Mga Tulong sa Pag-aaral
Pagpapala, Pagpapalain, Pinagpala


Pagpapala, Pagpapalain, Pinagpala

Paggawad ng banal na pagtataguyod sa isang tao. Anumang bagay na nakapagdudulot ng tunay na kaligayahan, ikabubuti, o pag-unlad ay isang pagpapala.

Nababatay ang lahat ng pagpapala sa mga walang hanggang batas (D at T 130:20–21). Sapagkat nais ng Diyos na makatagpo ng kagalakan sa buhay ang kanyang mga anak (2 Ne. 2:25), siya ay nagkakaloob ng mga pagpapala sa kanila na bunga ng pagsunod nila sa kanyang mga kautusan (D at T 82:10), bilang tugon sa panalangin o ordenansa ng pagkasaserdote (D at T 19:38; 107:65–67), o sa pamamagitan ng kanyang biyaya (2 Ne. 25:23).

Isang kilalang talaan ng mga pagpapahayag tungkol sa pagpapala ang mga Lubos na Pagpapala (Mat. 5:1–12; 3 Ne. 12:1–12).

Pangkalahatan

Pagbabasbas sa mga bata