Home-Study Lesson
2 Nephi 4–10 (Unit 6)
Pambungad
Sa lahat ng mahahalagang katotohanan na pinag-aralan ng mga estudyate sa linggong ito, bigyang-diin ang kahalagahan ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo. Ipagdasal na gabayan ka para malaman mo kung paano mo sila lubos na matutulungan na maunawaan ang Pagbabayad-sala at umasa dito. Sa iyong pagtuturo, hikayatin ang mga estudyante na pag-isipan kung ano ang kailangan nilang gawin para matanggap ang mga pagpapala ng Pagbabayad-sala ng Tagapagligtas.
Paalala: Habang mapanalangin kang naghahanda ng iyong lesson, isipin ang mga pangangailangan ng iyong mga estudyante—lalo na ang mga pangangailangan ng mga maaaring nahihirapan. Kapag ipinagdasal mo ang bawat estudyante at hiniling na gabayan ka para maituro mo sa kanila nang lubos ang mga doktrina at alituntuning matatagpuan sa mga banal na kasulatan, bibigyan ka ng inspirasyon ng Espiritu Santo para malaman kung paano mo tutugunan ang mga pangangailangan ng mga estudyante.
Mga Mungkahi sa Pagtuturo
2 Nephi 4–5
Ipinahayag ni Nephi na nagtitiwala siya Panginoon; inihiwalay ng Panginoon ang mga Nephita sa mga Lamanita; ang mga Nephita ay namuhay nang maligaya
Isulat sa pisara ang impormasyon sa sumusunod na chart, o ihanda ito bilang handout.
|
|
Hatiin sa dalawang grupo ang klase. Sabihin sa isang grupo na maghandang ituro ang materyal para sa 2 Nephi 4 at sabihin sa isa pang grupo na maghandang ituro ang materyal para sa 2 Nephi 5.
Pagpartnerin ang estudyanteng naka-assign sa 2 Nephi 4 at ang estudyanteng naka-assign sa 2 Nephi 5. Sabihin sa magkakapartner na ibahagi sa isa’t isa ang materyal na inihanda nila para sa kanilang mga assignment.
2 Nephi 6–8
Ipinropesiya ni Jacob ang pagkalat at pagtitipon ng Israel at binanggit ang mga propesiya ni Isaias tungkol sa katapatan ng Tagapagligtas sa mga pinagtipanang tao
Ipaalala sa mga estudyante na ang 2 Nephi 6–9 ang unang araw ng pagbibigay ni Jacob ng sermon sa kanyang mga tao. Ang pangalawang araw ng kanyang pagtuturo ay nagpatuloy sa 2 Nephi 10. Sa 2 Nephi 6, ipinropesiya ni Jacob na hindi tatanggapin ng mga Judio ang Panginoon at sila ay ikakalat. Ipabasa sa mga estudyante ang 2 Nephi 7:1–2, at sabihin sa kanila na ipahayag ang kahulugan nito gamit ang sarili nilang mga salita.
2 Nephi 9
Itinuro ni Jacob kung paano tayo ililigtas ng Pagbabayad-sala ng Tagapagligtas mula sa mga ibinunga ng Pagkahulog at ng mga kasalanan
Ibahagi ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Ezra Taft Benson:
“Tulad ng pag-ayaw ng tao sa pagkain kung hindi siya gutom, gayon din naman na hindi niya hahangaring maligtas kay Cristo hangga’t hindi niya alam kung bakit niya kailangan si Cristo.
“Walang sinuman ang malalaman nang sapat at wasto kung bakit kailangan niya si Cristo hangga’t hindi niya nauunawaan at tinatanggap ang doktrina ng Pagkahulog at ang epekto nito sa buong sangkatauhan. At walang ibang aklat sa mundo ang nagpapaliwanag ng mahalagang doktrinang ito nang buong linaw maliban sa Aklat Mormon” (“The Book of Mormon and the Doctrine and Covenants,” Ensign, Mayo 1987, 85).
Sabihin sa mga estudyante na kunwari ay isang kaibigan nila ang nagtanong ng, “Bakit kailangan natin ang Tagapagligtas?” Sabihin sa klase na maghanda ng sagot sa tanong na ito batay sa natutuhan nila sa 2 Nephi 9. Ipabasang muli sa kanila ang 2 Nephi 9:7–10, 19–22 para sa sagot. Sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang kanilang mga sagot sa tanong.
Para matulungan ang mga estudyante na mas maunawaan kung paano tayo maililigtas ni Jesucristo mula sa mga ibinunga ng Pagkahulog, basahin ang analohiya ni Pangulong Joseph Fielding Smith sa materyal ng lesson para sa 2 Nephi 9:10–27, sa Unit 6: Day 3, sa manwal ng estudyante. Maaari mong sabihin sa isang estudyante na idrowing sa pisara o sa kapirasong papel ang inilarawan ni Pangulong Smith. Kung pinili mong magpadrowing sa estudyante sa pisara o sa kapirasong papel, maaari mo ring anyayahan ang estudyante na ipaliwanag ang drowing.
Sabihin sa mga estudyante na isipin kung ano ang mararamdaman nila kung makulong sila sa malalim na balon at mahiwalay sa Diyos dahil sa mga pagpiling ginawa nila. Ipaliwanag na kung hindi dahil sa Pagbabayad-sala ni Jesucristo, wala nang pagkakataon para makapagsisi, wala nang pag-asa, at wala nang makakatakas sa mga ibinungang ito ng kasalanan.
Ipabasa sa isang estudyante ang 2 Nephi 9:21–23, at sabihin sa ilang estudyante na ipaliwanag ito gamit ang sarili nilang mga salita. Kahit iba-iba ang pagkakasabi nila rito, tiyaking malinaw na naunawaan ang sumusunod na katohanan: Sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo, madaraig natin ang mga ibinunga ng ating mga kasalanan.
Ipaliwanag na isa sa malalaking pakinabang na makukuha sa pagpupulong ng grupo ay ang pagkakataon na makapagbahagi ng damdamin at patotoo. Anyayahan ang ilang estudyante na ibahagi ang kanilang damdamin at patotoo tungkol kay Jesucristo at sa Kanyang Pagbabayad-sala. Kung nahihirapan silang magbahagi, ipabasa sa kanila ang isinulat nila sa kanilang scripture study journal para sa day 3, assignment 4. Maaari mong idagdag ang patotoo mo sa patotoo nila.
Sabihin sa klase na kunwari ay may isang tao na may napakalalang sakit. Pagkatapos ay talakayin ang mga sumusunod na tanong:
-
Bakit importanteng maintindihan ng taong ito na kailangan niya ng tulong?
-
Bakit importanteng maintindihan din ng taong ito ang dapat niyang gawin para makahingi ng tulong?
-
Ano ang mangyayari kapag naiintindihan ng taong ito na kailangan niya ng tulong pero hindi niya alam kung ano ang gagawin niya para matanggap iyon?
Itanong sa mga estudyante kung alam nila ang dapat nilang gawin para matanggap ang mga pagpapala ng Pagbabayad-sala. Ipaalala sa kanila na pinag-aralan nila ang 2 Nephi 9:23, 42–52 at tinukoy ang ilan sa mga kilos at pag-uugali na nakatulong sa ating lumapit kay Cristo at gamitin ang kapangyarihan ng Kanyang nagbabayad-salang sakripisyo sa ating buhay. Sabihin sa kanila na basahing muli ang mga banal na kasulatan na minarkahan nila at ang listahan na ginawa nila sa kanilang scripture study journal na nagtatala ng mga bagay na magdadala sa atin sa Tagapagligtas (day 4, assignment 1). Sabihin sa mga estudyante na ibahagi kung paano sila mas inilapit sa Tagapagligtas ng isa o mahigit pa ng mga kilos at pag-uugali na ito. Magpatotoo na ang pagsunod sa mga alituntuning itinuturo sa mga talatang ito ay tutulong sa atin na matanggap ang lahat ng pagpapala ng Pagbabayad-sala.
2 Nephi 10
Hinikayat ni Jacob ang kanyang mga tao na magalak at lumapit sa Panginoon
Basahin ang 2 Nephi 10:23–24 sa mga estudyante. Ipaalala sa mga estudyante na sa day 3, assignment 6, inanyayahan sila na umisip ng bagay na gagawin nila para masunod ang kagustuhan ng Diyos. Hikayatin sila na magsikap na matugunan ang paanyayang ito.
Sabihin sa mga estudyante na magbahagi ng karagdagang kaalamang natanggap nila sa mga kabanatang pinag-aralan nila sa linggong ito. Kung may oras pa, tapusin ang lesson sa pag-awit o pagbasa nang sabay-sabay ng mga titik ng “Ako ay Namangha” (Mga Himno, blg. 115) o isa pang himno tungkol sa Pagbabayad-sala ni Jesucristo. Magpatotoo na mahalaga ang pagparito ng Tagapagligtas at tunay ang mga pagpapala ng Pagbabayad-sala.
Susunod na Unit (2 Nephi 11–25)
Sa pag-aaral ng mga estudyante ng 2 Nephi 11–25 sa susunod na linggo, mababasa nila ang ilan sa mga salita ni Isaias at kung paano niya nakita ang ating panahon at nagbabala sa atin batay sa nakita niya. Ilan sa kanyang mga babala ay may kinalaman sa ating media, pananamit, pamumuhay, at pag-uugali. Hikayatin ang mga estudyante na basahin at pulutin ang anumang matututuhan nila sa 2 Nephi 11–25, kahit hindi nila nauunawaan ang bawat salita.