Lesson 48
Jacob 7
Pambungad
Si Jacob ay umasa sa Panginoon at sa kanyang matibay at di-natitinag na patotoo para malabanan ang mga ideya at argumento ni Serem, na isang anti-Cristo. Kumuha siya ng lakas sa mga naranasan niya noon na nagpalakas ng pananampalataya niya kay Jesucristo. Umasa rin siya sa gabay ng Banal na Espiritu, sa kanyang kaalaman sa mga banal na kasulatan at sa salita ng mga propeta, at sa kanyang patotoo kay Jesucristo. Nang humingi ng palatandaan si Serem na magpapatunay ng mga salita ni Jacob, siya ay pinarusahan ng Diyos. Tinapos ni Jacob ang kanyang tala sa paglalarawan kung paano nagtiwala ang mga Nephita sa Panginoon habang pinalalakas nila ang sarili laban sa mga Lamanita. Bago mamatay si Jacob, ipinagkatiwala niya ang maliliit na lamina sa kanyang anak na si Enos.
Mga Mungkahi sa Pagtuturo
Jacob 7:1–14
Si Jacob ay umasa sa Panginoon nang harapin niya si Serem, isang anti-Cristo
Bago magklase, isulat sa pisara ang sumusunod na pahayag ni Elder Robert D. Hales ng Korum ng Labindalawang Apostol (sinipi mula sa “Katapangang Kristiyano: Kailangan sa Pagiging Disipulo,” Ensign o Liahona, Nob. 2008, 72):
Sabihin sa mga estudyante na isipin ang isang pagkakataon na pinagdudahan o tinuligsa ng isang tao ang kanilang mga pinaniniwalaan. Anyayahan ang ilan sa kanila na ibahagi ang nadama nila nang mangyari iyon. Maaari mo ring ikuwento nang maikli ang isang karanasan sa iyong buhay.
Ipaliwanag na nakatala sa Jacob 7 ang pagharap ni Jacob kay Serem, isang anti-Cristo. (Maaari mong ipaliwanag na ang isang anti-Cristo ay ang “sinuman o anumang bagay na nanghuhuwad sa totoong ebanghelyo ng plano ng kaligtasan at hayagan o lihim na sumasalungat kay Cristo” [Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Anti-Cristo,”].) Hinanap ni Serem si Jacob para hamunin ang paniniwala nito.
Isiping gamitin ang segment na ito mula sa Mga Video ng Aklat ni Mormon kapag itinuro mo ang bahaging ito (tingnan sa Mga Video ng Aklat ni Mormon: Mga Tagubilin sa Seminary Teacher).
Ipabasa nang tahimik sa mga estudyante ang Jacob 7:1–5. Sabiihin sa kanila na alamin ang (1) sinusubukang gawin ni Serem at (2) ang ginawa niya para makamit ang gusto niyang mangyari. Matapos magbasa ang mga estudyante, sabihin sa kanila na ilahad ang nalaman nila tungkol kay Serem. Maaari mong itanong ang ilan sa mga sumusunod para mas mapasigla pa ang talakayan:
-
Ano ang naging impluwensya ni Serem sa mga tao?
-
Ano ang nakita ninyo sa Jacob 7:1–5 na nagpaalala sa inyo ng mga panahong pinagdudahan o tinuligsa ang inyong pananampalataya? (Kapag tinalakay mo ang tanong na ito, maaaring kailangan mong tulungan ang mga estudyante na maunawaan na hindi lahat ng tao na nagdududa o tumutuligsa sa ating pananampalataya ay may motibo na katulad ng kay Serem. Bagama’t may ilang tao na katulad ni Serem na sadyang ang gusto lang ay manira ng pananampalataya, may iba naman na nagdududa dahil gusto lang talaga nilang malaman ang paniniwala natin, o kaya naman ay baka maling impormasyon ang nakuha nila tungkol sa mga paniniwala natin.)
-
Bakit mahirap kung minsan na ipagtanggol ang ating pananampalataya laban sa mga taong katulad ni Serem?
Isulat sa pisara ang mga sumusunod na scripture reference at pahayag. (Para makatipid sa oras, maaari mong isulat ang mga ito sa pisara bago magklase. Maaari mo ring gawing handout ang mga ito.)
1. Jacob 7:5 |
a. Nagpatotoo tungkol sa mga banal na kasulatan at mga salita ng mga propeta. |
2. Jacob 7:8 |
b. Ipinaubaya ang resulta sa mga kamay ng Diyos. |
c. Umasa sa gabay at lakas na mula sa Espiritu Santo. | |
4. Jacob 7:12 |
d. Inalala ang mga naranasan niya noon na nagpalakas ng kanyang pananampalataya. |
e. Ibinahagi ang patotoong natanggap niya sa pamamagitan ng Espiritu Santo. |
Ipaliwanag na ang mga talata sa listahang ito ay nagpapakita ng mga itinugon ni Jacob nang hamunin ni Serem ang kanyang paniniwala. Ang mga pahayag na nasa kanan ay nagsasaad ng mga itinugon ni Jacob, pero hindi ito nakasulat nang sunud-sunod at dapat itugma sa angkop nitong talata. Sabihin sa ilang estudyante na magsalitan sa pagbasa nang malakas ng Jacob 7:5–14. Sa pagbabasa nila, pahintuin sila matapos ang bawat isa sa mga scripture passage na nakalista sa pisara. Sabihin sa mga estudyante na itugma ang bawat scripture passage sa angkop na pahayag nito. Maaari mong papuntahin ang isang estudyante sa pisara at ipaguhit ang mga linya mula sa mga scripture reference papunta sa mga katugmang pahayag. (Mga sagot: 1-d; 2-c; 3-a; 4-e; 5-b.)
Kapag natapos na ng mga estudyante ang matching activity, itanong:
-
Anong mga alituntuntunin ang nakita ninyong itinuro sa mga talata na kababasa lang natin?
Kung walang sumagot, tiyakin na nauunawaan ng mga estudyante na kapag umaasa tayo sa Panginoon, makakaya natin ang mga hamon sa ating pananampalataya. (Maaari mong isulat sa pisara ang alituntuning ito.)
Ipaliwanag na ang mga itinugon ni Jacob kay Serem ay isang halimbawang dapat nating tularan kapag tumutugon tayo sa mga taong nagdududa o tumutuligsa sa ating pananampalataya.
Ang mga follow-up question na nakalista sa ibaba ay nilayon na tulungan ang mga estudyante na mapag-isipan pa nilang mabuti ang ginawa ni Jacob para makaasa sa Panginoon. Ang pagsagot sa mga tanong na ito ay magbibigay sa mga estudyante ng pagkakataon na mailarawan at mapatotohanan kung paano nakatulong sa kanila ang gayon ding paraan nang hamunin ng ibang tao ang kanilang paniniwala. Tutulungan din sila nito na matutuhan kung paano tumugon nang angkop sa hahamon sa kanilang paniniwala sa hinaharap. Dahil maraming tanong ang nakatala sa ibaba na hindi mo lahat magagamit sa klase, pumili lamang ng ilang tanong na gagamitin sa inyong talakayan. Sa paggawa nito, hingin ang patnubay ng Espiritu Santo, at tandaan ang mga karanasang ibinahagi ng mga estudyante sa simula ng klase. Maaari mo ring itanong sa mga estudyante kung alin sa mga ginawa ni Jacob ang gusto pa nilang talakayin.
-
Ano ang nangyari noon kay Jacob na naging dahilan upang maging matibay at di-natitinag ang kanyang pananampalataya? (Tingnan sa Jacob 7:5.)
-
Ano ang ilang karanasan na nakapagpalakas ng inyong pananampalataya? (Maaari mong bigyan ng sapat na oras ang mga estudyante na mapag-isipang mabuti ang tanong na ito bago hingin ang sagot nila. Tiyakin sa kanila na hindi nila kailangang magbahagi ng mga karanasang napakapersonal o napakapribado.) Paano makatutulong sa inyo ang pag-alaala sa mga karanasang ito kapag may mga nagdududa o pumupuna sa inyong pananampalataya?
-
Kailan kayo natulungan ng Espiritu Santo na sagutin ang mga tanong o puna tungkol sa pananampalataya ninyo? (Tingnan sa Jacob 7:8.)
-
Paano kayo matutulungan ng araw-araw na pag-aaral ng mga banal na kasulatan at ng mga salita ng mga propeta ngayon kapag pinagdududahan o pinupuna ng iba ang pananampalataya ninyo? (Tingnan sa Jacob 7:10–11.)
-
Kailan kayo nagbahagi ng inyong patotoo sa isang taong nagdududa o pumupuna sa pananampalataya ninyo? (Tingnan sa Jacob 7:12.) Ano ang naging resulta?
-
Nang humingi ng palatandaan si Serem, bakit mahusay ang ginawa ni Jacob na ipaubaya ang mangyayari sa mga kamay ng Panginoon sa halip na hangaring patunayan niya mismo ng katotohanan ng kanyang patotoo? (Tingnan sa Jacob 7:14.) Paano makatutulong sa inyo na malaman na hindi ninyo kailangang patunayan ang katotohanan ng inyong patotoo sa mga taong humahamon sa inyong pananampalataya?
Jacob 7:15–27
Matapos maparusahan si Serem, inamin niya ang kanyang mga kasalanan, nagpatotoo sa katotohanan, at pagkatapos ay namatay, na naging dahilan ng muling pagbaling ng mga Nephita sa Panginoon
Basahin ang sumusunod na pahayag ni Elder Robert D. Hales:
“Sa paglipas ng mga taon nalalaman natin na ang mga hamon sa ating pananampalataya ay hindi na bago, at hindi rin madaling maglalaho ang mga ito. Ngunit ang mga tunay na disipulo ni Cristo ay nakikita ang oportunidad sa gitna ng oposisyon. …
“… Sa kabutihang-palad, alam ng Panginoon ang nasa puso ng mga nagpaparatang sa atin at kung paano tayo epektibong makatutugon sa kanila. Kapag naghahangad ng patnubay ng Espiritu ang mga tunay na disipulo, tumatanggap sila ng inspirasyon na akma sa bawat sitwasyon. Sa bawat sitwasyon, ang mga tunay na disipulo ay tumutugon sa mga paraang mag-aanyaya sa Espiritu ng Panginoon” (“Katapangang Kristiyano: Kailangan sa Pagiging Disipulo,” 72–73; italics sa orihinal).
-
Ano sa inyong palagay ang ibig sabihin ng “nakikita ang oportunidad sa gitna ng oposisyon”? (Sa pagsagot ng mga estudyante sa tanong na ito, tulungan silang maunawaan na maganda ang magiging resulta kapag tinugunan natin ang mga nagdududa sa ating pananampalataya sa paraang makapag-aanyaya ng Espiritu ng Panginoon.)
Pagpartner-partnerin ang mga estudyante. Ipabasa sa mga magkakapartner ang Jacob 7:15–23, na inaalam ang magandang ibinunga ng pakikipag-usap ni Jacob kay Serem. Matapos magbasa ng mga estudyante, anyayahan ang ilan sa kanila na ipaliwanag ang nalaman nila. Maaari mong gamitin ang ilan sa mga sumusunod na tanong upang matulungan ang mga estudyante na mapag-isipang mabuti ang mga talatang ito:
-
Anong katibayan ang nakikita ninyo na umasa si Jacob na makatutulong sa iba ang paghaharap nila ni Serem? (Tingnan sa Jacob 7:22. Tulungan ang mga estudyante na makita na nanalangin si Jacob para sa mga Nephita na nakasaksi sa pagtatapat at kamatayan ni Serem.)
-
Ayon sa Jacob 7:23, ano ang epekto sa mga tao ng paghaharap at pag-uusap nina Jacob at Serem?
-
Anong mga katotohanan ang matututuhan natin mula sa mga resulta ng paghaharap at pag-uusap nina Jacob at Serem? (Makapagbibigay ng maraming sagot ang mga estudyante sa tanong na ito. Maaaring maisagot ng ilan sa kanila ang mga alituntuning nakalista sa ibaba.)
-
Lahat ng mga propeta ay nagpapatotoo kay Jesucristo.
-
Sa pagsagot natin sa mga nagdududa o pumupuna sa ating pananampalataya sa paraang nakapag-aanyaya ng Espiritu, matutulungan natin ang iba na bumaling sa Panginoon.
-
Tinutulungan tayo ng mga propeta na makilala at madaig ang mga panlilinlang ni Satanas.
-
Ang mga naghihimagsik laban sa Diyos at aktibong nangangaral laban sa katotohanan ay daranas ng matinding kaparusahan mula sa Panginoon.
-
Ang pagsasaliksik ng mga banal na kasulatan ay makatutulong para maiwasan natin ang panlilinlang.
Kapag natukoy ng mga estudyante ang mga alituntuning nakalista sa itaas, magbigay ng follow-up question para matulungan silang maipamuhay ang mga alituntunin.
-
Paano makatutulong sa inyo ang pamumuhay ayon sa alituntuning ito?
-
Paano makatutulong na alam ninyo ang alituntuning ito para matulungan ang ibang tao?
-
Paano ninyo ipamumuhay ang alituntuning ito?
Sabihin sa mga estudyante na sagutin ang sumusunod na tanong sa kanilang scripture study journal:
-
Ano ang isang bagay na sisimulan mong gawin (o patuloy na gagawin) para mapaghandaan ang araw na may magdududa o pupuna sa pananampalataya mo?
Ibahagi ang iyong patotoo na magtatagumpay tayo sa mga humahamon sa ating pananampalataya kapag tinularan natin ang halimbawa ni Jacob na umaasa sa Panginoon.
Pagrebyu ng Aklat ni Jacob
Magkaroon ng oras na tulungan ang mga estudyante na marebyu ang aklat ni Jacob. Sabihin sa kanila na pag-isipang mabuti ang natutuhan nila mula sa aklat na ito, kapwa sa seminary at sa kanilang parsonal na pag-aaral ng banal na kasulatan. Kung kinakailangan, sabihin sa kanila na basahin nang mabilis ang pitong kabanata ng aklat ni Jacob na makatutulong para makaalala sila. Sabihin sa kanila na maghanda sa pagbabahagi ng isang bagay tungkol kay Jacob o sa kanyang mga isinulat na nagpahanga sa kanila. Maaari mong ipaalala sa kanila na si Jacob ay isinilang sa ilang sa lupaing Masagana (malapit sa Dagat na Pula) at namatay siya sa lupain ng Nephi. Siya rin ay binasbasan ni Lehi (tingnan sa 2 Nephi 2:1–4), at nakita niya ang Tagapagligtas (tingnan sa 2 Nephi 11:3). Ang kanyang kuya na si Nephi ay isinama ang ilan sa kanyang mga sermon sa maliliit na lamina (tingnan sa 2 Nephi 6–10). Pagkatapos ng sapat na oras, anyayahan ang ilang estudyante na ibahagi ang naisip at nadama nila. Maaari mong ibahagi ang iyong patotoo kung paano napagpala ng halimbawa at mga turo ni Jacob ang iyong buhay.