Library
Pambungad sa Scripture Mastery


Pambungad sa Scripture Mastery

Ang Seminaries and Institutes of Religion ay pumili ng 25 scripture mastery passage para sa bawat isa sa apat na kurso sa seminary. Ang mga scripture passage na ito ay nagbibigay ng mahalagang pundasyon sa banal na kasulatan para sa pag-unawa at pagbahahagi ng ebanghelyo at para sa pagpapalakas ng pananampalataya. Ang mga scripture mastery passage para sa Aklat ni Mormon ay ang mga sumusunod:

Hinihikayat ang mga estudyante sa seminary na magkaroon ng “mastery” o kahusayan sa mga scripture passage na ito. Mas matutulungan mo ang iyong mga estudyante kung napag-aralan at naisaulo mo ring mabuti ang mga scripture passage na ito. Kabilang sa mastery ng mga scripture passage ang mga sumusunod:

  • Paghahanap kung saan naroon ang mga scripture passage sa pamamagitan ng pag-alam sa mga nauugnay na scripture reference

  • Pag-unawa sa konteksto at nilalaman ng mga scripture passage

  • Pagsasabuhay sa mga alituntunin at mga doktrina ng ebanghelyo na itinuro sa mga scripture passage

  • Pagsasaulo sa mga scripture passage

Konsistensi, Ekspektasyon, at mga Pamamaraan

Kapag nagpaplano ka na tulungan ang mga estudyante na maging mahusay sa mga scripture passage, mas magiging matagumpay ka kung tutukuyin mo ang mga scripture mastery passage nang may konsistensi, palaging may mga naaangkop na ekspektasyon, at kung gagamit ka ng mga pamamaraan na maiaangkop sa iba’t ibang istilo sa pag-aaral.

Ang konsistensi at pag-uulit-ulit sa pagtuturo ng scripture mastery ay tutulong sa mga estudyante na maisaulo ang mga katotohanan para magamit sa hinaharap. Maaaring makatulong na i-outline ang kursong pag-aaralan para sa taon at gumawa ng plano para palaging makapagbigay ng mga pagkakataon sa mga estudyante na maging mahusay sa mga scripture passage. Maging matalino sa pagpapasiya kung gaano kadalas at gaano katagal ang oras na gagamitin sa pagtulong sa mga estudyante na matutuhan ang mga scripture mastery passage. Tiyakin na hindi masasapawan ng mga aktibidad para sa scripture mastery activity ang araw-araw na pag-aaral ng mga banal na kasulatan ayon sa pagkakasunod-sunod nito. Maaari kang magpasiya na mag-ukol ng ilang minuto bawat araw sa pagrerebyu ng mga scripture mastery passage sa mga estudyante mo. O maaari kang magpasiya na magbigay ng maikling mastery activity isa o dalawang beses kada linggo na tatagal nang mga 10 hanggang 15 minuto. Kahit ano ang ipinlano mo para tulungan ang mga estudyante na matutuhan ang mga scripture mastery passage, maging konsistent at angkop sa iyong mga gagawin.

Iayon ang iyong mga ekspektasyon o aasahan sa scripture mastery batay sa kakayahan ng bawat estudyante. Ang pagiging mahusay sa mga scripture passage ay nangangailangan ng pagsisikap mula sa mga estudyante. Sabihin sa mga estudyante na ang kanilang tagumpay sa scripture mastery ay nakabatay sa kanilang pag-uugali at sa kanilang kagustuhang magsumikap. Hikayatin sila na magtakda ng mga mithiin na lalo pang magpapahusay sa kanilang mga kakayahan. Maging sensitibo sa mga estudyante na maaaring mahirapan na magsaulo, at maging handa na iangkop ang iyong mga ekspektasyon at pamamaraan sa pagtuturo ayon sa pangangailangan ng iyong mga estudyante.

Para makaangkop sa iba’t ibang uri ng personalidad at istilo sa pag-aaral, iba-ibahin ang mga pamamaraan na ginagamit mo para matulungan ang mga estudyante na maging mahusay sa mga scripture passage. Tulad sa lahat ng pagtuturo at pag-aaral ng ebanghelyo, maging matalino sa iyong pipiliing mga aktibidad para maanyayahan ang Espiritu Santo na tulungan ang mga estudyante sa mastery ng mga banal na kasulatan at ng mga doktrina. Makakakita ka ng ilang angkop na pamamaraan ng pagtuturo ng scripture mastery sa mga lesson sa manwal na ito. Para sa karagdagang pamamaraan sa pagtuturo ng scripture mastery, tingnan ang mga aktibidad para sa scripture mastery na nakalista sa ibaba.

Scripture Mastery sa Kurikulum

Ang scripture mastery ay isinama sa kurikulum sa ilang paraan. Ang scripture mastery icon scripture mastery icon ay tumutukoy sa pagtuturo sa mga scripture mastery passage sa materyal ng lesson. Ipinapakilala at tinatalakay ang mga scripture mastery passage sa konteksto ng mga kabanata kung saan matatagpuan ang mga ito. Mayroon ding mga karagdagang ideya para sa pagtuturo ng mga scripture mastery passage sa katapusan ng mga lesson kung saan matatagpuan ang mga ito. Ang mga karagdagang ideyang ito sa pagtuturo ay tumutulong para mabalanse ang apat na elemento ng scripture mastery (paghahanap, pag-unawa, pagsasabuhay, pagsasaulo) sa bawat scripture passage. Halimbawa, kung ang lesson ay tumutulong sa mga estudyante na maunawaan at maipamuhay ang scripture mastery passage, ang karagdagang ideya sa pagtuturo ay tutulong sa kanila sa paghahanap o pagsasaulo sa scripture passage.

Ang kurikulum ay regular ding nagbibigay ng mga aktibidad para sa pagrerebyu ng scripture mastery na magagamit kung may oras pa at kung naaayon sa mga scripture mastery goal ng iyong klase. Ang mga pagrerebyung ito ay maaaring dagdagan ng mga scripture mastery activity na nakalista sa ibaba. Maaari kang gumamit ng dagdag na oras sa simula o katapusan ng isang maikling lesson para gawin ang isa sa mga aktibidad na ito sa pagrerebyu.

Mga Iminungkahing Paraan para sa Scripture Mastery

Para matulungan ang mga estudyante na mapahusay ang kakayahan sa paghahanap, maaari kang magplano na ipaalam ang 25 mastery passage sa pagsisimula ng kurso at pagkatapos ay ituro ito para lalo pang maunawaan at maisaulo ang mga ito sa buong kurso. O maaari mong ipaalam ang ilang scripture passage bawat buwan at magpokus na maipaunawa at maipasaulo ang mga ito sa buwan ding iyon. Maaaring kabilang sa mga pagpapaalam ng mga scripture mastery passage ang pagmumungkahi sa mga estudyante na markahan ang mga scripture mastery passage sa kanilang sariling mga banal na kasulatan, pagtulong sa mga estudyante na mag-isip ng mga paraan para maalala ang mga key word at mga reperensya, at pagpapaliwanag sa mga doktrina at mga alituntunin na nakapaloob sa bawat scripture passage. Maaari mo ring isali ang mga estudyante sa pagpapa-alam ng mga scripture mastery passage sa pamamagitan ng pag-a-assign sa kanila na gamitin ang mga scripture passage sa kanilang debosyonal o sa pag-anyaya sa kanila na turuan ang isa’t isa kung paano maalala at mahanap ang mga scripture passage. Para malaman kung naisaulo at naunawaan nila ang mga scripture mastery passage, magbigay ng mga quiz at mga aktibidad sa paghahanap (tingnan ang mga aktibidad para sa scripture mastery sa ibaba para sa mga halimbawa). Isang listahan ng 25 scripture mastery passage sa kurso na ito ang matatagpuan sa mga bookmark ng mga estudyante at sa mga scripture mastery card.

Para matulungan ang mga estudyante na maunawaan ang mga scripture mastery passage, bigyang-diin ang mga scripture passage na ito kapag kabilang ito sa iyong mga daily lesson. Maaari mo ring gamitin ang mga scripture mastery activity sa ibaba upang maragdagan ang kaalaman ng mga estudyante sa mga katotohanang nakapaloob sa mga scripture passage at mapag-ibayo ang kakayahan nilang maipaliwanag ang mga ito. Bigyan ang mga estudyante ng mga pagkakataon sa mga debosyonal o habang nagkaklase na maipaliwanag kung paano sila natulungan ng mga katotohanan sa mga scripture mastery passage na mas maunawaan ang mga Pangunahing Doktrina.

Para matulungan ang mga estudyante sa kanilang pagsasabuhay ng mga katotohanan na matatagpuan sa mga scripture mastery passage, hikayatin sila na sundin ang mga pahiwatig ng Espiritu Santo para maunawaan kung paano maipapamuhay ang mga katotohanan. Para matulungan ang mga estudyante na kumilos ayon sa mga katotohanan na natutuhan nila, maaari kang mag-post paminsan-minsan sa isang bulletin board sa klase ng isang challenge o hamon na nauugnay sa isang scripture mastery passage. O maaari mong bigyan ang mga estudyante ng mga pagkakataon sa klase na magpraktis sa pagtuturo ng mga doktrina at mga alituntunin ng ebanghelyo gamit ang mga scripture mastery passage (tingnan ang mga aktibidad para sa scripture mastery sa ibaba para sa mga ideya). Maaari mo ring anyayahan ang mga estudyante na ipamuhay ang mga alituntuning natutuhan nila sa mga lesson kung saan makikita ang mga scripture mastery passage. Bigyan ang mga estudyante ng mga pagkakataon, sa mga debosyonal o sa iba pang pagkakataon, na maibahagi ang kanilang mga karanasan. Ito ay makatutulong sa kanila na maragdagan ang kanilang patotoo sa mga katotohanang natutuhan nila mula sa mga scripture mastery passage.

Para matulungan ang mga estudyante na maisaulo ang 25 scripture mastery passage, maaari kang magplano na isaulo sa klase ang dalawa o tatlong scripture mastery passage bawat buwan. Maaari mo ring hamunin ang mga estudyante na isaulo ang ilang partikular na scripture passage sa kanilang mga tahanan (magagawa nila ito kasama ang kanilang mga pamilya o bigkasin ang mga ito sa magulang o kapamilya). Maaari mong gawing bahagi ng debosyonal araw-araw ang pagsasaulo sa pamamagitan ng pagsasabi sa klase na bigkasin ang scripture passage o sa pagbibigay ng oras sa mga estudyante na magsaulo nang may kapartner. Ang pagbibigay sa mga estudyante ng mga pagkakataon na mabigkas ang mga scripture mastery passage nang magkakapartner o sa malilit na grupo o sa harap ng klase ay makatutulong sa kanila na maging responsable sa kanilang mga pagsisikap. Ang mga aktibidad para sa scripture mastery sa ibaba ay kinabibilangan ng iba’t ibang pamamaraan sa pagsasaulo. Iangkop ang mga ekspektasyon sa pagsasaulo sa kakayahan at sitwasyon ng bawat estudyante. Hindi dapat madama ng mga estudyante na napapahiya sila o pinanghihinaan sila ng loob kung hindi sila makasaulo.