Library
Pambungad sa mga Pangunahing Doktrina


Pambungad sa mga Pangunahing Doktrina

Dapat mabigyang-diin sa seminary ang mga sumusunod na Pangunahing Doktrina:

  • Panguluhang Diyos

  • Plano ng Kaligtasan

  • Pagbabayad-sala ni Jesucristo

  • Dispensasyon, Apostasiya, at Panunumbalik

  • Mga Propeta at Paghahayag

  • Ang Priesthood at mga Susi ng Priesthood

  • Mga Ordenansa at mga Tipan

  • Pag-aasawa at Pamilya

  • Mga Kautusan

Dapat tulungan ng mga titser ang mga estudyante na matukoy, maunawaan, maniwala, maipaliwanag, at maipamuhay ang mga pangunahing doktrinang ito ng ebanghelyong sa kanilang pag-aaral ng mga banal na kasulatan. Ang paggawa nito ay makatutulong sa mga estudyante na mapalakas ang kanilang patotoo at madagdagan ang kanilang pagpapahalaga sa ipinanumbalik na ebanghelyo ni Jesucristo. Ang kaalaman sa mga Pangunahing Doktrina ay makatutulong din sa mga estudyante na maging mas handa na ipamuhay ang ebanghelyo at ituro ang mahahalagang katotohanang ito sa iba. Ang mga lesson sa manwal na ito ay nilikha nang isinasaalang-alang ang mga Pangunahing Doktrina. Mahalagang maunawaan na ang iba pang mahahalagang doktrina ng ebanghelyo ay mabibigyang-diin din sa manwal na ito, kahit na hindi nakalista ang mga ito sa mga Pangunahing Doktrina. Ang pagtuturo ng mga pangunahing doktrina ay nagaganap kapag pinag-aaralan mo ang mga banal na kasulatan araw-araw kasama ang mga estudyante at kapag tinutulungan mo silang matutuhan ang mahahalagang scripture passage. Ang pag-unlad sa pag-unawa, paniniwala, at pagsasabuhay ng mga Pangunahing Doktrina ay isang proseso na nagaganap sa apat na taon ng seminary at nagpapatuloy sa buong buhay ng estudyante. Maaari mong bigyan ang mga estudyante ng listahan ng mga Pangunahing Doktrina.

Assessment para sa Pangunahing Doktrina

Ang Assessment para sa mga Pangunahing Doktrina ay nilayon para magbigay sa mga titser ng impormasyon na magagamit nila para mas mapagpala ang buhay ng kanilang mga estudyante. Hinihikayat namin ang mga titser na ibigay ang assessment na ito sa unang linggo ng klase at ibigay muli sa pagtatapos ng taon. Upang mahanap ang Assessment para sa mga Pangunahing Doktrina at ang iba pang mga assessment sa website ng S&I (si.lds.org), mag-search gamit ang key word na assessment.

Ang mga titser na ipinapadala ang resulta ng assessment ng kanilang mga estudyante sa S&I Office of Research ay makatatanggap ng report na makatutulong sa kanila na iangkop ang kanilang pagtuturo para mas matugunan ang mga pangangailangan ng kanilang mga estudyante. Halimbawa, kung ipinakita ng mga resulta na hindi nauunawaan ng mga estudyante ang doktrina ng pagsisisi, ilang mga lesson sa taunang kurikulum ang matutukoy na maaaring makatulong sa mga estudyante na mas maunawaan ang doktrinang ito. Kapag mapanalanging ginagamit ng mga titser ang impormasyong ito sa kanilang pagtuturo ng banal na kasulatan ayon sa pagkakasunud-sunod, ang ating mga kabataan at mga young adult ay mas magiging handa para maisakatuparan ang Layunin ng Seminaries and Institutes of Religion.