Mga Chart sa Pagbabasa ng Banal na Kasulatan
Tumutulong tayo na maisakatuparan ang Layunin ng Seminaries and Institutes of Religion kapag hinihikayat natin ang mga estudyante na (1) basahin at pag-aralan ang mga banal na kasulatan araw-araw at (2) basahin ang banal na kasulatan para sa kursong pinag-aaralan. Maaari kang magbigay sa mga estudyante ng mga chart tulad ng makikita sa ibaba upang matulungan sila na makita at masubaybayan ang kanilang pag-unlad. Kung nais mong ireport ang araw-araw na pagbabasa ng mga banal na kasulatan ng mga estudyante, sundin ang mga tagubilin sa Scripture Reading Reporting Instructions. I-search ang mga tagubiling ito sa si.lds.org gamit ang mga katagang “scripture reading reporting instructions.”