Library
Home-Study Lesson: II Kay Timoteo 1–Sa Mga Hebreo 4 (Unit 27)


Home-Study Lesson

II Kay Timoteo 1Sa Mga Hebreo 4 (Unit 27)

Mga Materyal sa Paghahanda para sa Home-Study Teacher

Buod ng mga Daily Home-Study Lesson

Ang sumusunod na buod ng mga pangyayari, doktrina, at alituntunin na natutuhan ng mga estudyante sa pag-aaral nila ng II Kay Timoteo 1Sa Mga Hebreo 4 (unit 27) ay hindi nilayong ituro bilang bahagi ng iyong lesson. Ang lesson na iyong itinuturo ay nakatuon lamang sa ilan sa mga doktrina at mga alituntuning ito. Sundin ang mga panghihikayat ng Espiritu Santo habang iniisip mo ang mga pangangailangan ng iyong mga estudyante.

Day 1 (II Kay Timoteo)

Sa sulat na ito ni Pablo kay Timoteo, natutuhan ng mga estudyante ang mga sumusunod na katotohanan: Kapag masigasig nating hinangad na mapasaatin ang Espiritu, madadaig natin ang takot at hindi mahihiyang magpatotoo tungkol kay Cristo. Kapag tayo ay nagsisi at nanatiling tapat sa Panginoon, matutulungan natin ang iba at ang ating sarili na magtamo ng kaligtasan sa pamamagitan ni Jesucristo. Kapag nilinis natin ang ating sarili sa kasamaan, higit nating mapaglilingkuran ang Panginoon. Kung mananatili tayong tapat sa inaasahan sa atin ng Panginoon, tatanggap tayo ng putong ng kabutihan. Natututuhan din ng mga estudyante ang tungkol sa mga panganib sa ating panahon at ang kahalagahan ng mga banal na kasulatan.

Day 2 (Tito)

Sa pag-aaral ng mga estudyante ng sulat ni Pablo kay Tito, na isang lider ng Simbahan sa Creta, nalaman nila na kapag kumapit tayo nang mahigpit sa salita ng Diyos, magagamit natin ang totoong doktrina para hikayatin ang iba na ipamuhay ang ebanghelyo ni Jesucristo at pabulaanan ang mga kumakalaban dito. Hinikayat ni Pablo ang mga disipulo ni Jesucristo na maging mabuting halimbawa sa iba. Nagpatotoo rin siya na inialay ni Jesucristo ang Kanyang sarili para sa atin upang tayo ay matubos Niya at dalisayin.

Day 3 (Filemon)

Sa pag-aaral ng hiling ni Pablo kay Filemon na ituring na kapatid sa ebanghelyo ang takas na alipin na bagong miyembro, natutuhan ng mga estudyante na tayo ay magkakapatid sa ebanghelyo. Natutuhan din nila na ang mga disipulo ay nakadarama ng awa at nagpapatawad sa kapwa.

Day 4 (Sa Mga Hebreo 1–4)

Sa pag-aaral ng mga estudyante ng sulat ni Pablo sa mga Hebreo, natutuhan nila ang ilang doktrina tungkol sa Tagapagligtas, pati na ang Kanyang tungkulin bilang Tagapaglikha at ang Kanyang pagiging kawangis ng Ama sa Langit. Ang mga doktrinang ito ang gumabay sa mga estudyante na malaman ang katotohanan na si Jesucristo ang May Gawa ng ating kaligtasan. Natutuhan din nila na dahil si Jesucristo ay nagdusa at tinukso sa lahat ng bagay, nauunawaan Niya tayo nang lubos at matutulungan sa oras ng pangangailangan.

Pambungad

Ang lesson na ito ay naglalahad ng mga panganib na ipinropesiya ni Pablo na magaganap sa mga huling araw gayundin sa kanyang panahon. Tinagubilinan ni Pablo si Timoteo at ang mga mambabasa sa hinaharap na manatiling tapat, kahit sa gitna ng mga panganib, sa mga katotohanang natutuhan nila at gamitin ang mga banal na kasulatan bilang mapagkukunan ng pang-unawa, pagtutuwid, at tagubilin.

Mga Mungkahi sa Pagtuturo

II Kay Timoteo 3

Inilarawan ni Pablo ang mapanganib na panahon sa mga huling araw

Bago magklase, sabihin sa unang dalawa o tatlong estudyante na dumating na magdrowing sa pisara ng tig-iisang mapanganib o delikadong sitwasyon. Kapag nagsimula na ang klase, itanong sa mga estudyante ang sumusunod:

  • Anong mga salita ang gagamitin ninyo para ilarawan ang mga sitwasyong nakadrowing sa pisara?

Ipaliwanag na bilang bahagi ng kanyang Ikalawang Sulat kay Timoteo, ipinropesiya ni Pablo ang mga kalagayan sa kanyang panahon at sa atin. Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang II Kay Timoteo 3:1. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, na inaalam kung paano inilarawan ni Pablo ang panahon natin ngayon.

  • Paano inilarawan ni Pablo ang panahon natin ngayon? (Kung kailangan, ipaliwanag na ang ibig sabihin ng salitang mapanganib ay delikado o peligroso.)

  • Anu-ano ang ilan sa mga panganib sa moralidad at espirituwalidad ang nakikita ninyo sa ating panahon?

handout iconPagpartner-partnerin ang mga estudyante. Bigyan ang bawat magkapartner ng isang kopya ng sumusunod na chart. Ipabasa sa bawat magkapartner ang II Timoteo 3:2–7 at sagutin ang mga tanong sa chart.

handout

II Kay Timoteo 3:2–7

Manwal ng Bagong Tipan para sa Seminary Teacher—Home-Study Lesson (Unit 27)

Ano ang ilang halimbawa ng mga kalagayan sa mga huling araw na inilarawan ni Pablo?

Alin sa mga kalagayang ito ang nakikita na ninyo sa ating panahon? (Tumukoy ng dalawa o tatlo sa mga ito.) Bakit napakamapanganib ng mga kalagayang ito?

Pagkatapos ng sapat na oras, sabihin sa mga estudyante na ireport sa klase kung paano nila sinagot ang mga tanong sa chart, pati na ang tanong na kung bakit lubhang mapanganib ang mga kalagayang ito.

Sabihin sa mga estudyante na pagnilayan kung nag-aalala ba sila na maaapektuhan sila ng ilan sa mga panganib na binanggit ni Pablo sa mga talatang pinag-aralan nila.

  • Ayon sa katapusan ng II Kay Timoteo 3:5, ano ang hinikayat ni Pablo na gawin ni Timoteo na makatutulong din sa atin sa panahong ito? (Dapat tayong lumayo sa kasamaan.)

Ipaliwanag na kahit matindi ang mga nakababahalang kalagayang ito, makahahanap tayo ng tulong at proteksyon. Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang II Kay Timoteo 3:14–15. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, na inaalam kung ano ang itinuro ni Pablo na makatutulong sa atin na lumayo sa mga panganib na ito.

  • Ano ang itinuro ni Pablo tungkol sa paglaban sa mga panganib na inilarawan niya?

  • Ano sa palagay ninyo ang ibig sabihin sa talata 14 ng “manatili ka sa mga bagay na iyong pinagaralan at sa pinagkaroonan mo ng katunayan”?

Sabihin sa mga estudyante na tukuyin ang alituntunin sa II Kay Timoteo 3:14–15 tungkol sa kung paano makakayang harapin ang mga espirituwal na panganib sa mga huling araw. (Matapos sumagot ang estudyante, isulat sa pisara ang sumusunod: Kung mananatili tayo sa mga katotohanang natutuhan natin mula sa mapagkakatiwalaang sources at sa mga banal na kasulatan, makakaya nating harapin ang espirituwal na panganib sa mga huling araw.)

  • Paano makatutulong sa atin ang magtiwala sa mga banal na kasulatan at sa mga katotohanang natutuhan natin para makayang harapin ang mga panganib sa ating panahon?

  • Kailan ninyo pinili na magtiwala sa mga katotohanang natutuhan ninyo? Paano kayo napagpala sa paggawa nito? (Maaari mong ipasagot sa mga estudyante ang mga tanong na ito sa kanilang scripture study journal o notebook, at pagkatapos ay anyayahan ang ilang estudyante na ibahagi sa klase ang isinulat nila.)

Ipaalala sa mga estudyante na ang II Kay Timoteo 3:15–17 ay isang scripture mastery passage. Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang II Kay Timoteo 3:15–17, at sabihin sa klase na alamin ang itinuro ni Pablo tungkol sa mga banal na kasulatan. Maaari mong imungkahi sa mga estudyante na markahan ang nalaman nila.

  • Ano ang itinuro ni Pablo tungkol sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan na makatutulong sa ating buhay? (Tulungan ang mga estudyante na matukoy ang sumusunod na alituntunin: Sa pag-aaral natin ng mga banal na kasulatan, matututo tayo ng doktrina at makatatanggap tayo ng pagtutuwid at tagubilin na tutulong sa ating umunlad tungo sa pagiging perpekto. Isulat sa pisara ang alituntuning ito.)

Sabihin sa mga estudyante na isipin ang pagkakataon kung kailan ang mga banal na kasulatan—marahil isang talata na napag-aralan nila sa Bagong Tipan—ay nakatulong sa kanila sa isa sa mga sumusunod na paraan:

  1. Sa pag-unawa sa mga doktrina ng ebanghelyo

  2. Sa pagtutuwid hinggil sa isang bagay sa kanilang pag-iisip, pagpili, o asal na hindi tama

  3. Sa pagbibigay ng sagot sa panalangin o gabay sa paglutas ng problema

Bigyan ang mga estudyante ng sapat na oras na umisip ng mga karanasan, at pagkatapos ay anyayahan ang ilang estudyante na ibahagi sa klase ang naisip nila.

  • Iniisip ang natutuhan natin tungkol sa kahalagahan ng mga banal na kasulatan, sa inyong palagay, bakit tayo hinihikayat na pag-aralan ang mga ito araw-araw?

Bigyan ang mga estudyante ng kopya ng sumusunod na pahayag ni Elder Richard G. Scott ng Korum ng Labindalawang Apostol. Ipabasa ito nang malakas sa isang estudyante, at sabihin sa klase na alamin ang payo at pangako ni Elder Scott hinggil sa pag-aaral ng banal na kasulatan.

Elder Richard G. Scott

“Huwag magpadala sa kasinungalingan ni Satanas na wala kayong oras na pag-aralan ang mga banal na kasulatan. Magpasiyang gumugol ng oras na pag-aralan ito. Ang pagpapakabusog sa salita ng Diyos bawat araw ay mas mahalaga kaysa pagtulog, pag-aaral, pagtatrabaho, mga palabas sa telebisyon, video games, o social media. Maaari ninyong kailanganin na muling ayusin ang inyong mga prayoridad para makapaglaan ng oras sa pag-aaral ng salita ng Diyos. Kung gayon, gawin ito!

“… Kapag naglaan kayo ng oras araw-araw, nang personal at kasama ang inyong pamilya, sa pag-aaral ng salita ng Diyos, mananaig ang kapayapaan sa inyong buhay” (“Unahin Ninyong Manampalataya,”Ensign o Liahona, Nob. 2014, 93).

Magpatotoo tungkol sa kaligtasan at kapayapaang dumarating sa mga taong nananatili sa mga katotohanang natatagpuan sa mga banal na kasulatan.

Sabihin sa mga estudyante na tupiin sa tatlo ang isang papel para makagawa ng tatlong column. Sabihin sa kanila na alisin sa pagkatupi ang papel at isulat ang Doktrina sa itaas ng unang column Pagsansala at pagtutuwid sa itaas ng ikalawang column, at Ikatututo na nasa katuwiran sa itaas ng ikatlong column.

Sabihin sa mga estudyante na gamitin ang papel na ito bilang bookmark sa kanilang mga banal na kasulatan nang isang linggo, at magsulat sa naaangkop na column sa tuwing makakabasa sila ng mga banal na kasulatan na tumutugon sa isa mga layuning ito. Halimbawa, sa ilalim ng heading na “Doktrina,” maaaring isulat ng mga estudyante ang reperensya ng banal na kasulatan at ang doktrina o alituntunin na natutuhan nila mula sa reperensyang iyon. Sa ilalim ng heading na “Pagsansala at pagtutuwid,” maaari nilang isulat ang reperensya ng banal na kasulatan at kung paano itinutuwid ng talata ang mga maling ideya. At sa ilalim ng “Ikatututo na nasa katuwiran,” maaari nilang isulat ang mga talata na nagsasabi sa kanila ng mabubuting bagay na magagawa nila.

Hikayatin ang mga estudyante na dalhin sa klase ang kanilang mga papel sa isang linggo para maibahagi ang kanilang mga karanasan. Maaari kang maglagay ng tanda sa iyong mga banal na kasulatan o manwal na magpapaalala sa iyo na magkaroon ng maikling talakayan tungkol sa kung paano nila ipinamumuhay ang scripture mastery passage na ito.

Susunod na Unit (Sa Mga Hebreo 5Santiago 1)

Hikayatin ang mga estudyante na alamin ang mga sagot sa mga sumusunod na tanong sa pag-aaral nila ng susunod na unit: Paano tinatawag sa priesthood ang mga kabataang lalaki? Sino ang binanggit sa Sa Mga Hebreo na may malaking pananampalataya? Nakikilala ba ninyo ang sinuman sa kalalakihan at kababaihang pinag-aralan ninyo sa unit na ito? Anong talata sa banal na kasulatan ang naghikayat kay Joseph Smith na “humingi sa Dios,” na humantong sa Unang Pangitain? Ano ang dalisay na relihiyon?