Pambungad sa Manwal ng Bagong Tipan para sa Seminary Teacher
Ang Ating Layunin
Ipinapahayag ng Mithiin ng Seminaries and Institutes of Religion:
“Ang ating layunin ay tulungan ang kabataan at mga young adult na maunawaan at umasa sa mga turo at sa Pagbabayad-sala ni Jesucristo, maging karapat-dapat sa mga pagpapala ng templo, at maihanda ang kanilang sarili, kanilang pamilya, at iba pa para sa buhay na walang hanggan sa piling ng kanilang Ama sa Langit” (Gospel Teaching and Learning: A Handbook for Teachers and Leaders in Seminaries and Institutes of Religion [2012], 1).
Para matupad ang ating layunin, itinuturo natin sa mga estudyante ang mga doktrina at mga alituntunin ng ebanghelyo na matatagpuan sa mga banal na kasulatan at sa mga salita ng mga propeta. Ang mga doktrina at mga alituntuning ito ay itinuturo sa paraang humahantong sa pagkaunawa at katatagan. Tinutulungan natin ang mga estudyante na magawa ang kanilang responsibilidad sa pag-aaral at inihahanda sila na ituro ang ebanghelyo sa iba.
Para magawa ang mga layuning ito, ikaw at ang mga estudyante na tinuturuan mo ay hinihikayat na gamitin ang sumusunod na Fundamentals of Gospel Teaching and Learning (Mga Pangunahing Alituntunin sa Pagtuturo at Pag-aaral ng Ebanghelyo) habang sama-sama ninyong pinag-aaralan ang mga banal na kasulatan:
-
Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu.
-
Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase.
-
Pag-aralan ang mga banal na kasulatan araw-araw, at basahin ang teksto para sa kurso. [Ang mga chart para sa pagrerekord ng pagbabasa ng buong Bagong Tipan ay matatagpuan sa Mga Scripture Mastery Card para sa Bagong Tipan sa LDS.org at sa store.lds.org (item no. 10480).]
-
Unawain ang konteksto at nilalaman ng mga banal na kasulatan at ng mga salita ng mga propeta.
-
Tukuyin, unawain, damhin ang katotohanan at kahalagahan ng mga doktrina at mga alituntunin ng ebanghelyo, at ipamuhay ang mga ito.
-
Ipaliwanag, ibahagi, at patotohanan ang mga doktrina at mga alituntunin ng ebanghelyo.
-
Maisaulo at maunawaang mabuti ang mga scripture mastery passage at ang mga Pangunahing Doktrina” (Gospel Teaching and Learning, 10).
Dagdag pa sa pagsasakatuparan ng mga layuning ito, dapat mong tulungan ang mga estudyante na maging matapat sa ebanghelyo ni Jesucristo at matutuhan na malaman ang tama sa mali. Maaaring may mga tanong ang mga estudyante tungkol sa doktrina, kasaysayan, o posisyon tungkol sa mga isyung panlipunan ng Simbahan. Maihahanda mo ang mga estudyante na masagot ang mga gayong tanong sa pagtulong sa kanila na “maghangad na matuto, maging sa pamamagitan ng pag-aaral at gayon din sa pamamagitan ng pananampalataya” (D at T 88:118) at sa paggamit sa mga resources na nasa Seek Truth section ng si.lds.org.
Inihanda ang manwal ng titser na ito para tulungan kang magtagumpay sa pagsasakatuparan sa mga layuning iyon.
Paghahanda ng Lesson
Iniutos ng Panginoon sa mga nagtuturo ng Kanyang ebanghelyo na “[i]turo [ang] mga alituntunin ng aking ebanghelyo, na nasa Biblia at Aklat ni Mormon, na kung saan ang kabuuan ng ebanghelyo” (D at T 42:12). Iniutos pa niya kalaunan na ang mga katotohanang ito ay dapat ituro na “ginagabayan ng Espiritu,” na “ibibigay … sa pamamagitan ng panalangin nang may pananampalataya” (D at T 42:13–14). Habang inihahanda mo ang bawat lesson, mapanalangin mong hingin ang patnubay ng Espiritu para matulungan kang maunawaan ang mga banal na kasulatan at ang mga doktrina at mga alituntunin na nilalaman nito. Gayundin, sundin ang mga pahiwatig ng Espiritu habang nagpaplano ka kung paano matutulungan ang iyong mga estudyante na maunawaan ang mga banal na kasulatan, matutuhan na maturuan ng Espiritu Santo, at makaramdam ng paghahangad na matuto.
Sa kursong ito, ang Bagong Tipan ang iyong pangunahing teksto kapag naghahanda at nagtuturo ka. Mapanalanging pag-aralan ang mga kabanata o mga talata na ituturo mo. Sikaping maunawaan ang konteksto at nilalaman ng scripture block, kabilang ang nilalaman ng kuwento, mga tao, lugar, at pangyayari. Kapag naging pamilyar ka na sa konteksto at nilalaman ng scripture block, sikaping matukoy ang mga doktrina at mga alituntunin na nilalaman nito, at magpasiya kung alin sa mga katotohanan ang pinakamahalaga sa iyong mga estudyante na maunawaan at maipamuhay. Kapag natukoy mo na kung ano ang iyong magiging pokus, alamin kung alin sa mga pamamaraan, istilo, at aktibidad ang pinakamakatutulong sa iyong mga estudyante na maunawaan at maipamuhay ang mga sagradong katotohanan na matatagpuan sa mga banal na kasulatan.
Ginawa ang manwal na ito para tulungan ka sa prosesong ito. Maingat na rebyuhin ang materyal ng lesson na nauugnay sa scripture block na ituturo mo. Maaari mong piliing gamitin ang lahat o ang ilan sa mga mungkahi sa pagtuturo para sa scripture block, o maaari mong iangkop ang mga iminungkahing ideya sa mga pangangailangan at mga kalagayan ng mga estudyanteng tinuturuan mo.
Mahalaga na matulungan mo ang mga estudyante na pag-aralan ang buong scripture block ng bawat lesson. Ang paggawa nito ay makatutulong sa iyong mga estudyante na maunawaan ang buong mensahe na ipinararating ng may-akda ng banal na kasulatan. Gayunman, habang pinaplano mo ang iyong lesson, maaaring matuklasan mo na hindi sasapat ang oras sa klase para gamitin ang lahat ng iminungkahing pamamaraan sa pagtuturo sa manwal. Hingin ang patnubay ng Espiritu at mapanalanging pag-isipan ang mga pangangailangan ng iyong mga estudyante habang tinutukoy mo kung aling mga bahagi ng scripture block ang bibigyang-diin para matulungan ang mga estudyante na madama ang katotohanan at kahalagahan ng mga katotohanan ng ebanghelyo at maipamuhay ang mga ito. Kung hindi sapat ang oras, maaaring kailangan mong iangkop ang mga bahagi ng lesson sa pamamagitan ng maikling pagbubuod sa isang grupo ng mga talata o sa paggabay sa mga estudyante na mabilis na matukoy ang isang alituntunin o doktrina bago magpatuloy sa susunod na mga talata ng mga banal na kasulatan.
Habang pinag-iisipan mo kung paano maiaangkop ang mga materyal ng lesson, tiyaking sundin ang payo na ito ni Elder Dallin H. Oaks ng Korum ng Labindalawang Apostol:
“Madalas ituro ni Pangulong Packer, na narinig ko, na umayon muna tayo, at saka tayo umangkop. Kung lubos nating nauunawaan ang iminungkahing lesson na ibibigay natin, masusunod natin ang Espiritu para iakma ito” (“4.3.4 Decide through Inspiration,“ mula sa “A Panel Discussion with Elder Dallin H. Oaks” [Seminaries and Institutes of Religion satellite broadcast, Ago. 7, 2012], LDS.org).
Habang naghahanda kang magturo, isipin ang mga estudyante na may mga partikular na pangangailangan. Iakma ang mga aktibidad at mga ekspektasyon na tutulong sa kanila na magtagumpay. Ang pakikipag-usap sa mga magulang at mga lider ay tutulong sa iyo na malaman ang mga pangangailangan ng mga estudyante at tutulong sa iyo na magtagumpay sa pagbibigay ng makabuluhan at nagpapalakas na karanasan para sa mga estudyante.
Sa paghahanda mo ng lesson, maaari mong piliin na gamitin ang mga Notes and Journal tool sa LDS.org o sa Gospel Library para sa mga mobile device. Magagamit mo ang mga tool na ito para magmarka ng mga banal na kasulatan, mga mensahe sa pangkalahatang kumperensya, mga artikulo sa mga magasin ng Simbahan, at mga lesson. Makapagdaragdag at makakapag-save ka rin ng mga tala na magagamit mo sa iyong mga lesson. Para mas matuto pa kung paano gamitin ang mga tool na ito, tingnan ang Notes and Journal Help page sa LDS.org.
Ang ilang materyal sa manwal na ito ay kinuha mula sa New Testament Student Manual (Church Educational System Manual, 2014).
Paggamit ng Manwal para sa Daily Teacher
Pambungad sa Aklat
Ang mga pambungad sa mga aklat ay nagbibigay ng buod ng bawat aklat. Kabilang ang iba pang bagay, ipinapaliwanag nito kung sino ang sumulat ng bawat aklat, inilalarawan ang ilang natatanging katangian ng bawat aklat, at nagbibigay ng buod ng nilalaman ng bawat aklat.
Pambungad sa Scripture Block
Ang mga pambungad sa scripture block ay nagbibigay ng maikling buod sa konteksto at nilalaman ng scripture block para sa bawat lesson.
Paggrupo sa mga Talata at Buod ng Konteksto
Ang mga scripture block ay karaniwang hinahati sa mas maliliit na bahagi o grupo ng mga talata na nagtutuon sa isang partikular na paksa o kilos. Ang reperensya para sa bawat grupo ng mga talata ay sinusundan ng isang maikling buod ng mga pangyayari o mga turo na nakapaloob sa mga talatang ito na nasa grupo.
Mga Tulong sa Pagtuturo
Ipinapaliwanag ng mga tulong sa pagtuturo ang mga alituntunin at mga paraan sa pagtuturo ng ebanghelyo. Matutulungan ka ng mga ito sa iyong pagsisikap na humusay bilang isang titser.
Nilalaman ng Lesson
Ang nilalaman ng lesson ay gagabay sa iyong pag-aaral at pagtuturo. Nagmumungkahi ito ng mga ideya sa pagtuturo, kabilang ang mga tanong, aktibidad, sipi o quotation, diagram, at mga chart.
Mga Doktrina at mga Alituntunin
Kapag natural na lumalabas ang mga doktrina at mga alituntunin sa pag-aaral ng banal na kasulatan, naka-bold letter ang mga ito upang mabigyang-diin at para matulungan kang matukoy at magtuon sa mga ito sa iyong talakayan sa mga estudyante.
Mga Larawan
Ang mga larawan ng mga lider ng Simbahan at mga pangyayari mula sa mga banal na kasulatan ay kumakatawan sa mga visual aid na maididispley mo, kung mayroon, habang nagtuturo ka.
Scripture Mastery
Ang 25 scripture mastery passage na matatagpuan sa Bagong Tipan ay binigyang-diin sa konteksto ng mga lesson kung saan makikita ang mga ito. Bawat isa sa mga lesson na ito ay naglalaman din ng isang ideya sa pagtuturo para sa mga scripture mastery passage na ito. Para matulungan kang maging konsistent sa pagtuturo ng mga scripture mastery passage, may matatagpuan kang mga aktibidad para sa pagrerebyu ng scripture mastery sa buong manwal. Para sa karagdagang ideya sa pagtuturo ng scripture mastery, tingnan ang apendiks ng manwal na ito o ang Seminary Student Resources sa LDS.org.
Espasyo sa mga Column
Ang mga espasyo sa mga column sa nakalimbag na manwal ng titser ay magagamit para sa paghahanda ng lesson, kabilang na sa pagsusulat ng mga tala, alituntunin, karanasan, o iba pang mga ideya, kapag naantig ka ng Espiritu Santo.
Komentaryo at Pinagmulang Impormasyon
May mga karagdagang sipi o quotation at paliwanag sa dulo ng ilang lesson na magdaragdag sa iyong pang-unawa sa kontekstong pangkasaysayan, mga partikular na mga konsepto, at mga scripture passage. Gamitin ang impormasyon sa bahaging ito para maghanda na masagot ang mga tanong o magbigay ng mga karagdagang ideya habang nagtuturo ka. Matatagpuan ang mga karagdagang komentaryo sa mga digital version ng manwal na ito sa LDS.org at sa Gospel Library app.
Mga Karagdagang Ideya sa Pagtuturo
Makikita ang mga karagdagang ideya sa pagtuturo sa dulo ng ilang lesson. Nagbibigay ang mga ito ng mga mungkahi para sa pagtuturo ng mga doktrina at mga alituntunin na hindi natukoy o nabigyang-diin sa nilalaman ng lesson. Maaari ding magbigay ang mga ito ng mga mungkahi sa paggamit ng visual media, tulad ng mga DVD presentation at mga video sa LDS.org. Matatagpuan ang mga karagdagang ideya sa pagtuturo sa mga digital version ng manwal na ito sa LDS.org at sa Gospel Library app.
Daily Seminary Program (Released-Time at Early-Morning)
Naglalaman ang manwal na ito ng mga sumusunod para sa mga titser ng daily seminary: 160 daily lesson ng titser, tulong sa pagtuturo, pambungad sa mga aklat, at resources para sa pagtuturo ng scripture mastery at mga Pangunahing Doktrina.
Mga Pambungad sa Aklat
Ang mga pambungad sa aklat ay inilagay bago ang unang lesson ng bawat aklat ng banal na kasulatan. Ang mga pambungad sa aklat ay nagbibigay ng buod para sa bawat aklat sa pamamagitan ng pagsagot sa mga sumusunod na tanong: Bakit kailangang pag-aralan ang aklat na ito? Sino ang sumulat ng aklat na ito? Kailan at saan ito isinulat? Para kanino ito isinulat at bakit? at Ano ang ilan sa kakaibang katangian ng aklat na ito? Maikling ibinubuod din ng mga pambungad ang nilalaman ng bawat aklat. Dapat isali ng mga titser sa lesson ang konteksto at ang pinagbatayang impormasyon mula sa mga pambungad ng aklat kung kailangan.
Mga Daily Teacher Lesson
Lesson Format
Ang bawat lesson sa manwal na ito ay nakatuon sa isang scripture block sa halip na sa isang partikular na konsepto, doktrina, o alituntunin. Ang format na ito ay tutulong sa iyo at sa iyong mga estudyante na mapag-aralan ang mga banal na kasulatan ayon sa pagkakasunod-sunod nito at matalakay ang mga doktrina at mga alituntunin kapag lumitaw ito mula sa scripture text. Kapag natutuhan ng mga estudyante ang konteksto ng isang doktrina o alituntunin, lalalim ang kanilang pag-unawa sa katotohanang iyon. Dagdag pa rito, mas makikita at mauunawaan ng mga estudyante ang tunay na kahulugan na nais iparating ng mga mensahe ng mga inspiradong manunulat ng mga banal na kasulatan. Ang pagtuturo ng mga banal na kasulatan sa ganitong paraan ay makatutulong din sa mga estudyante na matutuhan kung paano matutuklasan at maipamumuhay ang mga walang-hanggang katotohanan sa kanilang personal na pag-aaral ng mga banal na kasulatan.
Sa bawat lesson, hindi lahat ng bahagi ng isang scripture block ay binibigyang-diin. Ang ilang bahagi ay hindi gaanong pinagtutuunan dahil hindi gaanong nauugnay ang mga ito sa kabuuang mensahe ng inspiradong manunulat o dahil hindi gaanong naaangkop ang mga ito sa mga kabataan. Responsibilidad mo na iakma ang mga materyal na ito ayon sa mga pangangailangan at mga interes ng mga estudyanteng tinuturuan mo. Maaari mong iangkop ang mga ideya para sa mga lesson ng manwal na ito sa pamamagitan ng pagpili na mas bigyang-diin ang isang partikular na doktrina o alituntunin kaysa sa nakasaad sa materyal ng lesson o sa pagpili na hindi gaanong bigyang-diin ang isang bahagi ng scripture block na mas tatalakayin nang mas malinaw kalaunan sa manwal. Hingin ang patnubay ng Espiritu Santo na tulungan kang magawa ang mga pag-aangkop na ito kapag naghahanda at nagtuturo ka.
Mga Doktrina at mga Alituntunin
Sa nilalaman ng bawat lesson, may makikita kang ilang mahahalagang doktrina at alituntunin na binibigyang-diin at naka-bold letter. Ang mga doktrina at mga alituntuning ito ay tinukoy sa kurikulum dahil (1) ipinapakita ng mga ito ang pangunahing mensahe ng scripture block, (2) ang mga ito ay angkop sa mga pangangailangan at mga sitwasyon ng mga estudyante, o (3) ang mga ito ay mahahalagang katotohanan na makatutulong sa mga estudyante na mapalalim ang kanilang ugnayan sa Panginoon. Dapat mong mabatid na nagtuturo ang Bagong Tipan ng maraming katotohanan na hindi tinukoy sa kurikulum. Itinuro ni Pangulong Boyd K. Packer ng Korum ng Labindalawang Apostol na naglalaman ang mga banal na kasulatan ng “hindi mabibilang na magkakasamang katotohanan na naaangkop sa mga pangangailangan ng bawat indibidwal sa lahat ng sitwasyon” (“The Great Plan of Happiness” [CES Symposium on the Doctrine and Covenants/Church History, Ago. 10, 1993], si.lds.org; tingnan din sa Teaching Seminary: Preservice Readings [2004], 69, LDS.org).
Sa iyong pagtuturo, palaging bigyan ang mga estudyante ng mga pagkakataon na matukoy ang mga doktrina at mga alituntunin sa banal na kasulatan. Kapag inihayag ng mga estudyante ang mga katotohanang natuklasan nila, maaaring madalas na gumamit sila ng mga salita na iba sa mga salitang ginamit sa pagpapahayag ng doktrina o alituntunin sa manwal na ito. Maaari ding may matuklasan silang mga katotohanan na hindi tinukoy sa lesson outline. Maging maingat na hindi madama ng mga estudyante na mali ang sagot nila dahil lamang sa iba ang kanilang mga ginamit na salita mula sa mga ginamit sa manwal o dahil wala sa kurikulum ang katotohanang binanggit nila. Gayunman, kung ang sinabi ng estudyante ay talagang maling doktrina, responsibilidad mo na mahinahon siyang tulungan na maitama ang kanyang sinabi na naroroon pa rin ang pagmamahal at pagtitiwala. Ang paggawa nito ay magbibigay ng mahalagang karanasan sa pag-aaral para sa mga estudyante sa iyong klase.
Pacing o Bilis ng Pagtuturo
May 160 daily seminary lesson sa manwal na ito. Maaari mong iangkop ang mga lesson at ang pacing o bilis ng pagtuturo kung kailangan batay sa kung gaano mo katagal ituturo ang kursong ito. Tingnan ang apendiks ng manwal na ito para sa isang sample pacing guide. Ang pacing guide ay batay sa isang 36-week o 180-day school year at kinabibilangan ng 20 “flexible na araw” na magagamit mo para maiangkop ang mga daily lesson, matulungan ang mga estudyante na maisaulo at maunawaan nang mabuti ang mga key scripture passage at mga Pangunahing Doktrina, marebyu ang mga naituro na, maibigay at marebyu ang mga kinakailangang learning assessment, at para sa anumang pagkaantala sa iskedyul ng klase.
Makeup Work
Ang Gabay sa Pag-aaral ng Bagong Tipan para sa mga Estudyante ng Home-Study Seminary ay magagamit sa mga daily seminary program bilang materyal para sa makeup work ng mga estudyante. Ang mga lesson sa gabay sa pag-aaral para sa mga estudyante ng home-study ay katulad ng mga yaong nakalahad sa manwal na ito. Maaaring ipakumpleto sa mga estudyante na may maraming absent ang mga assignment sa gabay sa pag-aaral na tugma sa mga lesson na hindi nila nadaluhan. Ang mga assignment ay maaaring i-print mula sa LDS.org, kaya hindi mo kailangang bigyan ng buong manwal ang mga estudyante na kailangang gumawa ng makeup work. Mas maraming impormasyon tungkol sa Gabay sa Pag-aaral ng Bagong Tipan para sa mga Estudyante ng Home-Study Seminary ang ibinigay sa bahagi na may pamagat na “Home-Study Seminary Program” sa manwal na ito.
Mga Tulong sa Pagtuturo
Makikita ang mga tulong sa pagtuturo sa mga margin ng manwal na ito. Ang mga tulong sa pagtuturo na ito na nagpapaliwanag o naglalarawan kung paano ninyo maipamumuhay ng mga estudyanteng tinuturuan mo ang mga Pangunahing Alituntunin ng Pagtuturo at Pag-aaral ng Ebanghelyo (Fundamentals of Gospel Teaching and Learning) sa inyong pag-aaral ng Bagong Tipan. Nagmumungkahi rin ang mga ito kung paano mahusay na gagamitin ang iba-ibang mga paraan, kakayahan, at istilo sa pagtuturo. Kapag naunawaan mo ang mga alituntuning nakapaloob sa mga tulong sa pag-aaral, alamin ang mga paraan para patuloy na magamit at maipamuhay ang mga ito sa iyong pagtuturo.
Scripture Mastery at mga Pangunahing Doktrina
Para matulungan ang mga estudyante na pahalagahan ang mga walang-hanggang katotohanan at madagdagan ang kanilang tiwala sa pag-aaral at pagtuturo mula sa mga banal na kasulatan, pumili ang Seminaries and Institutes of Religion (S&I) ng ilang mga scripture passage na isasaulo at pag-aaralang mabuti ng mga estudyante sa bawat kurso ng pag-aaral. Dagdag pa rito, isang listahan ng mga Pangunahing Doktrina ang isinama para mabigyang-diin ang mahahalagang doktrina na dapat maunawaan, paniwalaan, at ipamuhay ng mga estudyante sa kanilang apat na taon sa seminary at sa buong buhay nila. Ang manwal para sa bawat kurso sa seminary ay ginawa para mabigyang-diin ang mga Pangunahing Doktrina kapag nakita o nakalahad ang mga ito sa pag-aaral ng mga estudyante ng banal na kasulatan ayon sa pagkakasunod-sunod nito. Marami sa mga scripture mastery passage ang pinili na isinasaalang-alang ang mga Pangunahing Doktrina, kaya kapag itinuturo mo ang mga scripture mastery passage sa mga estudyante, ituturo mo rin ang mga Pangunahing Doktrina.
Kapag pinahalagahan ng mga estudyante ang mga walang-hanggang katotohanan sa kanilang mga puso at isipan, ipapaalala sa kanila ng Espiritu Santo ang mga katotohanang ito sa mga panahon na kailangan nila ito at bibigyan sila ng tapang na kumilos nang may pananampalataya (tingnan sa Juan 14:26). Itinuro ni Pangulong Howard W. Hunter:
“Hinihikayat ko kayong gamitin ang mga banal na kasulatan sa inyong pagtuturo at gawin ang lahat sa abot ng inyong makakaya na tulungan ang mga estudyante na gamitin at makasanayan ang mga ito. Nais ko na magtiwala ang ating mga kabataan sa mga banal na kasulatan. …
“… Nais nating magkaroon ng tiwala ang mga estudyante sa lakas at katotohanan ng mga banal na kasulatan, tiwala na ang kanilang Ama sa Langit ay talagang nangungusap sa kanila sa pamamagitan ng mga banal na kasulatan, at tiwala na maaari silang bumaling sa mga banal na kasulatan at mahanap ang mga sagot sa kanilang mga problema at mga panalangin. …
“… Umaasa tayo na wala sa ating mga estudyante ang lilisan sa silid-aralan nang natatakot o napahiya o nahihiya na hindi nila matagpuan ang tulong na kailangan nila dahil hindi nila gaanong alam ang mga banal na kasulatan para mahanap ang mga angkop na talata” (“Eternal Investments” [mensahe sa mga CES religious educators, Peb. 10, 1989], 2, si.lds.org; tingnan din sa Teaching Seminary: Preservice Readings [2004], 20, LDS.org).
Tingnan ang apendiks ng manwal na ito para sa karagdagang impormasyon tungkol sa scripture mastery at mga Pangunahing Doktrina.
Paggamit sa mga Home-Study Lesson
Buod ng mga Lesson ng Estudyante
Tutulungan ka ng buod na maging pamilyar sa konteksto at mga doktrina at mga alituntuning pinag-aaralan ng mga estudyante sa buong linggo sa gabay sa pag-aaral ng estudyante.
Pambungad sa Lesson
Ang pambungad sa lesson ay tutulungan kang malaman kung aling bahagi ng scripture block ang bibigyang-diin sa lesson.
Grupo ng mga Talata at Buod ng Konteksto
Ang mga scripture verse ay iginrupo batay sa kung saan nagkaroon ng pagbabago sa konteksto o nilalaman ng buong scripture block. Ang reperensya para sa bawat grupo ng talata ay sinusundan ng isang maikling buod ng mga pangyayari o mga turo na nakapaloob sa grupo ng mga talatang iyon.
Nilalaman ng Lesson
Ang nilalaman ng lesson ay gagabay sa iyong pag-aaral at pagtuturo. Nagmumungkahi ito ng mga ideya sa pagtuturo, kabilang ang mga tanong, aktibidad, sipi o quotation, diagram, at mga chart.
Mga Doktrina at mga Alituntunin
Kapag nahahayag ang mga doktrina at mga alituntunin sa pag-aaral ng banal na kasulatan, naka-bold letter ang mga ito para mabigyang-diin at para matulungan kang matukoy at magtuon sa mga ito sa iyong talakayan sa mga estudyante.
Pambungad sa Susunod na Unit
Ang huling talata ng bawat lesson ay maikling pambungad para sa susunod na unit. Ibahagi sa iyong mga estudyante ang talatang ito sa pagtatapos ng bawat lesson para mahikayat sila na pag-aralan ang mga banal na kasulatan sa darating na linggo.
Home-Study Seminary Program
Sa ilalim ng pangangasiwa ng mga lokal na lider ng priesthood at ng S&I representative, maaaring bumuo ng mga home-study seminary class sa mga lugar kung saan hindi makadadalo ang mga estudyante ng isang daily class dahil sa layo o iba pang dahilan (tulad ng disability o sakit). Karaniwang walang mga home-study seminary class sa mga lugar kung saan may mga daily (weekday) class sa pamamagitan ng early-morning o released-time seminary.
Nagtutulot ang home-study program sa mga estudyante na makatanggap ng credit sa seminary sa pamamagitan ng pagkumpleto sa mga lesson sa bahay sa halip na dumalo sa mga weekday class. Ang mga lesson na ito ay matatagpuan sa isang hiwalay na manwal na tinatawag na Gabay sa Pag-aaral ng Bagong Tipan para sa mga Estudyante ng Home-Study Seminary. Makikipagkita ang mga estudyante sa isang seminary titser isang beses bawat linggo para isumite ang kanilang ginawa at makibahagi sa lesson sa klase. Ang gabay sa pag-aaral ng mga estudyante at ang lingguhang lesson sa klase ay mas ipinaliwanag sa ibaba.
Gabay sa Pag-aaral para sa mga Estudyante ng Home-Study
Ang Gabay sa Pag-aaral ng Bagong Tipan para sa mga Estudyante ng Home-Study Seminary ay ginawa para tulungan ang home-study student na maranasan ang pag-aaral ng Bagong Tipan tulad ng isang estudyante sa seminary na dumadalo sa mga weekday classes. Sa gayon, ang pacing o iskedyul ng lesson sa gabay sa pag-aaral ng estudyante pati ang mga doktrina at mga alituntunin na binibigyang-diin nito ay tugma sa materyal na nasa manwal na ito. Kabilang din sa gabay sa pag-aaral ng estudyante ang instruksyon tungkol sa scripture mastery. Ang mga scripture mastery passage ay tinatalakay sa konteksto nito kapag nakita ito sa banal na kasulatan, at karaniwang naglalaan ng mga writing activity sa mga lesson kung saan tinalakay ang mga talatang ito.
Bawat linggo, dapat kumpletuhin ng mga estudyante ng home-study seminary ang apat na lesson mula sa gabay sa pag-aaral ng estudyante at dumalo sa weekly lesson na ibibigay ng kanilang titser sa seminary. Kinukumpleto ng mga estudyante ang mga assignment mula sa gabay sa pag-aaral sa kanilang mga scripture study journal. Ang estudyante ay dapat may dalawang scripture study journal para maiwan nila ang isa sa kanilang titser at patuloy na magamit sa pagsagot ang isa pa. Kapag ang mga estudyante ay nagkaklase bawat linggo, ang isang journal ay ipapasa sa home-study teacher at ang isa pa ay ibabalik sa estudyante para magamit sa mga lesson sa susunod na linggo. (Halimbawa, sa isang linggo, kukumpletuhin ng estudyante ang mga assignment sa unang journal. Pagkatapos ay dadalhin ng estudyante ang journal na ito at ibibigay sa titser. Sa linggong iyon, kukumpletuhin ng estudyante ang mga assignment sa ikalawang journal. Kapag ipinasa ng estudyante ang ikalawang journal, ibabalik ng titser ang unang journal. Gagamitin naman ngayon ng estudyante ang unang journal para kumpletuhin ang mga assignment sa susunod na linggo.)
Hinihikayat ang lahat ng estudyante ng seminary na pag-aralan ang mga banal na kasulatan araw-araw at basahin ang teksto para sa kurso, ngunit dapat maunawaan ng mga estudyante ng home-study na sila ay inaasahang maglalaan ng karagdagang 30 hanggang 40 minuto sa bawat isa sa apat na home-study lesson sa bawat unit at dumalo sa weekly home-study lesson.
Mga Weekly Home-Study Teacher Lesson
Bawat unit sa Gabay sa Pag-aaral ng Bagong Tipan para sa mga Estudyante ng Home-Study Seminary ay tumutugma sa limang lesson ng daily teacher manual. Pagkatapos ng bawat panlimang lesson sa manwal na ito, may makikita kang isang weekly home-study teacher lesson. Ang mga home-study lesson ay tutulong sa mga estudyante na marebyu, mapalalim ang kanilang pag-unawa, at maipamuhay ang mga doktrina at mga alituntunin na natutuhan nila habang kinukumpleto nila ang mga lesson sa gabay sa pag-aaral ng estudyante sa buong isang linggo. Sa mga lesson na ito, maaaring may matuklasang mga karagdagang katotohanan na hindi natalakay sa gabay sa pag-aaral ng estudyante. (Para sa tulong sa paghahanda ng iyong lesson schedule, tingnan ang pacing guide para sa mga home-study teacher sa apendiks ng manwal na ito.)
Bilang isang home-study teacher, dapat ay lubos mong nauunawaan ang mga pinag-aaralan ng iyong mga estudyante sa kanilang mga tahanan bawat linggo para masagot mo ang mga tanong at magkaroon ng mga makabuluhang talakayan kapag nagkaklase kayo. Sabihin sa mga estudyante na dalhin ang kanilang mga banal na kasulatan, mga scripture study journal, at mga gabay sa pag-aaral ng estudyante sa lingguhang klase para magamit nila ang mga ito sa klase. Iangkop ang mga lesson ayon sa pangangailangan ng mga estudyante na tinuturuan mo at ayon sa patnubay ng Espiritu Santo. Maaari mo ring gamitin ang mga daily teacher lesson sa manwal na ito sa iyong paghahanda at pagtuturo. Ang pag-aaral sa mga tulong at mga pamamaraan sa pagtuturo na ginamit sa mga daily lesson ay magpapaganda sa iyong pagtuturo kada linggo. Tugunan ang anumang partikular na pangangailangan ng mga estudyante na tinuturuan mo. Halimbawa, kung nahihirapan sa pagsusulat ang isang estudyante, payagan siyang gumamit ng voice-recording device o magdikta ng mga ideya sa isang kapamilya o kaibigan na magsusulat ng kanyang mga sagot.
Sa katapusan ng bawat weekly lesson, kolektahin ang mga scripture study journal ng mga estudyante at hikayatin sila na magpatuloy sa kanilang pag-aaral. Iwan sa kanila ang isang scripture study journal para sa mga assignment sa susunod na linggo, tulad ng ipinaliwanag sa itaas sa bahaging “Gabay sa Pag-aaral ng mga Estudyante ng Home-Study.” (Sa ilalim ng pangangasiwa ng mga lider sa priesthood at mga magulang, maaaring makipag-ugnayan ang mga titser ng seminary ng stake sa mga estudyante na naka-enroll sa home-study seminary.)
Habang binabasa mo ang mga assignment sa mga scripture study journal ng mga estudyante, magbigay ng reaksyon hangga’t maaari sa kanilang mga gawa sa pamamagitan ng pagsulat ng maikling note o pagbibigay ng komento sa kanila sa susunod na makita mo sila. Maaari ka ring maghanap ng ibang paraan sa pagbibigay ng suporta at makabuluhang feedback. Makatutulong ito sa mga estudyante na malaman na pinahahalagahan mo ang kanilang gawa at mahihikayat sila na pag-isipan pang mabuti ang kanilang mga sagot.
Halos lahat ng pagsisikap ng mga estudyante na maisaulo at maunawaang mabuti ang mga key scripture passage ay nagagawa nila kapag kinukumpleto nila ang kanilang mga home-study lesson. Makakapag-follow-up ang mga home-study teacher sa ginagawa ng mga estudyante sa mga home-study lesson sa pamamagitan ng pag-anyaya sa mga estudyante na bigkasin o rebyuhin ang mga scripture mastery passage na nasa teksto ng unit na pag-aaralan sa linggong iyon.
Iba Pang Resources
LDS.org
Ang Manwal ng Bagong Tipan para sa Seminary Teacher (nttm.lds.org) at ang Gabay sa Pag-aaral ng Bagong Tipan para sa mga Estudyante ng Home-Study Seminary ay makukuha sa LDS.org at sa Gospel Library para sa mga mobile device. Ang mga digital version ng manwal ng titser ay naglalaman ng karagdagang Komentaryo at Pinagmulang Impormasyon, mga Karagdagang Ideya sa Pagtuturo, at mga media resources na hindi kasama sa inilimbag na manwal na ito dahil sa limitasyon sa espasyo.
si.lds.org
Mabibisita ng mga titser ang Seminaries and Institutes of Religion website (si.lds.org) para sa tulong sa paghahanda ng mga lesson at para makahanap ng karagdagang ideya sa pagtuturo.
Mga Notes at Journal Tool
Maaaring gamitin ng mga titser at mga estudyante ang mga online at mobile Notes and Journal tool para magmarka at magdagdag ng mga notes o tala sa mga digital version ng mga manwal na ito habang naghahanda sila ng mga lesson at nagbabasa ng mga banal na kasulatan. Makukuha rin ang mga manwal ng titser at ang mga gabay sa pag-aaral ng mga estudyante sa LDS.org para ma-download sa mga alternatibong format (tulad ng PDF, ePub, at mobi [Kindle] na mga file).
Mga Karagdagang Aytem
Ang mga sumusunod na resources ay makukuha online, sa iyong supervisor, sa mga lokal na distribution center ng Simbahan, at sa online store ng Simbahan (store.lds.org):
-
Media Library sa LDS.org
-
Aklat ng Sining ng Ebanghelyo (item no. 06048)
-
Scripture Study Journal (item no. 13256)
-
Tapat sa Pananampalataya: Isang Sanggunian sa Ebanghelyo (item no. 36863)
-
Gospel Topics sa LDS.org
-
Para sa Lakas ng Kabataan na buklet (item no. 09403)
-
New Testament Student Manual (Church Educational System manual, 2014) (item no. 10734)