Seminaries and Institutes
Home-Study Lesson: Doktrina at mga Tipan 20–23 (Unit 6)


Home-Study Lesson

Doktrina at mga Tipan 20–23 (Unit 6)

Mga Materyal sa Paghahanda para sa Home-Study Teacher

Buod ng mga Daily Home-Study Lesson

Ang sumusunod na buod ng mga pangyayari, doktrina, at alituntunin na natutuhan ng mga estudyante sa pag-aaral nila ng Doktrina at mga Tipan 20–23 (unit 6) ay hindi nilayong ituro bilang bahagi ng iyong lesson. Ang lesson na iyong ituturo ay nakatuon lamang sa ilan sa mga doktrina at mga alituntuning ito. Sundin ang mga pahiwatig ng Banal na Espiritu habang iniisip mo ang mga pangangailangan ng iyong mga estudyante.

Day 1 (Doktrina at mga Tipan 20:1–36)

Binigyang-diin sa lesson na ito ang pagtawag ng Diyos kay Joseph Smith na itatag ang Simbahan ni Jesucristo. Ito ay nakatulong sa mga estudyante na maunawaan na ang paglabas ng Aklat ni Mormon ay katibayan ng katotohanan ng Panunumbalik. Natukoy rin ng mga estudyante ang mga pangunahing katotohanan tungkol sa katangian at pagkatao ng Panguluhang Diyos.

Day 2 (Doktrina at mga Tipan 20:38–67)

Napag-aralan ng mga estudyante ang mga tungkulin ng mga katungkulan sa priesthood at nalaman na kapag tumanggap ang mga anak na lalaki ng Ama sa Langit ng mas mataas na mga katungkulan sa priesthood, tumatanggap rin sila ng mas maraming responsibilidad at pagkakataong maglingkod sa iba. Napag-aralan din ng mga estudyante ang tungkol sa responsibilidad ng mga maytaglay ng priesthood na magsagawa ng mga ordenansa ng ebanghelyo at pangalagaan at paglingkuran ang mga miyembro ng Simbahan.

Day 3 (Doktrina at mga Tipan 20:37, 68–84)

Nalaman ng mga estudyante ang tungkol sa mga ordenansa ng binyag at ng sakramento. Upang kilalanin ng Diyos ang binyag, dapat itong isagawa ng isang taong mayhawak ng tamang awtoridad at gawin sa tamang paraan. Pinag-isipan din ng mga estudyante ang pangako na kung tapat sila sa kanilang mga tipan sa binyag at tumatanggap ng sakramento nang karapat-dapat, mapapasakanila sa tuwina ang Espiritu.

Day 4 (Doktrina at mga Tipan 21–23)

Sa pag-aaral ng mga estudyante tungkol sa mga pangyayaring naganap sa opisyal na pagtatatag ng Simbahan, napag-aralan nila ang mga sumusunod na katotohanan: Binigyang-inspirasyon ng Diyos si Joseph Smith na ipanumbalik ang Simbahan ni Jesucristo. Kung pakikinggan ng mga tao ang mga salita ng propeta, poprotektahan sila laban sa kaaway at tatanggap ng mga pagpapala ng langit. Ang binyag ay kailangang isagawa ng isang taong may awtoridad mula sa Diyos. Kapag hinangad nating paglingkuran ang Panginoon, makatatanggap tayo ng personal na patnubay mula sa Kanya at pagpapalain tayo ng Panginoon kapag sinunod natin ang payo Niya sa atin.

Pambungad

Ang Simbahan ay itinatag batay sa mga paghahayag ng Panginoon kay Propetang Joseph Smith. Ang lesson na ito ay nagbibigay-diin sa kahalagahan ng mga paghahayag ng Panginoon sa Kanyang mga propeta.

Mga Mungkahi sa Pagtuturo

Doktrina at mga Tipan 20–21

Itinatag ng Panginoon ang Kanyang Simbahan

Ihanda ang mga kalakip na larawan sa dalawang magkahiwalay na papel. Huwag ipakita sa mga estudyante ang mga larawan hanggang sa hindi mo pa nasusunod ang mga instruksyon sa ibaba.

random lines
outlines of squares

Sabihin sa mga estudyante na may ipapakita kang dalawang larawan sa kanila at susubukan nilang idrowing ang nakita nila. Ipaliwanag na ipapakita sa kanila ang bawat larawan nang isang segundo lamang, kaya dapat nilang tingnan ito nang mabuti. Ipakita sa kanila ang unang larawan, bigyan sila ng oras na magdrowing, at pagkatapos ay ipakita sa kanila ang pangalawang larawan at bigyan sila ng oras na magdrowing.

  • Alin sa mga larawan ang pinakamadaling idrowing?

Sabay na ipakita ang dalawang larawan. Ipaliwanag na may parehong bilang ng mga linya ang dalawang larawan.

  • Bakit mas madaling idrowing ang pangalawang larawan? (Ang labindalawang linya sa maayos na pagkakasunud-sunod ay mas madaling idrowing.)

  • Anong aral ang matututuhan natin sa pagdodrowing ng dalawang larawang ito?

Ipaliwanag na noong ipanumbalik ni Jesucristo ang Kanyang Simbahan, nagbigay Siya ng ilang paghahayag kung paano ito dapat itatag at kung sino ang dapat mamuno sa Simbahan.

  • Paano nagbibigay ng kaayusan ang propeta at 12 apostol sa Simbahan?

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 20:1–2; at ipabasa nang malakas sa isa pang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 21:1–3. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa at alamin ang isa sa mga unang hakbang na ginawa ni Jesucristo para magkaroon ng kaayusan sa Kanyang Simbahan.

  • Ayon sa mga talatang ito, ano ang ginawa ng Tagapagligtas para magkaroon ng kaayusan sa Kanyang Simbahan at tumulong sa pagtatatag nito? (Tinawag Niya si Joseph Smith bilang propeta, binigyan siya ng mga kautusan, at tinagubilinan kung paano itatag ang Simbahan.)

Ibuod ang mga sagot ng mga estudyante sa pagsulat sa pisara ng Iniutos ng Diyos kay Joseph Smith na ipanumbalik ang Kanyang Simbahan.

  • Sa inyong palagay, bakit kailangang magkaroon ng propeta sa panunumbalik ng Simbahan ni Jesucristo?

Sabihin sa mga estudyante na ibahagi kung paano nakatulong ang pag-aaral nila sa linggong ito para lalo pang pahalagahan si Joseph Smith at ang ginampanan niya sa pagpapanumbalik ng Simbahan ni Jesucristo. Ibahagi ang iyong patotoo na tumanggap si Joseph Smith ng paghahayag at utos na itatag ang Simbahan ng Panginoon at sa pamamagitan ni Joseph Smith naisaayos ng Panginoon ang Kanyang kaharian sa lupa.

Sabihin sa mga estudyante na basahin nang tahimik ang Doktrina at mga Tipan 21:5–6 at alamin ang tatlong pagpapalang ipinangako sa mga tatanggap ng mga salita ni Propetang Joseph Smith nang may pagtitiis at pananampalataya. Pagkatapos nilang magbasa, ipaliwanag na ang mga pangakong ito ay tatanggapin din ng mga sumusunod sa buhay na propeta.

  • Paano ninyo ibubuod ang mga ipinangakong pagpapala sa mga sumusunod sa mga salita ng propeta? (Ang sumusunod ay isang paraan para maipahayag ang alituntunin: Kung susundin natin ang mga salita ng propeta, mapoprotektahan tayo laban sa kaaway at tatanggap ng mga pagpapala ng langit.)

  • Bakit ang pagsunod (pagtanggap at pamumuhay) at hindi lamang basta pakikinig sa mga salita ng propeta ay mahalaga para matanggap ang mga pagpapalang ito?

  • Kailan kayo naprotektahan o ang isang kakilala ninyo laban sa kaaway dahil sa pagsunod sa mga salita ng buhay na propeta?

Sabihin sa mga estudyante na mag-isip ng isang turo ng buhay na propeta na kailangan nilang mas masunod o mas maipamuhay pa. Hikayatin silang gawin ang isang bagay na natutuhan nila ngayon.

Isulat sa pisara ang pariralang “Alam namin na …”.

Ipaalala sa mga estudyante na ang Doktrina at mga Tipan 20 ay binasa nang malakas sa ilang unang kumperensya ng Simbahan, na nagsilbing paalala sa mga miyembro ng bagong simbahan ng tungkol sa maraming mahahalagang katotohanan ng ebanghelyo ni Jesucristo. Hatiin ang mga estudyante sa apat na grupo. Sabihin sa bawat grupo na basahin ang isa sa mga sumusunod na scripture reference, at tukuyin ang mga doktrina na mailalagay sa ilalim ng heading na “Alam namin na …”

Matapos ang sapat na oras na mapag-aralan ng mga estudyante ang kanilang mga talata, sabihin sa kanila na ibahagi ang mga katotohanang natukoy nila. Sabihin sa isang estudyante na isulat niya sa pisara ang mga katotohanang ito na natukoy ng kanyang mga kaklase.

Maaaring kabilang sa mga katotohanang matutukoy ng mga estudyante ang mga sumusunod:

Ang Diyos ay walang katapusan at walang hanggan, at hindi nagbabago (talata 17).

Tayo ay nilikha sa larawan at sa wangis ng Diyos (talata 18).

Ibinigay ng Diyos ang Kanyang Bugtong na Anak upang ipako sa krus at bumangon muli (mga talata 21–23).

Kailangang magsisi ng lahat ng tao, maniwala kay Jesucristo, magpabinyag, at magtiis nang may pananampalataya upang maligtas (mga talata 25, 29).

Kapag natapos nang mailista ng mga estudyante ang mga katotohanang natuklasan nila sa mga talatang ito, sabihin sa kanila na pumili ng isa na makahulugan sa kanila at alam nila mismo na totoo. Anyayahan ang ilang estudyante na patotohanan ang katotohanang napili nila at ipaliwanag kung bakit mahalaga sa kanila ang katotohanang iyon.

Tapusin ang lesson sa pagbabahagi ng iyong patotoo tungkol sa mga katotohanang tinalakay ngayon at ang iyong pasasalamat dahil kabilang ka sa ipinanumbalik na Simbahan ng Panginoon.

Susunod na Unit (Doktrina at mga Tipan 24–29)

Paano kung may nakilala kayong tao na hindi propeta ngunit sinasabi niya na tumatanggap siya ng paghahayag para sa buong Simbahan? Sa susunod na unit, malalaman ng mga estudyante kung paano hinarap ni Propetang Joseph Smith ang problemang ito. Malalaman din nila ang tungkol sa ilan sa mga palatandaan ng Ikalawang Pagparito.