Library
Unit 15, Day 3: Juan 13


Unit 15: Day 3

Juan 13

Pambungad

Matapos kainin ang pagkain ng Paskua, hinugasan ng Tagapagligtas ang mga paa ng Kanyang mga Apostol, tinukoy si Judas bilang ang magkakanulo sa Kanya, at ibinigay ang “bagong utos” sa Kanyang mga Apostol (Juan 13:34). Noong huling linggo ng Kanyang ministeryo sa mundo, itinuon ni Jesucristo ang kanyang mga turo sa pagsunod, paglilingkod, at pagmamahal—mga katangiang naglarawan sa Kanyang buhay at dapat maglarawan sa buhay natin bilang mga disipulo Niya.

Juan 13:1–17

Hinugasan ni Jesus ang mga paa ng Kanyang mga Apostol

happiness continuum

Pag-isipang mabuti ang mga sumusunod na tanong:

  • Saan mo ilalagay ang iyong sarili sa continuum na ito?

  • Nais mo bang maging mas masaya kaysa ngayon?

  • May maiisip ka ba na isang taong gusto mong matulungang maging mas masaya?

Sa pag-aaral mo ng Juan 13, alamin ang isang alituntunin na itinuturo ang magagawa natin upang maging mas masaya.

Matapos ang matagumpay na pagpasok ni Jesus sa Jerusalem, ipinagdiwang Niya ang Paskua kasama ang Kanyang mga Apostol. Nakatala sa Juan 13:1–3 na nang maghapunan si Jesus (ang Huling Hapunan) kasama ang Kanyang mga Apostol, alam na Niyang malapit na Siyang mamatay at babalik ang Kanyang espiritu sa Kanyang Ama sa Langit.

Paghuhugas ni Jesus ng mga Paa ng mga Apostol

Basahin ang Juan 13:4–5, na inaalam ang ginawa ni Jesus pagkatapos nilang kumain ng Kanyang mga Apostol sa araw ng Paskua. Ang ibig sabihin ng katagang “itinabi ang kaniyang mga damit” sa Juan 13:4 ay hinubad ni Jesus ang isang panlabas na kasuotan. Katulad ito ng isang taong naghuhubad ng jacket sa ating panahon.

“Noong panahon ng Bagong Tipan, nakasuot ang mga tao ng mga sandalyas na bukas, naglalakad sa kadalasang mapuputik na kalsada na puno ng dumi ng mga hayop, at walang makuhang maayos na tubig na panghugas. Nagiging napakarumi ng kanilang mga paa, at hindi mo gugustuhing maghugas ng mga paa ng isang tao. … Madalas gampanan ng mga pinakamababang uri ng mga tagapaglingkod ang nakaugaliang ito” (New Testament Student Manual [Church Educational System manual, 2014], 242

  1. journal iconSagutin ang mga sumusunod na tanong sa iyong scripture study journal:

    1. Kung naroroon ka nang hugasan ni Jesus ang mga paa ng Kanyang mga Apostol, ano ang magiging reaksyon mo kapag sinimulang hugasan ni Jesus ang mga paa mo?

    2. Ano ang inihahayag sa pagkatao ni Jesus ng ginawa Niyang paghuhugas ng mga paa ng Kanyang mga Apostol?

Basahin ang Pagsasalin ni Joseph Smith, Juan 13:8 (sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan), na inaalam ang sinabi ni Pedro nang sinimulang hugasan ng Tagapagligtas ang mga paa niya.

Pagkatapos, basahin ang Pagsasalin ni Joseph Smith, Juan 13:9–10 (sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan), na inaalam ang itinugon ni Pedro sa sinabi ng Panginoon sa kanya.

Sa Juan 13:9, ano ang nalaman natin tungkol kay Pedro mula sa itinugon niya sa sinabi sa kanya ng Panginoon?

Sa paghuhugas sa mga paa ng Kanyang mga Apostol, hindi lamang isinagawa ng Tagapagligtas ang isang magandang paglilingkod, ngunit tinupad din Niya ang bahagi ng batas ni Moises at sinimulan ang isang sagradong ordenansa upang matulungan ang Kanyang matatapat na tagasunod na maging malinis mula sa kasalanan. Ang ordenansang ito ay ipinanumbalik sa ating dispensasyon sa pamamagitan ni Propetang Joseph Smith (tingnan sa D at T 88:74–75, 137–41).

Basahin ang Juan 13:11, na inaalam kung bakit sinabi ni Jesus na ang mga Apostol ay “malilinis na, nguni’t hindi ang lahat.”

Tinutukoy niya si Judas Iscariote, na kalaunan ay ipagkakanulo Siya.

Basahin ang Juan 13:12–17, na inaalam ang itinuro ng Tagapagligtas sa Kanyang mga Apostol pagkatapos Niyang hugasan ang kanilang mga paa. Maaari mong markahan ang mga katagang inilalarawan ang halimbawa na ipinakita at sinabi ng Tagapagligtas na tularan ng Kanyang mga Apostol.

Ayon sa pangako ng Tagapagligtas sa Kanyang mga Apostol na nakatala sa Juan 13:17, anong pagpapala ang matatanggap natin kapag tinutularan natin ang Kanyang halimbawa ng paglilingkod sa iba? Sagutin ang tanong na ito sa pagkumpleto sa sumusunod na alituntunin: Kapag tinutularan natin ang halimbawa ng Tagapagligtas sa paglilingkod sa iba, tayo ay magiging ____________________.

  1. journal iconKumpletuhin ang sumusunod sa iyong scripture study journal:

    1. Sagutin ang sumusunod na tanong: Sa palagay mo, bakit mas sasaya tayo kapag naglilingkod tayo sa iba tulad ng ginawa ng Tagapagligtas?

    2. Magsulat ng isang pangyayari na mas naging masaya ka dahil tinularan mo ang halimbawa ng Tagapagligtas sa paglilingkod sa iba.

Elder M. Russell Ballard

Basahin ang sumusunod na pahayag ni Elder M. Russell Ballard ng Korum ng Labindalawang Apostol, na inaalam ang sinabi niyang magagawa natin upang makakita ng mga pagkakataong maglingkod sa iba: “Sa pagdarasal ninyo tuwing umaga, hilingin sa Ama sa Langit na gabayan kayo na magkaroon ng pagkakataong mapaglingkuran ang isa sa Kanyang mahal na mga anak. At saka humayo sa buong maghapon na ang puso ay puno ng pananampalataya at pagmamahal, naghahanap ng matutulungan. … Kung gagawin ninyo ito, lalakas ang inyong espirituwal na pakiramdam at makakakita kayo ng mga pagkakataong maglingkod na hindi ninyo aakalaing posible. (“Maging Sabik sa Paggawa,” Ensign o Liahona, Nob. 2012, 31).

Maaari mong isulat ang pahayag ni Elder Ballard sa isang papel at ilagay ito sa isang lugar na magpapaalala sa iyo na ipagdasal na magkaroon ka ng mga pagkakataong makapaglingkod sa iba. Maaari mong itala sa iyong scripture study journal at ibahagi sa iba kung paano nasagot ang mga panalangin mo nang sinunod mo ang payo ni Elder Ballard.

Juan 13:18–30

Tinukoy ni Jesus ang magkakanulo sa Kanya

Ayon sa Juan 13:18–30, pagkatapos ituro ni Jesus sa Kanyang mga Apostol na magiging masaya sila kapag naglingkod sila sa iba, sinabi Niya na isa sa kanila ang magkakanulo sa Kanya. Nang tanungin ni Juan ang Tagapagligtas kung sino ang magkakanulo sa Kanya, sinabi ni Jesus na siya ay “yaong aking … [bibigyan] ng tinapay” (Juan 13:26), at ibinigay Niya ito kay Judas Iscariote.

Juan 3:31–38

Itinuro ni Jesus sa Kanyang mga disipulo na mahalin ang isa’t isa

May nagparatang na ba sa iyo na hindi ka Kristiyano, o tunay na disipulo ni Jesucristo, dahil miyembro ka ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw? Ito ay marahil dahil sa ilang kakaibang paniniwala na mayroon tayo dahil sa Panunumbalik, tulad ng ating paniniwala sa Aklat ni Mormon at na tatlong magkakahiwalay at magkakaibang nilalang ang mga miyembro ng Panguluhang Diyos. Paano ka tumugon? (O, kung hindi mo pa naranasan ang ganoon, paano ka tutugon kung may isang taong nagsabi sa iyo na hindi ka Kristiyano?)

Basahin ang Juan 13:34–35, na inaalam ang sinabi ni Jesus na makatutulong sa iba na malaman na ang mga Apostol ay mga disipulo ni Jesucristo. Maaari mong markahan sa Juan 13:34 ang kautusang ibinigay ni Jesus sa Kanyang mga Apostol.

Pansinin na ipinapahayag sa Juan 13:35 na malalaman ng iba na mga disipulo ni Jesucristo ang mga Apostol kung mamahalin ng mga Apostol ang isa’t isa tulad nang pagmamahal ni Jesus sa kanila. Nalaman natin sa mga talatang ito na kapag minamahal natin ang isa’t isa tulad na pagmamahal ni Jesucristo sa atin, malalaman ng iba na tayo ay mga disipulo Niya.

  1. journal iconAyon sa napag-aralan mo ngayong taon tungkol kay Jesucristo, itala sa iyong scripture study journal ang limang paraan na ipinapakita Niya na minamahal Niya ang mga tao.

Basahin ang sumusunod na kuwento, na inilahad ni Elder Paul E. Koelliker ng Pitumpu, na inaalam kung paano sinunod ng mga missionary na inilarawan sa kuwentong ito ang payo ng Panginoon na mahalin ang isa’t isa:

Elder Paul E. Koelliker

“Dalawang batang misyonero ang kumatok sa isang pinto, na umaasang makahanap ng isang taong tatanggap sa kanilang mensahe. Bumukas ang pinto, at isang malaking lalaki ang bumati sa kanila nang padabog: ‘Di ba sabi ko huwag na kayong kakatok ulit sa pinto ko. Binalaan ko na kayo na kung bumalik pa kayo, may mangyayaring hindi ninyo magugustuhan. Kaya lubayan na ninyo ako.’ Mabilis nitong isinara ang pinto.

“Habang papalayo ang mga elder, inakbayan ng nakatatanda at mas bihasang misyonero ang nakababatang misyonero para aluin at palakasin ang loob nito. Hindi nila alam na nakamasid sa kanila ang lalaki sa bintana upang matiyak na naunawaan nila ang sinabi niya. Lubos niyang inasahan na makikita niya silang magtatawanan at magbibiruan tungkol sa walang-galang niyang tugon sa tangka nilang pagdalaw. Gayunman, nang makita niya ang kabaitan ng dalawang misyonero sa isa’t isa, biglang lumambot ang puso niya. Muli niyang binuksan ang pinto at pinabalik ang mga misyonero at ipinabahagi ang kanilang mensahe sa kanya.

“… Ang alituntuning ito ng pagmamahal sa isa’t isa at pagkakaroon ng kakayahang magtuon kay Cristo sa ating pag-iisip, pagsasalita, at pagkilos ay mahalaga sa pagiging mga disipulo ni Cristo at mga tagapagturo ng Kanyang ebanghelyo” (“Talagang Mahal Niya Tayo,” Ensign o Liahona, Mayo 2012, 17–18).

  1. journal iconBasahin ang titik ng “Mahalin ang Bawat Isa” (Mga Himno, blg. 196), at mag-isip ng isang taong kilala mo na madaling makilala bilang isang disipulo ni Jesucristo dahil sa pagmamahal na ipinapakita niya sa iba. Sa iyong scripture study journal, isulat kung paano ipinakita ng taong ito ang pagmamahal sa iba at ang mga paraan na gusto mong tularan ang kanyang halimbawa. Isulat din ang isang mithiin tungkol sa gagawin mo upang mahalin ang iba tulad ng pagmamahal ng Tagapagligtas sa kanila.

Ayon sa Juan 13:36–38, matapos ipahayag ni Pedro na iaalay niya ang kanyang buhay para kay Jesucristo, sinabi ni Jesus kay Pedro na ikakaila niya Siya nang tatlong beses bago tumilaok ang manok.

  1. journal iconIsulat ang sumusunod sa ibaba ng mga assignment sa araw na ito sa iyong scripture study journal:

    Napag-aralan ko na ang Juan 13 at natapos ang lesson na ito noong (petsa).

    Mga karagdagang tanong, kaisipan, at ideya na gusto kong ibahagi sa aking titser: