Library
Unit 3, Day 2: Mateo 8–10


Unit 3: Day 2

Mateo 8–10

Pambungad

Sa paglalakbay ni Jesucristo papuntang Galilea, gumawa siya ng maraming himala. Tumawag din Siya ng Labindalawang Apostol, na Kanyang pinagkalooban ng kapangyarihan at pinagbilinan, at pinaglingkod sa mga tao.

Mateo 8:1–9:34

Gumawa si Jesus ng maraming himala

Kung alam mo na darating ang Tagapagligtas para bisitahin ang iyong bayan o lungsod ngayon, sino ang dadalhin mo para ipagamot sa Kanya? Bakit?

Basahin ang tatlo sa sumusunod na mga scripture block, na hinahanap ang iba’t ibang uri at klase ng mga himalang ginawa ni Jesus: Mateo 8:1–4; Mateo 8:5–13; Mateo 8:14–15; Mateo 8:28–32; Mateo 9:1–8; Mateo 9:18–19, 23–26; Mateo 9:20–22; Mateo 9:27–31; Mateo 9:32–33.

Napansin mo ba ang napakalaking kapangyarihang taglay ni Jesus? May kapangyarihan Siya sa mga elemento ng mundo, na pagalingin ang maysakit, at magpaalis ng mga demonyo.

Natutuhan natin mula sa mga talang ito na mapagagaling ni Jesus ang ating mga sakit at karamdaman.

Ang ibig sabihin ng mga sakit ay karamdaman o kahinaan. Isipin kung paano tayo mapagagaling o mapalalakas ng Tagapagligtas kahit hindi natin Siya kasamang nabubuhay ngayon sa mundo.

Mateo 9:35–10:8

Tumawag si Jesus ng labindalawang Apostol

Kung may Internet, bisitahin ang LDS.org at tingnan ang mga larawan ng kasalukuyang mga Apostol ng Simbahan, kabilang na ang Unang Panguluhan (o hanapin ang kanilang mga larawan sa edisyon ng kumperensya ng Ensign o Liahona).

Ano ang ipinagkaiba ng mga taong ito sa lahat ng tao sa mundo ngayon?

Sa pag-aaral mo ng Mateo 9:35–10:8, alamin ang mga katotohanan tungkol sa tungkulin ng mga Apostol at ang mga pagpapalang maidudulot nila sa buhay mo.

Basahin ang Mateo 9:35, na inaalam ang ginawa ni Jesus bukod sa pagpapagaling sa iba. Maaari mong markahan ang nalaman mo.

Nang ipangaral ni Jesus ang ebanghelyo at gumawa ng mga himala sa buong Judea, dumami ang bilang ng mga taong sumunod at naghanap sa Kanya.

Basahin ang Mateo 9:36–38, na inaalam kung sino ayon sa Tagapagligtas ang mga taong kailangan Niya para makatulong sa paglilingkod sa mga sumusunod sa Kanya.

Basahin ang Mateo 10:1–4, na inaalam ang ginawa ni Jesus para tugunan ang mga pangangailangan ng mga tao. Maaari mong markahan ang nalaman mo. Nalaman natin mula sa tala na ito na tumatawag ng Apostol si Jesucristo at nagkakaloob ng Kanyang awtoridad sa kanila bilang isang paraan ng paglilingkod o ng pagmiministeryo Niya sa mga tao sa mundo. Maaari mong isulat ang doktrinang ito sa margin sa tabi ng Mateo 10:1–4.

Inoordenan ni Cristo ang mga Apostol

Pansinin na ang mga pangyayari sa Ebanghelyo Ayon kay Mateo ay hindi laging ibinibigay ayon sa tamang pagkakasunud-sunod. Si Jesucristo ay unang nagtawag ng mga Apostol, at pagkatapos ay tinuruan Niya sila sa Kanyang Sermon sa Bundok (Mateo 5–7; tingnan sa Pagkakatugma ng mga Ebanghelyo sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan).

Basahin ang Mateo 10:5–8, na inaalam kung ano ang ipinagawa ni Jesucristo sa Kanyang mga Apostol.

Ang salitang apostol ay mula sa salitang Griyego na ang ibig sabihin ay “isinugo.” Noong una, ang mga Apostol ay isinusugo o ipinapadala lamang sa sambahayan ni Israel (tingnan sa Mateo 10:5–6). Kalaunan, iniutos ng nabuhay na muling Tagapagligtas na ipangaral din ang ebanghelyo sa mga Gentil, o yaong mga hindi kabilang sa sambahayan ni Israel (tingnan sa Mateo 28:19; Mga Gawa 1:8). Ang mga Apostol ngayon ay inatasan ding mangaral ng ebanghelyo at maging mga saksi ni Jesucristo sa buong mundo (tingnan sa D at T 107:23).

Anong mga pagkakatulad ang napansin mo sa mga ginawa ni Jesus at sa mga ipinagawa Niya sa Kanyang mga Apostol? Natutuhan natin mula sa Mateo 10:5–8 na ang Panginoon ay tumatawag ng mga Apostol para ipangaral ang Kanyang ebanghelyo at gawin ang Kanyang mga gawain.

Ano ang ilang halimbawa ng paraan ng pangangaral at paglilingkod ng mga Apostol ngayon na siya ring gagawin ni Jesucristo kung narito Siya sa mundo?

Kung maaari, bisitahin ang LDS.org at manood o magbasa ng mensahe na ibinigay ng isang Apostol ngayon (o magbasa ng isa sa mga edisyon ng pagkalahatang kumperensya ng Ensign o Liahona).

  1. journal iconSagutin ang mga sumusunod na tanong sa iyong scripture study journal:

    1. Paano naiimpluwensiyahan ang pagtugon natin sa itinuturo at ipinapayo ng mga Apostol na gawin natin kapag alam nating sila ay tinawag ni Jesucristo?

    2. Sa anong mga paraan naimpluwensyahan ng mga paglilingkod at mensahe ng mga Apostol ngayon ang iyong buhay?

Pag-isipan kung paano mo tapat na hahangarin ang pagkakataong marinig, mapag-aralan, at maipamuhay ang mga salita ng mga napiling Apostol ng Panginoon.

Mateo 10:9–42

Tinagubilinan ni Jesus ang Labindalawang Apostol bago sila umalis para mangaral at maglingkod

Nabasa natin sa Mateo 10:9–18 na tinagubilinan ng Panginoon ang Kanyang mga Apostol na magtiwalang ibibigay ng Ama sa Langit ang kanilang mga kailangan habang naglalakbay sila upang mangaral ng ebanghelyo. Itinuro rin sa kanila ng Tagapagligtas na basbasan ang mga taong tumatanggap at nagpapatuloy sa kanila.

Si Jesus at ang mga Apostol

Tinagubilinan ni Jesus ang Kanyang mga Apostol

Isipin ang pagkakataon na may isang hindi mo ka-relihiyon ang nagtanong sa iyo ng mahirap na tanong tungkol sa ebanghelyo o ng isang kontrobersyal na bagay tungkol sa Simbahan. Gaano ka katiwala na alam mo ang dapat sabihin sa ganoong sitwasyon?

Sa patuloy na pag-aaral mo ng Mateo 10, alamin ang alituntunin sa mga turo ni Jesus sa Kanyang mga Apostol na makatutulong sa atin kapag kailangan nating ipaliwanag ang ebanghelyo o ibahagi ang ating patotoo.

Basahin ang Mateo 10:16–20, na inaalam ang mga uri ng pagsubok na sinabi ni Jesus na daranasin ng mga Apostol sa kanilang paglalakbay at pangangaral.

Ayon sa mga mga talata 19–20, paano malalaman ng mga Apostol ang sasabihin sa ganitong mahihirap na sitwasyon? (The phrase “take no thought” means to “not be anxiously concerned” [see Matthew 10:19, footnote a].)

Sa natutuhan mo sa Mateo 10:19–20, kumpletuhin ang sumusunod na alituntunin tungkol sa pakikipag-usap sa iba: Kung tayo ay nasa paglilingkod ng Panginoon, tayo ay Kanyang .

  1. journal iconSagutin ang isa o lahat ng mga sumusunod na tanong sa iyong scripture study journal:

    1. Paano makatutulong ang alituntunin na natukoy mo sa itaas kapag may nagtanong sa iyo ng mahihirap na bagay tungkol sa Simbahan?

    2. Kailan mo nadama na binigyan ka ng Panginoon ng inspirasyon para malaman mo ang sasabihin sa isang tao?

Nakatala sa Mateo 10:21–42 na patuloy na binigyan ni Jesucristo ang Kanyang mga Apostol ng mga instruksyon, babala, at kapanatagan tungkol sa mga hamong kakaharapin nila.

Basahin ang Mateo 10:37–38, na hinahanap ang mga sakripisyong sinabi ng Tagapagligtas na dapat nating handang gawin bilang Kanyang mga disipulo. Ang ibig sabihin ng mga katagang “karapatdapat sa akin” sa mga talatang ito ay maging karapat-dapat na kinatawan ng Panginoon at maging karapat-dapat sa Kanyang mga pagpapala.

Pag-isipan kung bakit kailangang mahalin si Jesucristo ng Kanyang mga disipulo nang higit sa iba—kabilang na ang sarili nilang pamilya.

Si Cristo na may pasang krus

Ang krus na binanggit sa Mateo 10:38 ay tumutukoy sa pisikal na krus na dinala ni Jesucristo upang magawa Niya ang kagustuhan ng Kanyang Ama at makapagdala ng kaligtasan sa iba.

Ano sa palagay mo ang ibig sabihin ng pasanin natin ang Kanyang krus at sumunod sa Kanya?

Basahin ang Mateo 10:39, at hanapin kung anong mga alituntunin ang itinuro ng Tagapagligtas tungkol sa sakripisyo. Nilinaw ng Joseph Smith Translation ang simula ng talatang ito sa ganitong mga kataga, “Siya na naghahangad na iligtas ang kanyang buhay …” (Joseph Smith Translation, Matthew 10:39 ). Sa kontekstong ito, ang mga katagang “iligtas ang kanyang buhay” ay nangangahulugan na mamumuhay siya nang makasarili sa halip na hangaring paglingkuran ang Diyos at Kanyang mga anak.

Sa palagay mo, sa anong mga paraan “mawawalan” ng kanilang buhay ang mga tao na ang sarili at gusto lang nila ang iniisip? Kumpletuhin ang sumusunod na alituntunin gamit ang sarili mong mga salita: Kung hangad nating iligtas ang ating buhay, tayo ay .

Markahan sa talata 39 ang pangako ng Tagapagligtas sa mga nawalan ng buhay o kinalimutan ang kanilang buhay para sa Kanyang kapakanan. Ang mawalan ng ating buhay para sa Kanyang kapakanan ay higit pa sa kahandaang mamatay para sa Kanya. Ibig sabihin nito ay handa nating ibigay ang ating sarili sa bawat araw upang mapaglingkuran Siya at ang mga taong nakapaligid sa atin.

Ano sa palagay mo ang ang ibig sabihin ng masusumpungan natin ang ating buhay kapag nawalan tayo nito para sa Kanyang kapakanan?

Kumpletuhin ang sumusunod na alituntunin gamit ang sarili mong mga salita: Kung nawalan tayo ng buhay para sa kapakanan ni Jesucristo, tayo ay .

Pangulong Thomas S. Monson

Basahin ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Thomas S. Monson: “Naniniwala ako na sinasabi sa atin ng Tagapagligtas na maliban na kalimutan natin ang ating sarili sa paglilingkod sa iba ay kaunti lamang ang layunin ng ating buhay. Ang mga nabubuhay para sa sarili lamang nila ay nangunguluntoy at nawawalan ng buhay, samantalang ang mga lumilimot sa kanilang sarili sa paglilingkod sa iba ay umuunlad at nananagana—at tunay na naliligtas ang kanilang buhay” (“Ano ang Nagawa Ko Ngayon para sa Isang Tao?” Ensign o Liahona, Nob. 2009, 85).

  1. journal iconSagutin ang mga sumusunod na tanong sa iyong scripture study journal:

    1. Sino ang kilala mo na piniling kalimutan ang sarili alang-alang kay Jesucristo? Paano ito ginagawa ng taong iyan?

    2. Ano ang epekto ng desisyong ito sa taong ito?

    3. Ano ang ilang bagay na magagawa mo ngayon o sa malapit na hinaharap para kalimutan ang sarili at paglingkuran si Jesucristo at ang iba?

  2. journal iconIsulat ang sumusunod sa ibaba ng mga assignment sa araw na ito sa iyong scripture study journal:

    Napag-aralan ko na ang Mateo 8–10 at natapos ang lesson na ito noong (petsa).

    Mga karagdagang tanong, kaisipan, at ideya na gusto kong ibahagi sa aking titser: