Library
Home-Study Lesson: Mga Taga Efeso 2–Mga Taga Filipos 4 (Unit 25)


Home-Study Lesson

Mga Taga Efeso 2Mga Taga Filipos 4 (Unit 25)

Materyal sa Paghahanda para sa Home-Study Teacher

Buod ng mga Daily Home-Study Lesson

Ang sumusunod na buod ng mga pangyayari, doktrina, at alituntunin na natutuhan ng iyong mga estudyante sa kanilang pag-aaral ng Mga Taga Efeso 2Mga Taga Filipos 4 (unit 25) ay hindi nilayong ituro bilang bahagi ng iyong lesson. Ang lesson na iyong itinuturo ay nakatuon lamang sa ilan sa mga doktrina at alituntuning ito. Sundin ang mga pahiwatig ng Banal na Espiritu habang iniisip mo ang mga pangangailangan ng iyong mga estudyante.

Day 1 (Mga Taga Efeso 2–3)

Ipinagpatuloy ni Apostol Pablo ang kanyang mensahe sa mga miyembro ng Simbahan sa Efeso sa pagtuturo sa kanila na dahil sa biyaya ni Jesucristo, ang buong sangkatauhan ay maliligtas sa pamamagitan ng pananampalataya sa Kanya at na kapag lumapit tayo kay Jesucristo at tinanggap ang Kanyang biyaya, nakikiisa tayo sa mga Banal ng Diyos. Itinuro rin ni Pablo na ang Simbahan ng Panginoon ay nakasalig sa mga apostol at propeta, na si Jesucristo ang pangulong bato sa panulok, at ang mga apostol at propeta ay naghahangad na tulungan ang mga anak ng Diyos na malaman at madama ang pag-ibig ni Jesucristo.

Day 2 (Mga Taga Efeso 4–6)

Sa pamamagitan ng patuloy na pagtuturo ni Pablo tungkol sa organisasyon ng Simbahan, natutuhan ng mga estudyante na ang Panginoon ay tumawag ng mga apostol, propeta, at iba pang mga pinuno ng Simbahan upang tumulong na gawing perpekto ang mga Banal at protektahan sila mula sa mga maling dokrina. Itinuro rin ni Pablo sa mga Banal na ang mga disipulo ni Jesucristo ay inaalis ang kanilang dati at masamang gawi at nagbibihis ng bago at matwid na mga gawi.

Day 3 (Mga Taga Filipos 1–3)

Mula sa sulat ni Pablo sa mga Banal sa Filipos, natutuhan ng mga estudyante na ang pagsalungat na nararanasan dahil sa pagsunod kay Jesucristo ay makatutulong na mapag-ibayo ang Kanyang gawain at kung susundin natin ang halimbawa ni Jesucristo ng pagpapakumbaba at di-makasariling pagmamalasakit sa iba, tayo ay mas magkakaisa. Itinuro rin ni Pablo sa atin na kung nanaisin at gagawin natin ang kinakailangan para sa ating kaligtasan, na naging posible dahil sa Pagbabayad-sala ni Jesucristo, at kung isusuko o iiwanan natin ang lahat ng kailangang isuko upang sundin si Jesucristo at magpapatuloy sa pananampalataya, makikilala natin Siya at magtatamo ng buhay na walang hanggan.

Day 4 (Mga Taga Filipos 4)

Sa pagpapatuloy ng kanilang pag-aaral ng sulat ni Pablo sa mga Banal sa Filipos, natuklasan ng mga estudyante na bilang matatapat na tagasunod ni Jesucristo, kung mananalangin tayo nang may pagsusumamo at pasasalamat, pagpapalain tayo ng Diyos ng Kanyang kapayapaan, at kung itutuon ng matatapat na banal ang kanilang isipan sa anumang bagay na mabuti at kung susundin nila ang mga apostol at propeta, mapapasakanila ang kapayapaan ng Diyos. Tinapos ni Pablo ang kanyang sulat sa pagtuturo na ang lahat ng bagay ay magagawa natin sa pamamagitan ni Jesucristo, na nagpapalakas sa atin.

Pambungad

Pagkatapos turuan ang mga Banal sa Efeso na kailangan nilang hubarin ang kanilang mga lumang sarili at maging isang bagong nilalang na sumusunod kay Jesucristo, itinuro ni Apostol Pablo na kailangan nilang isuot ang buong baluti ng Diyos.

Mga Mungkahi sa Pagtuturo

Mga Taga Efeso 6:10–24

Pinayuhan ni Pablo ang mga Banal na “mangagbihis ng buong kagayakan ng Dios”

Isulat sa pisara ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Ezra Taft Benson. (Matatagpuan ang pahayag na ito sa “The Power of the Word,” Ensign, Mayo 1986, 79.) Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang pahayag na ito.

“Kinakalaban ni Satanas ang mga miyembro ng Simbahan na may patotoo at nagsisikap na sundin ang mga kautusan” (Pangulong Ezra Taft Benson).

  • Sa paanong mga paraan kinakalaban ni Satanas ang mga kabataan sa Simbahan?

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Mga Taga Efeso 6:10–13. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, na inaalam kung ano ang sinabi ni Pablo na nilalabanan ng mga Banal sa kanyang panahon. Ipaliwanag na ang mga lalang ng diyablo ay tumutukoy sa mga pandaraya o panloloko na ginagamit upang malinlang o madaya ang iba.

  • Ayon kay Pablo, ano ang mga nilalabanan ng mga Banal sa kanyang panahon?

  • Paano natutulad ang mga isinulat ni Pablo sa talata 12 sa mga nilalabanan natin sa ating panahon?

  • Ano ang sinabi ni Pablo na dapat isuot ng mga Banal sa kanyang panahon upang mapaglabanan ang mga kasamaang ito? (Matapos sumagot ang mga estudyante, isulat sa pisara ang sumusunod na alituntunin: Kung isusuot natin ang buong baluti ng Diyos, mapaglalabanan natin ang kasamaan.)

handout, baluti ng Diyos

Isuot ang Buong Baluti ng Diyos

Manwal ng Bagong Tipan para sa mga Seminary Teacher—Home-Study Lesson (Unit 25)

diagram, baluti ng Diyos

handout iconBigyan ang mga estudyante ng kalakip na handout. Hatiin ang klase sa limang grupo, at i-assign sa bawat grupo ang isang bahagi ng baluti na binanggit sa Mga Taga Efeso 6:14–17. (Huwag i-assign ang “baywang [na] may bigkis ng katotohanan” [talata 14]. Kung maliit ang klase, maaaring higit sa isang bahagi ng baluti ang kailangan mong i-assign sa ilang grupo.)

Isulat ang mga sumusunod na tanong sa pisara:

  1. Ano ang gamit ng bahaging ito ng baluti?

  2. Ano ang tawag ni Pablo sa bahaging ito ng baluti?

  3. Ano ang maaaring espirituwal na sinasagisag ng parte ng katawan na pinoprotektahan ng baluti?

  4. Paano makatutulong ang pagsusuot ng parte ng espirituwal na baluti na ito upang mapaglabanan ninyo ang kasamaan?

Para maipakita sa mga estudyante kung paano kumpletuhin ang handout, ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Mga Taga Efeso 6:14. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, na inaalam ang mga sagot para sa mga tanong sa pisara na angkop para sa “baywang [na] may bigkis ng katotohanan” at ipasulat ang mga sagot sa kanilang mga handout.

Ipaliwanag na ang “[nakabigkis]” sa baywang na baluti ay isang sinturon na nakatali sa gitnang bahagi ng katawan. Pagkatapos ay sabihin sa ilang mga estudyante na ibahagi ang kanilang mga sagot sa klase. Maaaring magmungkahi ang mga estudyante ng mga sagot na tulad ng sumusunod: (1) Tinatakpan nito ang baywang (ang mga mahahalagang parte ng katawan na may kinalaman sa reproductive system). (2) Tinawag ito ni Pablo na “katotohanan.” (3) Sinasagisag nito ang ating kalinisang puri o kadalisayang moral. (4) Ang kaalaman tungkol sa katotohanan ng plano ng kaligtasan ay makahihikayat sa atin na manatiling dalisay sa moralidad.

Sabihin sa mga estudyante na sundin ang huwarang ito sa pagbabasa ng kanilang grupo ng Mga Taga Efeso 6:14–18 at sa pagkumpleto ng bahagi ng handout na tugma sa naka-assign sa kanila na bahagi ng baluti. (Ipaliwanag na ang “paa [na] may panyapak” [talata 15] ay nangangahulugang pagsusuot ng sapatos o ng ibang proteksyon sa paa.)

Pagkatapos ng sapat na oras, sabihin sa kinatawan ng bawat grupo na ireport sa klase ang natutuhan nila. Habang nagrereport ang bawat grupo, ipasulat sa mga estudyante ang mga sagot ng mga grupo sa kanilang handout.

  • Bakit mahalaga na protektahan natin ang ating mga sarili gamit ang buong baluti ng Diyos?

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang sumusunod na pahayag ni Elder M. Russel Ballard ng Korum ng Labindalawang Apostol. Sabihin sa klase na pakinggan kung paano natin maisusuot at mapalalakas ang baluti ng Diyos.

Elder M. Russell Ballard

“Paano natin isinusuot ang buong baluti ng Diyos upang gaya ng ipinangako ni Pablo, tayo ay ‘mangakatagal sa araw na masama’?

“Gusto kong isipin na ang espirituwal na baluting ito ay hindi isang buong piraso ng bakal na ginawa para magkasya sa katawan, kundi isang pinagdugtung-dugtong na mga kadena. Ang kadenang ito ay binubuo ng dose-dosenang maliliit na piraso ng bakal na magkakabit-kabit upang mas makagalaw ang nagsusuot nang hindi nababawasan ang proteksyon. Sinasabi ko ito dahil sa aking karanasan ay walang iisang dakila at malaking bagay na maaari nating gawin upang maprotektahan ang ating mga sarili sa espirituwal na paraan. Ang tunay na kapangyarihang espirituwal ay nakasalalay sa maraming maliliit na mga gawain na hinabing mga hibla ng espirituwal na tanggulan na pumoprotekta at sumasangga mula sa lahat ng kasamaan” (“Be Strong in the Lord,” Ensign, Hulyo 2004, 8).

  • Ano ang ginagawa ninyo para maisuot at mapalakas ninyo ang baluti ng Diyos sa bawat araw?

  • Paano ito nakatulong sa inyo na mapaglabanan ang kasamaan, panunukso, at panlilinlang?

Isulat ang sumusunod na mga tanong sa pisara. Sabihin sa mga estudyante na sagutin ang mga sumusunod na tanong sa kanilang notebook o sa scripture study journal.

Anong bahagi ng inyong espirituwal na baluti ang masasabi ninyong malakas?

Ano ang pinakamahinang bahagi ng inyong baluti?

Ano ang inyong gagawin upang palakasin ang bawat bahagi ng espirituwal na baluti sa inyong buhay?

Ibuod ang Mga Taga Efeso 6:19–24 na ipinapaliwanag na tinapos ni Pablo ang kanyang liham na hinihiling sa mga Banal na ipagdasal na siya ay pagkalooban ng “pananalita” (talata 19) at maipangaral nang buong tapang ang ebanghelyo habang nakakulong.

Magtapos sa pagbabahagi ng iyong patotoo tungkol sa mga katotohanang natalakay sa lesson, at hikayatin ang mga estudyante na kumilos alinsunod sa mga pahiwatig na natanggap nila.

Susunod na Unit (Mga Taga ColosasI Kay Timoteo)

Sabihin sa mga estudyante na alamin ang mga sagot sa mga sumusunod na tanong sa pagpapatuloy ng kanilang pag-aaral ng mga isinulat ni Pablo sa susunod na linggo: Ano ang sinabi ni Pablo tungkol sa pag-ibig sa salapi? Paano tayo makakaiwas na malinlang ng mga maling tradisyon? Ayon kay Pablo, ano ang kailangan munang maganap bago ang Ikalawang Pagparito? Paano natin malalaman na ito ay naganap na?