Home-Study Lesson
Ang Digmaan sa Utah at ang Masaker sa Mountain Meadows, ang Paglabas ng Mahalagang Perlas, Opisyal na Pahayag 1, at Doktrina at mga Tipan 138 (Unit 31)
Pambungad
Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maunawaan kung paano itinuro ang ebanghelyo sa mga espiritu sa daigdig ng mga espiritu. Matutulungan din nito ang mga estudyante na maunawaan kung paano sila magiging bahagi ng dakilang gawain ng kaligtasan para sa mga patay.
Mga Mungkahi sa Pagtuturo
Bago ituro ang lesson na ito tungkol sa Doktrina at mga Tipan 138, maaari mong itanong sa mga estudyante kung may mga tanong sila sa anumang pinag-aralan nila sa linggong ito. Halimbawa, maaaring may katanungan sila tungkol sa Masaker sa Mountain Meadows o Opisyal na Pahayag 1.
Doktrina at mga Tipan 138
Nalaman ni Pangulong Joseph F. Smith kung paano ipinangaral ang ebanghelyo sa daigdig ng mga espiritu
Sabihin sa mga estudyante na may iba’t ibang paniniwala ang mga tao sa iba’t ibang dako ng daigdig tungkol sa mangyayari sa atin pagkatapos nating mamatay. Itanong sa mga estudyante kung may nakilala na ba sila na isang tao na may ibang mga paniniwala hinggil sa mangyayari sa atin pagkatapos nating mamatay. Ipabahagi sa ilang estudyante ang kanilang mga karanasan. (Huwag magsalita nang masama o insultuhin ang mga paniniwala ng ibang relihiyon.)
-
Paano natin malalaman kung aling mga paniniwala tungkol sa kabilang buhay ang tama? (Maaari mong ipaliwanag na may ilan ding Banal sa mga Huling Araw ang hindi tama ang paniniwala tungkol sa kabilang buhay.)
Upang maragdagan ang mga sagot ng mga estudyante, ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang sumusunod na pahayag ni Elder D. Todd Christofferson ng Korum ng Labindalawang Apostol:
“Ang mga banal na kasulatan ay batong urian [pamantayan] sa pagsukat ng katumpakan at katotohanan” (“Ang Biyaya ng Banal na Kasulatan,” Ensign o Liahona, Mayo 2010, 34).
Patotohanan na malalaman natin ang katumpakan ng iba’t ibang paniniwala hinggil sa kabilang buhay sa pamamagitan ng pagkumpara ng mga paniniwalang iyon sa mga katotohanang inihayag ng Panginoon sa mga banal na kasulatan, tulad ng nasa Doktrina at mga Tipan 138.
Idrowing ang kalakip na diagram sa pisara. Maaari mong ipaliwanag nang maikli na sa ilang kaparaanan, maituturing ang buong daigdig ng mga espiritu na bilangguan ng mga espiritu dahil maging ang mabubuti ay itinuturing ang pagkahiwalay ng kanilang katawan bilang pagkagapos (tingnan sa D at T 138:49–50).
Upang matulungan ang mga estudyante na mabilis na marebyu ang mga katotohanang pinag-aralan nila sa bahagi 138, sabihin sa kalahati ng klase na hanapin sa Doktrina at mga Tipan 138:12–15, 22 ang mga detalye hinggil sa mga yaong mapupunta sa paraiso ng mga espiritu sa pagpanaw nila at ang mga kalagayang mararanasan nila roon. Sabihin sa natitirang kalahati ng klase na hanapin sa Doktrina at mga Tipan 138:20–22 ang mga detalye hinggil sa mga yaong mapupunta sa bilangguan ng mga espiritu sa pagpanaw nila at ang mga kalagayang mararanasan nila roon. Sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang nalaman nila.
Ipaliwanag na hindi lamang ang masasama at mapanghimagsik ang mapupunta sa bilangguan ng mga espiritu sa oras ng kanilang kamatayan, kundi pati ang mga nangamatay sa kanilang mga kasalanan nang walang kaalaman sa ebanghelyo (tingnan sa D at T 138:32). Ipaalala sa mga estudyante na habang pinagninilayan ni Pangulong Joseph F. Smith ang mga talata sa I Ni Pedro, inihayag ng Panginoon sa kanya kung paano magkakaroon ang mga tao sa bilangguan ng mga espiritu ng pagkakataong matanggap ang mga pagpapala ng ebanghelyo.
Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 138:29–32, at sabihin sa klase na alamin kung paano itinuturo ang ebanghelyo sa daigdig ng mga espiritu. Sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang nalaman nila. Dapat nilang matukoy ang isang bagay na katulad ng sumusunod na katotohanan: Sa ilalim ng pamamahala ni Jesucristo, itinuturo ng mabubuting sugo ang ebanghelyo sa mga naroon sa bilangguan ng mga espiritu.
Sa diagram sa pisara, magdrowing ng isang arrow mula sa paraiso ng mga espiritu papuntang bilangguan ng mga espiritu para ilarawan ang mabubuting sugo ng Panginoon na ipinangangaral ang ebanghelyo sa bilangguan ng mga espiritu.
Ibuod ang Doktrina at Tipan 138:33–37 na ipinapaliwanag na lahat ng anak ng Ama sa Langit ay magkakaroon ng pagkakataong tanggapin ang mga alituntunin at mga ordenansa ng ebanghelyo ni Jesucristo, sa lupa o sa daigdig man ng mga espiritu.
Upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan kung paano maririnig ng lahat ang ebanghelyo, ipaliwanag na bagama’t sandali lang binisita ng Tagapagligtas ang daigdig ng mga espiritu pagkatapos ng Kanyang kamatayan, inihanda Niya ang mabubuting espiritu upang ipangaral ang ebanghelyo sa mga yaong nasa bilangguan ng mga espiritu. Patuloy pa rin ang gawaing ito ngayon. Kapag namatay ang mga tao na hindi narinig o tinanggap ang ebanghelyo sa ating panahon, magkakaroon din sila ng pagkakataon na marinig at tanggapin ang ebanghelyo sa daigdig ng mga espiritu.
Ipaalala sa mga estudyante na sa Doktrina at mga Tipan 138:38–49, binanggit ni Pangulong Joseph F. Smith ang mga pangalan ng marami sa mga “dakila at makapangyarihan[g]” espiritu na nakita niya sa daigdig ng mga espiritu na naghihintay sa pagdalaw sa kanila ng Tagapagligtas pagkatapos ng Kanyang kamatayan sa krus. Ang ilan sa mga espiritu na dinalaw ng Tagapagligtas ay ang mga propeta sa Lumang Tipan at sa Aklat ni Mormon. Simula sa talata 53, nabasa natin na nakita rin ni Pangulong Smith ang mga piling espiritu na darating sa huling dispensasyon, kabilang si Propetang Joseph Smith (kanyang tiyo) at si Hyrum Smith (kanyang ama).
Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 138:53–56. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa at alamin kung paano nakatulong ang mga indibiduwal na ito habang narito sila sa lupa para sa kaligtasan ng mga yaong nasa bilangguan ng mga espiritu.
-
Paano tinulungan ng mga lider ng Simbahan sa mga huling araw ang mga espiritu na nasa bilangguan?
Kapag nalaman na ng mga estudyante na tumutulong ang mga propeta sa mga huling araw sa pagtubos ng mga patay sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga templo at pagsasagawa ng mga ordenansa sa templo para sa mga patay, maglagay o magdrowing ng larawan ng templo sa tabi ang diagram sa pisara.
Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 138:58–59. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa at alamin ang dapat gawin ng mga patay upang matubos. Sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang nalaman nila.
-
Ano ang mangyayari sa mga yaong nagsisi sa daigdig ng mga espiritu? (Maaaring iba-iba ang gamiting salita ng mga estudyante, ngunit dapat nilang matukoy ang sumusunod na doktrina: Ang mga espiritung nagsisi ay matutubos sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ordenansa ng templo, malilinis sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala, at tatanggap ng kanilang gantimpala.)
-
Paano tayo makatutulong sa gawain ng kaligtasan para sa mga patay habang narito tayo sa lupa? (Sa pamamagitan ng pagkumpleto ng gawain sa family history at pakikibahagi sa mga ordenansa sa templo para sa mga patay.)
Ituro ang larawan ng templo sa pisara. Magpatotoo na kapag pumupunta tayo sa templo para magsagawa ng mga ordenansa para sa mga yaong namatay na, tinutulungan natin sila—kung pipiliin nilang tanggapin ang mga ordenansa—na matubos mula sa bilangguan ng mga espiritu at makasama ang mabubuting espiritu sa paraiso.
Sa diagram sa pisara, magdrowing ng isang arrow mula sa bilangguan ng mga espiritu patungo sa paraiso ng mga espiritu upang sumagisag sa pagtubos ng mga nagsising espiritu mula bilangguan ng mga espiritu.
-
Paano makaiimpluwensya sa inyo ang kaalamang ito sa pakikibahagi ninyo sa gawain sa templo at sa family history?
-
Paano kayo napagpala sa pakikibahagi sa gawain sa family history at sa templo? (Maaari ka ring magbahagi ng sarili mong karanasan.)
Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 138:60. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa at alamin ang patotoo ni Pangulong Joseph F. Smith sa mga katotohanang itinala niya.
Hikayatin ang mga estudyante na mag-iskedyul ng oras para makatulong sa gawain sa family history o sa templo sa susunod na ilang linggo.
Tapusin ang lesson sa pagpapatotoo sa Panginoong Jesucrito at sa mga pagpapala ng Pagbabayad-sala na nakalaan para sa mga buhay at sa mga patay.
Susunod na Unit (Mga Organisasyon at mga Programa ng Simbahan, Opisyal na Pahayag 2, Pagpapabilis sa Gawain ng Kaligtasan, ang Pagpapahayag sa Mag-anak, at ang Buhay na Propeta)
Itanong sa mga estudyante kung paano nila nalaman na ginagabayan ng Panginoon ang Kanyang Simbahan ngayon. Bakit mahalagang magkaroon ng buhay na propeta? Bakit mahalaga ang mga pamilya? Ipahanap sa mga estudyante ang mga sagot sa mga tanong na ito sa pag-aaral nila ng mga lesson sa susunod na linggo.