Lesson 155
Apocalipsis 6–11, Bahagi 2
Pambungad
Nakita ni Juan ang pagbubukas ng ikapitong tatak at nalaman ang tungkol sa kanyang misyon na makibahagi sa pagtitipon ng Israel sa mga huling araw.
Mga Mungkahi sa Pagtuturo
Apocalipsis 8–9
Nakita ni Juan ang pagbubukas ng ikapitong tatak
Pagpartner-partnerin ang mga estudyante at sabihin sa kanila na ipaliwanag sa mga kapartner nila ang kanilang natutuhan sa pag-aaral nila ng Apocalipsis 6–7 na makatutulong sa kanila na manatiling nagagalak at positibo sa gitna ng kawalang-katiyakan at kaguluhan.
Isulat sa pisara ang sumusunod na alituntunin na natukoy sa nakaraang lesson: Kung matitiis natin nang tapat ang mga paghihirap at magiging mas dalisay sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo, matatamo natin ang selestiyal na kaluwalhatian sa piling ng Diyos. Hikayatin ang mga estudyante na alamin kung paano nauugnay ang alituntuning ito sa mga pangyayari na matututuhan nila sa lesson sa araw na ito.
Gawan ng handout ang sumusunod na chart o isulat ito sa pisara:
-
Ayon sa chart na ito, ilang talata sa aklat ng Apocalipsis ang nagsasaad ng mga pangyayari tungkol sa unang anim na tatak? (25.)
-
Ilang talata ang nagsasaad tungkol sa mga pangyayari sa ikapitong tatak? (211 + 15 = 226.)
Ipaliwanag na mas maraming isinulat si Juan tungkol sa mga pangyayari sa ikapitong libong taon kaysa sa iba pang pangyayari sa ibang panahon. Sumulat siya lalo na sa mga pangyayaring magaganap mula sa panahon ng pagbubukas ng ikapitong tatak hanggang sa Ikalawang Pagparito ni Jesucristo.
-
Sa palagay ninyo, bakit nakatuon ang mga isinulat ni Juan sa mga pangyayari sa ikapitong tatak?
Ibuod ang Apocalipsis 8:1–6 na ipinapaliwanag na inilalarawan sa mga talatang ito ang pagbubukas ng Tagapagligtas ng ikapitong tatak. Nakita ni Juan ang pitong anghel na binigyan ng pitong pakakak o trumpeta. Noong unang panahon, ang mga trumpeta ay “pinatutunog para bigyang-babala, o senyasan [ang isang hukbo], o ibalita ang pagdating ng mga taong maharlika” (Gerald N. Lund, “Seeing the Book of Revelation as a Book of Revelation,” Ensign, Dis. 1987, 50). Sa sitwasyong ito, ang pagpapatunog ng mga trumpeta ay babala sa pagdating ng iba’t ibang salot at pagkawasak bilang paghahanda para sa paghahari ni Jesucristo sa milenyo.
Sabihin sa mga estudyante na isulat ang “Ang Ikapitong Tatak” sa itaas ng papel o sa kanilang notebook o scripture study journal at magdrowing ng pitong trumpeta sa gilid ng pahina.
Isulat sa pisara ang mga sumusunod na scripture reference, pero huwag isama ang mga tanong na kasunod ng bawat reference. Sabihin sa mga estudyante na isulat ang mga reference sa tabi ng mga trumpeta sa kanilang papel:
Una—Apocalipsis 8:7. Ano ang nangyari dahil sa “granizo at apoy” na nahulog sa lupa nang hipan ng unang anghel ang kanyang pakakak o trumpeta?
Ikalawa—Apocalipsis 8:8–9. Anong tatlong bagay ang naapektuhan nang hinipan ang ikalawang trumpeta?
Ikatlo—Apocalipsis 8:10–11. Ano ang pangalan ng bituin na bumagsak? (Ipaliwanag na ang ajenjo [wormwood] ay isang mapait na damo na nangangahulugang “matinding kalamidad o kalungkutan” [Bible Dictionary, “Wormwood”].) Ano ang nangyari nang bumagsak ito?
Ikaapat—Apocalipsis 8:12. Kasunod ng pag-ihip ng ikaapat na pakakak o trumpeta, anong tatlong bagay ang bahagyang nagdilim?
Ikalima—Apocalipsis 9:1–3. Ano ang lumabas mula sa balon ng kalaliman nang buksan ito ng ikalimang anghel?
Ikaanim—Apocalipsis 9:13–16, 18. Ilang hukbo ang kasama sa malaking labanang nakita ni Juan matapos tumunog ang ikaanim na pakakak o trumpeta? Ilang bahagi ng mga tao ang napatay sa labanang ito?
Ikapito—Apocalipsis 11:15.
Hatiin ang mga estudyante sa anim na grupo, at mag-assign sa bawat grupo ng isa sa anim na scripture reference na nakalista sa pisara (kung maliit ang klase mo, maaari kang mag-assign ng ilang scripture reference sa ilang grupo). Ipabasa nang malakas sa magkakagrupo ang kanilang scripture passage, na inaalam kung ano ang nangyari matapos ang pagtunog ng mga pakakak o trumpeta. Sabihin sa kanila na isulat ang nalaman nila sa tabi ng angkop na trumpeta sa kanilang mga papel.
Pagkatapos ng sapat na oras, sabihin sa isang estudyante mula sa bawat grupo na ibahagi ang nalaman nila. Sabihin sa mga estudyante na isulat ang nalaman ng bawat grupo sa tabi ng angkop na trumpeta sa kanilang mga papel. Habang nagbabahagi ang mga estudyante, kung kinakailangan ay magbigay ng mga tanong na may kaugnayan sa scripture reference na naka-assign sa grupo.
-
Paano makatutulong ang alituntunin na natukoy natin sa nakaraang lesson sa mga yaong nabubuhay sa pagbubukas ng ikapitong tatak?
Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Apocalipsis 9:20–21. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, na inaalam kung paano tutugon ang masasama na nakaligtas sa mga salot na ito. Sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang nalaman nila.
-
Ano ang itinuturo nito sa atin tungkol sa kasamaan ng mga taong ito?
Apocalipsis 10
Si Juan ay tinagubilinan ng isang anghel tungkol sa kanyang misyon sa mga huling araw
Ipaliwanag na ang Apocalipsis 10 ay naglalaman ng paghinto sa paglalahad tungkol sa pagtunog ng pitong trumpeta at ang kasama nitong mga salot. Mababasa natin sa kabanatang ito na si Juan ay tinagubilinan ng isa pang anghel.
Isulat sa pisara ang mga salitang Matamis at Mapait.
-
Ano ang ilang karanasan sa buhay na maaari ninyong ituring na parehong matamis at mapait?
Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Apocalipsis 10:1–3. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, na inaalam kung ano ang hawak ng anghel.
-
Ano ang hawak ng anghel?
Sabihin sa dalawang estudyante na magsalitan sa pagbasa nang malakas ng Apocalipsis 10:8–11. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, na inaalam ang sinabi kay Juan na gawin sa aklat.
-
Ano ang sinabi kay Juan na gawin sa aklat? Ano ang lasa nito?
Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 77:14. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, na inaalam kung ano ang sinasagisag ng pagkain ni Juan sa aklat.
-
Ayon sa talatang ito, ano ang sinasagisag ng pagkain ni Juan sa aklat? (Ang pagtanggap ni Juan sa kanyang misyon na tumulong na “tipunin ang mga lipi ni Israel” at “panumbalikin ang lahat ng bagay” sa mga huling araw.)
Ipaliwanag na pinagpala si Juan na hindi mamatay upang makapagdala siya ng mga kaluluwa sa Tagapagligtas (tingnan sa D at T 7:1–4).
-
Ano ang magiging matamis sa karanasan ni Juan sa pagsasakatuparan ng kanyang misyon? Ano kaya ang mapait?
Apocalipsis 11
Nakita ni Juan ang dalawang propetang pinatay sa Jerusalem at ang pagtunog ng ikapitong pakakak o trumpeta
Ipaliwanag na ang Apocalipsis 11 ay nagsisimula sa paglalarawan ni Juan ng mga pangyayari bago ang pagtunog ng ikapitong pakakak o trumpeta at ang Ikalawang Pagparito ni Jesucristo. Sa panahong ito, ang masasama ay magkakaroon ng higit na kapangyarihan at kontrol sa lupa, at hahangarin ng isang hukbo na sakupin ang Jerusalem.
Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Apocalipsis 11:3–6. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, na inaalam kung ano ang gagawin ng dalawang saksi sa Jerusalen sa panahong ito.
-
Ano ang gagawin ng dalawang saksi?
-
Ano ang maaaring ibig sabihin ng “apoy [ay lalabas] sa kanilang bibig”? (talata 5). (Maaaring simbolo ito ng kapangyarihan ng patotoo na ipahahayag nila [tingnan sa Jeremias 5:14; 20:9].)
Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 77:15. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, na inaalam kung sino ang dalawang saksing ito. Sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang nalaman nila.
Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Apocalipsis 11:7–12. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, na inaalam kung ano ang mangyayari sa dalawang propetang ito pagkatapos ng kanilang paglilingkod sa mga Judio.
-
Ano ang magiging reaksyon ng masasama kapag napatay ang dalawang saksi?
-
Ano ang mangyayari sa dalawang saksi matapos ang tatlo’t kalahating araw na sila ay patay?
-
Ano ang magiging reaksyon ng mga tao kapag bumangon ang dalawang saksi mula sa kamatayan at umakyat sa langit?
Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Apocalipsis 11:13–15. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, na inaalam kung ano ang mangyayari bago ang pagtunog ng ikapitong trumpeta at kapag tumunog na ito. Sabihin sa mga estudyante na isulat ang nalaman nila sa papel sa tabi ng ikapitong trumpeta.
-
Kasunod ng pagtunog ng ikapitong pakakak o trumpeta, sino ang “maghahari [sa mga kaharian sa lupa]”? (talata 15).
Ibuod ang Apocalipsis 11:16–19 na ipinapaliwanag na ang 24 na elder ay pasasalamatan at pupurihin ang Diyos para sa gantimpala na ibinigay sa mabubuti at kaparusahan para sa masasama. Nakita rin ni Juan sa pangitain ang banal na templo ng Diyos at ang kaban ng tipan (ark of the covenant), na kumakatawan sa presensya ng Diyos.
Tapusin ang lesson sa araw na ito na ibinabahagi ang iyong pasasalamat at pagpuri sa Diyos para sa Kanyang kabutihan at katarungan.