Library
Pagtuturo ng mga Ebanghelyo ayon sa Pagkakatugma ng mga Ito


Pagtuturo ng mga Ebanghelyo ayon sa Pagkakatugma ng mga Ito

Iminumungkahi namin na gamitin mo ang manwal na ito ayon sa pagkakasulat nito at ituro ang apat na Ebanghelyo ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga ito. Gayunman, maaari mong piliing ituro ang mga Ebanghelyo sa Bagong Tipan ayon sa “pagkakatugma” nito, ibig sabihin ay pagtuturo sa mga pangyayari sa buhay ng Tagapagligtas nang sunod-sunod, na pinagsasama-sama ang mga materyal mula sa bawat Ebanghelyo. Para sa impormasyon at mga sanggunian sa pagtuturo ng mga Ebanghelyo ayon sa pagkakatugma ng mga ito, tingnan ang mga digital version ng manwal na ito sa LDS.org at sa Gospel Library para sa mga mobile device.

Iminumungkahi namin na gamitin mo ang manwal na ito ayon sa pagkakasulat nito at ituro ang apat na Ebanghelyo ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga ito. Gayunman, maaari mong piliing ituro ang mga Ebanghelyo sa Bagong Tipan ayon sa “pagkakatugma” nito, ibig sabihin ay pagtuturo sa mga pangyayari sa buhay ng Tagapagligtas nang sunod-sunod, na pinagsasama-sama ang mga materyal mula sa bawat Ebanghelyo. Magagawa ito sa maraming paraan. Halimbawa, maaari mong ituro ang mga Ebanghelyo ayon sa pagkakasunod-sunod pero pumili ng ilang bahagi na ituturo—tulad ng mga pangyayaring may kaugnayan sa pagsilang o sa Pagbabayad-sala ng Tagapagligtas—ayon sa pagkakatugma nito. O maaari mong ituro ang lahat ng nilalaman ng mga Ebanghelyo ayon sa pagkakatugma ng mga ito.

Kung hindi ka pa nakapagturo ng mga Ebanghelyo ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga ito, maaaring mag-alangan ka na subukan ang paraang ito. Ang manwal na ito ay inihanda para tulungan ka na epektibong ituro ang bawat Ebanghelyo nang hiwa-hiwalay. Kung pipiliin mong ituro ang mga Ebanghelyo ayon sa pagkakatugma ng mga ito, dapat mong pagpasiyahan ito nang sumasangguni sa iyong coordinator o seminary principal, na isinasaalang-alang ang pangangailangan ng mga estudyante at ginagamit ang patnubay ng Espiritu.

Ang pagtuturo ng mga ebanghelyo ayon sa pagkakatugma ng mga ito ay magtutulot sa iyo na talakayin ang mga turo at mga pangyayari sa buhay ng Tagapagligtas nang mas lubusan at mabawasan ang paulit-ulit na minsan ay nadarama kapag itinuturo ang Ebanghelyo ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga ito. Gayunman, mahalagang tandaan na ang mga lesson sa manwal na ito ay ginawa upang hindi gaanong maulit-ulit ang paraan ng pagtuturo ayon sa pagkakasunod-sunod sa pamamagitan ng pagtutuon sa natatanging nilalaman ng bawat Ebanghelyo at sa pagbubuod sa naunang itinuro.

Bago piliin na ituro ang kursong ito ayon sa pagkakatugma ng mga ito, mahalagang isaalang-alang ang mga sumusunod:

  • Sa pagtuturo ng mga Ebanghelyo ayon sa pagkakatugma ng mga ito, maaaring mahirap maipaunawa ang pagkakasunod-sunod at konteksto ng mga talata sa banal na kasulatan ayon sa pagkakatala nito sa apat na Ebanghelyo. Kakailanganin mong tulungan ang mga estudyante na maunawaan ang tekstuwal at historikal na konteksto ng bawat talata bago sila magpatuloy mula sa isang tala patungo sa isa pa.

  • Ang pagtuturo ng mga Ebanghelyo ayon sa pagkakatugma ng mga ito ay karaniwanang nagpapalabo sa mga natatanging intensyon, tema, at pokus ng bawat may-akda ng Ebanghelyo. Dapat mong pagtuunan nang mabuti ang mga temang ito para matulungan mo ang iyong mga estudyante na matukoy at mapahalagahan ang mga ito. Ang mga pambungad sa mga aklat nina Mateo, Marcos, Lucas, at Juan na nasa manwal na ito ay makatutulong sa iyo na matukoy ang mga temang ito.

  • Tulad ng nakasulat, ang mga ideya sa pagtuturo sa manwal na ito ay ginawa para maging maayos ang daloy ng pagtuturo ng pagkakasunud-sunod ng mga bahagi sa lesson at may mga transition statement para magawa ang susunod na ideya sa pagtuturo. Kapag ang mga ideya sa pagtuturong ito ay binago sa paraan na ayon sa pagkakatugma gamit ang kalakip na chart, kakailanganin mong isama ang iyong sariling transition sa pagitan ng mga iminungkahing ideya.

Kung pipillin mong gamitin ang pagtuturo ng ebanghelyo ayon sa pagkakatugma nito, maaaring malaki ang maitulong sa iyo ng “Pagkakatugma ng mga Ebanghelyo” na matatagpuan sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan at sa LDS.org. Dagdag pa rito, ang kalakip na chart ay naglalahad ng pagkakasunod-sunod ng mga ideya na matatagpuan sa manwal na ito na tutulong sa pagtuturo ng ebanghelyo ayon sa pagkakatugma nito. Maliban sa ilang maliliit na pagbabago para mapadali ang pagtuturo, ang chart na ito ay tugma sa “Harmony of the Gospels” table sa 2013 edition ng LDS scriptures. Ang kaliwang column ng chart ay nagbibigay ng pacing guide na hinahati ang semester sa 16 na linggo. Bawat linggo (maliban sa week 1) ay nagtatala ng mga pangyayari at mga turo mula sa buhay at ministeryo ng Tagapagligtas ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga bahagi na maituturo sa loob ng limang araw. May 80 lesson ang pacing guide para sa apat na Ebanghelyo, na kasing dami ng mga lesson sa manwal na ito na ituturo ayon sa pagkakasunod-sunod nito.

Kahit na ang napili mong paraan ng pagtuturo ay ayon sa pagkakasunod-sunod o ayon man sa pagkakatugma ng mga ito, iminumungkahi namin na simulan mo ang kurso sa pagtuturo sa unang limang panimulang lesson na matatagpuan sa week 1 ng manwal na ito: “Pagkilala sa Bagong Tipan”; “Ang Plano ng Kaligtasan”; “Ang Responsibilidad ng Estudyante”; “Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan”; at “Konteksto at Buod ng Bagong Tipan.”

Pacing Guide

Mga Pangyayari at mga Turo

Mga Resources at Sanggunian ng Titser

Week 1

Days 1–5

Mga Lesson 1-5

Week 2

Day 1

Ang buhay bago ang buhay sa mundo ni Jesucristo

Lesson 60: Juan 1:1–18

Ang mortal na talaangkanan ni Jesucristo

Lesson 6: Mateo 1:1–17

Day 2

Ang pagpapahayag ni anghel Gabriel kay Zacarias; pagpapahayag kay Maria; pagbisita ni Maria kay Elisabet; pagsilang ni Juan Bautista

Lesson 43: Lucas 1

Day 3

Pagpapahayag kay Jose

Lesson 6: Mateo 1:18–25

Pagsilang ni Jesucristo; pagpapahayag sa mga pastol; pagtatanghal kay Jesus sa templo

Lesson 44: Lucas 2:1–39

Pagbisita ng mga Pantas na Lalaki; pagtakas papuntang Egipto

Lesson 6: Mateo 2

Pagbisita sa templo (edad 12)

Lesson 44: Lucas 2:40–52

Day 4

Ministeryo at patoo ni Juan Bautista

Lesson 7: Mateo 3:1–12; Lesson 45: Lucas 3:1–22; Lesson 60: Juan 1:1–18

Day 5

Binyag ni Jesus

Lesson 7: Mateo 3:13–17; Lesson 60: Juan 1:19–34

Week 3

Day 1

Panunukso kay Jesus

Lesson 8: Mateo 4:1–11

Day 2

Sumunod kay Jesus ang mga alagad ni Juan Bautista

Lesson 60: Juan 1:35–51

Kasal sa Cana; unang paglilinis ng templo

Lesson 61: Juan 2

Day 3

Pagbisita ni Nicodemo; patotoo ni Juan Bautista

Lesson 62: Juan 3

Day 4

Ang babae sa tabi ng balon

Lesson 63: Juan 4:1–42

Day 5

Bumalik si Jesus sa Galilea

Lesson 8: Mateo 4:12–17

Pinagaling ni Jesus ang anak ng maharlika

Lesson 63: Juan 4:43–54

Hindi tinanggap ang Tagapagligtas sa Nazaret

Lesson 45: Lucas 4:14–30

Week 4

Day 1

Tinawag ang mga mamamalakaya o mga mangingisda

Lesson 46: Lucas 5:1–11; Lesson 8: Mateo 4:18–22

Day 2

Nagturo si Jesus sa Capernaum at nagpalayas ng isang karumal-dumal na espiritu

Lesson 34: Marcos 1:21–39

Si Jesus ay nangaral ng ebanghelyo sa Galilea

Lesson 8: Mateo 4:23–25

Pinagaling ni Jesus ang isang ketongin at ang isang lumpo

Lesson 34: Marcos 1:40–45; Lesson 35: Marcos 2:1–12; Lesson 46: Lucas 5:12–26

Day 3

Kumain kasama ang mga maniningil ng buwis at mga makasalanan

Lesson 35: Marcos 2:13–22

Nagtanong ang mga disipulo ni Juan tungkol sa pag-aayuno: Luma at bago

Lesson 46: Lucas 5:27–39

Day 4

Si Jesus ay dumalo sa isang pista; nagpagaling sa araw ng Sabbath; pagtuturo: Saksi ng Ama

Lesson 64: Juan 5

Day 5

Pagtatalu-talo tungkol sa araw ng Sabbath

Lesson 35: Marcos 2:23–3:6

Tinawag at inorden ang Labindalawa

Lesson 13: Mateo 9:35–10:8

Week 5

Day 1

Ang Sermon sa Bundok

Lesson 9: Mateo 5:1–16

Day 2

Ang Sermon sa Bundok

Lesson 10: Mateo 5:17–48; Lesson 47: Lucas 6

Day 3

Ang Sermon sa Bundok

Lesson 11: Mateo 6; Lesson 51: Lucas 12

Day 4

Ang Sermon sa Bundok

Lesson 12: Mateo 7

Day 5

Pinagaling ni Jesus ang alipin ng senturion; pinabangon ang anak ng balo ng Nain

Lesson 47: Lucas 7:1–18

Si Juan Bautista ay nagpapunta ng mga alagad kay Jesus

Lesson 14: Mateo 11; Lesson 48: Lucas 7:18–35

Week 6

Day 1

Si Jesus ay pinahiran ng langis ng isang babae

Lesson 48: Lucas 7:36–50

Beelzebub, paglapastangan; pagtuturo tungkol sa mga tanda; talinghaga: Ang bahay na walang laman; ang ina at mga kapatid ni Jesus

Lesson 14: Mateo 12:1–50

Day 2

Talinghaga ng manghahasik

Lesson 15: Mateo 13:1–23

Day 3

Mga karagdagang talinghaga tungkol sa kinabukasan ng kaharian

Lesson 16: Mateo 13:24–58

Day 4

Pinapayapa ni Jesus ang bagyo; pinalayas ang isang pulutong ng masasamang espiritu; pinagaling ang babaing inaagasan ng dugo; pinabangon ang anak na babae ni Jairo mula sa kamatayan

Lesson 36: Marcos 4–5

Day 5

Ang pangagailangan sa mas maraming manggagawa; tagubilin sa Labindalawa

Lesson 13: Mateo 9:35–10:42

Kamatayan ni Juan Bautista

Lesson 37: Marcos 6:1–29

Week 7

Day 1

Pinakain ni Jesus ang limang libo

Lesson 37: Marcos 6:30–44; Lesson 17: Mateo 14:1–21

Day 2

Naglakad si Jesus sa ibabaw ng tubig

Lesson 17: Mateo 14:22–36

Mga pagpapagaling

Lesson 37: Marcos 6:45–56

Day 3

Pagtuturo: Ang Tinapay ng Kabuhayan

Lesson 65: Juan 6:22–59

Day 4

Pagtuturo tungkol sa kalinisan; pinagaling ni Jesus ang anak na babae ng isang Cananeo at ang iba pa

Lesson 18: Mateo 15

Day 5

Pinagaling ni Jesus ang lalaking bingi sa Decapolis; pinakain ang apat na libo; pinagaling nang paunti-unti ang isang bulag na lalaki

Lesson 38: Marcos 7:1–8:26

Week 8

Day 1

Humingi ng tanda ang mga Fariseo at mga Saduceo; patotoo ni Pedro; ipinangako ang susi ng pagbubuklod sa kaharian; pasanin ang krus

Lesson 19: Mateo 16:1–28

Day 2

Pagbabagong-anyo: ipinagkatiwala ang mga susi ng pagbubuklod; pambayad ng buwis mula sa isang isda

Lesson 20: Mateo 17

Day 3

Pinagaling ni Jesus ang batang lalaki na sinapian ng karumal-dumal na espiritu

Lesson 39: Marcos 9:14–29

Day 4

Sino ang pinakadakila sa kaharian; mga ikatitisod

Lesson 40: Marcos 9:30–50

Day 5

Pagpapatawad; talinghaga: Ang walang habag na alipin

Lesson 21: Mateo 18:1–35

Week 9

Day 1

Kailangan ang sakripisyo sa pagsunod kay Jesus; pumarito si Jesus upang magligtas, hindi para manglipol

Lesson 49: Lucas 8–9

Day 2

Nagtalaga ng Pitumpu at isinugo; dumalo si Jesus sa Kapistahan ng mga Tabernakulo

Lesson 50: Lucas 10:1–24; Lesson 66: Juan 7

Day 3

Ang babaeng nangalunya; ang Ilaw ng Sanglibutan

Lesson 67: Juan 8:1–30

Day 4

Nagturo si Jesus tungkol sa kalayaan mula sa kasalanan at nagpatotoo sa Kanyang kabanalan

Lesson 68: Juan 8:31–59

Day 5

Pinagaling ni Jesus ang isang bulag na lalaki sa araw ng Sabbath

Lesson 69: Juan 9

Week 10

Day 1

Talinghaga: Ang Mabuting Pastol; ang pangako ni Jesus na kapahingahan

Lesson 70: Juan 10; Lesson 14: Mateo 11

Day 2

Talinghaga: Ang mabuting Samaritano

Lesson 50: Lucas 10:25–37

Day 3

Sina Maria at Marta; panalangin; mag-ingat sa mga Fariseo; talinghaga: Ang mayamang hangal

Lesson 51: Lucas 10:38–12:59

Day 4

Mga pagpapagaling sa araw ng Sabbath; talinghaga: Ang malaking hapunan

Lesson 52: Lucas 13–14

Day 5

Mga talinghaga: Ang Nawawalang Tupa, Nawawalang Putol ng Pilak, Alibughang anak

Lesson 53: Lucas 15

Week 11

Day 1

Mga talinghaga: Ang di-tapat na katiwala, Si Lazaro at ang mayamang lalaki

Lesson 54: Lucas 16

Day 2

Mga pagtuturo tungkol sa pagkatisod at pananampalataya; pinagaling ni Jesus ang sampung ketongin

Lesson 55: Lucas 17

Day 3

Pinabangon ni Jesus si Lazaro mula sa kamatayan

Lesson 71: Juan 11:1–46

Day 4

Nagtanong ang mga Fariseo tungkol sa diborsyo

Lesson 22: Mateo 19:1–12

Day 5

Pabayaan ang maliliit na bata; mayamang batang pinuno

Lesson 41: Marcos 10:1–34

Week 12

Day 1

Pabuya para sa pagtalikod sa lahat; talinghaga: Ang mga manggagawa sa ubasan

Lesson 22: Mateo 19:13–30; 20:1–16

Ang pinakadakila ay dapat maglingkod

Lesson 41: Marcos 10:35–52

Day 2

Mga talinghaga: Ang di-matwid na hukom, Ang Fariseo at ang maniningil ng buwis; pinagaling ni Jesus si Bartimeo; binisita si Zaqueo

Lesson 56: Lucas 18–21

Day 3

Pinahiran ni Maria ng langis si Jesus

Lesson 42: Marcos 14:1–9; Lesson 72: Juan 12:1–19

Matagumpay na pagpasok; pangalawang paglilinis ng templo

Lesson 23: Mateo 21:1–16

Day 4

Isinumpa ang puno ng igos; mga talinghaga: Dalawang anak na lalaki, Masasamang magsasaka, Kasal ng anak na lalaki ng hari

Lesson 24: Mateo 21:17–22:14

Day 5

Tanong tungkol sa buwis; pag-aasawa at ang Pagkabuhay na Mag-uli; ang dakilang utos

Lesson 25: Mateo 22:15–40

Week 13

Day 1

Pagbatikos sa pagkukunwari o pagpapaimbabaw

Lesson 26: Mateo 23:1–36

Ang lepta ng babaeng balo

Lesson 42: Marcos 11–13

Nanangis si Jesus para sa Jerusalem

Lesson 26: Mateo 23:37–39

Day 2

Sabwatan laban kay Lazaro; pagtuturo: ipinadala si Jesus ng Ama, isang ilaw sa mga yaong naniniwala

Lesson 72: Juan 12

Day 3

Pagkawasak ng Jerusalem; mga tanda ng Ikalawang Pagparito

Lesson 27: Joseph Smith—Mateo; Mateo 24

Day 4

Talinghaga: Sampung dalaga

Lesson 28: Mateo 25:1–13

Day 5

Mga talinghaga: Mga talento, Mga tupa at mga kambing

Lesson 29: Mateo 25:14–46

Week 14

Day 1

Ang pakikipagsabwatan ni Judas na ipagkanulo si Jesus; nagsimula ang Huling Hapunan

Lesson 30: Mateo 26:1–16

Hinugasan ni Jesus ang mga paa ng mga disipulo

Lesson 73: Juan 13:1–17

“Ako Baga, Panginoon?”

Lesson 30: Mateo 26:17–25

Day 2

Isang bagong utos

Lesson 73: Juan 13:31–38

Sinimulan ang sakramento

Lesson 30: Mateo 26:26–30

Day 3

Pagtuturo tungkol sa Mang-aaliw

Lesson 74: Juan 14

Day 4

Ipinropesiya ang pagkakaila ni Pedro

Lesson 57: Lucas 22:1–38

Ang Tunay na Puno ng Ubas; mangagibigan sa isa’t isa; ang Espiritu ng katotohanan ay nagpapatotoo

Lesson 75: Juan 15

Day 5

Mga babala sa mga Apostol; ang Mang-aaliw; oposisyon: Kagalakan at kalungkutan

Lesson 76: Juan 16

Week 15

Day 1

Ang panalangin ng pamamagitan ni Jesus

Lesson 77: Juan 17

Day 2

Ang paghihirap at mga panalangin ni Jesus sa Getsemani

Lesson 31: Mateo 26:31–46; Lesson 42: Marcos 14:10–16:20; Lesson 57: Lucas 22:39–53

Day 3

Dinakip si Jesus; ang pagkakaila ni Pedro; ang paglilitis kay Jesus sa harap ni Caifas

Lesson 31: Mateo 26:47–75; Lesson 57: Lucas 22:39–71

Day 4

Ang paglilitis sa harap ni Pilato at ni Herodes; pinalaya si Barrabas

Lesson 58: Lucas 23:1–25; Lesson 78: Juan 18:1–19:16

Ikalawang paglilitis sa harap ni Pilato

Lesson 78: Juan 18:33–19:16

Hinampas at kinutya si Jesus

Lesson 32: Mateo 27:1–50

Day 5

Ang Pagpapako sa Krus

Lesson 32: Mateo 27:26–50; Lesson 58: Lucas 23:26–56; Lesson 78: Juan 19:17–42

Week 16

Day 1

Ang kamatayan ni Jesucristo; ang libing ni Jesus; isinara nang mahigpit ng mga punong saserdote at ng mga Fariseo ang pintuan ng libingan

Lesson 33: Mateo 27:51–66

Day 2

Ang Pagkabuhay na Mag-uli

Lesson 33: Mateo 28:1–20; Lesson 79: Juan 20

Day 3

Nagpakita si Jesus sa dalawang disipulo sa daan patungong Emaus

Lesson 59: Lucas 24:13–32

Day 4

Gabi: Nagpakita si Jesus sa mga disipulo, kay Tomas

Lesson 79: Juan 20:11–31

Day 5

Pedro: “Mangingisda ako,” Jesus: “Alagaan mo ang aking mga tupa”

Lesson 80: Juan 21; Lesson 33: Mateo 28:1–20

Ang dakilang utos sa Labindalawa; Pag-akyat sa Langit

Lesson 59: Lucas 24