Lesson 79
Doktrina at mga Tipan 76:20–49
Pambungad
Sa unang bahagi ng pangitaing ipinakita kina Joseph Smith at Sidney Rigdon noong Pebrero 16, 1832, nakita nila ang kaluwalhatian ni Jesucristo at nagpatotoo tungkol sa Kanya. Nakita nila na iwinaksi si Satanas sa harapan ng Diyos sa premortal na buhay dahil sa paghihimagsik. Ipinakita rin sa kanila ang mga anak na lalaki ng kapahamakan at nalaman ang kahihinatnan sa kawalang hanggan ng mga tao na pinipiling sundin si Satanas.
Mga Mungkahi sa Pagtuturo
Doktrina at mga Tipan 76:20–24
Sina Joseph Smith at Sidney Rigdon ay nakakita ng pangitain tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo
Para sa devotional hymn, ipakanta sa klase ang “Buhay ang Aking Manunubos” (Mga Himno, blg. 78). Ang himnong ito ay makatutulong sa mga estudyante na madama ang kapangyarihan ng mga katotohanang matututuhan nila ngayon.
Simulan ang klase sa pagsasabi sa mga estudyante na isipin ang sumusunod na sitwasyon: Habang nasa klase sa paaralan, sinimulang talakayin ng inyong titser ang mga relihiyon sa mundo. Nagtanong ang titser kung may mga Kristiyano sa klase na handang magbahagi ng kanilang paniniwala tungkol kay Jesucristo.
-
Kung kayo ay nasa sitwasyong ito, ano ang sasabihin ninyo na pinaniniwalaan at alam ninyo tungkol kay Jesucristo?
Sabihin sa mga estudyante na tingnan ang diagram na natanggap nila sa nakaraang lesson, na nagsasaad ng pangitain na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 76. Ipaliwanag na sa lesson ngayon malalaman nila ang tungkol sa unang tatlong bahagi ng pangitaing ipinakita kina Joseph Smith at Sidney Rigdon. Sa unang bahagi ng pangitain, nakita nila ang Ama at ang Anak sa Kanilang kaluwalhatian. Isulat ang sumusunod na tatlong heading sa pisara:
Sabihin sa mga estudyante na isulat ang mga heading sa kanilang notebook o scripture study journal. Pagkatapos ay ipabasa sa kanila ang Doktrina at mga Tipan 76:20–24 nang tahimik at ilista ang mga salita o parirala mula sa mga talata sa ilalim ng angkop na heading. Pagkatapos ng sapat na oras, hilingin sa isang estudyante na pumunta sa pisara at siya ang magsulat. Sabihin sa klase na ibahagi ang mga salita o pariralang natukoy nila sa ilalim ng unang dalawang heading habang isinusulat ng estudyante ang mga ito sa ilalim ng angkop na heading sa pisara.
-
Anong mga doktrina ang itinuturo ng mga talatang ito tungkol kay Jesucristo? (Ipalista sa tagasulat na estudyante ang mga sagot ng klase sa pisara sa ilalim ng heading na Ang nalaman nila.)
Maaaring makatukoy ang mga estudyante ng iba-ibang doktrina, kabilang ang sumusunod: Si Jesucristo ay buhay, at may maluwalhating katauhan; ang Ama sa Langit at si Jesucristo ay magkahiwalay na katauhan; si Jesucristo ang Bugtong na Anak ng Ama; si Jesucristo ang Tagapaglikha ng daigdig na ito at ng iba pang mga daigdig; at tayo ay mga anak na lalaki at babae ng Diyos.
Tulungan ang mga estudyante na ibahagi ang kanilang nadama at patotoo hinggil sa mga katotohanang natukoy sa mga talata 20–24 sa pagpapasagot sa kanila ng isa sa mga sumusunod na tanong sa kanilang notebook o scripture study journal (isulat sa pisara ang mga tanong na ito):
Matapos ang sapat na oras na makapagsulat ang mga estudyante, ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang patotoo nina Joseph Smith at Sidney Rigdon sa D at T 76:22. Pagkatapos ay anyayahan ang sinumang estudyante na gustong magbahagi ng sarili nilang nadarama at patotoo tungkol sa nabuhay na mag-uling Tagapagligtas. Maaari mo ring ibahagi ang iyong patotoo tungkol sa Tagapagligtas.
Doktrina at mga Tipan 76:25–29
Nakita nina Joseph Smith at Sidney Rigdon ang pangitain tungkol sa pagbagsak ni Lucifer
Kung maaari, bigyan ang mga estudyante ng kopya ng sumusunod na quiz na sasagutan ng tama/mali, o isulat ang quiz sa pisara. Sabihin sa mga estudyante na isulat sa kanilang kopya o sa isang papel kung tama o mali ang bawat isa sa mga pahayag.
Matapos sagutin ng mga estudyante ang quiz, ipaliwanag na ang Doktrina at mga Tipan 76:25–29 ay naglalarawan sa pangitain na nakita nina Joseph Smith at Sidney Rigdon tungkol sa pagbagsak ni Lucifer. Sabihin sa mga estudyante na basahin nang tahimik ang mga talatang ito at baguhin ang kanilang mga sagot batay sa nabasa nila. Matapos matiyak ang kanilang mga sagot, rebyuhin ang bawat pahayag kasama ang buong klase, at sabihin sa mga estudyante na ipaliwanag ang kanilang mga sagot gamit ang natutuhan nila. Ang pahayag 1 ay tama (tingnan sa D at T 76:26). Ang pahayag 2 ay tama rin (tingnan sa D at T 76:25–27). Maaari mong ipaliwanag na ang ibig sabihin ng pangalang Lucifer ay nagdadala ng liwanag o kumikinang. Kilala rin siya bilang “anak ng umaga.” (Tingnan sa Bible Dictionary, “Lucifer”; Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Lucifer,” scriptures.lds.org.)
Kapag ipinaliwanag ng mga estudyante ang kanilang mga sagot sa pahayag 3, na ang sagot ay mali (tingnan sa D at T 76:25, 28), tulungan sila na maunawaan na si Satanas ay naghimagsik. Hangad niyang agawin ang luklukan ng Ama sa Langit at kunin ang Kanyang kapangyarihan, kaharian, at kaluwalhatian.
-
Ayon sa talata 25, ano ang ibinunga ng paghihimagsik ni Lucifer sa Ama sa Langit at kay Jesucristo? (Maaari mong ipasulat sa mga estudyante ang sumusunod na doktrina sa margin ng kanilang banal na kasulatan sa tabi ng talata 25: Sa premortal na buhay, naghimagsik si Lucifer laban sa Ama sa Langit at kay Jesucristo at siya ay iwinaksi.)
Matapos ipaliwanag ng mga estudyante ang kanilang mga sagot sa pahayag 4, na ang sagot ay mali (tingnan sa D at T 76:26), ipaliwanag na ang ibig sabihin ng Kapahamakan, na pangalang itinawag kay Lucifer, ay pagkawasak.
Kapag naipaliwanag na ng mga estudyante ang kanilang mga sagot sa pahayag 5, na ang sagot ay tama (tingnan sa D at T 76:29), maaari mong ipamarka sa kanila ang parirala sa talata 29 na nagtuturo na nakidigma si Satanas sa mga Banal ng Diyos.
-
Kailan nagsimula ang pakikidigmang ito kay Satanas? (Sa premortal na buhay o buhay bago tayo isinilang.) Anong mga salita sa talata 29 ang nagpapaliwanag na ang digmaang nagsimula sa langit ay nagpapatuloy sa mundo ngayon? Maaari mong ipaliwanag na ang ibig sabihin ng pinaligiran ay lubos na pinaliligiran o pinalilibutan.)
-
Paano nakikidigma si Satanas sa mga Banal ng Diyos ngayon?
Doktrina at mga Tipan 76:30–49
Nakita nina Joseph Smith at Sidney Rigdon ang pangitain tungkol sa mga pagdurusa ng mga anak na lalaki ng kapahamakan
-
Sa panahon ng digmaan, ano ang isang taksil o traidor?
Sabihin sa mga estudyante na basahin nang mabilis ang Doktrina at mga Tipan 76:30–32 at alamin ang mga taksil o traidor sa Tagapagligtas na ipinakita ng Panginoon kina Joseph Smith at Sidney Rigdon sa pangitain. Sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang nalaman nila. Sabihin sa ilang estudyante na magsalitan sa pagbasa nang malakas ng Doktrina at mga Tipan 76:30–35. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa at alamin ang mga pasiyang humahantong sa mga tao na maging mga anak na lalaki ng kapahamakan.
-
Anong mga pasiya ang humahantong sa pagiging anak na lalaki ng kapahamakan? (Pagpili o pasiya na sundin si Satanas, pagtatwa sa katotohanan, at paglaban sa kapangyarihan ng Diyos matapos malaman ito [tingnan sa D at T 76:31]; pagtakwil sa Banal na Espiritu matapos matanggap ito at pagtakwil sa Tagapagligtas [tingnan sa D at T 76:35].)
Nag-aalala kung minsan ang mga estudyante na ang mga mahal nila sa buhay na naging di-gaanong aktibo sa ebanghelyo ay mga anak na lalaki ng kapahamakan. Ipaliwanag na ang mga anak na lalaki ng kapahamakan ay iba sa mga miyembro ng Simbahan na may patotoo sa katotohanan noon pero naging hindi na aktibo sa ebanghelyo. Ang mga anak na lalaki ng kapahamakan ay nakagawa ng kasalanan na pagtatwa sa Espiritu Santo na kasalanang walang kapatawaran.
Itinuro ni Pangulong Spencer W. Kimball:
“Ang kasalanan laban sa Espiritu Santo ay nangangailangan ng napakalaking kaalaman kung kaya’t lubos na imposible para sa isang karaniwang miyembro ng Simbahan na magawa ang gayong kasalanan” (The Miracle of Forgiveness [1969], 123).
Sabihin sa ilang estudyante na magsalitan sa pagbasa nang malakas ng Doktrina at mga Tipan 76:36–38, 44-49. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa at alamin ang kalagayan ng mga anak na lalaki ng kapahamakan.
-
Paano ninyo ilalarawan ang pagdurusang mararanasan sa kawalang-hanggan ng mga anak na lalaki ng kapahamakan?
-
Ayon sa talata 37, anong uri ng kamatayan na ang mga anak na lalaki ng kapahamakan lamang ang makakaranas?
Ipaliwanag na ang mga anak na lalaki ng kapahamakan ay hindi matutubos mula sa ikalawang espirituwal na kamatayan at hindi magmamana ng isang kaharian ng kaluwalhatian matapos silang mabuhay na mag-uli. Sa halip, magdurusa sila nang walang-hanggan.
Ituro na sa kalagitnaan ng pangitain tungkol sa mga anak na lalaki ng kapahamakan, nalaman nina Joseph Smith at Sidney Rigdon ang isang katotohanan na nagbibibigay ng pag-asa. Para matulungan ang mga estudyante sa pagtukoy sa katotohanang ito, sabihin sa mga estudyante na ikuwento ang pinakamabuting balita na natanggap nila nitong nakaraang linggo. (Maaari mong ilahad ang ilang halimbawa ng mabubuting balita mula sa mga pahayagan o iba pang materyal.) Sabihin sa isang estudyante na basahin ang Doktrina at mga Tipan 76:39–43 nang malakas, at sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa at alamin ang ilang mabubuting balita na natanggap ng sanlibutan.
-
Anong mabubuting balita ang natanggap ng sanlibutan? (Maaari mong ipaliwanag na ang literal na ibig sabihin ng salitang ebanghelyo ay mabubuting balita.)
Upang matulungan ang mga estudyante na matukoy ang mga doktrinang itinuro sa Doktrina at mga Tipan 76:39–43, sabihin sa kanila na sumulat ng isang maikling headline sa kanilang notebook o scripture study journal na ibinubuod ang “mabubuting balita” na itinuro sa mga talatang ito. Pagkatapos ng sapat na oras na ibinigay sa mga estudyante, tawagin ang ilan na ibahagi ang mga headline nila sa klase. Matapos sumagot ang mga estudyante, maaari mong imungkahi na markahan nila ang mga parirala sa mga talata 39–43 na nagtuturo ng sumusunod na doktrina: Sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo, lahat ng mga anak ng Diyos maliban sa mga anak na lalaki ng kapahamakan ay magmamana ng lugar sa isang kaharian ng kaluwalhatian.
-
Bakit ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo ay “mabuting balita” para sa inyo?
Maaari mong tapusin ang lesson na ito sa pagbabahagi ng iyong sagot sa tanong na ito.