Unit 30: Day 4
Judas
Pambungad
Hinikayat ni Judas ang mga miyembro ng Simbahan na “makipaglabang masikap dahil sa pananampalataya” (Judas 1:3) laban sa mga bulaang guro. Inilarawan niya ang mga bulaang guro at pinayuhan ang mga Banal na itatag ang kanilang buhay sa ebanghelyo ni Jesucristo.
Judas 1:1–19
Hinikayat ni Judas ang mga miyembro ng Simbahan na makipaglabang masikap o masigasig na ipagtanggol ang pananampalataya laban sa mga bulaang guro
-
Sa iyong scripture study journal, maglista ng ilang iba’t ibang paraan ng pagtugon sa bawat isa sa mga sumusunod na sitwasyon:
-
Sa isang social media site, nag-post ang isang kaibigan ng pahayag na binabatikos ang paninindigan ng Simbahan sa kasal ng parehong kasarian.
-
Nalaman ng isang kapitbahay na miyembro ka ng Simbahan. Sinabi niya sa iyo na nabasa na niya ang Aklat ni Mormon at sa palagay niya ay isang magandang aklat iyon ngunit hindi salita ng Diyos.
-
Sa talakayan sa klase sa paaralan, isang kaklase ang nakikipagtalo na hindi masamang manood ng pornograpiya at hindi dapat pigilan ito.
-
Dumating ang sulat ni Judas sa matatapat na Kristiyano sa panahong nahaharap sa matinding oposisyon ang mga miyembro ng Simbahan. Basahin ang Judas 1:3–4, at alamin kung ano ang ipinayo ni Judas na gawin ng mga miyembro sa harap ng oposisyon.
Pansinin na hinikayat ni Judas ang mga Banal ng Simbahan na “makipaglabang masikap dahil sa pananampalataya” (talata 3). Ibig sabihin nito ay dapat nilang ipagtanggol, ituro, at patotohanan nang buong tapang ang ebanghelyo. Ang “mga di banal” na lalake (talata 4) na may masasamang hangarin ay sumapi sa Simbahan. Pinasimulan ng mga miyembrong ito ng Simbahan ang masama at imoral na mga gawain sa pamamagitan ng pagtuturo na ang doktrina ng biyaya ay lubos na nagpapahintulot sa tao na magkasala dahil magpapatawad nang may awa ang Diyos. Hindi rin nila tinanggap ang ilang katotohanan tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo
Ang isang katotohanan na malalaman natin mula sa tagubilin ni Judas ay na ang mga disipulo ni Jesucristo ay dapat makipaglabang masikap o masigasig na ipagtanggol ang ebanghelyo ni Jesucristo laban sa mga maling turo at masasamang gawain.
Ang makipaglaban para sa ebanghelyo ay hindi nangangahulugang makikipag-away tayo sa iba. Dapat maging mabait tayo at matapang ngunit hindi mapagmayabang kapag ipinagtatanggol natin at pinatototohanan ang katotohanan (tingnan sa Alma 38:12; 3 Nephi 11:29). Upang mahusay na makipaglaban para sa ebanghelyo—magtanggol, magturo, at magpatotoo—kailangan nating malaman kung ano ang mga tamang doktrina at mga alituntunin ng ebanghelyo.
-
Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa iyong scripture study journal:
-
Paano natin ipagtatanggol ang ebanghelyo nang hindi nakikipag-away?
-
Alalahanin ang mga sitwasyong inilahad sa assignment 1. Sa mga sitwasyong ito at sa iba pang katulad nito, ano ang ilang paraan na maipagtatanggol natin ang ebanghelyo laban sa mga maling turo at masasamang gawain?
-
Ikinuwento ni Elder Neil L. Andersen ng Korum ng Labindalawang Apostol ang tungkol sa isang dalagita na nagtanggol sa ebanghelyo:
“Kamakailan, nakausap ko ang isang Laurel na mula sa Estados Unidos. Ito ang sinabi niya sa email:
“‘Nitong nakaraang taon ilan sa mga kaibigan ko sa Facebook ang nagsimulang mag-post ng opinyon nila tungkol sa kasal. Marami ang pabor sa kasal ng parehong kasarian, at isinaad ng ilang kabataang LDS na “gusto” nila ang mga posting. Hindi ako nagbigay ng komento.
“‘Nagpasiya akong ipahayag sa maingat na paraan na naniniwala ako sa tradisyunal na kasal.
“‘Sa profile picture ko, idinagdag ko ang caption na “Naniniwala ako sa kasal sa pagitan ng isang lalaki at isang babae.” Agad akong nakatanggap ng mga mensahe. “Makasarili ka.” “Mapanghusga ka.” Ikinumpara pa ako ng isa sa isang taong may alipin. At natanggap ko ang post na ito mula sa isang matalik na kaibigan na matatag na miyembro ng Simbahan: “Kailangan mong tumigil sa pagiging makaluma. Nagbabago ang lahat at dapat ay ikaw rin.”
“‘Hindi ako lumaban,’ sabi niya, ‘pero hindi ko binawi ang sinabi ko.’
“Sabi niya sa huli: ‘Kung minsan, tulad ng sabi ni Pangulong Monson, “Kailangan mong manindigang mag-isa.” Umaasa ako na bilang mga kabataan, sama-sama tayong maninindigan sa pagiging tapat sa Diyos at sa mga turo ng Kanyang mga buhay na propeta’” (“Mga Espirituwal na Buhawi,” Ensign o Liahona, Mayo 2014, 19–20).
Isipin ang isang pagkakataon na nanindigan ka o ang isang kakilala mo para sa ebanghelyo ni Jesucristo. Pag-isipan kung ano pa ang magagawa mo para maipagtanggol at mapanindigan ang katotohanan. Mangakong sundin ang anumang pahiwatig na matatanggap mo.
Inihambing ni Judas sa Judas 1:5–7 ang mga mapanghimagsik na miyembro ng Simbahan sa mga hindi tapat na nasa kalipunan ng mga sinaunang Israelita na inakay palabas ng lupain ng Egipto; sa mga naghimagsik laban sa Diyos sa “kanilang unang kalagayan” (Judas 1:6; tingnan din sa Abraham 3:22–26), o sa buhay bago ang buhay sa mundo; at sa mga nalipol na masasamang tao sa loob at palibot ng Sodoma at Gomorra.
Tulad ng nakatala sa Judas 1:8–16, inilarawan ni Judas ang maraming katangian na makatutulong sa mga miyembro ng Simbahan na makilala ang mga nagpapalaganap ng masasamang pilosopiya at gawain sa Simbahan. Halimbawa, inilarawan niya ang mga ito bilang “mga alapaap na walang tubig, na tinatangay ng mga hangin” at “mga punong kahoy sa taginaw na walang bunga” (Judas 1:12). Paano maitutulad ang mga bulaang guro sa mga alapaap o ulap na walang tubig at punong-kahoy na walang bunga?
Maaaring ang binanggit na impormasyon ni Judas ay mula sa Pagkuha ng Langit kay Moises at ang Aklat ni Enoc na matatagpuan sa apocripa. Inilarawan sa Pagkuha ng Langit kay Moises ang “arkanghel Miguel nang makipaglaban sa diablo, na nakikipagtalo tungkol sa katawan ni Moises” (Judas 1:9). Nakasaad sa aklat kung paano nanalo kalaunan si Miguel, at si Moises ay kinuha ng langit sa katapusan ng kanyang buhay (tingnan sa Alma 45:19). Ang Aklat ni Enoc ay naglalaman ng propesiya mula kay Enoc tungkol sa Ikalawang Pagparito (tingnan sa Judas 1:14–15). Inihayag ng Panginoon na maraming bagay na nasa Apocripa ang tama, at ang mga naliwanagan ng Espiritu ay makikinabang sa pagbabasa ng mga ito. Gayunman, ilan sa mga aklat ay naglalaman ng mga dagdag na pakahulugan na sumira sa orihinal na nilalaman ng teksto (tingnan sa D at T 91). (Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Apocripa, tingnan ang Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Apocripa.”)
Basahin ang Judas 1:8, 10, 14–19, at alamin ang iba pang mga katangian ng mga bulaang guro. Maaari mong markahan o isulat ang nalaman mo. Sa kalakip na chart, punan ang patlang ayon sa natutuhan mo sa mga talata. Ang ilan sa mga pahayag sa chart ay ibinigay upang tulungan kang maunawaan ang mga isinulat ni Judas. (Pansinin na ang “huling panahon” [talata 18] ay tumutukoy sa kapanahunan ni Judas gayundin sa mga huling araw na ito.)
Mga Katangian ng mga Bulaang Guro | |
---|---|
|
|
Bakit mahalagang malaman ang mga katangian ng mga bulaang guro?
Hindi lahat ng may isa o mahigit pa sa mga katangiang ito ay masasabing bulaang guro. Hindi rin lahat ng nagtuturo ng isang bagay na hindi tama ay isang bulaang guro. Maaaring nagkamali lang sila sa pag-unawa sa isang paksa. Gayunman, ang malaman ang mga katangiang ito ay makatutulong sa atin na matukoy ang mga bulaang guro na ang layunin ay pahinain ang pananampalataya at pagsunod ng iba sa pamamagitan ng panlilinlang sa kanila at pagpapalaganap ng kasamaan.
Sa Judas 1:17, pansinin na ipinaalala ni Judas sa mga Banal na ang mga Apostol ng Panginoon ay nagbabala sa mga miyembro ng Simbahan tungkol sa mga bulaang guro. Nalaman natin mula sa talatang ito na ang mga apostol at mga propeta ay nagbabala sa atin tungkol sa mga naghahangad na pahinain ang ating pananampalataya at pagsunod at tinutulungan tayo na makilala ang mga ito.
Patuloy tayong binabalaan ngayon ng mga propeta at mga apostol tungkol sa mga bulaang guro.
Sinabi ni Elder M. Russell Ballard ng Korum ng Labindalawang Apostol na: “Bilang mga Apostol ng Panginoong Jesucristo, tungkulin namin na maging mga tagapagbantay sa tore, pinag-iingat ang mga miyembro ng Simbahan sa mga huwad na propeta at mga bulaang guro na nakaabang upang manlinlang at mangwasak ng pananampalataya at patotoo. Ngayon ay nagbababala kami sa inyo na may lumilitaw na mga huwad na propeta at mga bulaang guro; at kung hindi tayo maingat, maging ang mga kabilang sa matatapat na miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ay mabibiktima ng kanilang panlilinlang” (“Beware of False Prophets and False Teachers,” Ensign, Nob. 1999, 62).
Ano ang ilan sa mga bulaang guro o mga maling turo na sinabi ng mga propeta at mga apostol sa panahong ito na dapat nating pag-ingatan?
Isinasaalang-alang ang natutuhan mo mula sa sulat ni Judas, bakit mahalagang pag-aralan ang mga salita ng mga apostol at mga propeta?
Judas 1:20–25
Pinayuhan ni Judas ang mga Banal na itatag ang kanilang buhay sa ebanghelyo ni Jesucristo at tulungan ang iba na maligtas
Basahin ang Judas 1:20–21, at alamin kung ano ang ipinayo ni Judas na gawin ng mga Banal para manatiling tapat sa pananampalataya. Ang ibig sabihin ng mga katagang “manalangin sa Espiritu Santo” sa talata 20 ay manalangin nang may tulong ng inspirasyon na mula sa Espiritu Santo.
Gamitin ang mga katotohanang nalaman mo sa mga talatang ito upang makumpleto ang sumusunod na katotohanan: Mananatili tayong tapat sa pananampalataya sa pamamagitan ng .
-
Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa iyong scripture study journal:
-
Bakit sulit sa lahat ng pagsisikap ang pananatiling tapat sa pananampalataya?
-
Paano ka o ang isang kakilala mo natulungan ng payo ni Judas na manatiling tapat sa pananampalataya?
-
-
Sa isang papel, isulat ang isang paraan na mas mapagbubuti mo ang pagsunod sa payo ni Judas, at ilagay ang papel kung saan madalas mo itong makikita bilang paalala sa iyo na ipamuhay ang isinulat mo. Kapag nagawa mo ito, isulat ang Nakumpleto sa iyong scripture study journal.
Tulad ng nakatala sa Judas 1:22–25, pinayuhan ni Judas ang matatapat na miyembro ng Simbahan na tulungan ang iba na espirituwal na nahihirapan, marahil dahil sa impluwensya ng mga bulaang guro. Nag-alay rin siya ng papuri sa Diyos.
-
Isulat ang sumusunod sa ibaba ng mga assignment sa araw na ito sa iyong scripture study journal:
Napag-aralan ko na ang Judas at natapos ang lesson na ito noong (petsa).
Mga karagdagang tanong, kaisipan, at ideya na gusto kong ibahagi sa aking titser: