Kasaysayan ng Simbahan
Pulong sa Pagtatagtag ng Simbahan ni Cristo


“Pulong sa Pagtatagtag ng Simbahan ni Cristo,” Mga Paksa sa Kasaysayan ng Simbahan

“Pulong sa Pagtatagtag ng Simbahan ni Cristo”

Pulong sa Pagtatagtag ng Simbahan ni Cristo

Noong Martes, Abril 6, 1830, sina Joseph Smith, Oliver Cowdery, at iba pa ay nagtipon upang itatag ang Simbahan ni Cristo. Inaasam nila ang pulong na ito mula noong tag-init ng 1829, nang ang mga paghahayag ay nag-atas kina Joseph at Oliver na itatag ang Simbahan sa oras na ang Aklat ni Mormon ay mailalathala at ang mga mananampalataya ay matitipon.1 Walang katitikan ng pulong ang nanatili, ngunit ilan sa mga sanggunian, kabilang na ang isang paghahayag na natanggap sa okasyong iyon, ang nagpapahiwatig ng ilan sa nangyari. Nagsimula ang pulong sa panalangin, at sinang-ayunan ng kapulungan sina Joseph at Oliver bilang mga elder at guro sa Simbahan. Inordenahan nina Joseph at Oliver ang isa‘t-isa bilang mga elder ng Simbahan, ang mga kalahok sa pulong ay nakibahagi sa sakramento ng Hapunan ng Panginoon, ipinatong nina Joseph at Oliver ang kanilang mga kamay sa uluhan ng mga tao na dati nang nabinyagan upang ibigay sa kanila ang kaloob na Espiritu Santo at kumpirmahan sila bilang mga miyembro ng Simbahan, at tinanggap ni Joseph ang mga paghahayag na matatagpuan ngayon sa Doktrina at mga Tipan 21.

labas ng bahay na yari sa troso

Isang bahay na yari sa troso sa lugar ng sakahan ni Peter Whitmer Sr. sa Fayette, New York.

Sa pagitan ng Abril 6 at Hunyo 9, noong ginanap ang unang kumperensya ng Simbahan, sina Joseph at Oliver ay nagtatag ng mga sangay sa Fayette, Manchester, at Colesville, New York. Ilang mga naunang tala ay napagpalit ang mga lokasyon ng mga pagpupulong na ito, na sinasabing ang pagpupulong ng organisasyon noong Abril 6 ay naganap sa Manchester sa halip na sa Fayette. Isang naunang kopya ng manuskrito ng Doktrina at mga Tipan 21 ay may kasamang isang tala na nagpapahiwatig na ang paghahayag ay ibinigay sa Manchester. Si William W. Phelps ay ginamit ang talang ito nang inihanda niya ang paghahayag para sa paglalathala sa mga Aklat ng Mga Kautusan noong 1833. Ang iba pang mga talaan na naka-ugnay kina Phelps at Orson Pratt—na kapwa hindi dumalo sa pagpupulong para sa pag-organisa ng Simbahan—ay pinangalanan din ang Manchester bilang lugar ng pagpupulong noong Abril 6. Gayunman, ang ilan sa mga unang dokumento na ginawa nina Joseph at Oliver, pati na rin ang mga sumunod na paglalathala ng Doktrina at mga Tipan, ay nagbanggit na ang pagpupulong ay ginanap sa Fayette o hindi binanggit ang Manchester. Dahil dito, karamihan sa mga mananalaysay ay sumasang-ayon sa pangunahing nakasaksi at tinukoy na ang pulong sa pagtatatag ng Simbahan ay naganap sa Fayette.

Mga Kaugnay na Paksa: Palmyra at Manchester

Mga Tala

  1. “Revelation, June 1829–B [DC 18],” sa Aklat ng mga Kautusan, 34–39, josephsmithpapers.org; Joseph Smith, “History, 1838–1856, volume A-1 [23 December 1805–30 August 1834],” 27, josephsmithpapers.org.