Home-Study Lesson
Alma 25–32 (Unit 18)
Pambungad
Simulan ang lesson na ito sa isang aktibidad na tutulong sa mga estudyante na magsikap na maging mga kasangkapan sa mga kamay ng Diyos. Gayunman, ang halos kabuuan ng lesson ay nakatuon sa mga bunga ng paniniwala at pagkilos ayon sa mga maling ideya na ikinumpara sa mga bunga ng paniniwala at pagkilos ayon sa salita ng Diyos, tulad ng makikita sa Alma 30–32.
Mga Mungkahi sa Pagtuturo
Alma 25–29
Pinapurihan ni Ammon at ng mga anak ni Mosias ang Panginoon dahil maraming Lamanita ang nagbalik-loob sa ebanghelyo
Tulad ng nakatala sa Alma 26, nagalak si Ammon at ang kanyang mga kapatid sa kanilang tagumpay sa gawain ng Panginoon. Ipabasa sa mga estudyante ang Alma 26:1–4, 11–13 at hanapin kung ano ang naisagawa ni Ammon at ng kanyang mga kapatid at kung paano nila ito nagawa. Ipaalala sa mga estudyante na ang mga talatang ito ay nagtuturo ng sumusunod na alituntunin: Kapag nagpakumbaba tayo ng ating sarili, palalakasin tayo ng Panginoon at gagamitin tayong kasangkapan sa Kanyang mga kamay.
Alma 30
Kinutya ni Korihor ang doktrina ni Cristo
Magpakita ng isang binhi o buto sa klase. Ipalista sa kanila ang mga bagay na gusto nila na magmumula sa binhi o buto. Kumpara sa ilan sa mga halaman, prutas, at gulay na maaaring mabanggit ng mga estudyante, ipaliwanag na posibleng tumubo ang buto at maging isang halaman na magbubunga ng mapait o nakalalasong prutas o makasira sa iba pang mga kapaki-pakinabang na halaman.
Isulat sa pisara ang mga salitang ideya at paniniwala at itanong: Paano maaaring tulad ng isang binhi o buto ang isang ideya o paniniwala?
Ipaliwanag na sa pag-aaral at pagtalakay ng mga estudyante ng Alma 30–32 sa klase ngayon, paghahambingin nila ang mga bunga ng pagsunod sa mga maling ideya at ang mga bunga ng pagsunod sa salita ng Diyos.
Sabihin sa mga estudyante na ipaliwanag kung sino si Korihor. Sabihin sa kanila na basahin ang Alma 30:12–18, 23 at alamin ang mga maling ideya na itinuro ni Korihor. Matapos ang oras sa pagbabasa, sabihin sa kanila na isulat sa pisara o sa isang papel ang dalawa o tatlo sa mga maling ideya ni Korihor na sa palagay nila ay lalong mapanganib sa espirituwal na paniniwala ng isang tao. Pagkatapos ay itanong ang mga sumusunod:
-
Saan maaaring humantong ang mga ideyang ito? (Kapag nakasagot na ang mga estudyante, ipaliwanag na ang isang ideya na humahantong sa isang gawain ay tulad ng isang binhi o buto na lumaki at naging isang halaman.)
-
Ayon sa Alma 30:18, ano ang ginawa ng mga tao dahil sa mga turo ni Korihor? (Kapag nakasagot na ang mga estudyante, bigyang-diin na si Satanas ay gumagamit ng mga maling doktrina para mahikayat tayong gumawa ng kasalanan.)
Ipabuod sa isang estudyante ang nangyari kay Korihor. (Kung kailangan ng tulong ng mga estudyante, sabihin sa kanila na gamitin ang chapter heading ng Alma 30 o basahin ang Alma 30:52–53, 59–60.)
Alma 31
Pinamunuan ni Alma ang isang misyon upang maibalik ang mga Zoramita na tumalikod sa katotohanan
Ipaalala sa mga estudyante na naniwala ang mga Zoramita sa maling ideya at humantong sila sa mali o masasamang gawain. Sa Alma 31:5 natutuhan natin na kapag pinag-aralan natin ang salita ng Diyos, aakayin tayo nito sa paggawa nang tama.
Alma 32
Itinuro ni Alma sa mga maralitang Zoramita kung paano manampalataya
Ipaalala sa mga estudyante na bagama’t maraming Zoramita ang hindi tinanggap ang salita ng Diyos, nagsimulang magtagumpay si Alma sa mga maralita. Itinuro niya sa kanila kung paano manampalataya. Sabihin sa mga estudyante na rebyuhin ang Alma 32:21, isang scripture mastery verse. Sabihin sa kanila na ipaliwanag kung ano ang itinuturo sa kanila ng talatang ito tungkol sa pananampalataya.
Ipaalala sa mga estudyante na gumamit si Alma ng isang binhi upang ituro ang tungkol sa paraan ng pagkakaroon ng pananampalataya. Pagkatapos ay itanong ang mga sumusunod:
-
Anong mga parirala sa Alma 32:28 ang nagsasaad na mabuti ang binhi, o sa madaling salita ang salita ng Diyos?
-
Ano ang epekto ng salita ng Diyos sa atin kapag tinulutan natin ito na maitanim sa ating puso?
Sabihin sa mga estudyante na hinikayat ni Alma ang mga Zoramita na subukan ang salita, o itanim ito sa kanilang mga puso sa pamamagitan ng paniniwala at pagsunod dito. Sabihin sa kanila na basahin ang Alma 33:22–23, at alamin kung anong “salita” ang nais ni Alma na maitanim ng mga tao sa kanilang mga puso. Maaari mong hikayatin ang mga estudyante na isulat ang mga talatang ito bilang cross-reference sa tabi ng Alma 32:28.
Ipabasa sa mga estudyante ang Alma 32:28–29, 31, 37, 41–43, at ipahanap ang mga gantimpalang matatanggap natin sa paniniwala at pagsunod sa salita ng Diyos. Kapag nakasagot na ang mga estudyante, tiyakin na malinaw na naunawaan ang sumusunod na alituntunin: Kung buong pagsisikap nating aalagaan ang ating pananampalataya sa salita ng Diyos sa ating puso, lalago ang ating pananampalataya at patotoo kay Jesucristo at sa Kanyang ebanghelyo.
Para tapusin ang lesson na ito, sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang kanilang sagot sa lesson 4, assignment 4 sa kanilang scripture study journal—tungkol sa mga resultang nakikita nila sa kanilang buhay kapag sinusunod nila ang pagsubok o eksperimento na ipinaliwanag ni Alma sa Alma 32.
Susunod na Unit (Alma 33–38)
Ano ang panganib ng pagpapaliban ng pagsisisi? Sinagot ni Amulek ang tanong na ito at nagbigay ng babala. Pinayuhan ni Alma ang dalawa sa kanyang mga anak sa nalalapit na pagwawakas ng kanyang buhay. Nagbigay siya ng mga detalye tungkol sa kanyang pagbabalik-loob—nagbago mula sa isang taong kumalaban sa Diyos at naging isang taong lumaban para sa Diyos—at tungkol sa nadama niya nang siya ay mapalaya mula sa pighati at pasakit ng kanyang mga kasalanan.