Lesson 104
I Mga Taga Corinto 3–4
Pambungad
Ipinaliwanag ni Pablo sa mga Banal sa Corinto ang tungkulin ng mga misyonero sa pagtatayo ng kaharian ng Diyos. Itinuro niya na ang kanilang mga kongregasyon ay lugar kung saan makatatahan ang Espiritu at ipinayo sa kanila na huwag isipin na ang ilang tao ay mas mahusay kaysa iba. (Paalala: Ang doktrina na ang ating mga pisikal na katawan ay tulad ng mga templo ay matatalakay sa lesson sa I Mga Taga Corinto 6.)
Mga Mungkahi sa Pagtuturo
I Mga Taga Corinto 3
Ipinaliwanag ni Pablo ang tungkulin ng mga misyonero at miyembro ng Simbahan sa pagtatayo ng kaharian ng Diyos
Sabihin sa mga estudyante na kunwari ay may kaibigan sila na nag-enroll sa isang advanced math class, tulad ng calculus, pero hindi kumuha ng mga prequisite course, tulad ng basic algebra.
-
Sa palagay ninyo, magiging matagumpay kaya ang kaibigan ninyo sa advanced math class? Bakit?
-
Bakit kailangan na maunawaan ang mga pangunahing ideya ng isang paksa bago ka maging mahusay sa mga mas malalim o advanced na konsepto?
Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang I Mga Taga Corinto 3:1–3. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, na inaalam ang analohiya na ginamit ni Pablo para maipakita sa mga Banal sa Corinto na hindi pa sila handa sa mas malalim na katotohanan ng ebanghelyo. Ipaliwanag na ang mga katagang “kundi tulad sa mga nasa laman” sa talata 1 ay tumutukoy sa likas na tao, o “isang tao na pumapayag na mahikayat ng mga silakbo ng damdamin, pagnanasa, gana, at [naisin] ng laman kaysa ng mga panghihikayat ng Banal na Espiritu. Ang taong ganito ay nakauunawa ng mga pisikal na bagay subalit hindi ng mga espirituwal na bagay” (Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Likas na Tao,” scriptures.lds.org).
Isulat sa pisara ang mga salitang gatas at laman o karne.
-
Alin sa mga pagkaing ito ang ipapakain ninyo sa isang sanggol? Bakit?
-
Ano ang iminumungkahi ng mga katagang “mga sanggol kay Cristo” sa talata 1 tungkol sa espirituwalidad ng mga Banal sa Corinto?
Para matulungan ang mga estudyante na maunawaan na hindi pa handa ang mga Banal na makatanggap ng mas dakilang mga katotohanan, ipaalala sa kanila na ang mga Banal sa Corinto ay hindi nagkakaisa at ang ilan sa kanila ay isinama ang mga paniniwala at gawing pagano (di-makadiyos) sa kanilang pagsunod sa ebanghelyo. Ipaliwanag na gumamit si Pablo ng ilang metapora para ituro sa mga Banal na ito ang kahalagahan ng pagkakaisa, itama ang mga maling paniniwala at gawi, at palakasin ang kanilang pananampalataya sa ebanghelyo ni Jesucristo.
Hatiin ang klase sa mga grupo na may tigtatatlong estudyante. I-assign sa bawat tao sa grupo ang isa sa mga sumusunod na mga outline sa pagtuturo. Bigyan ang bawat estudyante ng handout ng outline sa pagtuturo na naka-assign sa kanya, at bigyan ang mga estudyante ng ilang minuto para mabasa ito. Pagkatapos ng sapat na oras, sabihin sa bawat estudyante na gamitin ang outline para magturo sa dalawa pang miyembro ng grupo. (Kung hindi posible na magkaroon ng grupo na may tigtatatlong estudyante, maaari mong pagpartner-partnerin ang mga estudyante at i-assign ang dalawang outline sa pagtututro sa isa sa mga estudyante sa bawat pares.)
Pagkatapos ng sapat na oras, ipabahagi sa ilang estudyante ang natutuhan nila sa kanilang mga grupo at kung ano ang gagawin sa mga natutuhan nila.
I Mga Taga Corinto 4
Sinabi ni Pablo sa mga Banal sa Corinto na huwag isipin na ang ilang tao ay mas mahusay kaysa iba
Ipaliwanag na ayon sa payo ni Pablo na nakatala sa I Mga Taga Corinto 4:1–3, tila may ilang miyembro ng Simbahan sa Corinto ang nanghusga sa kakayahan ni Pablo bilang missionary at lider ng Simbahan. Maaaring kinikuwestiyon nila ang kanyang pasiya o iniisip na may iba na mas magaling sa kanya.
Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang I Mga Taga Corinto 4:3–5. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, na inaalam kung paano tinugon ni Pablo ang mga panghuhusga nila.
-
Paano tinugon ni Pablo ang panghuhusga nila?
-
Bakit hindi nag-aalala si Pablo tungkol sa panghuhusga ng iba?
-
Anong katotohanan mula sa talata 5 ang matututuhan natin tungkol sa kung paano tayo huhusgahan o hahatulan ng Panginoon? (Ang mga estudyante ay maaaring makapagbigay ng iba’t ibang sagot, ngunit tiyakin na natukoy nila ang katotohanan na tulad ng sumusunod: Hahatulan tayo ng Panginoon nang makatarungan dahil alam Niya ang lahat ng bagay, pati na ang mga saloobin at layunin ng ating puso.)
-
Paano makatutulong sa isang taong hinusgahan nang hindi makatwiran ang paniniwala sa katotohanang ito?
Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang I Mga Taga Corinto 4:6–7, at sabihin sa klase na alamin ang itinuro ni Pablo sa mga Banal tungkol sa kanilang pakikipag-ugnayan sa ibang miyembro ng Simbahan, kabilang ang mga lider ng Simbahan.
-
Ayon sa talata 6, ano ang sinabi ni Pablo na hindi dapat gawin ng mga Banal kapag nakakita sila ng pagkakaiba sa mga missionary at mga lider ng Simbahan? (Hindi sila dapat “magpalalo” sa pagmamataas at isipin na ang ilang tao ay mas mahusay kaysa iba.)
-
Ayon sa mga tanong ni Pablo na nakatala sa talata 7, sino ang nagbigay sa mga tao ng iba’t ibang talento at kakayahan?
-
Paano makatutulong sa atin ang payo ni Pablo kapag naisip natin ang ating mga lider at guro sa Simbahan?
Ibuod ang I Mga Taga Corinto 4:8–21 na ipinapaliwanag na sinabi ni Pablo sa mga Banal sa Corinto na ang mga Apostol ni Jesucristo ay tinawag na magdusa dahil sa kasamaan ng mundo. Hinuhusgahan ng mundo na “mangmang” (talata 10) ang mga Apostol at ang iba pang lider ng simbahan dahil sa pagsisikap na sundin si Cristo.
Tapusin ang lesson na nagpapatotoo tungkol sa mga katotohanang itinuro sa lesson na ito.