Library
Mga Mungkahi para sa mga Flexible na Araw


Mga Mungkahi para sa mga Flexible na Araw

Ang pacing guide para sa mga daily teacher ay nakabatay sa isang 36-week o 180-day school year. Ang manwal na ito ay nagbibigay ng 160 daily lesson, na may 20 araw na walang materyal na ituturo. Ang 20 “flexible na araw” na ito ay dapat gamitin nang matalino para sa mga makabuluhang mithiin at aktibidad, kabilang ang sumusunod:

  1. Mga Assessment. Ang Layunin ng Seminaries and Institutes of Religion ay “tulungan ang kabataan at mga young adult na maunawaan at umasa sa mga turo at sa Pagbabayad-sala ni Jesucristo, maging karapat-dapat sa mga pagpapala ng templo, at ihanda ang kanilang sarili, kanilang pamilya, at iba pa para sa buhay na walang hanggan sa piling ng kanilang Ama sa Langit.” Para maisakatuparan ang layuning ito, naghanda ang S&I ng mga learning assessment. Ang mga assessment na ito ay nilayong tumulong sa mga estudyante na maunawaan, maipaliwanag, mapaniwalaan, at maipamuhay ang natututuhan nila sa klase.

    Noong 2014, ang mga requirement sa seminary graduation ay binago. Kailangan nang maipasa ng mga estudyante ang mga learning assessment para sa bawat kurso ng pag-aaral para makatapos. Dapat mong ibigay ang mga learning assessment isang beses kada kalahati ng school year. May dalawang bahagi ang bawat assessment: (1) pagbibigay ng assessment, na karaniwang tatagal nang mga 40 minuto, o isang daily class period, at (2) pagwawasto at pagtalakay ng assessment sa mga estudyante sa susunod na class period. Ang rebyu na ito ay mahalagang bahagi ng pagtulong sa mga estudyante na matuto mula sa karanasan. Kung tumatagal ang klase mo nang mahigit sa 60 minuto, dapat gumugol lamang ng isang class period sa pagbigay at pagrebyu ng assessment.

    Gagamitin ang mga assessment para tulungan ang mga estudyante. Nang ipinahayag ang pagdagdag ng mga learning assessment sa mga kinakailangan sa seminary graduation, sinabi ni Elder Paul V. Johnson, “Malaki ang maitutulong ng pananaw ng isang titser. Kung mauunawaan ng mga titser kung paano pinagpapala nito ang buhay ng mga estudyante, ituturing nila ang mga assessment na isang paraan para matulungan ang kanilang mga estudyante. … Palagay ko ay kung may dapat ingatan, iyon ay na ayaw naming isipin ng mga titser na ito ay instrumentong tila ginagamit sa pagmamanipula o na ito ay isang club—na may dalawang kahulugan—na ito ay magagamit para manakit, o na ito ay isang samahan na para lang sa ilang estudyante. Gusto namin na makita nila ito bilang isang bagay na talagang magpapala sa kanilang mga buhay” (“Elevate Learning Announcement” [Seminaries and Institutes of Religion global faculty meeting, Hunyo 20, 2014], si.lds.org).

    Paalala: May iba pang opsiyonal na mga assessment na matatagpuan sa pamamagitan ng pag-search sa S&I website (si.lds.org) gamit ang salitang assessment.

  2. Pag-aangkop ng mga daily lesson. Maaari kang gumugol ng ekstrang oras sa isang lesson na mas mahabang oras ang kailangan para maituro nang epektibo. Maaari mo ring gamitin ang mga karagdagang ideya sa pagtuturo na nasa dulo ng ilang mga lesson o maglaan ng oras para sagutin ang mga tanong ng mga estudyante tungkol sa isang partikular na scripture passage o paksa ng ebanghelyo. Ang mga flexible na araw ay nagtutulot sa iyo na masamantala ang mga pagkakataong ito habang pinananatili ang iyong pacing schedule o regular na schedule at natutupad ang iyong tungkuling ituro ang mga banal na kasulatan ayon sa pagkakasunod-sunod nito.

  3. Pagsasaulo at pag-unawang mabuti sa mga pangunahing scripture passage at mga Pangunahing Doktrina. Maaari mong gamitin ang mga aktibidad para sa pagrerebyu ng mga scripture mastery passage na matatagpuan sa kabuuan ng manwal at sa apendiks. Maaari kang gumawa ng mga karagdagang aktibidad sa pagrerebyu ng scripture mastery na tutugon sa mga partikular na pangangailangan at interes ng mga estudyante sa iyong klase. Maaari mo ring gamitin ang bahagi ng isang flexible na araw para sa mga aktibidad na tutulong sa mga estudyante na marebyu at mapalalim ang kanilang pang-unawa sa mga Pangunahing Doktrina.

  4. Pagrerebyu sa mga napag-aralang materyal o lesson. Makatutulong sa mga estudyante na gunitain paminsan-minsan ang natutuhan nila sa mga nagdaang lesson o mula sa isang partikular na aklat sa banal na kasulatan. Maaari ka ring magbigay sa mga estudyante ng pagkakataong ipaliwanag ang isang katotohanan mula sa isang nagdaang lesson at ibahagi kung paano nakaimpluwensiya ang katotohanang iyan sa kanilang buhay. Maaari ka ring gumawa at magbigay ng quiz o learning activity na nagrerebyu sa nagdaang materyal o lesson.

  5. Pagtutulot sa mga pagkaantala sa iskedyul. Maaaring kailangan mong ikansela o iklian ang klase paminsan-minsan kapag may mga school activity o assembly, mga kaganapan sa komunidad, masamang panahon, at iba pang pagkaantala. Maaaring gamitin ang mga flexible na araw para sa mga gayong pagkaantala.