Mga Aktibidad para sa Scripture Mastery
Pambungad
Ang bahaging ito ay nagbibigay ng ilang ideya na magagamit mo para matulungan ang mga estudyante na maisaulo at maunawaan ang mahahalagang scripture passage. Kapag tinulungan at hinikayat mo ang mga estudyante na matamo ang mga kakayahang ito, tinutulungan mo sila na maging self-reliant sa kanilang pag-aaral ng mga banal na kasulatan. Magagamit ng mga estudyante ang mga mastery skill na ito sa kanilang buong buhay para mas mahanap, maunawaan, maipamuhay, at maisaulo ang mga talata sa mga banal na kasulatan. Ang mga ideya sa pagtuturo para sa bawat elemento ng scripture mastery ay nakalista sa ibaba. Ang paggamit sa iba’t ibang uri ng mga aktibidad na ito ay makatutulong sa mga estudyante na mas maisaulo at maunawaan ang mga scripture passage.
Mga Aktibidad na Tutulong sa mga Estudyante na Mahanap ang mga Scripture Mastery Passage
Pagmamarka ng mga Scripture Passage
Ang pagmamarka ng mga scripture mastery passage ay makatutulong sa mga estudyante na maalala ang mga ito at mahanap ito nang mas mabilis. Maaaring hikayatin ang mga estudyante na markahan ang mahahalagang scripture passage na ito sa kanilang mga banal na kasulatan sa paraang naiiba ang mga ito mula sa iba pang scripture passage na minamarkahan nila.
Alamin ang mga Aklat
Ang pagsasaulo sa mga pangalan at pagkakasunod-sunod ng mga aklat sa Bagong Tipan ay makatutulong sa mga estudyante na mas mabilis na mahanap ang mga scripture mastery passage. Ang sumusunod ay ilang halimbawa ng mga aktibidad na makatutulong sa mga estudyante na mas maging pamilyar sa mga aklat sa Bagong Tipan:
-
Hanapin ang Talaan ng mga Nilalaman 0 Table of Contents—Tulungan ang mga estudyante na maging pamilyar sa talaan ng mga nilalaman o table of contents ng Biblia para matulungan silang mahanap ang mga aklat kung saan matatagpuan ang mga scripture mastery reference.
-
Kumanta—Palitan ang mga titik ng isang pamilyar na himno o kanta sa primary ng mga pangalan ng mga aklat sa Bagong Tipan. Ituro sa iyong mga estudyante ang kanta (o gamitin ang kantang “The Books in the New Testament” [Children’s Songbook, 116–17]). Ipakanta ito nang paminsan-minsan sa mga estudyante sa buong taon para matulungan silang matandaan ang mga pangalan at ang pagkakasunud-sunod ng mga aklat sa Bagong Tipan.
-
Gamitin ang mga Unang Titik—Isulat sa pisara ang mga unang titk ng mga aklat (M, M, L, J, at iba pa). Ipapraktis sa mga estudyante ang pagsabi sa mga pangalan ng mga aklat na tugma sa bawat titik. Ulitin ang aktibidad na ito hanggang maisaulo at mabigkas na nila ang mga aklat.
-
Book Chase—Sabihin nang malakas ang isa sa mga aklat kung saan matatagpuan ang isang scripture mastery passage, at ipabuklat sa mga estudyante ang kanilang mga banal na kasulatan sa kahit anong pahina ng aklat na iyon. Orasan kung gaano katagal mahanap ng buong klase ang bawat aklat. Maaaring ulitin ang aktibidad na ito para maging mas mahusay ang mga estudyante sa pag-alaala at paghahanap ng mga aklat sa Bagong Tipan.
Pag-alaala sa mga Reperensya at Nilalaman
Kapag nalaman ng mga estudyante ang lokasyon at nilalaman ng mga scripture mastery passage, matutulungan sila ng Espiritu Santo na maalala ang mga scripture reference kapag kinakailangan (tingnan sa Juan 14:26). Ang mga key word o mahahalagang salita o mga kataga, tulad ng “ipanganak ng tubig at ng Espiritu” (Juan 3:5) at “ang bunga ng Espiritu” (Mga Taga Galacia 5:22–23), ay makatutulong sa mga estudyante na maalala ang nilalaman at turo tungkol sa doktrina ng bawat scripture passage. Ang mga sumusunod na pamamaraan ay makatutulong sa mga estudyante na maiugnay ang mga scripture mastery reference sa nilalaman o mga key word ng mga ito. (Maaari mong ipagpaliban ang mga aktibidad na may kompetisyon, pabilisan, o inoorasan hanggang sa huling bahagi ng taon, matapos maipakita ng mga estudyante na alam na nila kung saan mahahanap ang mga scripture mastery passage. Ang mga gayong aktibidad ay makatutulong sa kanila na madagdagan ang anumang natutuhan nila.)
-
Mga Reperensya at mga Key Word—Hikayatin ang mga estudyante na isaulo ang mga reperensya at mga key word ng bawat scripture mastery passage na nakalista sa mga scripture mastery card. (Maaaring umorder online ng mga scripture mastery card sa store.lds.org. Maaari mo ring pagawin ang mga estudyante ng kanilang sariling mga scripture mastery card.) Bigyan ng oras ang mga estudyante na pag-aralan ang mga card kasama ang isang partner at pagkatapos ay bigyan ng quiz ang isa’t isa. Hikayatin ang mga estudyante na maging malikhain sa paraan ng pag-aaral nila at pagbibigay ng quiz sa isa’t isa. Habang nagiging mas mahusay sila sa mga scripture mastery passage, maaari mong anyayahan sila na gumamit ng mga clue na kinabibilangan ng konteksto o pagsasabuhay ng mga doktrina at mga alituntunin mula sa mga scripture passage. Ang taong binibigyan ng quiz ay maaaring sumagot nang pasalita o maaaring isulat ito.
-
Mga Scripture Mastery Card—Ang aktibidad na ito ay magagamit upang maituro o marebyu ang isang set ng mga scripture mastery passage. Pumili ng ilang scripture mastery card, at maghanda na ipamahagi ito sa iyong mga estudyante. (Siguraduhin na marami kang kopya ng bawat card para mas maraming estudyante ang makatanggap ng magkakaparehong scripture mastery passage. Maaaring gustuhin mong magkaroon ng sapat na mga card para sa bawat estudyante para magkaroon sila ng dalawa o tatlong magkakaibang scripture passage.) Ipamigay ang mga ito sa klase. Bigyan ng oras ang mga estudyante na mapag-aralan ang scripture mastery passage, ang reperensya, ang mga key word o mahahalagang salita, ang konteksto, ang doktrina o alituntunin, at mga application idea o mga ideya para sa pagsasabuhay sa bawat card. Magbigay ng ilang clue mula sa bawat card (halimbawa, mga salita mula sa scripture mastery passage o ang mga key word, konteksto, doktrina o alituntunin, o mga ideya para sa pagsasabuhay). Ang mga estudyante na may kaugnay na card ay dapat tumayo at sabihin nang malakas ang scripture mastery reference.
-
Scripture Chase—Gumamit ng mga clue na tutulong sa mga estudyante na mabilis na mahanap ang mga talata sa kanilang mga banal na kasulatan. Para sa mga clue, maaari kang gumamit ng mga key word o mahahalagang salita, mga konteksto, mga doktrina at mga alituntunin, at mga ideya para sa pagsasabuhay mula sa mga scripture mastery card. Maaari ka ring gumawa ng sarili mong mga clue. Ang scripture chase ay ang pag-uunahan ng mga estudyante na mahanap ang mga talata sa mga banal na kasulatan na makatutulong sa kanilang makibahagi nang aktibo sa pag-aaral ng scripture mastery passages. Kapag ginagawa ang aktibidad na scripture chase para makatulong sa scripture mastery, gawin ito sa paraang walang magdaramdam o magpapalayo sa Espiritu. Tulungan ang mga estudyante na igalang at ingatan ang kanilang mga banal na kasulatan o huwag masyadong makipagkumpetensya o makipagmataasan. Maaari mo ring sabihin sa mga estudyante na magpaligsahan para humusay sa halip na kalabanin ang isa’t isa. Halimbawa, maaaring makipag-unahan sa kanilang titser ang mga estudyante, o hayaan silang magpabilisan upang makita kung ilang porsiyento ng klase ang makahahanap ng isang scripture passage sa itinakdang oras.
-
Story Chase—Magbigay ng mga clue sa pamamagitan ng paggawa ng mga sitwasyon na nagpapakita ng kahalagahan ng mga scripture mastery passage sa buhay araw-araw. Halimbawa, bilang clue para sa Mateo 28:19–20 o Mga Taga Filipos 4:13, maaari mong sabihin, “Si Daniel ay maaaring maglingkod ng mission at nadarama niya na tungkulin niya sa priesthood na gawin ito, pero nag-aalala siya na wala siyang sapat na kaalaman para mahusay na maituro ang ebanghelyo. Nag-alala rin siya na magiging mahirap para sa kanya na makipag-usap sa mga taong hindi niya kilala. Habang nagdarasal siya na mapanatag, naalala niya na matapos mabuhay na muli ni Jesucristo, inatasan Niya ang Kanyang mga Apostol na ‘Magsiyaon nga kayo at [turuan] ang lahat ng mga bansa’ at na ang Panginoon ay lagi nilang makakasama. Naisip din ni Daniel ang sinabi ni Pablo, ‘Lahat ng mga bagay ay aking magagawa sa pamamagitan ni Cristo na nagpapalakas sa akin.’” Kapag napakinggan na ng mga estudyante ang mga sitwasyon, sabihin sa kanila na maghanap ng nauugnay na mga scripture mastery passage sa kanilang mga banal na kasulatan.
-
Mga Quiz at mga Pagsusulit—Bigyan ng pagkakataon ang mga estudyante na masubukan ang kanilang kakayahan sa pagsasaulo ng mga scripture mastery passage. Maaaring kasama sa mga clue ang mga key word o scripture reference, sipi mula sa mga scripture passage, o mga sitwasyon na nagpapakita ng mga katotohanang itinuro sa mga scripture passage. Puwedeng sabihin, isulat sa pisara, o isulat sa papel ang mga quiz at pagsusulit. Kapag natapos ang mga estudyante sa quiz o pagsusulit, isiping ipartner ang mga estudyante na mataas ang puntos sa mga estudyante na may mas mababang puntos. Maaaring maging titser ang estudyanteng may mataas na puntos sa estudyanteng mas mababa ang puntos upang matulungan siya sa kanyang pag-aaral at pagpapahusay. Bilang bahagi ng gawaing ito, maaari ding magtakda ng goal ang magpartner na magkaroon ng mas mataas na pinagsamang puntos sa susunod na pagsusulit. Maaaring gumawa ng chart o bulletin board para maidispley ang mga mithiin o goal ng mga estudyante at makita ang kanilang pag-unlad.
Mga Aktibidad na Tutulong sa mga Estudyante na Maunawaan ang mga Scripture Mastery Passage
Pagbibigay-kahulugan sa mga Salita at mga Kataga
Ang pagbibigay-kahulugan sa mga salita at mga kataga sa mga scripture mastery passage (o pagtulong sa mga estudyante na maibigay ang ibig sabihin ng mga ito) ay makatutulong sa mga estudyante na maunawaan ang ibig sabihin ng buong scripture passage. Kapag ang mga gayong kahulugan ay mahalaga sa pag-unawa sa mga doktrina at mga alituntunin sa isang scripture passage, maaari mong imungkahi sa mga estudyante na isulat ang ibig sabihin ng mga ito sa kanilang mga banal na kasulatan. Rebyuhin ang ibig sabihin ng mga salita at mga kataga kapag nirerebyu mo ang mga scripture mastery passage.
Pagtukoy sa Konteksto
Ang pagtukoy sa konteksto ng isang scripture passage ay makatutulong sa mga estudyante na mas maunawaan ang ibig sabihin ng scripture passage. Kabilang sa konteksto ang impormasyon tungkol sa kung sino ang nagsasalita kanino at kung bakit, ang tagpo o lokasyon ng scripture passage (historikal, kultural, at heograpikal), at ang tanong o sitwasyon kung saan nagmula ang scripture passage. Halimbawa, ang mga turo ng Panginoon sa Juan 3:5 ay bahagi ng pag-uusap ni Jesucristo at ng isang mabait na Fariseo na nagngangalang Nicodemo na pumunta sa Tagapagligtas nang gabi para magtanong tungkol sa Kanyang doktrina. Sinabi ng Panginoon kay Nicodemo na maliban na tayo ay “ipanganak na muli, ay hindi [tayo] makakakita ng kaharian ng Dios” (Juan 3:3). Nalilito, itinanong ni Nicodemo kung paano maipanganganak na muli ang isang matandang tao. Nasa Juan 3:5 ang sagot ng Panginoon sa tanong ni Nicodemo. Ang pag-alam sa impormasyon na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maunawaan nang mas malinaw ang mga tanong na sinasagot ng Panginoon noong ipinahayag Niya na “Maliban na ang tao’y ipanganak ng tubig at ng Espiritu, ay hindi siya makapapasok sa kaharian ng Dios.” Kapag nagturo ka ng mga lesson na kinabibilangan ng mga scripture mastery passage, bigyang-diin ang konteksto na may kaugnayan sa mga scripture passage na iyon. Ang mga karagdagang aktibidad tulad ng sumusunod ay makatutulong din sa mga estudyante na maunawaan ang mahahalagang scripture passage na ito:
-
Tukuyin ang Konteksto—Isulat ang mga sumusunod na heading sa itaas na bahagi ng pisara: Tagapagsalita, Tagapakinig, Layunin, at Iba Pang Makatutulong na Impormasyon. Igrupo ang mga estudyante, at i-assign sa bawat grupo ang isang scripture mastery passage. Sabihin sa kanila na alamin ang konteksto ng naka-assign na mga scripture passage sa kanila sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga impormasyon na nauugnay sa mga heading sa pisara. Ipasulat sa pisara ang mga nalaman nila. Pagkatapos ay sabihin sa bawat grupo na ipaliwanag ang konteksto ng mga scripture passage na naka-assign sa kanila at kung paano nakakaapekto ang impormasyong ito sa kanilang pag-unawa sa mga katotohanan sa bawat scripture passage. Para lalo pang maging kasiya-siya ang aktibidad na ito, maaari mong hamunin ang klase na hulaan ang mga scripture mastery reference batay sa mga paglalarawan sa pisara bago magpaliwanag ang bawat grupo tungkol sa mga isinulat nila.
Pagsusuri
Ang pagsusuri ay kinabibilangan ng pagtukoy sa mga doktrina at mga alituntunin na matatagpuan sa mga scripture passage. Kabilang din dito ang pagtulong sa mga estudyante na maunawaan kung paano nauugnay ang mga katotohanang ito sa kanila. Maaaring humantong ito sa mas malalim na pagsasabuhay ng mga doktrina at mga alituntunin sa kanilang buhay. Ang sumusunod na aktibidad ay makatutulong sa mga estudyante na masuri ang mga scripture mastery passage:
-
Sumulat ng mga Clue—Kapag naging mas pamilyar na ang mga estudyante sa mga scripture mastery passage, sabihin sa kanila na gumawa ng mga tanong, sitwasyon, o iba pang mga clue na naglalarawan sa mga doktrina at mga alituntunin na itinuro sa mga scripture passage. Magagamit ang mga ito sa pagbibigay ng quiz sa klase.
Pagpapaliwanag
Ang pagtutulot sa mga estudyante na ipaliwanag ang mga scripture passage ay magpapalalim ng kanilang pang-unawa at magpapahusay sa kanilang kakayahan na ituro ang mga doktrina at mga alituntunin mula sa mga banal na kasulatan. Ang sumusunod ay dalawang pamamaraan na makatutulong sa mga estudyante na matutuhan na ipaliwanag ang mga scripture mastery passage:
-
Mahahalagang Salita at Kataga—Ipabasa sa mga estudyante ang pare-parehong scripture mastery passage at sabihin sa kanila na tukuyin ang isang salita o mga kataga na sa tingin nila ay napakahalaga sa ibig sabihin ng talata. Pagkatapos ay sabihin sa isang estudyante na basahin ang scripture passage sa klase at bigyang-diin ang salita o mga kataga na pinili niya. Sabihin sa estudyante na ipaliwanag kung bakit mahalaga ang salita o ang mga kataga para maunawaan ang scripture passage. Anyayahan ang ilang estudyante na gawin din ito. Maaaring pumili ang mga estudyante ng magkakaibang mga salita o mga kataga sa parehong talata. Kapag nakarinig ng iba’t ibang pananaw ang mga miyembro ng klase, magkakaroon sila ng mas malalim na pag-unawa sa scripture passage.
-
Maghanda ng Isang Debosyonal—Bigyan ang mga estudyante ng mga pagkakataon na magamit ang mga scripture mastery passage kapag naghahanda at nakikibahagi sila sa mga debosyonal sa simula ng klase. Tulungan sila na maihanda na maibuod ang konteksto, maipaliwanag ang mga doktrina at mga alituntunin, magbahagi ng mga makabuluhang karanasan o halimbawa, at patotohanan ang mga doktrina at mga alituntunin na nasa mga scripture passage. Maaari mo ring imungkahi na gumamit ang mga estudyante ng object lesson para maipaliwanag ang mga ideya sa mga scripture passage.
Pagdama sa Kahalagahan ng mga Doktrina at mga Alituntunin
Tulungan ang mga estudyante na maunawaan ang mga doktrina at mga alituntunin na itinuro sa mga scripture mastery passage at magkaroon ng patotoo tungkol dito. Ipinaliwanag ni Elder Robert D. Hales ng Korum ng Labindalawang Apostol, “Ang isang tunay na guro, kapag siya ay nagtuturo ng mga katotohanan [ng ebanghelyo] … , ay mas ipinapaunawa ang mga ito [sa mga estudyante] upang magkaroon sila ng patotoo at makaunawa ang kanilang mga puso na hahantong sa kanilang pagkilos at paggawa” (“Teaching by Faith” [mensahe sa mga CES religious educator, Peb. 1, 2002], 5, si.lds.org; tingnan din sa Teaching Seminary: Preservice Readings [2004], 92). Kapag nadama ng mga estudyante ang katotohanan, kahalagahan, at pangangailangan sa isang doktrina o alituntunin sa pamamagitan ng impluwensya ng Espiritu Santo, ang kanilang pagnanais na ipamuhay ang katotohanang iyon ay lalago. Makatutulong ang mga titser sa mga estudyante na maanyayahan at mapag-ibayo ang mga nadaramang ito na mula sa Espiritu Santo sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng mga pagkakataon na maibahagi ang mga karanasan nila ng pagsasabuhay sa mga alituntunin ng ebanghelyo na matatagpuan sa mga scripture mastery passage. Makatutulong ito sa mga estudyante na mas maunawaan ang mga katotohanang itinuro sa mga scripture mastery passage at makatitiyak na ang mga katotohanang ito ay naisulat sa puso ng mga estudyante. Ang sumusunod na aktibidad ay makatutulong sa mga estudyante na madama ang kahalagahan ng mga doktrina at mga alituntunin na itinuro sa mga scripture mastery passage:
-
Pakinggan ang mga Scripture Passage—Sabihin sa mga estudyante na pakinggan ang mga scripture mastery passage sa mga mensahe at lesson sa simbahan, sa mga mensahe sa pangkalahatang kumperensiya, at sa pakikipag-usap sa mga kapamilya at kaibigan. Regular na sabihin sa mga estudyante na ireport kung aling mga scripture passage ang narinig nila, kung paano ginamit ang mga ito, anong mga katotohanan ang itinuro, at anong mga karanasan ang mayroon sila o ang iba sa mga katotohanan na itinuro. Maghanap ng mga pagkakataon na magpatotoo (at anyayahan ang mga estudyante na magpatotoo) sa mga katotohanang itinuturo ng mga scripture mastery passage.
Mga Aktibidad na Tutulong sa mga Estudyante na Maipamuhay ang mga Scripture Mastery Passage
Pagtuturo
Ang mga scripture mastery passage at ang mga Pangunahing Doktrina ay binuo nang magkasama at nilayong pag-ugnayin para makatulong sa mga estudyante. (Ang mga scripture mastery passage ay ipinakita sa dokumentong tungkol sa mga Pangunahing Doktrina.) Kapag natutuhan at naipahayag ng mga estudyante ang mga doktrina at mga alituntunin na nakapaloob sa mga scripture mastery passage, matututuhan at maipahahayag din nila ang mga Pangunahing Doktrina. At habang natututo ang mga estudyante na ipahayag ang mga Pangunahing Doktrina sa kanilang sariling mga salita, maaari silang umasa sa mga naisaulo o nakabisado na scripture mastery passage para tulungan sila. Ang pagbibigay ng mga pagkakataon sa mga estudyante na magturo ng mga doktrina at mga alituntunin ng ebanghelyo gamit ang mga scripture mastery passage ay magpapaibayo sa kanilang tiwala sa kanilang sarili at sa kanilang kaalaman sa mga banal na kasulatan. Kapag nagturo at nagpatotoo ang mga estudyante tungkol sa mga doktrina at mga alituntunin na matatagpuan sa mga scripture mastery passage, mapapalakas din nila ang kanilang sariling mga patotoo. Hikayatin ang mga estudyante na gamitin ang mga scripture mastery passage para ituro at ipaliwanag ang ebanghelyo sa klase at sa kanilang pakikipag-usap sa mga kaibigan, kapamilya, at sa iba pa.
-
Magpahayag ng Mensahe—Mag-assign ng mga estudyante na maghahanda ng tatlo hanggang limang-minutong mensahe o lesson batay sa mga scripture mastery passage. Sabihin sa kanila na maghanda sa klase o sa bahay. Dagdag pa sa mga scripture mastery passage, maaari nilang gamitin ang iba pang mga resources para matulungan silang maghanda, tulad ng mga scripture mastery card, Gabay sa mga Banal na Kasulatan, o Tapat sa Pananampalataya: Isang Sanggunian sa Ebanghelyo. Bawat mensahe o lesson ay dapat may pambungad, scripture mastery passage, kuwento tungkol sa alituntuning itinuturo o halimbawa nito, at patotoo ng estudyante. Maaaring mag-volunteer ang mga estudyante na ihayag ang kanilang mensahe sa klase, sa family home evening, o sa kanilang mga korum o klase bilang bahagi ng paggawa ng kanilang Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos o Pansariling Pag-unlad. Kapag inihayag ng mga estudyante ang kanilang mga mensahe o lesson sa labas ng klase, maaari silang anyayahan na ibahagi ang karanasan nila tungkol dito.
-
Pagganap Bilang Missionary—Maghanda ng ilang card na may mga tanong na maaaring itanong ng isang investigator na masasagot gamit ang tulong ng mga scripture mastery passage (halimbawa, “Ano ang pinaniniwalaan ng mga miyembro ng inyong simbahan tungkol kay Jesucristo?”). Sabihin sa magkakapartner na mga estudyante na pumunta sa harapan ng klase para sagutin ang tanong na napili mula sa mga card. Para matulungan ang mga estudyante na maunawaan kung paano maaaring sagutin ng mga missionary ang gayunding mga tanong, maaari mong imungkahi ang ilang epektibong pamamaraan sa pagtuturo, tulad ng (1) paghahayag sa konteksto ng scripture passage, (2) pagpapaliwanag sa doktrina o alituntunin, (3) pagtatanong para malaman kung nakauunawa ang mga tinuturuan o kung naniniwala sila sa mga itinuro, (4) pagbabahagi ng mga karanasanan at patotoo, at (5) pag-anyaya sa mga tinuturuan nila na kumilos ayon sa katotohanan na itinuro. Sabihin sa klase na magbigay ng feedback tungkol sa nagustuhan nila sa paraan ng pagsagot ng magkompanyon sa kanilang tanong.
-
Magpatotoo—Sabihin sa mga estudyante na tingnan ang mga scripture mastery passage at pumili ng isa na naglalaman ng doktrina o alituntunin na mapapatotohanan nila. Anyayahan sila na magpatotoo sa katotohanang pinili nila at magbahagi ng mga karanasan na naghikayat sa kanila na mapatotohanan ito. Kapag nagbabahagi ng patotoo ang mga estudyante, pagtitibayin ng Espiritu Santo ang katotohanan ng mga doktrina o mga alituntunin na pinapatotohanan nila. Ang kanilang mga patotoo ay magbibigay-inspirasyon din sa iba na kumilos nang may pananampalataya.
Paalala: Dapat boluntaryo ang pagbabahagi ng mga estudyante ng kanilang mga patotoo. Hindi kailanman dapat pilitin ang mga estudyante na ibahagi ang kanilang mga patotoo o maiparamdam na kailangan nilang maipakita na may kaalaman sila gayong wala naman sila nito. Dagdag pa rito, ang ilang estudyante ay nag-aalangan na ibahagi ang kanilang mga patotoo dahil akala nila ay dapat nilang simulan ito sa pagsasabing “Gusto kong magpatotoo …” o na ang pagpapatotoo nila ay dapat kakitaan ng matinding emosyon. Tulungan ang mga estudyante na maunawaan na kapag nagpatotoo sila, maaari nilang ibahagi ang mga doktrina o mga alituntunin na alam nilang totoo. Ang pagbabahagi ng patotoo ay maaaring kasing simple lamang ng pagsasabing “Naniniwala ako na totoo ito” o “Alam ko na ito ay totoo” o “Pinaniniwalaan ko ito nang buong puso ko.”
Pamumuhay
Ang pagmumungkahi sa mga estudyante ng mga paraan na maipapamuhay nila ang mga doktrina at mga alituntunin na nakapaloob sa mga scripture passage (o pag-aanyaya sa mga estudyante na mag-isip ng mga paraan) ay nagbibigay sa kanila ng pagkakataon na matuto sa pamamagitan ng pananampalataya.
Sinabi ni Elder David A. Bednar ng Korum ng Labindalawang Apostol:
“Ang isang nag-aaral na ginagamit ang kalayaan sa pamamagitan ng pagkilos nang naaayon sa mga tamang alituntunin ay binubuksan ang kanyang puso para sa Espiritu Santo at inaanyayahan ang Kanyang kapangyarihan na magturo at magpatotoo, at [ang Kanyang] nagpapatunay na pagsaksi. Ang matuto sa pamamagitan ng pananampalataya ay nangangailangan ng pagsisikap sa espiritu, kaisipan, at katawan at hindi pagtanggap lamang [nang walang gagawin]. Sa katapatan at patuloy na paggawa nang may pananampalataya naipapakita natin sa ating Ama sa Langit at Kanyang Anak na si Jesucristo, na tayo ay handang matuto at tumanggap ng tagubilin mula sa Espiritu Santo” (“Maghangad na Matuto sa Pamamagitan ng Pananampalataya,” Liahona, Set. 2007, 20).
Bigyan ang mga estudyante ng mga pagkakataon na magbahagi at magpatotoo sa mga karanasan nila sa pagsasabuhay ng mga doktrina at mga alituntunin. Ang sumusunod ay isang paraan para mahikayat ang mga estudyante na maipamuhay ang mga scripture mastery passage:
-
Magtakda ng mga Goal o Mithiin—Batay sa application section sa mga scripture mastery card, sabihin sa mga estudyante na magtakda ng mga partikular na goal o mithiin para mas maipamuhay ang mga alituntunin na matatagpuan sa mga scripture mastery passage. Ipasulat sa isang papel ang kanilang mga mithiin na madadala nila bilang isang paalala. Kung naaangkop, sabihin sa mga estudyante na ireport ang kanilang mga tagumpay.
Mga Aktibidad na Tutulong sa mga Estudyante na Maisaulo ang mga Scripture Mastery Passage
Pagsasaulo
Ang pagsasaulo ng mga scripture passage ay magpapalalim ng pang-unawa at magpapahusay sa kakayahan ng estudyante na ituro ang ebanghelyo. Kapag naisaulo ng mga estudyante ang mga banal na kasulatan, maipapaalala sa kanila ng Espiritu Santo ang mga kataga at mga ideya kapag kailangan nila ito (tingnan sa Juan 14:26; D at T 11:21). Tandaan na iakma ang mga aktibidad para sa pagsasaulo sa kakayahan ng iyong mga estudyante.
Hinikayat ni Elder Richard G. Scott ng Korum ng Labindalawang Apostol ang pagsasaulo ng mga banal na kasulatan nang sabihin niya:
“Malaking tulong ang nagagawa ng pagsasaulo ng mga banal na kasulatan. Ang pagsasaulo ng isang talata ay pagbubuo ng pagkakaibigan. Ito’y parang pagkakaroon ng bagong kakilala na makatutulong sa oras ng pangangailangan, makapagbibigay ng inspirasyon at kapanatagan, at pagmumulan ng panghihikayat para sa kinakailangang pagbabago” (“Ang Bisa ng Banal na Kasulatan,” Ensign o Liahona, Nob. 2011, 6).
Ang bawat isa sa mga sumusunod na aktibidad ay maaaring ulitin nang ilang sunud-sunod na araw sa simula o pagtatapos ng klase para matulungan ang mga estudyante na maisaulo ito habang buhay:.
-
One-Word Race—Hamunin ang klase na magbigkas ng isang scripture mastery passage nang paisa-isang salita ang bawat estudyante. Halimbawa, sa pagtulong sa mga estudyante na maisaulo ang Mateo 5:14–16, sasabihin ng unang estudyante ang salitang kayo, sasabihin ng pangalawang estudyante ang ang, sasabihin ng pangatlong estudyante ang ilaw, at magpapatuloy hanggang makumpleto ang scripture passage. Orasan ang klase, at bigyan sila ng maraming pagkakataon na makamit ang target nilang oras. Kapag inulit mo ang aktibidad na ito, maaaring iba-ibahin ang pagkakasunod-sunod ng mga estudyante para iba-ibang salita ang masabi nila.
-
Mga Unang Titik—Isulat sa pisara ang mga unang titik ng bawat salita ng isang scripture mastery passage. Ituro ang mga titik habang inuulit ng klase ang scripture passage kasabay mo, gamit ang kanilang mga banal na kasulatan kung kailangan. Ulitin ang aktibidad na ito hanggang magkaroon ang mga estudyante ng tiwala sa kanilang kakayahan na bigkasin ang isang scripture passage gamit lamang ang tulong ng mga unang titik. Maaari mong burahin ang ilan sa mga titik kapag nabigkas ng mga estudyante ang scripture passage. Mas makahihikayat ito hanggang maulit ng mga estudyante ang scripture passage nang hindi ginagamit ang mga unang titik.
-
Wordstrip Puzzles—Magsulat, o pagsulatin ang mga estudyante, ng mga salita sa isang scripture mastery passage sa isang papel. Gupitin nang mahaba at makitid ang papel nang hindi nagugupit ang mga salita ng scripture passage. Gupitin nang mas maikli ang ilan sa makikitid na papel para maglaman lamang ng kaunting salita. Paghaluin ang mga ginupit na papel at ibigay ang mga ito sa magkakapartner o sa maliliit na mga grupo ng mga estudyante. Hikayatin ang mga estudyante na pagsunud-sunurin ang mga papel, gamit ang kanilang mga banal na kasulatan bilang gabay. Sabihin sa kanila na magpraktis hanggang sa hindi na nila kailangang tingnan ang kanilang mga banal na kasulatan. Pagkatapos nila, sabihin sa kanila na bigkasin nang malakas ang scripture passage. Maaari mo ring orasan ang mga estudyante para makita kung aling grupo ang magagawang pagsunud-sunurin ang mga papel nang pinakamabilis. O maaari mong orasan ang buong klase para makita kung gaano katagal na makukumpleto ng mga grupo ang puzzle (kapag natapos ang unang grupo, sabihin sa kanilang tulungan ang mas mababagal na grupo).