Library
Lesson 85: Alma 23–24


Lesson 85

Alma 23–24

Pambungad

Kasunod ng kanyang pagbabalik-loob, ipinahayag ng hari ng mga Lamanita ang kalayaang pangrelihiyon sa kanyang mga tao. Dahil sa ipinahayag na ito naipangaral ni Aaron at ng kanyang mga kapatid ang ebanghelyo at naitatag ang simbahan sa mga lunsod ng mga Lamanita. Libu-libong Lamanita ang nagbalik-loob at hindi kailanman tumalikod. Ang mga Lamanitang nagbalik-loob ay gumawa ng tipan na kanilang ibababa ang kanilang mga sandata ng digmaan, at inihiwalay ang kanilang mga sarili mula sa mga Lamanita na hindi nagbalik-loob sa pagtawag sa kanilang sarili na mga Anti-Nephi-Lehi. Nang salakayin sila ng mga Lamanita na hindi nagbalik-loob, isinakripisyo ng ilan sa mga Anti-Nephi-Lehi ang kanilang buhay bilang pagtupad sa kanilang tipan.

Paalala: Sa lesson 83, maaaring hinikayat mo ang mga estudyante na impluwensyahan nila ng kanilang mga patotoo at mabubuting halimbawa ang iba, tulad ng isang bato na lumilikha ng mumunting alon kapag inihagis ito sa tubig. Kung ginawa mo ito, maaari mong simulan ang lesson na ito sa pagsasabi sa mga estudyante na ibahagi ang mga ginawa nila.

Mga Mungkahi sa Pagtuturo

Alma 23

Libu-libong Lamanita ang nagbalik-loob sa Panginoon

Sa pisara, magdrowing ng larawan ng dalawang tao (puwede na ang simpleng stick figures). Pagkatapos ay basahin ang sumusunod na pahayag ni Elder Richard G. Scott ng Korum ng Labindalawang Apostol. Sabihin sa klase na pakinggan ang mga paglalarawan ni Elder Scott ng dalawang magkaibang klase ng tao.

Elder Richard G. Scott

“Bawat isa sa atin ay nakapapansin kung paano nabubuhay ang ilang tao nang di pabago-bagong naisasagawa ang tamang mga bagay. Tila maligaya sila at masigasig sa buhay. Kung may mahihirap na pagpapasiyang dapat gawin, tila palagi nilang napipili ang tumpak na mga pasiya, bagamat may nakakaakit na mga alternatibo silang mapagpipilian. Batid nating napapasailaim din sila sa tukso, ngunit tila di nila ito pinapansin. Gayundin, napapansin natin ang iba na [hindi gaanong matatag] sa mga pasiyang kanilang ginawa. Sa napakaespirituwal na kapaligiran, nagpapasiya silang higit na pagbubutihin ang mga ginagawa, babaguhin ang landas ng buhay, isasaisantabi ang nakasisirang mga kaugalian. Matapat sila sa pagpupunyagi nilang magbago, ngunit hindi nagtatagal ay bumabalik sila sa paggawa ng mga bagay na pinagpasiyahan nilang talikuran.

“Ano ang dahilan ng pagkakaiba sa buhay ng dalawang grupong ito? Paano kayo palaging makagagawa ng mga tamang pagpili?” (“Ang Ganap na Pagbabalik-loob ay Nagdudulot ng Kaligayahan,” Liahona, Hulyo 2002, 24).

Sabihin sa mga estudyante kung ano ang isusulat nila tungkol sa dalawang stick figure sa pisara batay sa ipinahayag ni Elder Scott. Isulat sa ilalim ng isang stick figure sa pisara ang salitang Matapat at sa isa pang stick figure ang salitang Pabago-bago. Itanong sa mga estudyante kung paano nila sasagutin ang mga itinanong ni Elder Scott:

  • Ano ang dahilan ng pagkakaiba sa buhay ng dalawang grupong ito?

  • Paano kayo palaging makagagawa ng mga tamang pagpili?

Sa pag-aaral ng klase ng Alma 23–24, hikayatin ang mga estudyante na isipin kung ano ang naghihikayat sa maraming miyembro ng Simbahan na manatiling tapat sa ebanghelyo ni Jesucristo sa buong buhay nila.

Ibuod ang Alma 23:1–5 na ipinapaliwanag na matapos magbalik-loob ang hari ng mga Lamanita, nagpadala siya ng pahayag sa mga tao na nagsasabi na dapat nilang hayaan si Aaron at ang kanyang mga kapatid na ipangaral ang salita ng Diyos sa lahat ng dako ng lupain nang hindi hinahadlangan at sinasaktan. Ang pahayag na ito ang nagtulot sa mga misyonero na makapagtatag ng mga simbahan sa mga Lamanita. Dahil diyan, libu-libong Lamanita ang nagbalik-loob.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Alma 23:6. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa at alamin ang dalawang bagay na nakatulong sa pagpapabalik-loob sa mga Lamanita. Sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang nalaman nila.

  • Sa inyong palagay, bakit mahalaga na tinuruan ni Ammon at ng kanyang mga kapatid ang mga Lamanita “alinsunod sa diwa ng paghahayag at ng propesiya”?

  • Sa palagay ninyo ano ang ibig sabihin ng “kapangyarihan ng Diyos [ang gumawa] ng mga himala” sa mga Lamanita?

  • Kailan ninyo naranasan na tinutulungan kayo ng kapangyarihan ng Diyos na magbalik-loob? Kailan ninyo nakita ang kapangyarihan ng Diyos na tinutulungan ang isang tao na magbalik-loob?

Sabihin sa mga estudyante na basahing muli ang Alma 23:6 at tukuyin ang mga parirala na naglalarawan sa mga Lamanita na naniwala sa pangangaral ni Ammon at ng kanyang mga kapatid. (Tiyakin na nauunawaan ng mga estudyante na ang mga Lamanitang ito ay “nagbalik-loob sa Panginoon,” hindi sa Simbahan o sa mga misyonero na nagturo sa kanila. Tiyakin din na makita ng mga estudyante na ang mga taong ito “kailanman ay hindi nagsitalikod.” Isulat ang Nagbalik-loob sa Panginoon at ang Kailanman ay hindi nagsitalikod sa pisara sa ilalim ng stick figure na Matapat.)

  • Kapag nahaharap tayo sa mahihirap na kalagayan at paghihirap, bakit mahalaga na sumampalataya sa Panginoon sa halip na sa ibang tao o mga ideya?

Ipabasa nang tahimik sa mga estudyante ang Alma 23:7, 16–18 at ipahanap ang mga salita at parirala na nagpapatunay ng pagbabalik-loob ng mga Lamanita. Sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang nahanap nila. Maaari mong isulat sa pisara ang mga salita at pariralang ito sa ilalim ng stick figure na may nakasulat na Matapat. Upang matulungan ang estudyante na mas mapag-aralang mabuti ang mga talatang ito, maaari mong itanong ang mga sumusunod:

  • Paano maituturing na katibayan na nagbago na ang mga tao ang pagnanais nilang magkaroon ng bagong pangalan?

  • Paano “ma[ki]kilala” mula sa iba ang mga nagbalik-loob ngayon?

  • Ayon sa Alma 23:18, ang mga Lamanitang nagbalik-loob ay nagsimulang maging masisipag at magigiliw sa mga Nephita. Kapag sinisikap ng isang tao na magsisi o magbagong-buhay, paano makatutulong sa kanya na makasalamuha ang iba pang mga tao na nagbalik-loob?

Isulat sa pisara ang mga sumusunod na salita: Ang ibig sabihin ng pagbabalik-loob ay …

Sabihin sa mga estudyante na ibuod ang natutuhan nila mula sa Alma 23 sa pamamagitan ng pagkumpleto sa pahayag na nasa pisara. Maaaring iba-iba ang gamiting salita ng mga estudyante sa kanilang mga sagot, ngunit dapat nilang maipahayag ang sumusunod na katotohanan: Ang ibig sabihin ng pagbabalik-loob ay espirituwal na pagbabago at pagiging bagong tao sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos. Kumpletuhin ang pahayag sa pisara.

Patingnan sa mga estudyante ang mga salitang Matapat at Pabago-bago sa pisara. Sabihin sa mga estudyante na isipin kung alin sa mga salitang ito ang lubos na naglalarawan ng antas ng kanilang pagbabalik-loob.

Alma 24

Nakipagtipan ang mga Anti-Nephi-Lehi na hindi na muling hahawak ng mga sandata

Sabihin sa mga estudyante na tahimik na pagnilayan kung naging determinado ba sila na iwasang maulit ang isang pagkakamali o kasalanan ngunit kalaunan ay nagawa nilang muli ang pagkakamali o kasalanan. Ipaliwanag na kung naranasan na nila ito, dapat ay patuloy nilang pagsikapang iwasan ito at magpakabuti. Sa kanilang pag-aaral ng Alma 24, malalaman nila ang mga katotohanang makatutulong sa kanila.

Ibuod ang Alma 24:1–5 na ipinapaliwanag na ang mga Amalekita at Amulonita, na dating mga Nephita, ay inudyukan ang maraming Lamanita na magalit sa kanilang hari at sa iba pang mga Anti-Nephi-Lehi. Galit na naghandang sumalakay ang mga Lamanitang ito sa mga Anti-Nephi-Lehi. Sa panahong ito ng sigalot at pag-aalitan, pumanaw ang hari ng Anti-Nephi-Lehi. Iginawad ang kaharian sa isa sa kanyang mga anak. Tinipon ni Ammon ang bagong hari at si Lamoni at ang iba para mag-usap-usap at alamin kung paano nila ipagtatanggol ang kanilang sarili laban sa mga Lamanita.

Sabihin sa mga estudyante na basahin nang tahimik ang Alma 24:6 at alamin kung ano ang determinadong gawin ng mga Anti-Nephi-Lehi. Matapos ibahagi ng mga estudyante ang nalaman nila, sabihin sa ilang estudyante na magsalitan sa pagbasa nang malakas ng Alma 24:7–10, 12–14. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa at pakinggan ang lahat ng bagay na pinagkaloob ng Diyos na ipinagpasalamat ng hari ng mga Anti-Nephi-Lehi.

  • Ayon sa Alma 24:9, ano ang isa sa mga kasalanan na nagawa noon ng mga Anti-Nephi-Lehi?

  • Ayon sa Alma 24:13, bakit ayaw nilang makidigma?

Hatiin ang klase sa dalawang grupo. Ipabasa sa unang grupo ang Alma 24:11, 15 at ipahanap ang mga parirala na naglalahad na sinisikap ng mga Anti-Nephi-Lehi na magsisi. Sabihin sa pangalawang grupo na basahin ang Alma 24:16–19 at alamin ang ginawa ng mga Anti-Nephi-Lehi upang masiguro na mananatili silang malinis. Matapos ang sapat na oras na makapagbasa ang mga estudyante, sabihin sa kanila na ibahagi ang nalaman nila. Maaari mong gamitin ang mga sumusunod na tanong para makakuha pa ng mga karagdagang ideya:

  • Ano sa palagay ninyo ang ibig sabihin ng hari nang sabihin niyang, “Ito lamang ang lahat ng ating magagawa … upang magsisi”? (Alma 24:11). (Ang pariralang ito ay naglalarawan sa matinding pagsisikap at determinasyon ng mga Anti-Nephi-lehi na magsisi sa kanilang mga kasalanan.)

  • Ang salitang patotoo ay lumabas nang tatlong beses sa Alma 24:15–16, 18. Paano nagsilbing patotoo ang pagbabaon ng kanilang mga sandata nang malalim sa lupa? (Ipinakita nito sa ibang tao at sa Diyos na talagang tinalikuran, o iwinaksi nila ang kanilang mga kasalanan.)

Ipabasa sa isang estudyante ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Spencer W. Kimball:

Pangulong Spencer W. Kimball

“Sa pagtalikod sa kasalanan, hindi lamang ito basta paghahangad na mapabuti. … Dapat niyang tiyakin na hindi lamang niya tinalikuran ang kasalanan kundi binago ang mga sitwasyong nakapalibot sa kasalanan. Dapat niyang iwasan ang mga lugar at sitwasyon at pangyayari kung saan nangyari ang kasalanan, sapagkat maaring higit itong handang umusbong muli. Dapat niyang talikdan ang mga taong kasama niya sa pagkakasala. Maaaring hindi niya kinamumuhian ang mga taong kasangkot subalit dapat niyang iwasan sila at lahat ng bagay na may kinalaman sa kasalanan” (The Miracle of Forgiveness [1969], 171–72).

  • Ano ang ginawa ng mga Anti-Nephi-Lehi para maiwasan ang mga kalagayan at mga tao na maaaring humimok sa kanila na gawing muli ang mga dating kasalanan?

Maaari mong bigyan ang mga estudyante ng ilang sandali para pag-isipang mabuti kung may anumang kalagayan sa buhay nila na kailangan nilang baguhin para mapagsisihan at matalikuran ang kasalanan na nagpapahirap sa kanila.

Isulat sa pisara ang sumusunod: Kung tayo ay … , ang gagawin naman ng Diyos ay …

Sabihin sa klase na basahing muli ang Alma 24:10–18 at alamin kung paano nila kukumpletuhin ang pahayag sa pisara. (Maaari mong imungkahi na isulat ng mga estudyante sa kanilang banal na kasulatan ang pahayag na tulad nito: Kung tayo ay magsisisi nang lubos, ang gagawin naman ng Diyos ay aalisin ang ating kasalanan at tutulungan tayong manatiling malinis.)

Patingnang muli sa mga estudyante ang Alma 24:17.

  • Ano ang ilang halimbawa ng mga sandata ng paghihimagsik (tingnan sa Alma 23:7) na maaaring ibaba o ibaon ng mga tao bilang pagbabalik-loob sa Panginoon? (Tulungan ang mga estudyante na makita na maisasama sa mga sandata ng paghihimagsik ang masamang pag-uugali o kilos na dapat talikuran ng mga tao para magbalik-loob sa Panginoon.)

Ipabasa sa isang estudyante ang sumusunod na pahayag ni Elder Jeffrey R. Holland ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Elder Jeffrey R. Holland

“Ang pagsisisi at ang pagsasabi ng ‘Magbabago na ako’—at taos-pusong gawin ito ay magkasabay na nangyayari. Mangyari pa may mga problemang dapat pang ayusin at mga pagtutuwid na gagawin. Maaaring iukol ninyo—at dapat ngang mas makabubuting iukol ninyo—ang buong buhay ninyo sa pagpapatunay na taos-puso ang inyong pagsisisi” (“For Times of Trouble,” New Era, Okt. 1980, 11–12).

Sabihin sa mga estudyante na ipaliwanag ang mga bagay na dapat iwasan ng mga kabataan upang huwag nang magawang muli ang bawat isa sa mga sumusunod na mga kasalanan: paglabag sa Word of Wisdom, panonood ng pornograpiya, at pagiging salbahe sa mga kapatid.

Sabihin sa mga estudyante na isipin kung ano ang maaaring nadama ng mga Anti-Nephi-Lehi matapos nilang ibaon ang kanilang mga sandata at pagkatapos ay malaman na paparating ang isang grupo ng mga Lamanita para salakayin sila. Sabihin sa mga estudyante na isipin ang sitwasyong ito habang binabasa nila nang tahimik ang Alma 24:20–22.

Isulat sa pisara ang sumusunod na katotohanan: Kapag tinupad natin ang ating mga tipan, matutulungan nating magbalik-loob ang iba. Sabihin sa ilang estudyante na magsalitan sa pagbasa nang malakas ng Alma 24:23–27. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at hanapin ang mga salita o parirala na nagtuturo ng alituntunin na nakasulat sa pisara.

  • Paano nakaimpluwensya ang talang ito sa inyong hangaring tuparin ang inyong mga tipan?

  • Ano ang magagawa natin upang mapalakas ang ating hangarin at kakayahang tuparin ang mga tipang ginawa natin sa Panginoon?

Sabihin sa mga estudyante na magbahagi ng mga karanasan nila tungkol sa alituntuning nasa pisara. Tapusin ang lesson na pinatototohanan ang mga alituntuning itinuro sa lesson na ito.

Komentaryo at Pinagmulang Impormasyon

Alma 23:17. “Tinawag nila ang kanilang pangalan na Anti-Nephi-Lehi”

“Ang mga Lamanita na pinagbalik-loob ng apat na anak na lalaki ni Mosias at ng kanilang mga kasama sa misyon ay pinangalanan ang kanilang sarili na ‘Anti-Nephi-Lehi.’ (Alma 23:17; Alma 24:1–5.) Ang ‘Nephi-Lehi’ sa pangalan ay tumutukoy marahil sa mga lupain ng Nephi at Lehi (o sa mga taong nanirahan noon sa mga lupaing iyon) sa halip na sa mga inapo ni Nephi o Lehi.

“Gayunman, nalaman ni Dr. Hugh Nibley na ‘ang isang salitang mula sa Semitiko at Indo-European na tumutugma sa anti na ang ibig sabihin ay “sa harap ng” o “nakaharap sa,” at maaaring ipakahulugan pa na “isang taong sumasalungat” o kaya naman ay “isang taong gumagaya.”’ (Sinipi sa Eldin Ricks, Book of Mormon Study Guide, p. 63.) Samakatwid ang mga katagang ‘Anti-Nephi-Lehi’ ay maaaring tumutukoy sa mga taong ginagaya o tinutularan ang mga turo ng mga inapo nina Nephi at Lehi” (Daniel H. Ludlow, A Companion to Your Study of the Book of Mormon [1976], 209–10).