Library
Unit 28, Day 2: Sa Mga Hebreo 7–10


Unit 28: Day 2

Sa Mga Hebreo 7–10

Pambungad

Itinuro ni Apostol Pablo na si Jesucristo ang Tagapamagitan ng “bagong pakikipagtipan; sa sangbahayan ni Israel” (Sa Mga Hebreo 8:8). Ipinaliwanag niya na ang handog ng Tagapagligtas ay nakahihigit sa mga pag-aalay ng mataas na saserdote sa ilalim ng batas ni Moises. Ipinaliwanag din niya na ang mga ordenansa ng batas ni Moises ay itinuturo ang mga tao sa Tagapagligtas at sa Kanyang Pagbabayad-sala.

Sa Mga Hebreo 7–8

Itinuro ni Pablo na si Jesucristo ang Tagapamagitan ng bagong pakikipagtipan

anino ng upuan, cello, bibe

Sa mga puwang na nakalaan, tukuyin ang bagay na pinagmulan ng bawat anino.

Bakit nalalaman mo kung ano ang isang bagay sa pagtingin sa anino nito?

Maraming inilalahad ang Lumang Tipan tungkol sa mga seremonya at mga ordenansa na sumasagisag at nahahalintulad sa Tagapagligtas at sa Kanyang Pagbabayad-sala. Dahil alam ni Pablo na ang mga Kristiyanong Judio, o mga Hebreo, ay pamilyar sa mga seremonya at ordenansang ito, tinukoy niya ang mga ito sa kanila sa kanyang sulat nang ituro niya sa mga Banal na ito ang tungkol kay Jesucristo.

Lahat ng banal na kasulatan ay naglalaman ng mga halimbawa, sagisag, kahalintulad, at simbolo ni Jesucristo. Ang mga sagisag, kahalintulad, simbolo, at pagkakatulad ay kumakatawan sa mas malalim na katotohanan. Karamihan sa matalinghagang paglalarawang ito ay nasa anyo ng mga tao, bagay, pangyayari, at sitwasyon.

Ang batas ni Moises ay nilayon para maging sagisag at kahalintulad ni Jesucristo, o simbolo na nagtuturo sa mga Israelita kay Jesucristo at sa Kanyang nagbabayad-salang sakripisyo (tingnan sa 2 Nephi 11:4; Jacob 4:4–5). Ipinaliwanag ni Apostol Pablo kung paano ito ginawa ng ilang bahagi ng batas. Gusto niyang tulungan ang mga Banal na Judio na manatiling tapat kay Jesucristo sa halip na bumalik sa pagsunod sa batas ni Moises, tulad ng ginagawa ng iba.

Mababasa mo sa Sa Mga Hebreo 2:17 na tinukoy ni Pablo si Jesucristo bilang “isang dakilang [mataas na] saserdoteng maawain at tapat.” Mula sa panahon ni Moises hanggang sa panahon ni Jesucristo, ang mataas o dakilang saserdote ay ang namumunong pinuno sa Pagkasaserdote ni Aaron, na kung minsan ay tinatawag na Pagkasaserdote ng mga Levita na taglay ng lipi ni Levi (tingnan sa Bible Dictionary sa LDS English version ng Biblia, “Aaronic Priesthood”).

Tinawag ni Moises si Aaron sa Ministeryo

Inorden ni Moises si Aaron bilang mataas o dakilang saserdote ng Aaronic Priesthood.

Basahin ang Sa Mga Hebreo 7:1–4, na inaalam ang itinuro ni Pablo tungkol kay Melquisedec. Basahin din ang Pagsasalin ni Joseph Smith, Sa Mga Hebreo 7:3 (sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan), para maliwanagan sa itinuro ni Pablo sa talata 3.

Si Melquisedec ay isang tanyag na propeta at lider na nabuhay noong mga 2000 B.C. “Tinawag siya na hari ng Salem (Jerusalem), hari ng kapayapaan, at ‘saserdote ng kataasaasang Diyos’ [Sa Mga Hebreo 7:1]” (Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Melquisedec”; tingnan din sa Joseph Smith Translation, Genesis 14:25–40 [sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan]). Naunawaan ni Pablo ang kadakilaan ni Melquisedec at ginamit niya ito bilang sagisag at kahalintulad ni Jesucristo.

Binanggit ni Pablo sa Sa Mga Hebreo 7:15–17 ang propesiya sa Lumang Tipan tungkol sa pagparito ng isang saserdote “ayon sa pagkasaserdote ni Melquisedec” (Sa Mga Hebreo 7:17; tingnan din sa Awit 110:4). Itinuro ni Pablo na tinupad ni Jesucristo ang propesiyang ito.

“Isa sa mga layunin ni Pablo sa Sa Mga Hebreo 7 ay ang ipakita na nakahihigit ang Melchizedek Priesthood sa Levitical o Aaronic Priesthood at kaakibat na mga ordenansa nito. Kung matatamo ang kaganapan at kadakilaan sa pamamagitan ng Levitical Priesthood, bakit kailangan ng pagbabago sa nakatataas na priesthood? Itinuro ni Pablo na ang pagiging perpekto, o pagiging ‘katulad ng Anak ng Dios’ (Sa Mga Hebreo 7:3), ay hindi nagmumula sa Levitical Priesthood kundi sa pamamagitan ni Jesucristo at ng Kanyang orden ng priesthood. Si Jesucristo ay ‘lumitaw mula kay Juda,’ hindi kay Levi, kaya itinuro ni Pablo na ang Kanyang karapatan sa pagkasaserdote ay hindi batay sa angkan kundi ayon sa ‘kapangyarihan ng isang buhay na walang katapusan’ (tingnan sa Sa Mga Hebreo 7:14–16). Bilang si Jehova sa premortal na buhay, nilikha Niya ang mundo at pinamahalaan ang mga pangyayari sa Lumang Tipan gamit ang gayon ding kapangyarihan ng priesthood na taglay Niya noong Kanyang mortal na ministeryo” (New Testament Student Manual [Church Educational System manual, 2014], 480).

Basahin ang Sa Mga Hebreo 7:23–28, na inaalam ang mga pagkakaiba ni Jesucristo sa mataas na mga saserdote ng mga Levita na nangangasiwa ng mga ordenansa ng Pagkasaserdote ni Aaron sa mga tao. Ang ibig sabihin ng mga katagang “inilagay … na mga dakilang saserdote ang mga taong may kahinaan” sa talata 28 ay may mga kahinaan sila. Basahin din ang Pagsasalin ni Joseph Smith, Sa Mga Hebreo 7:25–26 (sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan).

Ang ibig sabihin sa Sa Mga Hebreo 7:25 ng mga katagang “laging nabubuhay siya upang mamagitan sa kanila” ay na ang misyon ng Tagapagligtas ay mamagitan para sa ating kapakanan para tulungan tayong makabalik sa Diyos.

Nananalangin si Jesus sa Getsemani

Paano mo ipaliliwanag ang mga pagkakaiba ni Jesucristo at ang mga dakilang saserdote ng mga Levita?

Basahin ang Sa Mga Hebreo 8:1–4, na inaalam ang kaloob, o sakripisyo na inalay ni Jesucristo. Pansinin na mababasa sa Joseph Smith Translation ng Hebrews 8:4 na, “Kaya nga, noong siya ay nasa lupa, inialay niya ang sarili bilang handog para sa mga kasalanan ng mga tao. Ngayon, lahat ng mga saserdote sa ilalim ng batas, ay dapat magbigay ng handog, o mga hain, ayon sa batas” (Joseph Smith Translation, Hebrews 8:4.)

Anong katotohanan ang matututuhan natin mula sa Joseph Smith Translation, Hebrews 8:4 tungkol sa ginawa ni Jesucristo para sa atin?

  1. journal iconIsiping mabuti ang kahulugan para sa iyo ng nagbabayad-salang sakripisyo ni Jesucristo, at kumpletuhin ang isa sa mga sumusunod na pahayag sa iyong scripture study journal. Maaari kang humanap ng tamang pagkakataon na ibahagi ang isinulat mo sa isang miyembro ng iyong pamilya o sa isang kaibigan.

    1. Nagpapasalamat ako sa aking Tagapagligtas dahil …

    2. Alam kong mahal ako ng aking Tagapagligtas dahil …

    3. Pinagpapala ako ng nagbabayad-salang sakripisyo ni Jesucristo dahil …

Ang tagapamagitan ay siyang umaayos ng hindi pagkakaunawaan ng dalawang tao o mga grupo. Ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo ay pinagkakasundo ang lahat ng tao (na makasalanang lahat) sa Diyos Ama. Dahil sa Kanyang sakripisyo, si Jesucristo ay naging “tagapamagitan sa isang tipang lalong magaling” (Sa Mga Hebreo 8:6), isang tipan kung saan ipinahayag ng Panginoon na “ilalagay [Niya] ang [Kanyang] mga kautusan sa kanilang pagiisip, at sa kanilang mga puso’y [Kanyang] isusulat ang mga ito,” at Siya ay “magiging Dios nila” (Sa Mga Hebreo 8:10). Ang tipang ito, kung tatanggapin ng mga tao, ay makatutulong sa kanila na “kilalanin … ang Panginoon” (Sa Mga Hebreo 8:11) at malinis mula sa “kanilang mga kasalanan” (Sa Mga Hebreo 8:12).

Sa Mga Hebreo 9–10

Ipinakita ni Pablo kung paano tumutukoy ang mga ordenansa ng batas ni Moises sa Pagbabayad-sala ng Tagapagligtas

Nabasa natin sa Sa Mga Hebreo 9–10 na patuloy na ikinumpara ni Apostol Pablo ang mga dakilang mataas na saserdorte ng mga Levita kay Jesucristo nang talakayin niya ang mga tungkulin na ginagampanan ng mga dakilang saserdoteng iyon sa Araw ng Pagtubos.

diagram, tabernakulo

Minsan sa isang taon sa banal na araw ng mga Judio na tinawag na Araw ng Pagtubos (tinatawag ding Yom kippur), pinahihintulutan ang dakilang saserdote na pumasok sa Pinakabanal na Dako (tinatawag ding mga Kabanal-banalang Dako) sa tabernakulo o, kalaunan, sa templo ng Jerusalem. Bago pumasok, nag-aalay ang mataas na saserdote ng toro bilang pagpapakita ng pagbabayad-sala “para sa kanyang sarili at sa kanyang sambahayan” at pagkatapos ay mag-aalay siya ng lalaking kambing bilang pagpapakita ng pagbabayad-sala “para sa kongregasyon ng Israel.” Iwiniwisik niya ang dugo ng mga hayop sa mga espesyal na lugar at sa mga partikular na bagay sa Pinakabanal na Dako upang mas maipakita pa ang pagbabayad-sala. Pagkatapos ay “ipapapahayag niya ang lahat ng kasalanan ng bayang israel” sa isa pang lalaking kambing (na tinatawag na scapegoat), na itinataboy sa ilang, bilang tanda na naalis na ang mga kasalanan ng mga tao. Pagkatapos ay magpapalit na siya ng damit at “mag-alay ng handog na susunugin na dalawang tupang lalake para sa kanyang sarili at sa kanyang mga tao” (Bible Dictionary sa LDS English version ng Biblia, “Fasts”; tingnan din sa Levitico 16).

Basahin ang Sa Mga Hebreo 9:11–12, 24, 28 at Sa Mga Hebreo 10:1, 4, 10–12, na inaalam kung paano naging sagisag at kahalintulad ng nagbabayad-salang sakripisyo ni Jesucristo ang Araw ng Pagtubos.

Ang mga mataas o dakilang saserdote ay pinahintulutang pumasok sa Pinakabanal na Dako ng tabernakulo minsan sa isang taon sa Araw ng Pagbabayad-sala. Saang “dakong banal” (Sa Mga Hebreo 9:12) makapapasok ang Tagapagligtas (at gayundin ang buong sangkatauhan) dahil sa Kanyang Pagbabayad-sala?

Ano ang magagawa ng handog ni Jesucristo na hindi magagawa ng “dugo ng mga baka at ng mga kambing” (Sa Mga Hebreo 10:4)?

Kahit hindi talagang matutubos ng dugo ng hayop ang mga kasalanan ng mga tao, ginagawa ng mga dakilang saserdote ang mga ordenansang ito upang ipakita ang “anino ng mabubuting bagay na darating” [Sa Mga Hebreo 10:1], o ipahiwatig ang Pagbabayad-sala ng Tagapagligtas.

Basahin ang Sa Mga Hebreo 10:17–20, na inaalam kung ano ang naging posible dahil sa handog o sakripisyo ng Tagapagligtas.

Ayon sa Sa Mga Hebreo 10:19, mapapasok natin ang “dakong banal,” o ang kinaroroonan ng Diyos sa kahariang selestiyal, dahil sa sakripisyo ni Jesucristo. Ang mga katagang “daang bago at buhay” sa Sa Mga Hebreo 10:20 ay tumutukoy sa ebanghelyo ni Jesucristo, o sa plano kung saan tayo ay mapapatawad at mapapabanal sa pamamagitan ng Kanyang Pagbabayad-sala at sa gayon ay nagiging karapat-dapat na makabalik sa piling ng Diyos.

Basahin ang Sa Mga Hebreo 10:22–24, na inaalam kung ano ang dapat gawin para makapasok sa kahariang selestiyal. Pagkatapos ay kumpletuhin ang sumusunod na alituntunin: Dahil sa Pagbabayad-sala ni Jesucristo, makapapasok tayo sa kahariang selestiyal kung .

Ano sa palagay mo ang ibig sabihin ng “ingatang matibay” (Sa Mga Hebreo 10:23) ang ating pananampalataya kay Jesucristo?

Basahin ang Sa Mga Hebreo 10:35, na inaalam ang payong ibinigay ni Pablo na makatutulong sa atin na ingatang matibay ang ating pananampalataya kay Jesucristo. Maaari mong markahan ang nalaman mo.

Ano sa palagay mo ang ibig sabihin ng “huwag … ninyong itakuwil ang inyong pagkakatiwala”? (Sa Mga Hebreo 10:35).

Elder Jeffrey R. Holland

Ipinaliwang ni Elder Jeffrey R. Holland ng Korum ng Labindalawang Apostol ang ibig sabihin ng “huwag ninyong itakuwil ang [ating] pagkakatiwala”: “Bilang mga Banal sa mga Huling Araw maaari nating ipahayag ang kaisipan nang ganito, Talagang mahirap—bago kayo sumapi sa Simbahan, habang sumasapi, at pagkaraan ninyong sumapi. Gayon palagi, sabi ni Pablo, ngunit huwag umurong. Huwag matakot at umatras. Huwag mawalan ng lakas ng loob. Huwag kalimutan ang nadama ninyo noon. Huwag mag-alinlangan sa inyong naranasan. Ang [katatagang] iyon ang nagligtas kina Moises at Joseph Smith nang harapin sila ng kalaban, at ito ang magliligtas sa inyo” (“Huwag Nga Ninyong Itakuwil ang Inyong Pagkakatiwala,” Ensign, Hunyo. 2000, 38).

  1. journal iconSa iyong scripture study journal, magsulat ng tungkol sa kilala mo na magandang halimbawa ng isang may matibay na pananampalataya kay Jesucristo at hindi itinatakwil ang kanyang pagtitiwala.

  2. journal iconPag-isipan ang tungkol sa pangako mong ingatang matibay ang iyong pananampalataya kay Jesucristo. Sa iyong scripture study journal, isulat kung paano mo daragdagan ang katapatan at kakayahang magawa ito.

  3. journal iconIsulat ang sumusunod sa ibaba ng mga assignment sa araw na ito sa iyong scripture study journal:

    Napag-aralan ko na ang Sa Mga Hebreo 7–10 at natapos ang lesson na ito noong (petsa).

    Mga karagdagang tanong, kaisipan, at ideya na gusto kong ibahagi sa aking titser: