Seminaries and Institutes
Pambungad sa Manwal ng Doktrina at mga Tipan at Kasaysayan ng Simbahan para sa Seminary Teacher


Pambungad sa Manwal ng Doktrina at mga Tipan at Kasaysayan ng Simbahan para sa Seminary Teacher

Ang Ating Layunin

Ang Mithiin ng Seminaries and Institutes of Religion ay nagsasaad na:

“Ang ating layunin ay tulungan ang mga kabataan at mga young adult na maunawaan at magtiwala sa mga turo at sa Pagbabayad-sala ni Jesucristo, maging karapat-dapat sa mga pagpapala ng templo, at ihanda ang kanilang sarili, kanilang pamilya, at iba pa para sa buhay na walang hanggan sa piling ng kanilang Ama sa Langit.”

Upang matupad ang ating layunin, itinuturo natin sa mga estudyante ang mga doktrina at mga alituntunin ng ebanghelyo na matatagpuan sa mga banal na kasulatan at sa mga salita ng mga propeta. Ang mga doktrina at alituntuning ito ay itinuturo sa paraang humahantong sa pagkaunawa at pagiging matatag. Tinutulungan natin ang mga estudyante na magawa nila ang kanilang responsibilidad sa pag-aaral at maihanda sila sa pagtuturo ng ebanghelyo sa iba.

Upang makatulong sa pagtupad sa mga layuning ito, ikaw at ang mga estudyante na tinuturuan mo ay hinihikayat na gamitin ang sumusunod na Fundamentals of Gospel Teaching and Learning (Mga Pangunahing Alituntunin sa Pagtuturo at Pag-aaral ng Ebanghelyo) habang magkakasama ninyong pinag-aaralan ang mga banal na kasulatan:

  • Magturo at matuto sa pamamagitan ng Espiritu.

  • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase.

  • Pag-aralan ang mga banal na kasulatan araw-araw, at basahin ang teksto para sa kurso. (Ang mga chart para sa pagrerekord ng pagbabasa ay matatagpuan sa apendiks sa katapusan ng manwal na ito, sa LDS.org, at sa store.lds.org [aytem blg. 10494].)

  • Unawain ang konteksto at nilalaman ng mga banal na kasulatan at ang mga salita ng mga propeta.

  • Tukuyin, unawain, damhin ang katotohanan at kahalagahan ng mga doktrina at alituntunin ng ebanghelyo at ipamuhay ang mga ito.

  • Ipaliwanag, ibahagi, at patotohanan ang mga doktrina at alituntunin ng ebanghelyo.

  • Isaulo at unawaing mabuti ang mga scripture mastery passage at ang Mga Pangunahing Doktrina.

Inihanda ang manwal na ito para sa titser upang tulungan kang magtagumpay sa pagsasakatuparan ng mga layuning ito.

batang babaeng nagbabasa ng mga banal na kasulatan

Seminary at ang Sunday Youth Curriculum

Pagtulong sa mga kabataan na magbalik-loob sa ebanghelyo ni Jesucristo

Pagkakaisa at Pagtutulungan

Ang Unang Panguluhan ay nananawagan sa mga magulang, titser, at mga lider na “tulungan ang mga kabataan na matutuhan ang ebanghelyo sa kanilang sariling pag-aaral at pananampalataya, matuklasan ang katotohanan ng ebanghelyo para sa kanilang sarili, at mapalakas ang kanilang pamilya at iba pa sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kanilang mga karanasan, ideya, at patotoo.” Sa paggawa nito, matutulungan sila na tahakin ang landas “na hahantong sa kanilang pagbabalik-loob” (Teaching the Gospel in the Savior’s Way [2012], 2).

Sa pamamahala ng priesthood, ang Young Men, Young Women, Sunday School, at Seminary organization, na nagtulungan at nagkaisa sa paggawa, ay bumuo ng kurikulum upang matulungan ang mga kabataan na maisakatuparan ang mga layuning ito. Bagama’t ang bawat organisasyon ay mayroong natatanging ginagampanan sa pagpapalakas ng mga kabataan, ang pangunahing layunin ng lahat ng kurikulum para sa mga kabataan ay akayin ang mga kabataan sa Tagapagligtas at isakatuparan ang pagbabalik-loob nila sa Kanyang ebanghelyo. Ang kurikulum para sa bawat organisasyon ng mga kabataan ay binuo sa layuning tumugma sa layunin ng iba pang mga organisasyon para sa mga kabataan. Halimbawa:

  • Ang “Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas” (isang bahagi na kapwa nakalathala sa mga materyal ng seminary at Sunday youth curriculum) ay magkasamang binuo ng mga organisasyon ng mga kabataan upang tulungan ang mga titser, magulang, at mga lider na matutuhan kung paano magturo ang Tagapagligtas (tingnan sa Gospel Teaching and Learning: A Handbook for Teachers and Leaders in Seminaries and Institutes of Religion [2012], v–vii; Teaching the Gospel in the Savior’s Way [2012], 4–5). Tinalakay sa “Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas” kung paano tinulungan ng Tagapagligtas ang iba na isapuso ang mga sagradong katotohanang itinuro Niya sa pamamagitan ng paghikayat sa kanila na kumilos nang may pananampalataya at aktibong makibahagi sa pag-aaral. Ang mga alituntuning ito ng pagtuturo at pag-aaral ng ebanghelyo ay isinama sa kurikulum para sa lahat ng organisasyon ng mga kabataan.

  • Ang kurikulum para sa lahat ng organisasyon ng mga kabataan ay nagbibigay-diin sa gayon ding mga pangunahing doktrina. Ang mga Pangunahing Doktrina na binibigyang-diin sa seminary curriculum ay tumutugma sa Mga Pangunahing Alituntunin ng Doktrina na itinuturo sa kurikulum para sa mga kabataan. Sa mga klase tuwing Linggo, ang kurikulum para sa mga kabataan ay nakatuon sa isa sa mga doktrinang ito bawat buwan. Sa seminary, ang mga doktrinang ito ay binibigyang-diin sa pag-aaral ng mga kabataan ng bawat isa sa mga pamantayang aklat ng banal na kasulatan. Ang pagkakaisa at pagtutulungang ito ay tumutulong sa pagpapatibay sa mga katotohanang natututuhan ng mga kabataan tuwing Linggo ng mga bagay na natutuhan nila sa klase ng seminary at vice versa. Ang pagbibigay-diin sa gayon ding mga pangunahing doktrina sa lahat ng kurikulum para sa mga kabataan ay magbibigay nang mas magandang karanasan sa mga kabataan, titser, at mga magulang.

  • Ang kurikulum para sa bawat organisasyon ay nilayon upang tulungan ang mga kabataan na palalimin ang kanilang pag-unawa at patotoo sa ebanghelyo at matuto kung paano ituturo ito sa iba. Upang magawa ito, layunin ng mga materyal ng seminary at kurikulum para sa mga kabataan na tulungan ang mga kabataan na mas maging aktibo sa pag-aaral ng ebanghelyo, matuklasan ang mga katotohanan para sa kanilang sarili, at maipaliwanag, maibahagi, at mapatotohanan ang mga katotohanang ito sa iba.

  • Makikita ng mga tinawag na magturo sa Sunday School, Young Men, Young Women, o Seminary ang pagkakapare-pareho sa paraan ng pagtuturo at pag-aaral ng ebanghelyo. Ang mga materyal ng seminary at kurikulum para sa mga kabataan ay nakatuon sa pagtulong sa mga kabataan na mapalalim ang kanilang pagbabalik-loob. Dahil sa iisang layuning ito, marami sa mga training material at media na ginawa para sa mga titser na gumagamit ng Sunday youth curriculum ang nasa seminary din at nasa LDS.org.

Mga Natatanging Katangian

Bawat organisasyon ng mga kabataan ay may natatanging ginagampanan sa pagtulong sa mga kabataan na magbalik-loob sa ebanghelyo (tingnan sa Teaching the Gospel in the Savior’s Way, 12–13). Halimbawa, ang kurikulum na ginagamit sa mga klase sa Sunday School, Young Men, at Young Women ay nakatuon sa iisang pangunahing alituntunin ng doktrina bawat buwan. Kung ikukumpara, pinag-aaralan ng mga estudyante sa seminary ang mga doktrina at alituntunin ng ebanghelyo sa pag-aaral nila ng mga aklat ng banal na kasulatan mula sa simula hanggang katapusan nito.

Sa pag-aaral ng ebanghelyo ayon sa paksa sa mga klase tuwing Linggo, mapapalalim ng mga kabataan ang pag-unawa nila sa mga partikular na doktrina sa pamamagitan ng pagsasaliksik sa iba’t ibang aspeto ng mga katotohanang iyon at pagtuturo ng mga ito sa iba. Sa seminary, natutuklasan at nauunawaan ng mga kabataan ang gayon ding mga doktrina sa konteksto ng mga kaugnay na katotohanan sa mga banal na kasulatan at nakikita ang mga ito sa buhay at mga turo ng mga tao sa mga banal na kasulatan. Bukod pa riyan, sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan mula sa simula hanggang katapusan nito, titibay ang paniniwala ng mga estudyante na ang “Ama sa Langit ay talagang nangungusap sa kanila sa pamamagitan ng mga banal na kasulatan, at magtitiwala na maaari silang bumaling sa mga banal na kasulatan at mahahanap ang mga sagot sa kanilang mga problema at sa kanilang mga panalangin” (Howard W. Hunter, “Eternal Investments” [mensahe sa Church Educational System religious educators, Peb. 10, 1989], 2; LDS.org). Magiging pamilyar din ang mga estudyante sa mga banal na kasulatan at magagamit nila ang mga ito nang epektibo kapag sila ay naging missionary, lider, at magulang. Ang dalawang paraang ito ng pag-aaral ng mga doktrina ng ebanghelyo ay nagtutulungan sa pagtulong sa mga kabataan na mas mapalalim pa nila ang kanilang pag-unawa sa ebanghelyo at maihanda sila sa pagtuturo ng ebanghelyo sa iba.

Paghahanda ng Lesson

Iniutos ng Panginoon sa mga nagtuturo ng Kanyang ebanghelyo na “[i]turo [ang] mga alituntunin ng aking ebanghelyo, na nasa Biblia at Aklat ni Mormon, na kung saan ang kabuuan ng ebanghelyo” (D at T 42:12). Iniutos pa Niya na ang mga katotohanang ito ay dapat ituro na “ginagabayan ng Espiritu,” na “ibibigay … sa pamamagitan ng panalangin nang may pananampalataya” (D at T 42:13–14). Habang inihahanda mo ang bawat lesson, mapanalangin mong hingin ang patnubay ng Espiritu para matulungan kang maunawaan ang mga banal na kasulatan at ang mga doktrina at mga alituntunin na nilalaman nito. Sundin din ang mga pahiwatig ng Espiritu habang nagpaplano ka kung paano matutulungan ang iyong mga estudyante na maunawaan ang mga banal na kasulatan, maturuan ng Espiritu Santo, at magkaroon ng hangaring ipamuhay ang natutuhan nila.

Sa kursong ito, ang Doktrina at mga Tipan ang pangunahing teksto na gagamitin mo sa iyong paghahanda at pagtuturo. Pag-aralan nang may panalangin ang mga bahagi o mga talata na ituturo mo. Sikaping maunawaan ang konteksto at nilalaman ng scripture block, kabilang ang nilalaman ng kuwento, mga tao, lugar, at pangyayari. Kapag naging pamilyar ka sa konteksto at nilalaman ng bawat scripture block, sikaping matukoy ang mga doktrina at mga alituntunin na nakapaloob dito, at magpasiya kung alin sa mga katotohanang ito ang pinakamahalaga sa iyong mga estudyante na maunawaan at maipamuhay. Kapag natukoy mo na kung ano ang iyong pagtutuunan, magpapasiya ka kung anong mga pamamaraan, istilo, at aktibidad ang pinakamakatutulong sa iyong mga estudyante para matutuhan at maipamuhay nila ang mga sagradong katotohanan na matatagpuan sa mga banal na kasulatan.

Ang manwal na ito ay nilayon na tulungan ka sa prosesong ito. Pag-aralang mabuti ang lesson material na katugma ng scripture block na ituturo mo. Maaari mong gamitin ang lahat o ang ilan sa mga mungkahi sa pagtuturo para sa scripture block, o maaari mong iangkop ang mga iminungkahing ideya sa mga pangangailangan at mga kalagayan ng mga estudyanteng tinuturuan mo.

Mahalaga na matulungan mo ang mga estudyante na pag-aralan ang lahat ng scripture block sa bawat lesson. Ang paggawa nito ay makatutulong sa iyong mga estudyante na maunawaan ang buong mensahe na ipinararating ng may-akda ng banal na kasulatan. Gayunman, habang pinaplano mo ang iyong lesson, maaaring matuklasan mo na hindi sasapat ang oras sa klase para gamitin ang lahat ng iminungkahing pamamaraan sa pagtuturo sa manwal. Hingin ang patnubay ng Espiritu at pag-isipan nang may panalangin ang mga pangangailangan ng iyong mga estudyante habang tinutukoy mo kung aling mga bahagi ng scripture block ang bibigyang-diin para matulungan ang mga estudyante na madama ang katotohanan at kahalagahan ng mga katotohanan ng ebanghelyo at maipamuhay ang mga ito. Kung maikli ang oras, kailangan mong ipaliwanag ang mga bahagi ng lesson na ibinubuod ang isang grupo ng mga talata o sabihin sa mga estudyante na mabilis na tukuyin ang isang alituntunin o doktrina bago magpatuloy sa susunod na grupo ng mga talata.

Habang pinag-iisipan mo kung paano maiaangkop ang mga materyal ng lesson, tiyaking sundin ang payo na ito ni Elder Dallin H. Oaks ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Elder Dallin H. Oaks

“Madalas kong marinig na ituro ni Pangulong Packer na maging pamilyar muna tayo sa mga materyal ng lesson, at saka natin iakma ang mga ito sa mga tinuturuan natin. Kung lubos nating nauunawaan ang iminungkahing lesson na ibibigay natin, masusunod natin ang Espiritu para iakma ito” (“A Panel Discussion with Elder Dallin H. Oaks” [Seminaries and Institutes of Religion satellite broadcast, Ago. 7, 2012]; LDS.org).

Habang naghahanda kang magturo, isipin ang mga estudyante na may mga partikular na pangangailangan. Iakma ang mga aktibidad at mga ekspektasyon na tutulong sa kanila na magtagumpay. Ang pakikipag-usap sa mga magulang at mga lider ay tutulong sa iyo na malaman ang mga pangangailangan ng mga estudyante at tutulong sa iyo na magtagumpay sa pagbibigay ng makabuluhan at nagpapalakas na karanasan para sa mga estudyante.

Sa paghahanda mo ng lesson, maaari mong piliin na gamitin ang mga Notes and Journal tool sa LDS.org o sa Gospel Library para sa mga mobile device. Magagamit mo ang mga tool na ito para magmarka ng mga banal na kasulatan, mga mensahe sa pangkalahatang kumperensya, mga artikulo sa mga magasin ng Simbahan, at mga lesson. Makapagdaragdag at makakapag-save ka rin ng mga tala na magagamit mo sa iyong mga lesson. Para mas matuto pa kung paano gamitin ang mga tool na ito, tingnan ang Notes and Journal Help page sa LDS.org.

Paggamit ng Daily Teacher Manual

Pambungad sa Scripture Block

Ang mga pambungad sa scripture block ay nagbibigay ng maikling buod sa konteksto at nilalaman ng scripture block para sa bawat lesson.

Grupo ng mga Scripture Verse at Buod ng Konteksto

Ang mga scripture block ay karaniwang hinahati sa mas maliliit na bahagi o grupo ng mga talata na nagtutuon sa isang partikular na paksa o gawa. Ang reperensya para sa bawat grupo ng mga talata ay sinusundan ng isang maikling buod ng mga pangyayari o mga turo na nakapaloob sa grupong iyon ng mga talata.

Mga Tulong sa Pagtuturo

Ang mga tulong sa pagtuturo ay nagpapaliwanag ng mga alituntunin at paraan ng pagtuturo ng ebanghelyo. Matutulungan ka ng mga ito sa iyong pagsisikap na humusay bilang isang titser.

Nilalaman ng Lesson

Ang nilalaman ng lesson ay naglalaman ng gabay para sa iyong pag-aaral at pagtuturo. Nagmumungkahi ito ng mga ideya sa pagtuturo, kabilang ang mga tanong, aktibidad, sipi o quotation, diagram, at mga chart.

Mga Doktrina at mga Alituntunin

Kapag malinaw na nakasaad ang mga doktrina at mga alituntunin sa pag-aaral ng banal na kasulatan, naka-bold letter ang mga ito para matulungan kang matukoy at mabigyang-diin ang mga ito sa talakayan ninyo ng iyong mga estudyante.

Mga Larawan

Ang mga larawan ng mga lider ng Simbahan at mga pangyayari mula sa mga banal na kasulatan ay maituturing na mga visual aid na maididispley mo, kung mayroon, habang nagtuturo ka.

Espasyo sa mga Column

Ang mga espasyo sa column ay magagamit para sa paghahanda ng lesson, kabilang na ang pagsusulat ng maiikling tala, mga alituntunin, karanasan, o iba pang mga ideya, kapag nahikayat ka ng Espiritu Santo.

Komentaryo at Pinagmulang Impormasyon

Ang mga karagdagang pahayag o quotation at paliwanag ay makikita sa katapusan ng ilang lesson na magbibigay sa iyo ng karagdagang kaalaman tungkol sa konteksto ng kasaysayan, mga partikular na konsepto o mga scripture passage. Gamitin ang impormasyon sa bahaging ito para handa ka na masagot ang mga tanong o makapagbigay ng mga karagdagang ideya sa itinuturo mo. Matatagpuan ang mga karagdagang komentaryo sa mga digital version ng manwal na ito sa LDS.org.

Mga Karagdagang Ideya sa Pagtuturo

Makikita ang mga karagdagang ideya sa pagtuturo sa katapusan ng ilang lesson. Ang mga ito ay nagbibigay ng mga mungkahi sa pagtuturo ng mga doktrina at mga alituntunin na maaaring hindi natukoy o nabigyang-diin sa nilalaman ng lesson. Maaari ding magbigay ang mga ito ng mga mungkahi sa paggamit ng visual media, tulad ng mga DVD presentation at mga video sa LDS.org. Matatagpuan ang mga karagdagang ideya sa pagtuturo sa mga digital version ng manwal na ito sa LDS.org.

Daily Seminary Program (Released-Time at Early-Morning)

Naglalaman ang manwal na ito ng mga sumusunod para sa mga daily seminary teacher: 160 daily teacher lesson, mga tulong sa pagtuturo, at mga resources para sa pagtuturo ng scripture mastery at ng mga Pangunahing Doktrina.

Mga Daily Lesson ng Titser

Lesson Format

Ang bawat lesson sa manwal na ito ay nakatuon sa scripture block sa halip na sa isang partikular na konsepto, doktrina, o alituntunin. Ang format na ito ay tutulong sa iyo at sa iyong mga estudyante na mapag-aralan ang mga banal na kasulatan ayon sa pagkakasunod-sunod nito at matalakay ang mga doktrina at mga alituntunin kapag lumitaw ito mula sa scripture text. Kapag nalaman ng mga estudyante ang konteksto ng isang doktrina o alituntunin, lalalim ang kanilang pag-unawa sa katotohanang iyon. Dagdag pa rito, mas makikita at mauunawaan ng mga estudyante ang tunay na kahulugan na nais iparating sa mga mensahe ng mga inspiradong manunulat ng mga banal na kasulatan. Ang pagtuturo ng mga banal na kasulatan sa ganitong paraan ay makatutulong din sa mga estudyante na matutuhan kung paano matutuklasan at maipamumuhay ang mga walang-hanggang katotohanan sa kanilang personal na pag-aaral ng mga banal na kasulatan.

Sa bawat lesson, hindi lahat ng bahagi ng isang scripture block ay binibigyang-diin. Ang ilang bahagi ay hindi gaanong pinagtutuunan dahil hindi gaanong nauugnay ang mga ito sa kabuuang mensahe ng inspiradong manunulat o dahil hindi gaanong naaangkop ang mga ito sa mga kabataan. Responsibilidad mo na iakma ang mga materyal na ito ayon sa mga pangangailangan at mga interes ng mga estudyanteng tinuturuan mo. Maaari mong iangkop ang mga ideya sa mga lesson ng manwal na ito sa pamamagitan ng mas pagbibigay-diin sa isang partikular na doktrina o alituntunin kaysa sa nakasaad sa materyal ng lesson o hindi gaanong pagbibigay-diin sa isang bahagi ng scripture block na mas tatalakayin nang mas malinaw kalaunan sa manwal. Hingin ang patnubay ng Espiritu Santo para matulungan kang magawa ang mga pag-aangkop na ito kapag naghahanda at nagtuturo ka.

Mga Doktrina at mga Alituntunin

Sa nilalaman ng bawat lesson, may makikita kang ilang mahahalagang doktrina at alituntunin na binibigyang-diin at naka-bold letter. Ang mga doktrina at mga alituntuning ito ay tinukoy sa kurikulum dahil (1) ipinapakita ng mga ito ang pangunahing mensahe ng scripture block, (2) ang mga ito ay angkop sa mga pangangailangan at mga sitwasyon ng mga estudyante, o (3) ang mga ito ay mahahalagang katotohanan na makatutulong sa mga estudyante na mapalalim ang kanilang ugnayan sa Panginoon. Dapat mong mabatid na nagtuturo ang Doktrina at mga Tipan ng maraming katotohanan na hindi tinukoy sa kurikulum. Itinuro ni Pangulong Boyd K. Packer ng Korum ng Labindalawang Apostol na ang mga banal na kasulatan ay naglalaman ng “hindi mabibilang na magkakasamang katotohanan na naaangkop sa mga pangangailangan ng bawat indibidwal sa lahat ng sitwasyon” (“The Great Plan of Happiness” [CES Symposium on the Doctrine and Covenants/Church History, Ago. 10, 1993], LDS.org; tingnan din sa Teaching Seminary: Preservice Readings [2004], 69, LDS.org).

Sa iyong pagtuturo, palaging bigyan ang mga estudyante ng mga pagkakataon na matukoy ang mga doktrina at mga alituntunin sa banal na kasulatan. Kapag inihayag ng mga estudyante ang mga katotohanang natuklasan nila, maaaring madalas na gumamit sila ng mga salita na iba sa mga salitang ginamit sa pagpapahayag ng doktrina o alituntunin sa manwal na ito. Maaari ding may matuklasan silang mga katotohanan na hindi tinukoy sa lesson outline. Huwag sabihin sa mga estudyante na mali ang mga sagot nila dahil lamang sa iba ang kanilang mga ginamit na salita mula sa mga ginamit sa manwal o dahil wala sa kurikulum ang katotohanang binanggit nila. Gayunman, kung ang sinabi ng estudyante ay talagang maling doktrina, responsibilidad mo na mahinahon siyang tulungan na maitama ang kanyang sinabi na naroroon pa rin ang pagmamahal at pagtitiwala. Ang paggawa nito ay magbibigay ng mahalagang karanasan sa pag-aaral para sa mga estudyante sa iyong klase.

Pacing o Iskedyul ng Lesson

Mayroong 160 daily seminary lesson ang manwal na ito. Maaari mong iangkop ang mga lesson at ang pacing o bilis ng pagtuturo kung kailangan batay sa kung gaano mo katagal ituturo ang kursong ito. Tingnan ang apendiks sa katapusan ng manwal na ito para sa isang sample pacing guide. Ang pacing guide ay batay sa isang 36-week o 180-day school year at kinabibilangan ng 20 “flexible day” na magagamit mo para maiangkop ang mga daily lesson, matulungan ang mga estudyante na maisaulo at maunawaan nang mabuti ang mga key scripture passage at mga Pangunahing Doktrina, marebyu ang mga naituro na, at para sa mga schedule interruption.

Make-up Work

Ang Gabay sa Pag-aaral ng Doktrina at mga Tipan at Kasaysayan ng Simbahan para sa mga Estudyante ng Home-Study Seminary ay magagamit sa mga daily seminary program bilang materyal para sa makeup work ng mga estudyante. Ang mga lesson sa gabay sa pag-aaral para sa mga estudyante ng home-study seminary ay katulad ng mga nakalahad sa manwal na ito. Maaaring ipakumpleto sa mga estudyante na may maraming absent ang mga assignment sa gabay sa pag-aaral na tugma sa mga lesson na hindi nila nadaluhan. Ang mga assignment ay maaaring i-print mula sa LDS.org, kaya hindi mo kailangang bigyan ng buong manwal ang mga estudyante na kailangang gumawa ng make-up work. Mas maraming impormasyon tungkol sa Gabay sa Pag-aaral ng Doktrina at mga Tipan at Kasaysayan ng Simbahan para sa mga Estudyante ng Home-Study Seminary ang ibinigay sa bahagi na may pamagat na “Home-Study Seminary Program” sa manwal na ito.

Mga Tulong sa Pagtuturo

Makikita ang mga tulong sa pagtuturo sa mga margin ng manwal na ito. Ang mga tulong sa pagtuturo na ito ay nagpapaliwanag at naglalarawan kung paano ninyo maipamumuhay ng mga estudyanteng tinuturuan mo ang mga Pangunahing Alituntunin ng Pagtuturo at Pag-aaral ng Ebanghelyo (Fundamentals of Gospel Teaching and Learning) sa inyong pag-aaral ng Doktrina at mga Tipan at kasaysayan ng Simbahan. Nagmumungkahi rin ang mga ito kung paano mahusay na gagamitin ang iba-ibang mga paraan, kasanayan, at istilo sa pagtuturo. Kapag naunawaan mo ang mga alituntuning nakapaloob sa mga tulong sa pag-aaral, alamin ang mga paraan para patuloy na magamit at maipamuhay ang mga ito sa iyong pagtuturo.

Paggamit ng mga Home-Study Lesson

Buod ng mga Lesson ng Estudyante

Ang buod ay tutulong sa iyo para maging pamilyar ka sa konteksto at mga doktrina at alituntuning pinag-aralan ng mga estudyante sa loob ng isang linggo sa gabay sa pag-aaral ng estudyante.

Pambungad ng Lesson

Ang pambungad sa lesson ay tutulong sa iyo na malaman mo kung aling bahagi ng scripture block ang bibigyang-diin sa lesson.

Nilalaman ng Lesson

Ang nilalaman ng lesson ay gagabay sa iyong pag-aaral at pagtuturo. Nagmumungkahi ito ng mga ideya sa pagtuturo, kabilang ang mga tanong, aktibidad, sipi o quotation, diagram, at mga chart.

Grupo ng mga Scripture Verse at Buod ng Konteksto

Ang mga scripture verse ay iginrupo batay sa kung saan nagkaroon ng pagbabago sa konteksto o nilalaman ng buong scripture block. Ang reperensya para sa bawat grupo ng mga talata ay sinusundan ng isang maikling buod ng mga pangyayari o mga turo na nakapaloob sa grupong iyon ng mga talata.

Mga Doktrina at mga Alituntunin

Kapag malinaw na nakasaad ang mga doktrina at mga alituntunin sa pag-aaral ng banal na kasulatan, naka-bold letter ang mga ito para matulungan kang matukoy at mabigyang-diin ang mga ito sa talakayan ninyo ng iyong mga estudyante.

Pambungad sa Susunod na Unit

Ang huling talata ng bawat lesson ay maikling pambungad para sa susunod na unit. Ibahagi sa iyong mga estudyante ang talatang ito sa pagtatapos ng bawat lesson para mahikayat sila na pag-aralan ang mga banal na kasulatan sa darating na linggo.

Home-Study Seminary Program

Sa ilalim ng pamamahala ng mga lokal na lider ng priesthood at ng S&I representative, maaaring bumuo ng mga home-study seminary class sa mga lugar kung saan hindi makadadalo ang mga estudyante ng isang daily class dahil sa layo o iba pang dahilan (tulad ng kapansanan o sakit). Karaniwang walang mga home-study seminary class sa mga lugar kung saan may mga daily (weekday) class sa early-morning o released-time seminary.

Ang home-study program ay magbibigay sa mga estudyante ng credit sa seminary kapag nakumpleto nila ang mga lesson sa kanilang tahanan sa halip na dumalo sa mga weekday class. Ang mga lesson na ito ay matatagpuan sa isang hiwalay na manwal na tinatawag na Gabay sa Pag-aaral ng Doktrina at mga Tipan at Kasaysayan ng Simbahan para sa mga Estudyante ng Home-Study Seminary. Makikipagkita ang mga estudyante sa isang seminary teacher isang beses bawat linggo para isumite ang kanilang ginawa at makibahagi sa lesson sa klase. Ang gabay sa pag-aaral ng mga estudyante at ang lingguhang lesson sa klase ay ipinaliwanag pa sa ibaba.

Gabay sa Pag-aaral para sa mga Estudyante ng Home-Study Seminary

Ang Gabay sa Pag-aaral ng Doktrina at mga Tipan at Kasaysayan ng Simbahan para sa mga Estudyante ng Home-Study Seminary ay ginawa para tulungan ang estudyante ng home-study seminary na maranasan ang pag-aaral ng Doktrina at mga Tipan at Kasaysayan ng Simbahan tulad ng isang estudyante sa seminary na dumadalo sa mga weekday class. Sa gayon, ang pacing o iskedyul ng lesson sa gabay sa pag-aaral ng estudyante pati ang mga doktrina at mga alituntunin na binibigyang-diin nito ay tugma sa materyal na nasa manwal na ito. Kabilang din sa gabay sa pag-aaral ng estudyante ang instruksyon tungkol sa scripture mastery. Ang mga scripture mastery passage ay tinatalakay sa konteksto nito kapag nakita ito sa banal na kasulatan, at karaniwang naglalaan ng mga writing activity sa mga lesson kung saan tinalakay ang mga scripture passage na ito.

Bawat linggo, dapat kumpletuhin ng mga estudyante ng home-study seminary ang apat na lesson mula sa gabay sa pag-aaral ng estudyante at dumalo sa weekly lesson na ibibigay ng kanilang titser sa seminary. Kinukumpleto ng mga estudyante ang mga assignment mula sa gabay sa pag-aaral sa kanilang mga scripture study journal. Ang mga estudyante ay dapat may dalawang scripture study journal para maiwan nila ang isa sa kanilang titser at patuloy na magamit sa pagsagot ang isa pa. Kapag ang mga estudyante ay nagkaklase bawat linggo, ang isang journal ay ipapasa sa home-study teacher at ang isa pa ay ibabalik sa estudyante para magamit sa mga lesson sa susunod na linggo. (Halimbawa, sa isang linggo, kukumpletuhin ng estudyante ang mga assignment sa journal 1. Pagkatapos ay dadalhin ng estudyante ang journal na ito at ibibigay sa titser. Sa susunod na linggo, kukumpletuhin ng estudyante ang mga assignment sa journal 2. Kapag ipinasa ng estudyante ang journal 2, ibabalik ng titser ang journal 1. Gagamitin naman ngayon ng estudyante ang journal 1 para kumpletuhin ang mga assignment sa susunod na linggo.)

Hinihikayat ang lahat ng estudyante ng seminary na pag-aralan ang mga banal na kasulatan araw-araw at basahin ang teksto para sa kurso, ngunit dapat maunawaan ng mga estudyante ng home-study seminary na sila ay inaasahang maglalaan ng karagdagang 30 hanggang 40 minuto sa bawat isa sa apat na home-study lesson sa bawat unit at dumalo sa weekly home-study lesson.

Mga Weekly Home-Study Teacher Lesson

Bawat unit sa Gabay sa Pag-aaral ng Doktrina at mga Tipan at Kasaysayan ng Simbahan para sa mga Estudyante ng Home-Study Seminary ay tumutugma sa limang lesson ng daily teacher manual. Pagkatapos ng bawat limang lesson sa manwal na ito, may makikita kang isang weekly home-study teacher lesson. Ang mga home-study lesson ay tutulong sa mga estudyante na marebyu, mapalalim ang kanilang pag-unawa, at maipamuhay ang mga doktrina at mga alituntunin na natutuhan nila habang kinukumpleto nila ang mga lesson sa gabay sa pag-aaral ng estudyante sa buong linggo. Maaaring may mga karagdagang katotohanan sa mga lesson na ito na hindi natalakay sa gabay sa pag-aaral ng estudyante. (Para sa tulong sa pagpaplano ng iyong lesson schedule, tingnan ang pacing guide para sa mga home-study teacher sa apendiks sa katapusan ng manwal na ito.)

Bilang home-study teacher, dapat ay lubos mong nauunawaan ang mga pinag-aaralan ng iyong mga estudyante sa kanilang mga tahanan bawat linggo para masagot mo ang mga tanong nila at magkaroon ng mga makabuluhang talakayan kapag nagkaklase kayo. Sabihin sa mga estudyante na dalhin ang kanilang mga banal na kasulatan, mga scripture study journal, at mga gabay sa pag-aaral ng estudyante sa lingguhang klase para magamit nila ang mga ito sa mga talakayan sa lesson. Iangkop ang mga lesson ayon sa mga pangangailangan ng mga estudyante na tinuturuan mo at ayon sa patnubay ng Espiritu Santo. Maaari mo ring gamitin ang mga daily teacher lesson sa manwal na ito sa iyong paghahanda at pagtuturo. Ang pag-aaral sa mga tulong at mga pamamaraan sa pagtuturo na ginamit sa mga daily lesson ay magpapaganda sa iyong pagtuturo kada linggo. Tugunan ang anumang partikular na pangangailangan ng mga estudyanteng tinuturuan mo. Halimbawa, kung nahihirapan sa pagsusulat ang isang estudyante, payagan siyang gumamit ng voice-recording device o magdikta ng mga ideya sa isang kapamilya o kaibigan na magsusulat ng kanyang mga sagot.

Sa katapusan ng bawat weekly lesson, kolektahin ang mga scripture study journal ng mga estudyante at hikayatin sila na magpatuloy sa kanilang pag-aaral. Iwan sa kanila ang isang scripture study journal para sa mga assignment sa susunod na linggo, tulad ng ipinaliwanag sa itaas sa bahaging “Gabay sa Pag-aaral para sa mga Estudyante ng Home-Study Seminary.” (Sa tagubilin ng mga lider sa priesthood at ng mga magulang, maaaring makipag-ugnayan ang mga [tinawag na] stake seminary teacher sa mga estudyante na naka-enroll sa home-study seminary).

Habang binabasa mo ang mga assignment sa mga scripture study journal ng mga estudyante, magbigay ng reaksyon sa kanilang mga gawa sa pamamagitan ng pagsulat ng maikling note o pagbibigay ng komento sa kanila sa susunod na makita mo sila. Maaari ka ring maghanap ng ibang paraan sa pagbibigay ng suporta at makabuluhang feedback. Makatutulong ito para malaman ng mga estudyante na pinahahalagahan mo ang kanilang gawa at mahihikayat sila na pag-isipan pang mabuti ang kanilang mga sagot.

Halos lahat ng pagsisikap ng mga estudyante na maisaulo at maunawaang mabuti ang mga key scripture passage ay nagagawa nila kapag kinukumpleto nila ang kanilang mga home-study lesson. Makakapag-follow-up ang mga home-study teacher sa ginagawa ng mga estudyante sa mga home-study lesson sa pamamagitan ng pag-anyaya sa mga estudyante na bigkasin o rebyuhin ang mga scripture mastery passage na nasa teksto ng unit na pag-aaralan sa linggong iyon.

Iba Pang Resources

Joseph Smith Papers Project

Karamihan sa mga impormasyon na pang-kasaysayan na nasa manwal na ito ay hango sa History of the Church at sa Joseph Smith Papers Project. Ang nakatulong nang malaki ay ang volume 1 at volume 2 ng Documents series of The Joseph Smith Papers, na inilathala ng Church Historian’s Press (imprint ng Church History Department ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw). Upang makita ang mga digitized image at mabasa ang mga transcript o kopya ng mga orihinal na dokumento sa Joseph Smith Papers Project, magpunta sa josephsmithpapers.org.

Mga Notes at Journal Tool

Ang mga manwal ng titser at mga gabay sa pag-aaral ng mga estudyante ay makukuha sa LDS.org at sa Gospel Library para sa mga mobile device. Maaaring gamitin ng mga titser at mga estudyante ang mga online at mobile Notes at Journal tool para magmarka at magdagdag ng mga notes o tala sa mga online version ng mga manwal na ito sa paghahanda nila ng mga lesson at pag-aaral ng mga banal na kasulatan. Ang mga manwal ng titser at mga gabay sa pag-aaral ng mga estudyante ay maaaring i-download sa mga alternatibong format (tulad ng PDF, ePub, at mobi [Kindle] na mga file) sa LDS.org.

Mga Karagdagang Aytem

Ang mga sumusunod na resources ay makukuha online, sa iyong supervisor, sa mga lokal na distribution center ng Simbahan, at sa online store ng Simbahan (store.lds.org):