Lesson 5
Buod ng Aklat ni Mormon
Pambungad
Ang lesson na ito ay nagbibigay ng buod ng Aklat ni Mormon. Pag-aaralan ng mga estudyante ang patotoo ni Joseph Smith tungkol sa paglabas ng Aklat ni Mormon. Matututuhan din nila kung paano tinipon at pinaikli ang aklat sa ilalim ng patnubay mula sa langit. Nakita ng mga manunulat ng Aklat ni Mormon ang mga huling araw, at isinama nila ang mga tala at turo na magiging lubos na kapaki-pakinabang sa atin.
Mga Mungkahi sa Pagtuturo
Ang Patotoo ng Propetang si Joseph Smith
Bago magklase, ilagay sa isang kahon ang isang Aklat ni Mormon at balutan ito na parang isang regalo. Idispley ang regalo sa mesa sa harap ng klase, at sabihin sa mga estudyante na isa itong mahalagang regalo.
-
Ano ang ilan sa mga pinakamahalagang regalo na natanggap ninyo?
-
Paano nagiging mahalaga ang isang regalo?
-
Ano ang nararamdaman ninyo kapag nagbigay kayo ng isang regalo na itinuturing ninyong mahalaga at tinanggap ito nang may kagalakan ng inyong pinagbigyan?
Sabihin sa isang estudyante na buksan ang regalo at sabihing ipakita niya sa ibang estudyante ang laman nito.
-
Sino ang nagbigay sa atin ng regalong ito?
-
Bakit nadarama ninyong mahalaga ang regalong ito?
Ipakita ang larawang Nagpakita si Moroni kay Joseph Smith sa Kanyang Silid (62492; Aklat ng Sining ng Ebanghelyo [2009], blg. 91).
-
Anong pangyayari ang ipinakita sa larawan?
-
Paano nakatulong sa Panunumbalik ng ebanghelyo ang pangyayaring ito?
Ipaliwanag sa mga estudyante na babasahin nila ngayon ang mga salita na mula mismo kay Propetang Joseph Smith tungkol sa paglabas ng Aklat ni Mormon. Sabihin sa kanila na ang patotoo ni Propetang Joseph Smith na nasa simula ng Aklat ni Mormon ay kinuha mula sa Joseph Smith—Kasaysayan sa Mahalagang Perlas. Habang ginagawa ng mga estudyante ang sumusunod na aktibidad, pabasahin sila mula sa Mahalagang Perlas.
Pagpartnerin ang mga estudyante. Sabihin na isang estudyante sa bawat magkapartner na basahin nang tahimik ang Joseph Smith—Kasaysayan 1:30, 32–35, 42. Sabihin sa isa pang estudyante sa bawat magkapartner na basahin nang tahimik ang Joseph Smith—Kasaysayan 1:51–54, 59–60. Ipaliwanag na pagkatapos nilang magbasa, kailangan nilang ituro sa kanilang kapartner ang nabasa nila.
Matapos silang magkaroon ng sapat na panahon para magbasa at magtalakayan, itanong:
-
Sa palagay ninyo, sa paanong paraan maaaring nakatulong kay Joseph Smith ang paghihintay ng apat na taon bago niya naiuwi sa kanilang tahanan ang mga laminang ginto? (Tinuruan ni Moroni si Joseph noong panahong iyon, at umunlad siya at natuto sa maraming paraan. Tingnan sa Joseph Smith—Kasaysayan 1:54.)
-
Sa tala ni Joseph Smith, anong mga katibayan ang nakita ninyo na pinangalagaan ng Panginoon ang Aklat ni Mormon para lumabas sa mga huling araw?
-
Sa tala ni Joseph Smith, ano ang mga katibayan na nakita ninyo na lumabas ang Aklat ni Mormon sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos?
Maikling Paliwanag tungkol sa Aklat ni Mormon
Para maunawaan ng mga estudyante kung paano tinipon ang Aklat ni Mormon, ipabuklat sa kanila ang “Maikling Paliwanag Tungkol sa Ang Aklat ni Mormon” sa mga pahina ng pambungad ng Aklat ni Mormon. Sabihin sa apat na estudyante na magsalitan sa pagbasa nang malakas ng mga aytem 1–4. Habang nagbabasa sila, sabihin sa klase na pakinggan ang mga dahilan kung bakit mahalaga ang bawat uri ng lamina sa Aklat ni Mormon. Ang apendiks ng manwal na ito ay may paglalarawan na may pamagat na “Ang mga Lamina at ang Kanilang Kaugnayan sa Nalathalang Aklat ni Mormon.” Makatutulong ang paglalarawang ito para mailarawan ng mga estudyante sa kanilang mga isipan ang mga laminang tinalakay sa “Maikling Paliwanag tungkol sa Ang Aklat ni Mormon.” [No Translation] [No Translation]
Idispley ang larawan na Pinaiikli ni Mormon ang mga Talaan sa Lamina (62520; Aklat ng Sining ng Ebanghelyo, blg. 73). Ipaliwanag na maraming tao ang nag-ingat ng mga talaan na naging Aklat ni Mormon kalaunan. Isulat sa pisara ang mga sumusunod na scripture reference. Sabihin sa mga estudyante na pag-aralan nang tahimik ang mga ito, at alamin ang ilan sa mga alituntunin na tumulong sa mga sumulat ng Aklat ni Mormon na malaman kung ano ang isasama sa kanilang mga talaan. Sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang mga nalaman nila. (Maaari mong isulat sa pisara ang kanilang mga ibabahagi.)
-
Paano makatutulong sa inyo ang mga gabay na alituntuning ito sa inyong pag-aaral ng Aklat ni Mormon?
Ibahagi ang iyong patotoo na nakita ng mga nagsulat ng Aklat ni Mormon ang ating panahon at isinulat nila ang mga bagay na lubos na makatutulong sa atin. Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Mormon 8:35–38.
-
Anong mga problema ang nakita ni Moroni sa mga tao sa ating panahon?
-
Bakit mahalaga na malaman na batid ni Moroni at ng iba pang manunulat ng Aklat ni Mormon ang mga problemang haharapin natin?
Ipabasa sa isang estudyante ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Ezra Taft Benson tungkol sa paraan kung paano pag-aaralan ang Aklat ni Mormon:
“Kung nakita nila ang ating panahon, at pinili ang mga yaong bagay na magiging pinakamakabuluhan sa atin, hindi ba dapat iyon ang paraan ng pag-aaral natin ng Aklat ni Mormon? Dapat nating palaging itanong sa ating sarili, ‘Bakit binigyang-inspirasyon ng Panginoon si Mormon (o si Moroni o si Alma) na isama iyon sa kanyang talaan? Anong aral ang matututuhan ko mula roon na tutulong sa akin na mamuhay sa panahong ito?’” (“The Book of Mormon—Keystone of Our Religion,” Ensign, Nob. 1986, 6).
Sabihin sa mga estudyante na naharap din sa mga problemang halos tulad ng sa atin ang mga tao sa Aklat ni Mormon. Kahit isang sinaunang kasulatan ang Aklat ni Mormon, napakahalaga para sa ating panahon ang mga doktrina, kasaysayan, at kuwento nito.
Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Ezra Taft Benson. (Maaari mong bigyan ang bawat estudyante ng kopya ng pahayag na ito.) Sabihin sa klase na pakinggan ang mga ipinangakong pagpapala ni Pangulong Benson sa mga nagsimulang pag-aralan nang mabuti ang Aklat ni Mormon.
“Hindi lamang itinuturo sa atin ng Aklat ni Mormon ang katotohanan, bagama’t ito nga ang ginagawa nito. Hindi lamang nagpapatotoo ang Aklat ni Mormon kay Cristo, bagama’t ito nga rin ang ginagawa nito. Ngunit mayroon pang iba. May kapangyarihan sa aklat na iyon na magsisimulang dumaloy sa inyong buhay sa sandaling simulan ninyong pag-aralang mabuti ang aklat. Magkakaroon kayo ng karagdagang lakas para labanan ang tukso. Magkakaroon kayo ng kapangyarihang iwasan ang panlilinlang. Magkakaroon kayo ng lakas na manatili sa makipot at makitid na landas. Ang mga banal na kasulatan ay tinatawag na ‘mga salita ng buhay’ (tingnan sa D at T 84:85), at wala ng iba pang aklat na higit na totoo kaysa sa Aklat ni Mormon. Kapag nagsimula kayong magutom at mauhaw sa mga salitang iyon, makikita ninyo na lubos na sasagana ang buhay” (“The Book of Mormon—Keystone of Our Religion,” 7).
-
Kailan ninyo naranasan ang mga pagpapala sa pag-aaral ninyo ng Aklat ni Mormon?
Ibahagi ang inyong patotoo na binibigyan tayo ng Aklat ni Mormon ng mas malakas na kapangyarihan para mapaglabanan ang mga tukso, makaiwas sa mga panlilinlang, at manatili sa makipot at makitid na landas. Magbahagi sa mga estudyante tungkol sa isang panahon na natanggap mo ang mga pagpapalang ito dahil sa pagbabasa ng Aklat ni Mormon.
Bago magklase, isulat sa pisara ang mga sumusunod na tanong at scripture passage:
Ipaliwanag na bukod pa sa mga nabanggit na pagpapala, naglalaman ang Aklat ni Mormon ng mga sagot sa pinakamahahalagang tanong sa buhay. Sabihin sa mga estudyante na pumili ng isa o dalawa sa mga tanong at ipabasa sa kanila ang kasamang mga scripture passage para sa mga sagot. Bigyan sila ng ilang minuto para mahanap ang mga sagot. Maaari kang lumibot-libot sa klase para makapagbigay ng tulong sa mga estudyante kung kinakailangan.
-
Paano nasagot ng Aklat ni Mormon ang napili mong mga tanong?
Basahin ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Boyd K. Packer ng Korum ng Labindalawang Apostol. Noong sinabi niya ang pahayag na ito, nagsasalita siya sa mga titser ng seminary at institute tungkol sa kapangyarihan ng mga banal na kasulatan na masagot ang pinakamahahalagang tanong sa buhay.
“Kung nalalaman ng inyong mga estudyante ang mga paghahayag, walang katanungan—personal o panlipunan o pampulitika o sa trabaho—na hindi masasagot. Naglalaman ito ng kabuuan ng walang hanggang ebanghelyo. Matatagpuan natin dito ang mga alituntunin ng katotohanan na lulutas sa lahat ng pagkalito at sa lahat ng suliranin at sa lahat ng pag-aalinlangan na mararanasan ng pamilya o ng bawat isa” (“Teach the Scriptures” [mensahe sa CES religious educators, Okt. 14, 1977], 3–4, si.lds.org).
Ibahagi kung paano pinagpala ng Aklat ni Mormon ang buhay mo. Ipaalala sa mga estudyante ang kanilang mithiin na basahin araw-araw ang Aklat ni Mormon at tapusin ang buong aklat ngayong taon.