Lesson 75
Alma 9–10
Pambungad
Ang pangangaral nina Alma at Amulek sa mga tao ng Ammonihas ay hindi gaanong matagumpay dahil si Satanas ay may “malakas na pagkakahawak sa mga puso ng mga tao” (tingnan sa Alma 8:9). Marami sa kanila ang pinatigas ang kanilang mga puso laban sa ebanghelyo, at hindi pinakinggan ang paghihikayat nina Alma at Amulek na magsisi. Gayunpaman, matapat na hinikayat sila nina Alma at Amukek na magsisi, at nagpatotoo na dahil naituro na sa kanila ang katotohanan at nadama ang kapangyarihan ng Diyos, inaasahan ng Panginoon na higit silang mabubuti kaysa sa mga Lamanita, na hindi naturuan ng katotohanan. Itinuro nina Alma at Amulek na kung hindi magsisisi ang mga tao ng Ammonihas, sila ay lilipulin. Itinuro rin nila sa mga tao na mangyayari lamang ang pagtubos sa pamamagitan ni Jesucristo.
Mga Mungkahi sa Pagtuturo
Alma 9
Sinabihan ni Alma ang mga tao ng Ammonihas na magsisi at maghanda para sa pagdating ni Jesucristo
Ilahad ang sumusunod na sitwasyon: Dalawang estudyante ang dumating sa paaralan, at sinabihan sila ng guro na kailangan nilang kumuha ng biglaang pagsusulit. Ang unang estudyante ay pumapasok sa klase araw-araw, pero ang pangalawang estudyante ay lumiban nang dalawang linggo sa paaralan dahil maysakit ito.
-
Sinong estudyante ang inaasahan mong makakakuha ng mas mataas na grado sa pagsusulit?
Sabihin sa mga estudyante na basahin nang mabilis ang Alma 9:1–7 at hanapin ang mga salita at pariralang naglalarawan kung gaano naunawaan ng mga tao ng Ammonihas ang ebangelyo at ang kapangyarihan ng Diyos. Sabihin sa kanila na ibahagi ang nahanap nila.
Sabihin sa ilang estudyante na magsalitan sa pagbasa nang malakas ng Alma 9:8–13. Sabihin sa klase na hanapin ang mga salita at parirala na nagpapahiwatig kung ang mga taong ito ay naturuan ng ebanghelyo o may kaalaman sa kapangyarihan ng Diyos. (Kasama dapat sa mga sagot ang “nakalimutan ninyo” at “hindi ba ninyo natatandaan.”)
-
Ang mga tao ba ng Ammonihas ay naturuan ng ebanghelyo o may kaalaman sa kapangyarihan ng Diyos?
-
Ano ang ilang dahilan kung bakit nalilimutan ng mga taong naturuan ng ebanghelyo ang natutuhan nila o hindi nauunawaan kung ano ang itinuro sa kanila?
Ipabasa nang mabilis sa mga estudyante ang Alma 8:9, 11; 9:5, 30; at 12:10–11, at ipahanap ang mga salita at parirala na nagsasaad kung bakit nakalimutan o hindi naunawaan ng mga tao ng Ammonihas ang mga bagay na itinuro sa kanila. (“Si Satanas ay nakakuha ng malakas na pagkakahawak sa [kanilang] mga puso”; “pinatigas nila ang kanilang mga puso”; “sila ay mga taong matitigas ang puso at matitigas ang leeg”; “ang [kanilang] mga puso ay labis na naging matitigas laban sa salita ng Diyos.”)
Isulat sa pisara ang sumusunod na chart, at sabihin sa mga estudyante na kopyahin ito sa kanilang notebook o scripture study journal. (Siguruhing mag-iwan ng malaking espasyong mapagsusulatan.)
Ang espirituwalidad ng mga tao |
Ang inaasaahan ng Panginoon sa mga tao, at ang ipinangako ng Panginoon sa mga tao | |
---|---|---|
Mga Lamanita (Alma 9:14–17) | ||
Mga tao ng Ammonihas (Alma 9:18–24) |
Pagpartner-partnerin ang mga estudyante. Sabihin sa bawat magkapartner na kumpletuhin ang chart gamit ang mga scripture reference. Matapos nilang makumpleto ang chart, sabihin sa mga estudyante na magsulat ng isang pangungusap sa ilalim ng kanilang chart na buod ng natutuhan nila. Anyayahan ang ilan sa kanila na ibahagi ang isinulat nila. Maaaring iba-iba ang salitang gamitin ng mga estududyante, ngunit dapat makita sa mga sagot nila ang sumusunod na katotohanan: Inaasahan ng Panginoon na mas masigasig na susunod ang mga taong nakatanggap ng kaalaman at mga pagpapala ng ebanghelyo. Upang matulungan ang mga estudyante na makita kung paano naaangkop sa buhay nila ang alituntuning ito, itanong ang mga sumusunod:
-
Sa palagay ninyo, bakit mas mataas ang inaasahan ng Panginoon sa mga tao ng Ammonihas?
-
Bakit makatwiran na mas mataas ang asahan ng Panginoon sa mga nakatanggap ng kaalaman at mga pagpapala ng ebanghelyo?
Banggitin ang pariralang “labis na mga pinagpalang tao ng Panginoon” sa Alma 9:20. (Maaari mong imungkahi sa mga estudyante na markahan ang pariralang ito.)
-
Sa anong mga paraan “labis na mga pinagpalang tao ng Panginoon” ang mga miyembro ng Simbahan?
-
Ayon sa Alma 9:19–23, anong mga kaloob at pagpapala ang natanggap ng mga Nephita (kabilang na ang mga tao ng Ammonihas) dahil sila ay mga pinagtipanang tao ng Panginoon?
-
Anong mga kaloob at pagpapala ang natanggap ninyo sa pagiging miyembro ng Simbahan ng Panginoon?
-
Ano ang ilang bagay na inaasahan ng Panginoon sa atin dahil sa mga kaloob at pagpapalang natanggap natin mula sa Kanya?
Hatiin sa dalawang grupo ang klase at sabihin sa unang grupo na pag-aralan ang Alma 9:24–27 at sa pangalawang grupo ang Alma 9:28–30. Sabihin sa mga estudyante na maghandang ibuod ang mga naka-assign na talata sa kanila sa kanilang sariling mga salita. Isulat sa pisara ang mga sumusunod na tanong para maging gabay nila habang naghahanda sila ng buod:
Pagkatapos ng sapat na oras na nakabasa na ang mga estudyante, tumawag ng isang estudyante mula sa bawat grupo para ibuod ang mga naka-assign na talata. Pagkatapos ay itanong sa klase:
-
Ano ilang paraan na mananatili tayong tapat sa liwanag at kaalaman na natanggap natin? (Maaring imungkahi ng mga estudyante ang pag-aaral ng banal na kasulatan, pasasalamat sa Diyos para sa ating mga pagpapala, pagbabahagi ng ating patotoo nang regular, pagdalo sa mga pulong sa Simbahan linggu-linggo, pagsulat sa journal, at iba pa.)
Alma 10:1–12
Pinakinggan ni Amulek ang pagtawag ng Panginoon at pinagtibay ang banal na tungkulin ni Alma
Ipaliwanag na matapos magsalita si Alma sa mga tao, nagalit sila at gusto siyang itapon sa bilangguan. Matapang na nagsalita si Amulek sa mga tao at idinagdag ang kanyang patotoo sa patotoo ni Alma. (Tingnan sa Alma 9:31–34.) Ibuod ang Alma 10:1–4 na ipinapaliwanag na si Amulek ay inapo ni Nephi. Yumaman siya dahil sa kanyang kasipagan. Siya rin ay “isang lalaking kilala ang pangalan” sa marami niyang kaanak at kaibigan (tingnan sa Alma 10:4). Gayunman, hindi niya ipinamumuhay ang mga katotohanan ng ebanghelyo na itinuro sa kanya.
-
Sa palagay ninyo, bakit maaaring makabuti para kay Amulek, na kilala sa komunidad nila, na samahan si Alma?
Itanong sa mga estudyante kung paano sila nagising ngayong umaga. (Halimbawa, nagising ba sila dahil sa alarm clock, o ginising sila ng isa pang miyembro ng pamilya? Kung mayroon kang alarm clock o larawan ng alarm clock, maaari mong idispley ito.) Itanong sa mga estudyante kung ilan sa kanila ang kailangan pang “tawagin” nang maraming ulit bago bumangon sa higaan.
Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Alma 10:5–6. Sabihin sa klase na alamin ang itinugon ni Amulek sa espirituwal na “pagtawag” na tinanggap niya mula sa Panginoon.
-
Ano sa palagay ninyo ang ibig sabihin ni Amulek nang sabihin niyang “tumangging makinig” at “ako ay hindi makaaalam”?
-
Sa paanong paraan tayo tinatawag ng Panginoon? (Maaaring kasama sa mga sagot ang mga pahiwatig o paramdam mula sa Espiritu Santo, mga tagubilin mula sa mga magulang at mga lider ng Simbahan, at mga tungkulin sa Simbahan.)
Sabihin sa mga estudyante na basahin nang tahimik ang Alma 10:7–10 at alamin ang mahahalagang bahagi ng unang pagpapatotoo ni Amulek sa kanyang mga tao.
-
Paano inihanda si Amulek ng kanyang mga karanasan para maging pangalawang saksi sa mensahe ni Alma sa mga tao ng Ammonihas?
-
Ano sa palagay ninyo ang nagawang kaibahan sa buhay ni Amulek ng kanyang desisyong sumunod?
Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Alma 10:11–12, at sabihin sa klase na alamin kung paano nakaimpluwensya sa iba ang desisyon ni Amulek na sumunod sa Panginoon. Sabihin sa kanila na ibahagi ang nalaman nila.
Isulat sa pisara ang sumusunod na alituntunin: Kapag pinakikinggan at sinusunod natin ang pagtawag ng Panginoon, darating ang mga pagpapala sa atin at sa ibang tao. (Maaari mong imungkahi sa mga estudyante na isulat ang alituntuning ito sa kanilang banal na kasulatan sa tabi ng Alma 10:11–12.) Para matulungan ang mga estudyante na madama ang katotohanan at kahalagahan ng alituntuning ito, itanong:
-
Kailan ninyo nadama na pinagpala kayo dahil sinunod ninyo ang tawag mula sa Panginoon?
-
Paano ninyo nakitang pinagpala ang iba dahil tumugon kayo o ang isang taong kilala ninyo sa pagtawag ng Panginoon?
-
Paano nakaimpluwensya ang mga karanasang ito sa inyong pagnanais na dinggin at sundin ang mga tawag mula sa Panginoon?
Alma 10:13–32
Sinagot ni Amulek ang mga sumasalungat sa kanya at hinikayat ang mga tao na magsisi
Isulat sa pisara ang mga sumusunod na parirala:
Sabihin sa mga estudyante na tahimik na pag-isipan kung aling parirala sa pisara ang maaaring pinakamalapit sa itutugon nila kapag iwinasto o sinabihan sila ng kanilang magulang o lider ng Simbahan na baguhin ang isang bagay na ginagawa nila.
-
Ano ang ilang dahilan kung bakit ganito ang maaaring itugon ng mga tao kapag iwinawasto sila?
Isulat sa pisara ang mga sumusunod na scripture reference: Alma 9:2–3; Alma 9:4–5; Alma 10:13, 16–17; Alma 10:24, 28–30
Sabihin sa mga estudyante na pumili ng isa sa mga scripture passage sa pisara na pag-aaralan nila nang mag-isa. Sabihin sa kanila na alamin kung paano inilalarawan ng mga scripture passage ang pagtugon ng mga tao ng Ammonihas sa mensahe nina Alma at Amulek. Sabihin din sa kanila na piliin ang parirala sa pisara na pinakamalapit na nagpapakita ng itinugon ng mga tao. Pagkaraan ng sapat na oras, sabihin sa mga estudyante na ipaliwanag kung alin sa limang tugon sa pisara ang pinakaakma sa scripture passage na pinag-aralan nila.
-
Bakit mapanganib sa espirituwal na aspeto ang unang apat na tugon na nasa pisara?
Sabihin sa ilang estudyante na magsalitan sa pagbasa nang malakas ng Alma 10:19–23. Hikayatin sila na alamin kung ano ang itinuro ni Amulek tungkol sa mga epekto ng kasalanan at pagtaboy sa mabubuti.
Upang matulungan ang mga estudyante na mapag-isipan ang mga kapahamakang mangyayari sa atin kapag hindi tayo nagsisi ng ating mga kasalanan, basahin ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Gordon B. Hinckley:
“Napakarami ng kasamaan saanmang dako. Ang tukso, sa lahat nitong mapang-akit na impluwensiya, ay nakapalibot sa atin. Nawalan tayo ng ilan sa kanila dahil sa mga nakawawasak na puwersa nito. Nalulungkot tayo para sa lahat ng naligaw ng landas. Inaabot natin sila upang sila’y tulungan, upang sila’y iligtas, subalit sa maraming pagkakataon ang ating pagtulong ay tinatanggihan nang may panlalait. Ang landas na [tinatahak] ng mga kabataang ito ay nakalulunos. Ito ang daan patungo sa kapahamakan” (“Ang Aking Patotoo,” Liahona, Mayo 2000, 69).
-
Ano ang ilang kapahamakang nangyayari sa mga indibidwal o grupo ng mga tao kapag hindi nila sinusunod ang mga kautusan ng Diyos?
Kung may oras pa, sabihin sa mga estudyante na isulat ang sagot sa sumusunod na tanong:
-
Paano ka pinagpala ng mga katotohanang natutuhan mo sa lesson ngayon?