Library
Unit 31, Day 4: Apocalipsis 8–11


Unit 31: Day 4

Apocalipsis 8–11

Pambungad

Nakita ni Apostol Juan ang pagbubukas ng ikapitong tatak at nalaman niya ang kanyang misyon na makibahagi sa pagtitipon ng Israel sa mga huling araw. Sa kabila ng maraming salot, pagkawasak, at paghatol na darating sa mga naninirahan sa mundo, nakita ni Juan na maliligtas ang mga karapat-dapat mula sa karamihan nito.

Apocalipsis 8–9

Nakita ni Juan ang pagbubukas ng ikapitong tatak

Tingnan ang kalakip na chart sa aklat ng Apocalipsis. Tingnan kung ilang talata ang tumutukoy sa mga pangyayari sa unang anim na tatak kumpara sa bilang ng mga talata na tumutukoy sa mga pangyayari sa ikapitong tatak.

Ang pangitain ni Juan tungkol sa pitong tatak

Mas maraming isinulat si Apostol Juan tungkol sa mga pangyayari na may kaugnayan sa ikapitong 1,000 taon kaysa sa isinulat niya tungkol sa mga pangyayari na may kaugnayan sa iba pang 1,000 taon. Nagsulat siya lalo na tungkol sa mga pangyayaring magaganap sa pagitan ng pagbubukas ng ikapitong tatak at ng Ikalawang Pagparito ni Jesucristo.

Sa iyong palagay, bakit maraming isinulat si Juan tungkol sa mangyayari sa ikapitong tatak?

Sa iyong pag-aaral ng pangitain ni Juan sa Apocalipsis 8–11, isipin kung ano ang matututuhan natin mula sa isinulat niya tungkol sa mga pangyayaring ito.

Inilarawan sa Apocalipsis 8:1–6 ang pagbubukas ng Tagapagligtas sa ikapitong tatak. Nakita ni Juan ang pitong anghel na binigyan ng pitong pakakak o trumpeta. “Noong unang panahon, ang mga pakakak o trumpeta ay pinatutunog para bigyang-babala, o senyasan [ang isang hukbo] para sa digmaan, o ibalita ang pagdating ng mga taong maharlika. Ang pagtunog ng pakakak o trumpeta, kung gayon, ay naghahayag o nagbabalita ng isang bagay na napakahalaga” (Gerald N. Lund, “Seeing the Book of Revelation as a Book of Revelation,” Ensign, Dis. 1987, 50).

Basahin ang Doktrina at mga Tipan 77:12, at alamin ang kahulugan ng pagtunog ng pitong pakakak o trumpeta.

Sa Apocalipsis 8:1–6, ang pagpapatunog ng mga pakakak o trumpeta ay babala na nagsisimula nang dumating ang iba’t ibang salot at pagkawasak bilang paghahanda para sa Ikalawang Pagparito ni Jesucristo at sa Kanyang paghahari sa buong Milenyo.

Basahin ang bawat isa sa mga sumusunod na reperensya, na nagpapaliwanag sa mga pangyayaring kaugnay ng pagtunog ng unang anim na pakakak o trumpeta. Habang nagbabasa ka, alamin ang mga sagot sa mga kaugnay na tanong.

pakakak o trumpetaUna—Apocalipsis 8:7. Ano ang nangyari dahil sa bumagsak na “granizo at apoy” sa lupa nang hipan ng unang anghel ang kanyang pakakak?

pakakak o trumpetaIkalawa—Apocalipsis 8:8–9. Anong tatlong bagay ang naapektuhan nang hinipan ang ikalawang trumpeta?

pakakak o trumpetaIkatlo—Apocalipsis 8:10–11. Ano ang nangyari nang bumagsak ang bituin mula sa langit? (Tandaan na ang ajenjo [wormwood] ay isang damo; ginagamit ito bilang simbolo ng “matinding kalamidad o kalungkutan” [Bible Dictionary, “Wormwood”].)

pakakak o trumpetaIkaapat—Apocalipsis 8:12. Kasunod ng pag-ihip ng ikaapat ng pakakak, anong tatlong bagay ang bahagyang nagdilim?

pakakak o trumpetaIkalima—Apocalipsis 9:1–3. Ano ang lumabas mula sa balon ng kalaliman nang buksan ito ng ikalimang anghel?

pakakak o trumpetaIkaanim—Apocalipsis 9:13–16, 18. Ilang kawal ang kasama sa malaking labanang nakita ni Juan matapos tumunog ang ikaanim na pakakak? Ilang bahagi ng sangkatauhan ang nakita niyang napatay sa labanang ito?

Basahin ang Apocalipsis 9:20–21, at alamin kung ano ang gagawin ng masasama na nakaligtas sa mga salot na ito.

Apocalipsis 10

Nagtagubilin ang isang anghel kay Juan tungkol sa kanyang misyon sa mga huling araw

Walang nakasaad sa Apocalipsis 10 tungkol sa pagtunog ng pitong pakakak at ng kasama nitong mga salot. Mababasa natin sa kabanatang ito na nagtagubilin kay Juan ang isa pang anghel.

matamis, mapait

Ano ang ilang karanasan sa buhay na maaari mong ituring na parehong matamis at mapait?

Basahin ang Apocalipsis 10:1–3, at alamin kung ano ang hawak ng anghel.

Basahin ang Apocalipsis 10:8–11, at alamin ang sinabi kay Juan na gawin sa aklat. Pansinin kung ano ang lasa nito sa kanya.

Basahin ang Doktrina at mga Tipan 77:14, at alamin kung ano ang isinasagisag ng aklat.

Binasbasan ni Jesucristo si Apostol Juan na mabuhay hanggang sa Kanyang Ikalawang pagparito at magdala ng mga tao sa Kanya (tingnan sa Juan 21:20–24; D at T 7:1–4). Ang misyon ni Juan ay tumulong sa pagtipon ng mga anak ni Israel. Sa paanong paraan na kapwa matamis at mapait ang misyong iyon?

  1. journal iconSa iyong scripture study journal, gamitin ang Apocalipsis 10:8–11 sa pagsagot sa isa o lahat ng sumusunod na alalahanin:

    1. Narinig ko kung gaano kahirap ang magmisyon. Parang hindi ko kaya kapag tinanggihan ako. Hindi ako sigurado kung gusto kong magmisyon.

    2. Sinikap kong gawin ang tama. Nagbabasa ako ng mga banal na kasulatan, nagdarasal, at nagsisikap na ibahagi ang ebanghelyo, pero may masama pa ring nangyayari sa buhay ko—wala akong naanyayahang sinuman na sumapi sa Simbahan dahil sa akin. Mabuti pa ay sumuko na ako.

Apocalipsis 11

Nakita ni Juan ang dalawang propetang pinatay sa Jerusalem, at ang pagtunog ng ikapitong pakakak

Ang Apocalipsis 11 ay nagsisimula sa paglalarawan ni Apostol Juan ng mga pangyayari na magaganap sa pagitan ng pagtunog ng ikapitong pakakak at ng Ikalawang Pagparito ni Jesucristo. Sa panahong ito, ang masasama ay magkakaroon ng higit na kapangyarihan at kontrol sa lupa, at isang hukbo ang magtatangkang sakupin ang Jerusalem, na bahagi ng huling malaking digmaan sa Armageddon.

Inilarawan ni Juan ang lungsod ng Jerusalem at ang pagkadaig nito sa mga Gentil (ang mga taong hindi gumagawa at tumutupad ng mga tipan sa Panginoon) sa loob ng 42 buwan, na tatlo’t kalahating taon.

Basahin ang Apocalipsis 11:3–6, at alamin ang gagawin ng dalawa sa mga saksi ng Tagapagligtas sa Jerusalem bago ang Kanyang Ikalawang Pagparito.

Ang dalawang propetang ito, tulad nina Elijah at Moises, ay may awtoridad at kapangyarihang magbuklod sa kalangitan at bagabagin o parusahan ang lupa ng mga salot. Ang apoy na magmumula sa bibig ng dalawang saksing ito ay simbolo ng kapangyarihan ng patotoo na ipahahayag nila (tingnan sa Jeremias 5:14; 20:9).

Basahin ang Doktrina at mga Tipan 77:15, at alamin kung sino ang dalawang saksing ito.

Basahin ang Apocalipsis 11:7–12, at alamin kung ano ang mangyayari sa dalawang propetang ito. Pansinin kung ano ang gagawin ng masasama.

Basahin ang Apocalipsis 11:13–15, at alamin kung ano ang mangyayari pagkatapos bumangon mula sa kamatayan ang dalawang propeta at umakyat sa langit.

Kasunod ng pagtunog ng ikapitong pakakak, sino ang “maghahari [sa mga kaharian sa lupa]” (Apocalipsis 11:15)?

Nabasa natin sa Apocalipsis 11:16–19 na ang 24 na elder na nakaupo malapit sa luklukan ng Diyos ay pinasasalamatan at pinupuri ang Diyos para sa gantimpalang ibinigay sa mabubuti at sa kaparusahang ibinigay sa masasama.

  1. journal iconAlalahanin sa nakaraang lesson ang sumusunod na alituntunin na matatagpuan sa Apocalipsis 7: Kung matitiis natin ang mga paghihirap nang may pananampalataya at magiging mas dalisay sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo, matatamo natin ang selestiyal na kaluwalhatian sa piling ng Diyos. Isipin ang mga pangyayari sa ikapitong tatak na napag-aralan mo sa araw na ito. Sa iyong scripture study journal, isulat kung paano makapagbibigay ng kapanatagan at kapayapaan ang mga alituntuning ito sa mga nakaranas ng ilang nakatatakot na kalamidad na mangyayari bago ang Ikalawang Pagparito ng Panginoon.

Itinuro ni Elder Neil L. Andersen ng Korum ng Labindalawang Apostol na sa kabila ng mga kalamidad sa ating panahon, makaaasa tayo sa pagparito ng Panginoon nang may pagpipitagan at pag-asam:

Elder Neil L. Andersen

“Nabubuhay tayo, mga kapatid, sa panahon bago ang Ikalawang Pagparito ng Panginoon, na matagal nang inasam ng mga nagsisisampalataya sa paglipas ng mga panahon. Nabubuhay tayo sa panahon ng mga digmaan at bali-balita tungkol sa mga digmaan, sa panahon ng mga kalamidad, sa panahong ang mundo ay puno ng kawalang-katiyakan at kaguluhan.

“Ngunit nabubuhay rin tayo sa maluwalhating panahon ng Panunumbalik, kung kailan ang ebanghelyo ay inihahatid sa buong mundo—isang panahon kung saan nangako ang Panginoon na Siya ‘ay magbabangon … ng mga dalisay na tao’ [D at T 100:16] at poprotektahan sila ‘ng kabutihan at kapangyarihan ng Diyos’ [1 Nephi 14:14].

“Nagagalak tayo sa mga araw na ito at dumadalangin na buong tapang nating maharap ang mga paghihirap at kawalang-katiyakan. Ang mga paghihirap ng ilan ay mas matindi kaysa sa iba, ngunit walang hindi daranas nito. …

“Bagama’t paulit-ulit na tinitiyak ng Panginoon na tayo ay ‘hindi kinakailangang matakot,’ [D at T 10:55], ang pagkakaroon ng malinaw na pananaw at pagtingin nang lampas pa sa mundong ito ay hindi laging madali kapag tayo ay nasa gitna ng mga pagsubok. …

“Lumalago ang ating pananampalataya habang inaasam natin ang maluwalhating araw ng pagbalik ng Tagapagligtas sa lupa. Ang ideya na darating Siya ay nagpapasaya sa aking kaluluwa. Magiging kagila-gilalas iyon! Ang saklaw at karingalan, ang lawak at kadakilaan, ay hihigit sa anumang nakita o naranasan na ng tao. …

“… Luluhod tayo sa pagpipitagan, ‘at ang Panginoon ay mangungusap sa kanyang tinig, at ang mga dulo ng mundo ay makaririnig nito’ [D at T 45:49]. ‘Ito ay magiging … gaya ng tinig ng maraming tubig, at gaya ng tinig ng malakas na kulog’ [D at T 133:22]. ‘[Pagkatapos] ang Panginoon, … ang Tagapagligtas, ay tatayo sa gitna ng kanyang mga tao’ [D at T 133:25]” (“Dumating Nawa ang Kaharian Mo,” Ensign o Liahona, Mayo 2015, 119–20, 122).

  1. journal iconIsulat ang sumusunod sa ibaba ng mga assignment sa araw na ito sa iyong scripture study journal:

    Napag-aralan ko na ang Apocalipsis 8–11 at natapos ang lesson na ito noong (petsa).

    Mga karagdagang tanong, kaisipan, at ideya na gusto kong ibahagi sa aking titser: