Unit 16: Day 3
Juan 18–19
Pambungad
Pagkatapos dakpin at tanungin ng mga pinunong Judio si Jesus, dinala nila Siya kay Pilato upang mahatulan at maparusahan. Pumayag si Pilato sa Pagpapako kay Jesus sa Krus, kahit alam niyang wala Siyang kasalanan. Habang nasa krus, sinabi ni Jesus kay Apostol Juan na pangalagaan ang Kanyang inang si Maria. Pagkatapos mamatay si Jesus, inihimlay ang Kanyang katawan sa isang libingan.
Juan 18:1–32
Dinakip si Jesus at tinanong ng mga pinunong Judio, na nagdala sa Kanya kay Pilato.
Para sa iyo, kailan pinakamahirap na magmalasakit sa kapakanan ng iba?
-
Sa iyong scripture study journal, magdrowing ng linya sa gitna ng isang pahina upang bumuo ng dalawang column. Pangalanan ang isang column na Mga alalahanin ni Jesucristo at ang isa pang column na Mga alalahanin ni Pilato. Sa pagdakip, paglitis, at Pagpako sa Krus sa Tagapagligtas, pinili ni Jesus at ng Romanong gobernador na si Pilato na pahalagahan, o unahin, ang magkaibang bagay. Sa pag-aaral mo ng Juan 18–19, alamin ang mga katotohanan na malalaman mo mula sa mga halimbawa nina Jesus at Pilato na tutulong sa iyong malaman ang mga uunahin mong alalahanin sa buhay mo. Isulat ang mga katotohanang malalaman mo sa lesson na ito sa angkop na column sa iyong scripture study journal.
Nabasa natin sa Juan 18:1–3 na matapos magdusa ni Jesus sa Halamanan ng Getsemani, dumating si Judas Iscariote kasama ang mga punong kawal na dadakip kay Jesus. Ano kaya ang magiging reaksyon mo kung alam mong may paparating na mga armadong tao na dadakpin ka at kalaunan ay papatayin ka?
Basahin ang Juan 18:4–11 at Lucas 22:50–51, na inaalam kung paano tumugon si Jesus nang dumating ang grupong ito.
Ang mga salitang mga ito sa Juan 18:8 at sa mga sa Juan 18:9 ay tumutukoy sa mga Apostol na kasama ni Jesus. Ayon sa mga talatang ito, ano ang inaalala ni Jesucristo?
Matapos basahin ang Juan 18:4–11 at Lucas 22:50–51, isulat sa iyong scripture study journal, sa column na “Mga alalahanin ni Jesucristo,” ang inaalala ng Tagapagligtas.
Nabasa natin sa Juan 18:12–32 na hinayaan ni Jesus na dakpin Siya ng mga punong kawal. Dinala nila Siya kay Anas, ang dating punong saserdote, na ipinadala si Jesus kay Caifas, ang manugang ni Anas (tingnan sa Juan 18:13). Si Caifas ang itinalagang mataas na saserdote nang panahong iyon, at matagal na niyang gustong ipapatay si Jesus (tingnan sa Juan 18:14). Sinundan ni Pedro at ng isa pang disipulo si Jesus at minasdan Siyang tinatanong ni Caifas (tingnan sa Juan 18:15–16). Nang tanungin ng tatlong magkakaibang tao si Pedro kung isa ba siya sa mga disipulo ni Jesus, ikinaila ni Pedro na kilala niya si Jesus sa bawat pagkakataon (tingnan sa Juan 18:17, 25, 26–27). Matapos tanungin ni Caifas si Jesus, dinala nang maaagang-maaga ng mga pinunong Judio si Jesus kay Pilato, ang Romanong gobernador ng lalawigan ng Judea, upang mahatulan at maparusahan (tingnan sa Juan 18:28–30). Ang mga Romano lamang ang may awtoridad na magpataw ng kamatayan sa Jerusalem (tingnan sa Juan 18:31).
Juan 18:33–19:16
Si Jesus ay nilitis ni Pilato
Basahin ang Juan 18:33–35, na inaalam ang nais malaman ni Pilato tungkol kay Jesus.
Pinaratangan si Jesus ng mga pinunong Judio na sinabi raw Niya na Siya ang hari ng mga Judio dahil kung sinabi nga ni Jesus na hari Siya, paparatangan Siya ng sedisyon, o pagtataksil, laban sa gobyernong Romano (tingnan sa Juan 19:12), at mapaparusahan ng kamatayan.
Basahin ang Juan 18:36–37, na inaalam ang sinabi ni Jesus kay Pilato.
Basahin ang Juan 18:38, na inaalam ang desisyon ni Pilato tungkol kay Jesus.
Nalaman natin sa Juan 18:39–19:5 na inalok ni Pilato na pakawalan si Jesus ayon sa kaugalian ng mga Judio ng pagpapalaya ng isang bilanggo sa panahon ng Paskua (tingnan sa Juan 18:39). Sa halip ay piniling pakawalan ng mga punong saserdote at mga punong kawal ang tulisan na si Barrabas (tingnan sa Juan 18:40) at hiniling na ipako sa krus si Jesus (tingnan sa Juan 19:6). Pinahampas (pinalatigo) ni Pilato si Jesus, at nilagyan Siya sa ulo ng koronang tinik ng mga Romanong kawal at kinutya Siya (tingnan sa Juan 19:1–2), at pagkatapos ay iniharap ni Pilato si Jesus sa mga tao.
Basahin ang Juan 19:4, 6, na inaalam ang paulit-ulit na sinabi ni Pilato sa mga Judio.
Ano ang malamang na pinaniniwalaan ni Pilato na tamang gawin?
Ayon sa Juan 19:7, sinabi ng mga pinunong Judio kay Pilato na sinabi ni Jesus na Siya ang Anak ng Diyos. Basahin ang Juan 19:8–11, na inaalam ang naging tugon ni Pilato nang marinig niyang sinabi ni Jesus na Siya ang Anak ng Diyos. Alamin din ang sinabi ni Jesus kay Pilato tungkol sa kapangyarihan ni Pilato bilang gobernador.
Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Pilato, ano kaya ang madarama mo matapos marinig na wala kang kapangyarihan sa Kanya “malibang ito’y [ang kapangyarihan] ibinigay sa iyo mula sa itaas” (tingnan saJuan 19:11)?
Ang sinabi ni Jesus sa Juan 19:11 tungkol sa pagkakaroon ng mga pinunong Judio ng “lalong malaking kasalanan” ay nagpapahiwatig na kapag sumang-ayon si Pilato sa kahilingan ng mga tao at iniutos na maipako sa krus si Jesus, magkakasala si Pilato—ngunit hindi kasingbigat ng kasalanan ng mga taong talagang gustong maipapatay si Jesus.
Basahin ang Mateo 27:19, na pinapansin ang ipinayo ng asawa ni Pilato na gawin niya. Pagkatapos ay basahin ang Juan 19:12–15, na inaalam ang sinubukang gawin ni Pilato kay Jesus at kung paano tumugon ang mga Judio na hangad patayin si Jesus.
Pansinin sa Juan 19:12 kung paano binantaan ng mga pinunong Judio si Pilato nang nalaman nilang gusto niyang pakawalan si Jesus.
Upang gipitin si Pilato, ipinaalala ng mga Judio kay Pilato na kung pakakawalan niya si Jesus, maaari siyang ituring na hindi tapat kay Cesar. Kapag inulat ng mga Judio ang pagtataksil na ito, maaaring tanggalin ni Cesar ang posisyon at kapangyarihan ni Pilato bilang gobernador. Sa pagkakataong ito, kailangang pumili ni Pilato sa kanyang sariling kapakanan o ang pagpapakawala kay Jesus, na alam niyang walang kasalanan.
Basahin ang Juan 19:16, na inaalam ang piniling gawin ni Pilato.
Ano ang itinuturo sa atin ng ginawa ni Pilato tungkol sa kanyang pangunahing alalahanin?
Sa iyong scripture study journal, sa column na “Ang mga alalahanin ni Pilato,” isulat ang pinaka-inaalala ni Pilato.
Nalaman natin mula sa ating pag-aaral ng mga alalahanin ni Pilato na ipinakita sa Juan 18–19, na magkakasala tayo kapag mas inuna natin ang sarili nating kapakanan kaysa gawin ang tama. Isulat ang alituntuning ito sa column na “Mga alalahanin ni Pilato” sa iyong scripture study journal.
-
Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa iyong scripture study journal:
-
Ano ang ilang sitwasyon kung saan maaari tayong matukso na unahin ang sarili nating kapakanan kaysa sa paggawa ng tama?
-
Ano ang magagawa mo upang madaig ang tuksong unahin ang sarili mong kapakanan kaysa sa paggawa ng tama, kahit na hindi ito karaniwang tanggap ng lahat?
-
Juan 19:17–42
Si Jesus ay ipinako sa krus, at ang Kanyang katawan ay inihimlay sa isang libingan
Nabasa natin sa Juan 19:17–24 na pinasan ni Jesus ang Kanyang krus at nagtungo sa Golgota, kung saan Siya ipinako sa krus sa ikatlong oras (tingnan sa Marcos 15:25; ito marahil ay ang ikatlong oras matapos ang bukang-liwaway o pagsikat ng araw). Basahin ang Juan 19:25–27, na inaalam kung sino ang malapit sa krus noong nakapako si Jesus.
Habang nakapako Siya sa krus, sino ang inaalala ni Jesus?
Ang mga katagang “alagad na … iniibig [ni Jesus] (Juan 19:26) ay tumutukoy kay Apostol Juan, na kilala rin bilang si Juan ang Pinakamamahal. Nang sinabi ni Jesus kay Juan na, “Narito, ang iyong ina,” sinasabi niya kay Juan na pangalagaan si Maria, ang Kanyang ina, na tulad ng pag-aalaga ni Juan sa kanyang sariling ina. Sa iyong scripture study journal, sa column na “Ang mga alalahanin ni Jesucristo,” isulat kung sino ang ipinapakitang inaalala ni Jesus sa mga talatang ito.
Ayon sa mga alalahanin na natukoy sa pag-aaral ng Juan 18–19, paano mo mailalarawan ang pagkatao ni Jesucristo kung ihahambing sa pagkatao ni Pilato?
Mula sa ating pag-aaral ng pagkatao ng Tagapagligtas sa Juan 18–19, nalaman natin na matutularan natin ang halimbawa ng Tagapagligtas sa pagpiling tumulong sa iba kahit nangangailangan din tayo. Isulat ang alituntuning ito sa column na “Mga alalahanin ni Jesucristo” sa iyong scripture study journal.
Itinuro ni Elder David A. Bednar ng Korum ng Labindalawang Apostol: “Naipapakita ang ating tunay na pagkatao … sa kakayahang mapansin ang pagdurusa ng ibang mga tao kapag nagdurusa rin tayo; sa kakayahang maramdaman na nagugutom ang iba habang nagugutom din tayo; at sa kakayahang tumulong sa iba at magpakita ng pagkahabag sa mga taong dumaraan sa mga espirituwal na pagsubok kapag tayo rin ay nasa ganitong kalagayan. Samakatwid, naipapakita ang tunay na pagkatao sa pamamagitan ng pagmamalasakit at pagtulong kahit ang natural at likas na reaksyon ay magtuon lamang sa sarili at sa sariling problema. Kung ang gayong pag-uugali ang talagang pinakadakilang pamantayan ng mabuting pagkatao, samakatwid ang Tagapagligtas ng mundo ang pinakadakilang halimbawa ng gayong matapat at matulungin at mapagmahal na pag-uugali” (“The Character of Christ” [Brigham Young University–Idaho Religion Symposium, Ene. 25, 2003], byui.edu/devotionalsandspeeches).
-
Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa iyong scripture study journal:
-
Kailan ka nakakita ng isang taong tinularan ang halimbawa ng Tagapagligtas nang piliin nitong tumulong sa iba kahit nangangailangan din siya?
-
Sa palagay mo, paano tayo magkakaroon ng ganitong uri ng pagkatao na taglay ni Cristo at hangaring tumulong sa iba kahit na may mga pangangailangan din tayo?
-
Ano ang gagawin mo upang matularan ang halimbawa ng Tagapagligtas sa pamamagitan ng pagpiling tumulong sa iba kahit nangangailangan ka rin?
-
Nalaman natin sa Juan 19:28–42 na matapos mamatay si Jesus sa ika-siyam na oras (tingnan sa Marcos 15:34), hiniling ni Jose ng Arimatea kay Pilato ang katawan ni Jesus. Inihanda nina Jose at Nicodemo ang katawan ng Tagapagligtas at inihimlay ito sa isang libingang ipinagkaloob ni Jose.
-
Isulat ang sumusunod sa ibaba ng mga assignment sa araw na ito sa iyong scripture study journal:
Napag-aralan ko na ang Juan 18–19 at natapos ang lesson na ito noong (petsa).
Mga karagdagang tanong, kaisipan, at ideya na gusto kong ibahagi sa aking titser: