1–3). Pagpapalain ka ng Panginoon habang ipinapamuhay mo ang katotohanang ito.
Basahin ang I Ni Juan 4:12, at pagkatapos ay basahin ang Pagsasalin ni Joseph Smith, I Ni Juan 4:12 (sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan). Ano ang nilinaw ng Pagsasalin ni Joseph Smith tungkol sa pagkakita sa Diyos?
Sa I Ni Juan 5, itinuro ni Juan kung ano ang dapat nating gawin upang ipanganak na muli, na ibig sabihin ay “ang matanggap ang Espiritu ng Panginoon [na] nagdudulot ng malaking pagbabago sa puso ng isang tao kung kaya’t nawawalan siya ng pagnanais na gumawa ng masama, sa halip ay nagnanais na hanapin ang mga bagay ng Diyos” (Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Isilang na Muli, Isinilang sa Diyos,” scriptures.lds.org). Basahin ang mga sumusunod na talata, at ilista ang dapat nating gawin upang ipanganak na muli:
-
Isulat ang sumusunod sa ibaba ng mga assignment sa araw na ito sa iyong scripture study journal:
Napag-aralan ko na ang I Ni Juan at natapos ang lesson na ito noong (petsa).
Mga karagdagang tanong, kaisipan, at ideya na gusto kong ibahagi sa aking titser: